Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 24

Javen Flair's POV

Inis kong tiningnan ang pinto ng banyo. Naliligo siya at kumakanta pa. Nagmartsa ako at kinatok siya.

"I told you to wake me up! Paano kung madulas ka nanaman diyan?!" Asik ko sa kaniya sa loob.

Binuksan niya ang pinto naka-towel na. Nginitian niya lang ako at nilampasan.

"Ang kulit mo talaga!" Padarag akong umupo sa kama.

"What do you want pati pagligo ko pinapanood mo ako?" Sarkastiko niyang sabi.

"Oo! Minsan ka na ngang nadulas, eh!" Masama ko siyang tiningnan.

"I'm okay, look." Umikot pa siya sa harapan ko.

Kumuha siya ng lotion at ipinatong ang hita sa mismong harapan ko, sa hita ko. Mariin akong napapikit nang may makita ako.

Shut! Here we go again! Seducing me!

Inis akong tumalikod kaya natawa siya.

"Flair.." malandi niyang tawag sa akin. "Can you put me a lotion?"

Hindi pa nakontento at hinarap pa ako sa kaniya. Kinagat ko ang labi ko nang makita ko ang hita niya. Kung pwede lang iwan ito ngayon na, kaso ang kulit mamaya magtatalon, sumayaw o kung ano pa ang gawin niya.

Kinuha ko nalang ang lotion na inaabot niya at nilagyan siya. Ayaw kong itaas ang kamay pero hinawakan niya ang kamay ko at tinataas hanggang hita niya. Napailing nalang ako. Nilalandi nanaman niya ako.

Ano bang gusto nito sa buhay? Buntis na nga, eh!

Nanlaki ang mata ko nang tanggalin niya ang towel. Tumambad sa harapan ko ang katawan niya.

Talaga naman oo!

Inis akong tumayo para kunin ang towel at ipulupot sa kaniya. 'Ayon ang malakas na tawa niya. Trip niya ang inisin ako.

Porke buntis? Gawin mo 'to sa akin kapag hindi ka na buntis tingnan natin.

Bad, Jave.

Kumuha ako ng damit niya at ako na ang nagbihis sa kaniya. Hindi natapos ang kalandian niya. Nilalaro niya ang short ko. Ibinababa niya pilit kong pinipigilan.

"Zeal!" Saway ko sa kaniya. Tinawanan lang ako.

Yumakap siya sa akin at naglambing. "Nagugutom na ako."

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila na palabas. Nakita ko na sila na isa-isang pumupunta sa hapag kainan. Inalalayan ko si Zeal paupo.

Napalingon kami kay Taxon na nagmamadaling bumaba. "Aalis na ako. Babalik ng Makati."

"Why?" Tanong ni Zeal.

"Vinea. Bye, guys."

Umalis na si Taxon.

"May nakarating sa aking balita na ikakasal si Vinea pero bakit si Taxon umaasa pa rin?" sabi ni Carme.

Chismosa talaga.

"They're best friend walang masama kung kailanganin siya ni Vinea." Sagot ni Zeal.

Nagpalaman ako ng tinapay. Peanut butter ang palaman.

Nilagay ko ang tinapay sa plato ni Zeal, kinagat niya naman agad.

"Let's not talk about them." Mataray na sabi ni Diamond.

Tahimik kaming kumain. Naiba ang atmosphere, siguro ay naaawa rin sila kay Taxon pero malay mo naman isang araw magbago ang ikot ng mundo. Mahalin rin siya ni Vinea. Walang masama na umasa kahit walang kasiguraduhan.

Tinahak namin ang daan papunta sa Labo, Camarines Norte para manood ng busig-on Festival. Traffic na dahil sa street dancing. Itinabi namin ang kotse at bumaba. Nagtatalon si Zeal kaya hinapit ko agad sa baiwang.

"I told you not to jump!" Asik ko sa kaniya.

"Jave, mas masungit ka pa kaysa sa asawa mo baka nakakalimutan mo siya ang buntis hindi ikaw ." Umepal nanaman si Rev. Hindi ko nalang siya sinagot.

Ang daming tao kaya todo kapit ako kay Zeal kasi baka matabig at madapa. Sinilip ko ang mga nagsasayaw. Kung anu-anong recycled material ang ginawa nila para maging isang costume. Ang iba ay gawa sa dahon ng pinya. Ang iba ay mga plastic cups, ang iba ay tambo ang damit, iba't ibang mga natural resources ang gamit ng costume nila.

Pumapalakpak si Zeal habang masayang nanonood. Nawili kami sa tugtog ng tambol. Sinundan namin ang nagsasayaw hanggang marating namin ang mismong bayan. Ang daming nagtitinda ng kung anu-ano.

Napatingin si Zeal sa nagtitinda ng bracelet na pwede mong palagyan ng pangalan. Lumapit kami doon agad. Namili siya ng bracelet.

"Ito po." Nakangiti niyang inabot ang napili niya sa tindero.

