Shine Clear's POV
Masaya kaming bumalik ng Pilipinas. Agad na nagkaroon ng celebration. Nakakatuwang pagmasdan na hindi matanggal ang pagkakangiti ng mga Baider dahil walang ibang ginawa si Flair kung hindi ang biruin sila at sayawan. Mangha naman sila sa swabe nitong galaw. Nakangiti kong pinagmasdan ang mga matatanda na ngayon ay humahagalpak ng tawa dahil sa pagbibiro ni Flair.
"Shine Clear." Nakangiting lumapit si Ariya sa akin. "'Yang mapapang-asawa mo masayahin. Nahahawa ang lahat sa kaniya."
"Ganyan po talaga 'yan."
"Mabuhay ka ng maligay, okay?" Hinaplos ni Ariya ang buhok ko. "Alagaan mong mabuti ang pamilya natin."
Bakit pakiramdam ko nagbibilin siya?
"Opo. palagi ko pong gagawin 'yon."
Bago siya umalis ay hinalikan niya muna ako sa pisngi at niyakap nang mahigpit. Pinanood ko ang paglapit niya kay Taxon, Diamond at Kil. Katulad ko ay may sinabi rin siya dito at hinalikan din sila.
Ang ingay nang magdatingan ang mga kaibigan namin pati ang mga Suarez.
"Princess!" Tawag sa akin ng tatlo kong kuya. Mabilis nila akong niyakap at ginulo ang buhok.
"Na-miss ka namin. Dito ka nalang palagi sa mga Baider hindi ka umuuwi sa bahay." sabi ni Kuya Zeke.
"Uuwi ako doon. Next week."
"Ihahanda ko na ba ang speaker? " biro ni Kuya Zaimon.
"Ihanda mo na at ihahanda ko na rin ang kamay ko panghampas saiyo, z3!"
"Sungit ng prinsesa natin." Umakbay si Kuya Zen sa akin. "Mauuna ka pang ikasal sa amin"
Nagtawanan silang tatlo.
"Get your babe kasi mga kuya" Tinuro ko si Diamond. "She's single"
Iling agad silang tatlo.
"May Ariela na ako," sabi ni kuya Zeke.
"Masyadong maganda," sabi ni kuya Zaimon.
"She's young," sabi naman ni Kuya Zen.
"Ang pihikan niyo kaya hindi kayo nakakakita ng babae, eh."
"Why? I'm okay when I'm single. Sakit lang sa ulo," sabi ni Kuya Zen.
"Ako naman wala, lahat ng nagugustuhan ko taken. " natawa naman ako kay Kuya Zaimon.
Lumipas ang mga oras at naglalaro na ang karamihan sa pool. Lumapit si Flair sa akin may hawak pang baso ng alak. Amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya.
"You drunk," sabi ko sa kaniya.
Hinapit niya ang baiwang ko. "Yeah."
Tiningnan ko ang mata niya ang pungay na.
"Matulog ka na. Look at your eyes."
"Baby, I'm okay." Ngumiti siya. "I'm just happy"
"Ya, I know, but you need to rest. Kakabalik lang natin pagod ka pa."
Tiningnan ko ang mga sugat niya na fresh pa.
"Is it hurt?" dinampian ko ang sugat niya sa pisngi.
"Yeah, a 'lil bit."
Umakbay si Kean at Rev kay Flair.
"May isusumbong ako." Ngumisi sa akin si Rev kaya pinandilatan ko siya.
"What's that?" tanong ni Flair at tinanggal ang kamay nila.
"Nanlalaki siya." Tinuro ako ni Rev kaya naman napanganga si Flair bago tumawa.
"Patawa ka talaga, Rev. "
"Kasama niya si Nel Jan noong isang araw," nakangisi pa ring sabi ni Rev.
"Lagot," sabi naman ni Kean na iwinagayway pa sa akin ang hintuturo.
Ewan, mga baliw!
Napanganga si Flair at pinaningkitan ako ng mata.
"Ya, kasama ko. Kaibigan ko na," paliwanag ko agad.
"Kaibigan kaya pala hinil--" Tinakpan ko ang bibig ni Rev.
