Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 26

Javen Flair's POV

Yumakap ako sa likod ni Zeal nang makita siya sa veranda. Umalis na ang mga loko dahil may mga trabaho. Kami nalang dalawa ang naiwan. Mukha ng haunted itong mansyon sa laki. Pumupunta lang dito ang mga tauhan nila kapag ipagluluto kami ng pagkain o kailangan namin pero madalas hindi na namin pinapapunta para makapagpahinga sila. Araw-araw din naman na may naglilinis pero pinapauwi din namin para naman makasama nila ang pamilya nila.

"Baby, can we ride a boat?" Itinuro ni Zeal ang bangka.

"Okay."

Lumabas kami ng mansyon. Nirentahan namin ang bangka. Pinanood ko lang ang mga ngiti ni Zeal habang pasakay ng bangka. Umupo agad siya sa tabi ko at siniksik ako.

Nang umandar iyon. Pinasadahan namin ng tingin ang dagat. Maganda pala kahit hanggang sa pinakadulo. Nakakatakot nga lang dahil baka tumaob. Kinuhaan ko ng picture ang naka-side view na mukha ni Zeal, nililipad ang buhok at nakangiti.

I can't help myself, but to stare at her beautiful face.

"Wow!" Parehas kaming namangha nang makita ang sama-samang malilit na isda na sa linis ng tubig ay kitang-kita.

Inalalayan ko siya para maabot ng kamay niya ang tubig.

"Ang ganda!" Imbes na sa isda ako tumingin ay mas natulala pa ako sa ngiti niya.

"Yeah, ang ganda nga." Sabi ko habang nakatingin sa mukha niya.

Napabalik lang ang tingin ko sa isda nang humarap siya at nagtama ang nga mata namin. Para akong nailang sa lapit ng mukha naming dalawa.

Dug.dug.dug.

My heart still beats for her the same way when the first time I saw her. I fall in love with her every single day. That's how crazy I am.

Imagine that we are going to have a child, pero ganito pa rin ako sa kaniya.

"Look, Flair! Ang cute!" Turo niya ang isdang mahaba ang bibig na hindi ko alam kung ano 'yon.

Ginaya niya pa ang isda, pinahaba niya ang bibig kaya tinawanan ko siya.

Ang sarap ng hangin. Patuloy lang sa pag-andar ang bangka. Nawili nga talaga kami sa ganda ng lugar, sa linaw ng tubig at sa yamang ipinapakita nito.

Napatitig ako kay Zeal nang hawakan niya ang pisngi ko at ngumiti sa akin.

Shut! Ang ganda niya, sobrang ganda niya!

Nahirapan tuloy akong pigilan ang sarili na mahalikan siya.

"You're perfect.." 'ayon nanaman ang linya niya na may kuryenteng dulot sa buong katawan ko.

Kahit siguro ilang milyong taon ang lumipas in love pa rin ako sa kaniya.

First and last nga daw.

Hinaplos niya ang noo, tungki ng ilong hanggang sa labi ko. Napapikit ako sa sarap no'n sa pakiramdam.

"Hanggang ngayon baliw ka pa rin sa akin." Maloko kong sabi.

"Ikaw 'yon, impakto." Ipinulupot niya ang kamay sa batok ko.

Ang tagal naming nagtitigan. Inilapit ko ang noo ko sa noo niya. Kumakalabog nanaman nang sobrang lakas ang dibdib ko.

No Ordinary Love

By: MYMP

Napamaang ang labi ko nang kumanta siya. Ang kantang nagpapaulit-ulit sa tainga ko simula nang kantahain niya sa akin. 'Yong kanta no'ng grand ball.

This could have been just another day

But instead we're standing here

No need for words it's all been said

Sa ganda ng boses niya parang gusto kong angkinin ang labi niya pero pinigilan ko ang sarili. Nakangiti siya sa akin at nakatitig lang sa mukha ko. Heto nanaman ako nababading nanaman dahil sa kilig na gumagapang sa buong katawan ko.

"Everything I want in life is right here 'Cause.." pagkanta pa rin niya. Saglit niyang binitin ang kanta. "Ikaw ba lahat ng gusto mo sa buhay nasa iyo na?"