"Ano pong ilalagay na pangalan?"

Kumuha pa siya ng isa pa at inabot din. "JavElle."

Nagsulat ang tindero sa maliit na square na kulay black sa bracelet. Simple lang iyon, kulay itim parehas.

Kinabahan ako nang mapangiwi siya at humawak sa puson niya.

"Why? Anong masakit? Tatawagan ko si Kuya Zen." Nagmadali akong kinuha ang phone pero pinigilan niya ako.

"Okay lang ako. Kumirot lang ng kaunti."

"Sure?"

"Ya."

Inabot sa amin ng tindero ang bracelet. Nakangiti 'yong isinuot sa akin ni Zeal at ang isa ay sa kaniya. Matapos bayaran ay naglakad ulit kami. Kasunod namin ang mga kaibigan namin.

Nasapo ko ang noo nang makita niya ang street foods. Tumakbo siya agad kaya takot na takot akong hinabol siya.

"Ano ba, cherish, bawal nga saiyo ang tumakbo, 'diba?"

"Sorry."

Nagpaluto agad siya ng maraming kwek-kwek. Kahit sisiw ay hindi niya pinalampas. Halos mapaso na siya dahil bagong luto kinain niya kaagad.

"Ah!" Sabi niya habang pinapaypayan ang bibig. Tinawanan ko siya.

"Katakawan mo kasi."

Hindi siya nagpapigil kahit napapaso na ay sumusubo pa rin.

Kumuha nalang ako ng juice at ibinigay sa kaniya. Ininom niya iyon ng walang hinto hanggang maubos niya. Dumighay pa siya kaya natawa ako.

Ewan ko ba sayang-saya akong panoorin ang over melanin ko. Nadadagdagan pa ang saya kapag napapasulyap ako sa tiyan niya.

I'm going to be dad.

Pinanood lang namin ang mga sumasayaw sa gitna ng kalsada. Pagkatapos noon ay isang maingay na tunog ang narinig namin. Mga tricycle na ang kasunod ng sayaw. Pumasok kami sa loob ng park. Patakbo nanaman sana si Zeal nang makita ang cotton candy. Inis kong hinawakan siya.

"Ang kulit mo talaga. Hindi ka na mapagsabihan. Maawa ka naman sa anak mo."

"Sorry."

Sorry nanaman? Shut!

Hindi siya nagpaawat. Pinuntahan niya ang nagtitinda ng cotton candy. Binilhan niya ang lahat. Nainis ako nang iabot niya kay Kean ang isa habang malapad ang pagkakangiti.

"Mr. Handsome." Sabi pa niya.

Edi wow!

"Thanks, beautiful." Inasar ako ni Kean nang kindatan niya si Zeal kaya binatukan ko.

Binigyan niya rin ako ng cotton candy kahit ayaw ko dahil matamis kinuha ko nalang at kinain. Nakakatawa pa dahil meron na nga siya kinakagat niya pa ang akin. Hinayaan ko lang siya kung ano ang gusto niya. Hindi na natapos ang kakakain niya. Bumili pa siya ng mango shake.

Pumasok kami sa loob ng plaza. May contest sa pagkanta kaya nanood kami. Nagkakagulo ang mga tao tuwing mataas ang kinakanta ng contestant. Ang babaeng nasa tabi ko naman ay hindi na natapos kakanguya. Bumili kasi siya ng suman. Specialty daw ng mga bicolano, suman na gawa sa cassava. Ang lagkit na ng kamay niya kaya paulit-ulit kong pinupunasan.

Masasabi kong tumataba nga siya. Lumapit pa si Clench at binigyan siya ng banana que. Tuwang-tuwa ang over melanin. Napakamot nalang ako sa ulo ko. Paano ba naman kasi kapag hindi niya nauubos isinusubo niya sa akin kaya pati ako nabubusog.

Nadaanan namin ang mga taong nagkakagulo dahil may libreng videoke. Gusto pang makisiksik doon ni Zeal pero hinila ko na.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may tumatakbo. Nahawi niya si Zeal kaya agad ko siyang sinambot.

Shut! Salvage ko kaya ang lalaking ito! Badtrip!

"Miss, 'wag kang paharang-harang!"

Siya pa ang galit?

Kunot noo akong pumwesto sa unahan ni Zeal at inis na inis.

"Kung natumba ang asawa ko.. you will never see the next morning." Banta ko sa kaniya.

Ang yabang ng lalaki nakipagtitigan pa sa akin nang masama. Pumwesto si Kean at Rev sa tig kabila ko.

"Mayabang ka kasi may kasama ka! Dayo ka lang naman!" Asik ng lalaki.

Umiling nalang ako. "Tara na." Yaya ko sa kanila pero gulat ako nang tumama ang kamao ng lalaki sa ilong ko.

Shut! Ang matangos kong ilong!

Susugod na sana ako pero pinigilan ako ni Kean.

"Do'n ka sa asawa mo. Kami na." Sabi ni Kean.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.