Ang daldal ng siraulong ito. Sisipain ko 'to, eh. Tinapalan ko ng salad ang bunganga ni Rev.
"Explain." Matalim akong tiningnan ni Flair.
Seloso pa naman ang isang ito. Hinapit niya ako at inilapit ang mukha. Lasing na lasing na ito pero mukha pa ring matino.
"We're friends. Birthday niya last time inimbita ako kaya pumunta ako. Promise, okay na si Nel, at saka kaibigan niya na rin sila Rev."
Tiningnan ni Flair si Rev nang masama kaya napalunok ito.
"Preng Kean, tara swimming." Iyon nalang ang nasabi ni Rev at hinila na si Kean kahit pa gusto nitong magsalita.
"Okay.. next week or next month wife na kita kaya wala naman na magagawa ang lalaking 'yon." sinserong sabi ni Flair at pinagdikit pa ang noo namin.
"Ayiee!" napatingin kami sa impit na tili ni Carme.
Yumakap ang mga best friends ko sa akin. Nakangiti at masayang-masaya sila.
Tumunog ang phone ni Clench kaya tumalikod siya pero narinig ko ang 'babe' na sinabi niya.
May girlfriend na siya!
Umupo nalang ulit ako at pinagmasdan ang lahat na nagkakasiyahan. Si Flair ay nakatitig lang sa mukha ko at nakasalong baba. Inaantok na at naghahakay.
"Let's sleep," yaya ko sa kaniya.
"Later."
"Inaantok ka na nga."
"Papalipas lang ako ng lasing. Magkatabi nanaman tayo matulog."
Pinagkunutan ko siya ng kilay.
Sinasabi nito?
Hinayaan ko nalang siya. Halos makatulog na siya sa lamesa ng nakayuko.
"Baby.." hinila ko siya patayo. "Sa kwarto ka na matulog."
Pupungay-pungay niya akong tiningnan. "Tara."
Nagpaalam kami sa kanila. Nagkakagulo pa rin sila at kung anu-ano ang trip sa buhay. Si Rev at Kean nagpapaunahan lumangoy. Sila Carme ay taga-cheer. Nahagip ng mata ko si Kil na nakatingin kay Arah. Sarap niyang itulak at sabihing torpe o manhid. Si Taxon ay nagtitipa sa phone. Si Diamond ay as usual, nagpapa-sexy nanaman. Ang tatlo kong kuya ay masayang nagkwe-kwentuhan. Ang matatandang Baider ay nagtatawanan din.
Iniwan namin sila sa ganoong sitwasyon. Paakyat kami ng hagdan nang lumagabog si Flair at gumulong sa hagdan.
Lasing na talaga!
Buti tatlong baitang palang.
"Baby.." inalalayan ko siya patayo at hindi na binitawan pa dahil sa kalasingan niya.
"Ang dami mo sigurong nainom."
Inihiga ko siya sa kama. Nakangiti siyang nakatitig lang sa mukha ko.
"Ganda mo."
"Alam ko."
Pupunta sana ako sa banyo pero hinila niya ako pahiga. Nang tingnan ko siya ay nakapikit na ang mga mata. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya. Nilaro ko ang tungki ng ilong niya.
"Why are you so perfect?"
"Hmm." Iyon nalang ang naisagot niya. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa baiwang ko. Hinigpitan ko rin ang kapit sa baiwang niya.
Kumuha ako ng basang towel at ipinunas sa buong mukha niya.
"Bakit ba nagpakalasing ka? Wala ka bang balak pumasok sa trabaho bukas?"
"I'll take a rest, cherish."
Gising pa pala siya. Nang magmulat siya ng mata ay nagtama ang tingin namin.
"Pwede ba'ng mauna ang honeymoon?"
Nahampas ko siya nang todo sa sinabi niya.
"Jokings! Don't create noise baby I'm sleepy," sabi niya at pinikit ulit ang mata.
"Ikaw ang maingay diyan."
Humiga nalang ulit ako sa tabi niya. Niyakap niya ako nang sobrang higpit. Natulog kami nang mahimbing.
Nasa banyo si Flair nang magising ako kaya sinundan ko siya. Nagto-toothbrush. Pumasok ako sa loob ng shirt niya at yumakap.