Madamdamin ko siyang sinagot. "Ikaw lang naman ang kulang, ngayong nasa akin ka na, nasa akin na ang lahat." Humalik ako sa pisngi niya. "Ikaw at ang anak natin."

Ipinagpatuloy niya ang pagkanta. Akalain mong napakaganda ng moment dahil nasa gitna pa kami ng dagat.

Nagulat siya nang ituloy ko ang kanta. Hindi niya ako sinabayan, pinakinggan niya lang.

Muli kong pinagdikit ang noo namin. "You're every breath that I breathe." Emosyunal ko pa ring kanta.

Habang buhay kitang mamahalin, cherish. I will always remember my love for you 'til death.

Parehas kaming natigilan nang may tumamang malakas na alon sa bangka namin. Napahawak tuloy ako nang mahigpit sa bangka at sa kaniya.

"Malayo na tayo, cherish, bumalik na tayo." Tumango naman siya.

Nang makababa kami sa bangka ay magkahawak-kamay kaming naglakad. Sana palagi nalang ganito. Tahimik ang buhay namin, walang gulo, walang aksyon, walang kalaban.

Pumunta kami ng hospital dahil kailangan niya magpa-ultrasound. Naging emosyunal ako nang makita ko sa screen ang baby namin. Rinig na rinig ang tibok ng puso nito at sumisipa pa.

"Ang kulit niya ." Hindi ko maitago ang saya ko habang pinangingiliran ng luha.

"Babae siya." Nakangiting sabi ng ob-gynecologist doctor.

Parehas kaming nakangiti nang malapad ni Zeal.

Babae nga siya!

Shivelle Flear...

Pinanood pa namain ang paghakay ng baby.

Sobrang cute niya!

Kahit hindi pa fully develop ay nakikita ko kung gaano siya ka-cute.

Sobrang saya ng puso ko. Kung masayang makita ang ngiti ni Zeal mas lalo na ang makitang isang araw karga niya ang anak namin.

Makulit na sumipa ang baby. Kinuhaan ko iyon ng video at maraming picture.

Proud daddy...

Marami pang ibinilin ang nag-check kay Zeal pati vitamins na kailangan niyang inumin ay marami.

Tumakbo agad si lolo nang makita si Zeal. Miss na miss ang apo.

"How's my Shine?" Masigla nitong tanong kay Zeal.

Kumapit si Zeal sa braso ni lolo at masaya silang nagkwentuhan. Pagpasok sa loob ay kumuha agad ako ng tubig para painumin siya ng vitamins.

"Ang pangit ng lasa." Nakangiwing sabi ni Zeal kaya inabutan ko siya ng kapirasong chocolate.

"Kailan ka manganganak, apo?"

"Mga October daw, lolo."

Naghanda ako ng pagkain para sa maglolo.

"Mukha namang inaalagaan kang mabuti ni Jave. You look fat " tawa ni Mr. Baider.

"I'm not sexy?" Nanlaki ang mata ni Zeal.

"Medyo ." Malakas ang tawa ni Mr. Baider.

"No! Baka ipagpalit na ako ni Flair."

" it will not gonna happen, cherish." Singit ko sa kanila.

Nagkwentuhan pa ang maglolo kaya iniwan ko na muna at nanood ng basketball sa sofa. Nakapatong ang mga braso ko sa sandalan ng sofa at nakadekwatro.

Nakita ko na si Zeal na naglalakad papunta sa akin. Padarag siyang umupo kaya sinuway ko. Malaki na nga ang tiyan hindi pa rin nag-iingat.

"When are we going back to Makati?" Bigla ay tanong niya.

"Next week. Doon ka naman manganganak."

"Dapat siguro mamili na tayo ng damit ni Shivelle!" Masigla niyang sabi.

Hinapit ko siya sa baiwang. "Yeah."

Nanood lang kami ng basketball. Pagkatapos ay umakyat na rin sa taas. Pumasok ako ng banyo, sumunod naman siya.

"Can I take a bath?" Tanong niya.

"No, gabi na. Sisipunin ka."

