Javen Flair’s POV
Pinigilan ko ang magsalita. Tinotopak siya mamaya tumakbo siya at madapa.
"Lumipat ka nalang ng clinic. Gusto mo rin kung nasaan siya, eh, 'no?" Pinaningkitan niya ako ng mata.
Bihira siyang magselos kay Marie lang talaga.
"Nope, cherish."
"Ang tipid mo magsalita!" Akmang tatayo na nga siya kaya niyakap ko nalang.
"Ano bang kinakaselos mo? Buntis ka na nga, eh, bakit ka pa nagagalit?" Mahinahon kong sabi sa kaniya.
Hindi na siya nagsalita. Nakanguso nalang siya. Itinayo ko na siya at naglakad na pabalik. Parehas namin nilingon ang bilog na buwan.
Nagkakagulo sila nang umupo kami sa bilog na inuupuan nila. Nagkakantahan at nag-iinuman.
Bilog nanaman ang buwan
By: Tropical Depression
Napahagalpak ako ng tawa nang marinig kung ano ang kinakanta ni Rev. Maloko pa siyang sumasayaw. Isang lumang awitin na sa tingin ko ay bumabagay sa kalokohan niya.
Bilog na naman ang buwan
Ilabas nyo na ang kalokohan
'Wag nyo ng pipigilan pa
ang toyo nyo'y lalabas din lamang
Kinuha niya ang bote ng toyo at binuksan. Malakas ang tawa niya nang iwasiwas ang toyo kaya naligo sila sa toyo. Nang humarap siya sa akin ay sinamaan ko siya ng tingin kaya umiwas agad. Alam niya namang bawal makipagkulitan ang asawa ko.
Hinaplos ng malokong si Rev ang curves niya kaya ang lakas ng tawanan namin. Maya-maya pa ay nakisayaw na sa kaniya sila Kean at Carme. Si Kil kasi ang may hawak ng gitara pero si Rev ang kumakanta habang sumasayaw. Akmang makikisayaw din ang babaeng over melanin pero isang tingin ko lang naupo siya ulit. Mangungulit pa alam niya naman ang kalagayan niya.
Bilog na naman ang buwan
"Buwan ng ka-bilugan nang ka-bilugan ng buwan," second voice pa ng mga loko-loko.
Ilabas nyo na ang kalokohan
"'Wag n'yo ng pigilan baka sumakit ang tiyan." Second voice nanaman nila.
Si Taxon ay nakangiti pero umiiling-iling. Si Lance ay nakangiting pinapanood si Carme. Ang mga bata ay nasa itaas, si Yannie nanaman ang bantay. Siraulo talagang Kean hindi man lang samahan ang asawa. Makainom lang at makapagsaya.
'Wag nyo ng pipigilan pa
"Sige na.. sige pa.. sige na
ang toyo n'yo'y lalabas din lamang." Kanta nanaman ng mga baliw.
Pinanood ko ang malakas na pagtawa ni Zeal. Pumapalakpak pa siya habang pinapanood sila na parang mga ewan kung sumayaw. Tumayo na rin si Clench at hinila si Rozel. Ang dami na nilang sumasayaw.
Ulit-ulit lang naman ang kanta nila pero hindi na natapos. Kung hindi buntis si Zeal baka nakipagsik-sikan na rin kami sa kanila. Nagtutulakan sila sa gitna. Hindi alintana ang amoy ng toyo na kanina ay ipinaligo ni Rev sa kanila. Lumakas ang tawa ko nang kunin ni Kean ang bote ng datu-puti na suka.
"Wooooh!!" Iwinasiwas niya ang laman no'n sa lahat.
Napatayo tuloy ako at hinila si Zeal. Ang asim ng amoy. Galit na galit si Taxon nang malagyan ang damit. Maging si Diamond ay pikon rin. Ang lakas nang tawanan.
"Ang asim! ." Imbes na magalit ay tumawa pa si Rev.
Nag-aamuyan pa sila na parang mga baliw na ewan. Puro mga kalokohan talaga. Kung ano nalang ang maipaligo. Matapos ng kanta ay nagsipagtakbuhan sila sa dagat.
Nakita kong malungkot si Zeal habang nanonood.
"Don't be sad. Alam mo namang buntis ka hindi ka pwedeng makipagkulitan sa mga 'yon."
Umakbay nalang ako sa kaniya.
