Nagkagulo na nga. Si Kean lang ang lumaban dahil mag-isa lang din naman ang lalaki. Itinago ko si Zeal sa likod ko. Nalintikan na nang magtawag ang lalaki ng kasama. Ayaw ko sana makipag-away dahil itong babaeng ito siguradong makikisawsaw.
Lumapit ako at pinahinto sila.
"Tama na, okay? Aalis na kami." Pigil ko ang inis.
Pero sadyang mayayabang sila dahil ang dami. Sumugod agad sila. Wala akong nagawa kung hindi ang lumaban din. Tinulak ko si Rev na hawakan si Zeal dahil mamaya magulat ako nakikipagsuntukan na rin 'yan.
Sinugod ako ng isa, tumama agad sa mukha niya ang kamao ko. Ang hihina naman nila dahil isang tama lang tumutumba na. Mga bata rin ang mga ito pero bakit ganito kayabang?
May nagpito kaya tumigil kami. Dinala kami sa brgy. hall nila. Kinausap kami ng brgy. Captain.
"Shine?" Gulat na sabi ng kapitan. Pinagtutuktukan niya sa ulo ang grupo ng mga kabataan. "Bakit niyo ginalaw ang Baider? Hindi niyo ba alam na ang plaza kaya naging maganda ay dahil sa kanila? Sila rin ang nagpagawa ng kalsada. Susmiyo kayong mga bata kayo! Kapag kayo pinakulong niyan 'di na kayo makakalabas pa!"
"Pasensya na kayo hindi na ito mauulit." Paghingi ng despensa ng kapitan.
"Okay lang po 'yon." Tumayo si Zeal at nagulat ako nang paghahampasin niya isa-isa sa braso ang mga binatilyo at nahinto siya sa nakabangga sa kaniya kanina.
"Kung nalaglag ang anak ko sinasabi ko saiyo masama akong magalit."
Nangatog ang binatilyo. "S-sorry."
"Basta 'wag mo na uulitin."
Umalis na rin kami kaagad. Akalain mong mapapaaway ka pa sa festival. Hindi na talaga malayo sa gulo ang buhay namin.
Tinahak namin ulit ang daan papunta sa mansyon. Pare-parehas kaming nawala sa mood dahil sa gulo. Imbes na masaya naging ganito pa.
"Cherish, are you okay?" Malambing kong tanong sa kaniya. Tumango naman siya.
Pinatugtog niya ang player at nag-headbang.
"Kumusta ang festival?" Bungad ni Mang Arnel.
"Okay naman po." Si Zeal ang sumagot. Dumiretso agad siya sa kusina. Hinihimas-himas ang tiyan niya. "Nagugutom nanaman ako."
"Ano bang gusto mong kainin?"
"Kahit ano."
Kumuha ako ng okra sa loob.
"Bakit gulay? Sawa na ako." Nakanguso siya at umupo sa harap ko.
"Kailangan ni baby."
"Okay."
Inisteam ko lang ang okra. Kumuha rin ako ng talong. Nagtortang talong ako. Natuwa siya.
Inihain ko iyon sa kaniya.
"Pwede ako kumain ng ice cream?"
"Yeah. Pagkatapos mo kainin 'yan."
Ang bilis niyang kumain. Bumubukol pa sa pisngi niya. Tinawag ko sila at kumain na rin.
"Tada!" Ipinakita ni Clench ang nilagang mais kay Zeal.
Tumayo naman agad ang over melanin at kinuha. Pinigilan kong tumalon siya.
Minsan nakakainggit si Clench. Alam niya talaga kung ano ang gusto ni Zeal. Magugulat nalang ako may dala siyang pagkain para dito.
Nang matapos naming kumain iniupo ako ni Zeal sa sofa. Dinampian niya ng bulak ang ilong ko. Hindi ko napansin na nasugat pala iyon kaya inis na inis kong tiningnan sa salamin.
"Ang matangos kong ilong!" Asik ko na tinawanan naman nila.
Nakita kong naghahakay na si Zeal kaya niyaya ko na siya paakyat kahit maaga pa. Inihiga ko siya sa kama. Nakatulog siya kaagad kaya bumaba na ako.
"Masaya ba mag-alaga ng asawa?" Nakangiting tanong ni Kean.
"Oo naman. Kahit nakakairita ang kakulitan niya."
" mas makulit si Carme no'ng buntis siya." Nagugulat kong tiningnan si Lance. Himalang tumatawa siya.
Kinuha ko at kinarga ang anak nila.
Si Lane Glace Dawson.
Cute na cute ako sa anak nila ni Carme kaya isinayaw-sayaw ko pa iyon. Tumawa naman ang bata. Hindi pa makapagsalita ang bata kaya pangiti-ngiti lang siya at patawa-tawa.
"Ang cute ng baby." Iwinagayway ko pa siya habang karga.
Kinuha agad ni Carme. "Baka kung ano ang ituro mo."
"Anong ituturo ko naman? ."
"Kalokohan."
Pinagtawanan naman nila ako. Pumasok ako ng kusina at kumuha ng tubig. Nae-excite ako sa anak namin ni Zeal kahit matagal pa bago siya manganak.
Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko.
Marie calling...
Ano namang kailangan nito?
"Hi, Jave!" Masigla niyang bati.
"Bakit ka napatawag?"
"I'm just.. miss you."
Natigilan ako. Mapapatay ako ni Zeal kapag nalaman niyang tumatawag ito at 'yon pa ang sinabi.
"I'm busy. Bye."
Pinatay ko na agad. Wala naman mahalagang kailangan tumatawag pa.
"Who's that?" Tanong ni Kean.
"Si Marie."
"Hindi ka pa rin ba tinitigilan ng babaeng 'yan?"
"Wala naman siyang ginagawa."
"Kapag nalaman ni Elle magagalit siya."
"Hey, pre, chill. Wala siyang ginagawa tumawag lang 'yon lang 'yon."
Pinagkunutan ako ng noo ni Kean. "May gusto siya saiyo. Can't you see?"
"Wait, pre, wala naman akong gusto sa kaniya."
Sinamaan ako ng tingin ni Kean. "Malandi ang babaeng 'yan. Layuan mo dahil sinasabi ko saiyo makakasira siya sa relasyon niyo."
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko itatangging naiilang nga ako sa presensya ni Marie pero pinipilit ko na lang pakisamahan dahil katrabaho ko.
"Pre, payong pre lang."
Tinalikuran ako ni Kean.
Bakit ba ayaw nila sa presensya ni Marie?
Okay naman siya at saka pinipilit ko namang iwasan kasi dikit nang dikit sa akin. Hindi ko naman pinapansin.
I don't like her and I have a wife so there's no thing that can make us ruin. As if naman na ipagpapalit ko sa babaeng 'yon ang asawa ko.
Nakatanggap ako ng message kaya binuksan ko.
From: Marie
I love you, Jave.
Shut!