Kumuha ako ng towel at binasa 'yon. Dinampi-dampian ko ang braso niya, mukha, at leeg. Nilandi niya pa ako pinapakita niya ang dibdib niya kaya tinawanan ko nalang. Para siyang batang ewan sa kakulitan niya.

Pasaway!

Lumaki nga ang dibdib niya dahil sa milk. Lumapit nalang ako para dampian ng halik ang labi niya.

Naligo ako pagkatapos ko siyang asikasuhin at lumabas ng naka-towel lang. Naghanap ako ng damit pero natigilan nang iabot niya ang nakuha niyang damit.

Isinuot ko iyon. I don't care if I'm naked in front of her, she's my wife. Nanlaki ang mata niya at nagtago sa unan nang makita niya ang katawan ko. Tinawanan ko lang siya.

Tumabi ako sa kaniya nang matapos magbihis. Hinaplos ko ang umbok sa tiyan niya. Natutuwa nanaman ang buong sistema ko. Malapit na siyang lumabas.

"My Shivelle Flear, I love you," hinalikan ko ang tiyan niya at umangat para halikan siya sa noo. "I love you, my cherish."

"I love you, impakto."

Kinabukasan ay nagligpit na ako ng gamit. Hindi ko hinayaang kumilos si Zeal. Babalik na kami ng Makati.

Buong byahe ay tulog si Zeal. Sinalubong kami nila Taxon nang marating ang mansyon sa Makati. Pagtingin ko kay Zeal ay gising na siya. Inalalayan ko siyang makalabas. Nahihirapan na siyang maglakad.

Pagpasok namin sa mansyon ay nandito pala si Nel Jan kaya kumunot agad ang noo ko. Nakipagbeso pa si kupal sa asawa ko.

"Kumusta? Kailan ang anak mo?" Tanong niya pa.

"Ngayong buwan na."

Paano sila naging close ng ganyan?

Naiirita man ako ay hinayaan ko nalang silang dalawa. Nagkwentuhan sila at nagtawanan.

"Babae? Woah!" Manghang sabi ni Nel Jan.

Oo, babae at ako ang tatay maka-woah ka diyan kala mo ikaw ang tatay.

Kung anu-anong pagmamaktol ang sinasabi ko sa isip ko pero hindi ko masabi ng personal.

"I'm so excited to see our little angel. How about you? May girlfriend ka na?" Tanong naman ni Zeal.

Umiling si Nel Jan.

Ikatutuwa ko kung meron na. Sa sobrang babaero niya noon. Ano't wala ngayon?

"Wala pa akong nakikitang kamukha mo ."

Napatingin ako nang masama kay Nel Jan.

Ano daw? Sarap manuntok! Asawa ko 'yan, dude! Back off!

"Palabiro ka talaga ." Hinampas pa siya ni Zeal.

Kung nakakatunaw ang masama kong tingin natunaw na ang braso niyang nadampian ng kamay ni Zeal.

"I have something for you pala." May kinuha si Nel sa bag niya.

Ang badoy!

Shirt na may 'I love baguio'. White at simple lang na rounded-neck.

"Galing kasi ako doon noong weekend naisip kong bilhan ka." Nakangiting sabi ni Nel. May kinuha pa siyang isa pa. "I have mine, too." Ipinakita niya ang shirt na kapartner ng ibinigay niya.

Wala sa sariling kinuha ko iyon sa kaniya. "Akin nalang hehe." 'Yon nalang ang nasabi ko. Gulat naman nila akong tiningnan pero tumango si Nel Jan.

"Thanks."

Hindi man lang natauhan ang dalawa balik sa kwentuhan. Hanggang isang malakas na tawa ang umalingawngaw, tawa ni Kil.

"Nakakamatay ang tingin ." Maloko niyang sabi.

Sabay akong nilingon ng dalawa. Inayos ko bigla ang tingin ko at kunyaring ngumiti.

"I'm going, Elle, Jave, Kil." Paalam ni Nel Jan.

Buti naman! 'Wag ka nang babalik!

"Bye!"

Tuluyan na siyang umalis.

Sarap suntukin ng likuran. I want to assassinate this guy, Shut!

"Are you jealous?" Nakangising tanong ni Zeal.

"Nope," Pagkukunyari ko.

"Don't be jealous. You're my one and only impakto."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.