"Nakakainggit sila."
"Pagka-anak mo makipag-rambulan ka sa kanila pwede na."
"Matagal pa 'yon." Tumayo siya kaya sinundan ko. "Buntot na talaga kita. Ididikit na kita sa pwet ko, eh."
"ha" natawa ako sa kaniya.
Kumuha siya ng hotdog na inihaw. Lumapit si Clench at inabutan siya ng pinya.
"Dapat hindi ka gaano kumakain ng mga pagkaing may preservatives." Sermon niya kay Zeal.
Pinanood ko lang ang paghahanap niya pa ng makakain. Naka-alalay lang ako palagi sa kaniya. Para siyang batang munti na anumang oras ay matutumba.
"Kumusta? Nahihirapan ka?" Tanong ni Kean kay Zeal. Hinayaan ko lang sila magkwentuhan.
"Oo, eh, kaya tingnan mo 'yan." Tinuro ako ni Zeal. "Pati pagtae ko nasa tabi ko " pinagtawanan ako ng dalawa.
Loko-loko!
"Grabe naman pala si Jave. Hayaan mo na kailangan, eh, kung ako rin nam--" binato ko si Kean ng takip ng beer.
Inaasar niya nanaman ako sa pagiging ex niya.
Parang hindi naman? OA lang yata ako?
Tumawa si Kean. "Seloso niya. Masiyadong insecure sa kagwapuhan ko." Inilagay niya pa ang kamay sa baba habang nakangisi sa akin.
Sunod naman na lumapit kay Zeal ay si Taxon. Binigyan siya ng sumbrero at jacket dahil mahamog na daw. Ang sweet naman ng mga lalaki ni Zeal sa buhay. Lahat nalang inaalagaan siya.
Tsk.
Kahit sa pinsan selos ka, Jave?
Lumapit si Zeal sa akin at umupo sa hita ko habang umiinom ng juice. Niyakap ko ang baiwang niya. Kinuha niya ang inihaw na bangus at pinapak 'yon. Wala siyang cravings pero matakaw siya kahit ano kinakain niya.
"Busog ka na?" Nakangiti niyang hinaplos ang tiyan niya. "Ako gutom pa ." Nakangiti ko lang siyang pinanood.
Tumayo nanaman siya at naghanap ng makakain. Huminto ang mata niya sa adobong baboy. Kumakanta-kanta pa siya habang kumukuha ng plato. Lumapit na ako at ako na ang naglagay ng kanin at ulam niya. Masigla siyang kumain.
Hindi naman siya nag-iinarte tulad ng ibang buntis. Maselan lang talaga ang lagay niya. Nilagyan ko ng tubig ang baso niya. Bawat subo niya ay pinapanood ko. Sinusubuan niya rin ako.
She's cute.
Sa hindi kalayuan ay nahagip ng mata ko si Kil parang ang lalim ng iniisip. Nakatingala siya sa langit at tila ba may iniindang sakit.
Si Diamond ay inom nang inom. Mag-isa nalang siya sa lamesa na nasa labas at tumutungga.
Kung anuman ang pinagdadaanan ng mga Baider na ito malalampasan niyo rin 'yan tulad namin ni Zeal.
"Yes, Vinea? Yeah. Sige uuwi ako bukas." Rinig kong kausap ni Taxon sa phone si Vinea.
Ang mga lokong si Rev at Kean ay nagpapa-unahang tumakbo. Gawain nilang dalawa 'yon. Ewan ko ba diyan sa dalawang 'yan kahit nga dati noong bata pa kami nagpapataasan ng ihi sa pader. Nadadamay ako palagi. Ang masaklap pa, pader na may malapit sa pool ang iniihian namin kaya naman galit na galit ang daddy ni Kean noon sa amin. Tatakbo nalang kami pataas at magkukulong sa kwarto. Walang kasing saya ang maging kaibigan sila.
Pres are pres...
Kaya siguro sa lahat ng bagay kaming tatlo ang magkakampi.
Binalik ko ang tingin kay Zeal na ngayon ay lobo na ang pisngi sa kakanguya niya.
"Water, please." Ibinigay niya sa akin ang baso. Nakangiti ko 'yong nilagyan ng tubig.
"Impakto?"
"Yes, cherish?"
"Thank you for taking care of us."
"No welcome. This is my love for the both of you."
I kissed her on the forehead.