"Good morning," malambing kong bati.
"Good morning. Ano nanaman trip mo?"
Lalo akong sumiksik sa loob ng shirt niya at pumunta sa harapan. Inilabas ko ang ulo ko sa rounded neck.
"" tawa ako nang tawa dahil hindi siya makapag-toothbrush nang maayos.
Hindi ako umalis sa pagkakayakap sa kaniya. Gano'n ko siguro siya ka-miss.
"Baby, mag-ayos ka na ng sarili. We're going down. I have a headache."
Lumabas na ako at nagsimulang mag-toothbrush. Siya naman ang nangulit at yumakap sa likod ko.
"Hmm," inamoy niya ang batok ko. Napakislot ako dahil sa kiliti.
"Hey!" saway ko sa kaniya. Ngiti lang ang itinugon niya.
Lumabas kaming dalawa ng kwarto. Nakita namin si Taxon na nakaupo sa lamesa hawak ang noo.
"Sakit din ulo mo, 'no?" tanong ko at umakbay sa kaniya.
"Yeah."
Kumuha ako ng egg at luya. Nilaga ko 'yon, good for hang over.
"What's that?" sabay na tanong nila.
"Kainin niyo nalang at higupin ang sabaw."
Masuka-suka silang dalawa pero hindi pumalag sa akin. Pinipigilan ko ang tumawa.
Masustansya kaya 'yon!
"Fuck! The taste is like a herbal, ang anghang pa." Lukot ang mukhang sabi ni Taxon pero ininom din naman.
"Lasang ewan," sabi naman ni Flair.
"Masarap kaya! Ubusin niyo 'yan."
Nanlaki ang mata nilang dalawa. Akmang tatayo pero pinigilan ko at pinandilatan.
"Torture.. Shut!" Walang nagawa si Flair kung hindi higupin ang sabaw. Matunog naman ang buntong hininga ni Taxon.
Nawala agad ang sakit ng ulo nila kaya parang baliw na nag-thumbs up sa akin.
Tumambay nalang kami sa veranda para magpahangin. Nandito rin si Kil at Diamond. Sinasabunutan ni Diamond si Kil sa hindi ko alam na dahilan.
"Stop that!" Saway ni Taxon at matalim silang tiningnan kaya tumigil.
Masama ang tingin ni Diamond habang si Kil ay tumatawa.
"Baby, did you watch my video?" Nakangiting inilagay ni Flair ang kamay sa baiwang ko.
"Oo." Itinaas ko ang singsing ko at sinilip ang nakasulat.
The Unexpected Love of JavElle..
"Nagustuhan mo?"
"Ya.. ang corny ng video."
"Kinilig ka naman," ngumisi siya.
"Ya," yumakap ako sa kaniya. "Miss na miss kita alam mo ba 'yon?"
"Paano ko malalaman hindi nga tayo nagkikita?" Sarkastiko niyang sabi kaya hinampas ko.
"Jokings! Miss na miss din kita hindi ako nakatulog nang maayos" humalik siya sa noo ko. "Kagabi na ang pinakamahabang tulog ko."
"When is the wedding?" bigla ay tanong ni Taxon.
"Next week." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Flair. Hindi niya naman sinabi sa akin.
"By the way, okay na daw ang venue," singit ni Kil.
"Seriously? Wala ba kayong balak sabihin sa akin?"
"Meron," sabay pa sila.
Sinamaan ko ng tingin si Flair.
Ikakasal ako ng hindi ko alam?
"Cherish.. maayos na ang lahat araw nalang ang hinihintay natin."
Napangiti ako. "Excited na ako!"
"I will love you forever," humalik siya sa noo ko.
"I will treasure you faithfully," humalik siya sa pisngi ko.
"I will be your companion day and night, sad or happy, hardship and comfort." Humalik siya sa labi ko. Kahit nakatingin sila Taxon sa amin. Nakita kong nakangiti naman sila.
"You're my SHINE in the dark, and you're the CLEAR that I want to hold permanently." Sa sobrang sinsero noon ay halos pangiliran ako ng luha.
"Trust my love for you. It will last for the rest of our life."