Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 27

Javen Flair's POV

Nanganak na si Zeal, isang linggo ang nakalipas. Nasa kwarto kami ngayon. Ang ingay dahil nandito ang mga loko. Pinagkakaguluhan ang Shivelle Flear namin.

"The nose, ay pak, kay Jave. Ang mata, ay pak, kay Elle, ang mga labi, hmm?" Pinagmasdan pa ni Carme ang mukha ni Shivelle Flear. "Kay Jave?"

Nakangiti ko lang na pinapanood sila. Tuwang-tuwa ako sa cute na mukha ng anak ko. Hindi nga ako nakakatulog dahil magdamag kong pinagmamasdan ang mukha niya. Isang linggo rin akong hyper ang utak dahil sa sobrang saya.

Halos mapuno na ang malaking kwarto nang pumasok pa ang mga Suarez.

"Come to tito!" Binuhat agad ni Kuya Zeke ang baby namin. Maingat niya iyong inilagay sa braso niya.

Dinumog nanaman nila. "Kamukhang-kamukha ko!" Sabi ni Kuya Zaimon.

"Hindi siya negro," prangkang sabi ni Kuya Zen.

Nakuha ni Shivelle Flear ang kutis ko kaya hindi siya over melanin gaya ng mommy niya.

"Ako ang kamukha!" Singit naman ni Kil.

Mag-away daw ba kung sino ang kamukha? Bakit kayo ba ang magulang?

Umupo nalang ako at umakbay kay Zeal sa kama.

"May masakit ba saiyo? What do you need?" tanong ko sa kaniya.

"I'm good." Hindi niya tinanggal ang paningin sa anak na pinagkakaguluhan nila.

"Ako naman." Kinuha ni Taxon si Shivelle Flear.

Hindi na sila natapos kakatitig sa kaniya. Wiling-wili.

Nang pumasok si Mr. Baider ay hindi na nila nakuha pa sa kaniya ang baby. Tuwang-tuwa si lolo, humahagalpak pa siya kapag ngumingiti ito sa kaniya.

"Ano, Rev. Baog ka ba? Bakit wala ka pa ring anak? ." Natawa ako sa malokong si Kean.

"Gago ka, ah!" Binatukan siya ni Rev. "Master lang talaga ito!" Nagyabang pa siya kay Kean na pinagpag ang balikat.

"Bakit hindi ka mag-anak na?" Tatawa-tawa pa ring sabi ni Kean.

"Ayaw ko pa. Enjoying the moonlight ." Sa lakas ng tawa niya natawa rin kami sa kaniya. "MVP sa basketball."

Kabaliwan niya talaga.

"Doon tayo sa safe ." Biro pa rin ni Rev. Sarap batuhin ng unan.

"So hot!" Lumabas si Diamond dahil nainitan na. Ang dami na kasi nila masiyado dito sa kwarto.

"She's smiling at me ." Tawa nanaman ni lolo.

"Impakto.."

Tiningnan ko si Zeal at ngumiti sa kaniya. "She looks like me, right?"

Tumango nalang ako kahit ang totoo humahawig sa akin.

Nakita ko ang pagsimangot niya. "Mas kamukha mo nga lang."

Alam naman pala niya bakit nagtatanong pa?

Umiyak si Shivelle kaya kinuha ko na baka nagugutom na. Isa-isa na silang naglabasan. Nakangiti kong tinunghayan ang baby namin. Inilagay ko siya sa tabi ni Zeal. Pinadede siya kaya natahimik ang bata. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko nang magsimula siyang dumede.

She's adorable.

Bihira nga lang siya umiyak, iiyak lang siya kapag nagugutom na. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay.

"Cherish, can't take off my happiness. Look at her, she's sooo cute!" Masigla kong sabi.

" ya." Hinaplos ni Zeal ang cute na pisngi niya. "Your daddy is now giggling to you."

Humalik ako sa noo ni Zeal. Ito ang pangarap ko ang bumuo ng pamilya sa kaniya. Talaga nga yatang ang bait ng mundo sa akin para ibigay ang dalawang ito sa akin. Siguro tama na rin ang isang anak ayaw ko na mahirapan ang asawa ko tulad ng nangyari pero kung aabutin ako ng madilim na side ko baka manganak ulit ang babaeng ito.

Bad, Jave.

Kung ako ang manganganak isang dosena, okay lang! Shut!

Dinampian ni Zeal ng hintuturo ang ilong niya. "Ang pinaka-iniingatang ilong ni Flair ay nakuha ni Shivelle Flear."

"So proud!" Tuwang-tuwa ako. "She got your eyes, your tantalizing eyes."

"Ya! Sobrang saya ko, impakto." Inihawak pa ni Zeal sa balikat ko ang kamay niya.

"Me too."

Nagmulat ng mata si Shivelle Flear natapos na siyang dumede. Nangungulit ang mga kamay at paa niya. Hinawakan ko ang maliit niyang kamay, inipit niya ang hintuturo ko gamit ang palad niya. Ang saya ng dulot ng ginawa niya sa akin ay nanunuyot sa buong sistema ko.

Humalik ako sa pisngi niya. Ang bango, sanggol na sanggol ang amoy niya. Parang ayaw ko ng mawala sa tabi ng mag-ina ko. Kinarga ko si Shivelle Flear.

My first and last love is Zeal, but my moon and star is Shivelle Flear.

Mas pinaganda mo ang mundo ko, anak, mas nagkaroon ng kulay.

Masaya ko siyang iniyugyog nang marahan. Nakatingin lang siya sa mukha ko.

"Your daddy is perfect, right? ." Pagkausap ko sa kaniya.

"Ikaw ang pinaka-cute na baby'ng nakita ko!" Malapad ang pagkakangiti ko.

"Cherish, we're going to veranda.. para naman maarawan ang pinaka-cute na batang ito, 'diba, baby Shivelle?"

Lumapit ako kay Zeal at humalik sa noo niya. "Magpahinga ka muna, okay?" Tumango lang siya.

Gusto kong tumalikod dahil nandito pa pala ang mga loko kaso nakita na ako. Pinagkaguluhan nanaman si Shivelle Flear.

"Parkaga! Come to your beautiful tita!" Kinuha siya ni Diamond.

Napabuntong hininga nalang ako. Wala pang isang oras na hawak ko ang anak ko, kinuha nanaman!

"Hey! Hey!" Hinawi ko sila dahil naiinitan na ang bata. "Mamaya hindi na makahinga sa kakakumpol niyo!"

Naglayuan naman sila pero nakatingin pa rin kay Shivelle Flear. Tuwang-tuwa si Diamond sa kaniya. Palaging masaya ang mansyon simula nang dumating si Shivelle Flear at ang mga ito ay laging nandito rin.

"Hi! Everyone!"

Napalingon kami kay Nel Jan. Ang laki ng pagkakangiti niya. Nanlaki ang mata niya nang makita si Shivelle Flear, lumapit siya agad at kinuha.

Shut! Ano nanaman bang ginagawa niya dito?

Palagi ring nandito ang legendary playboy na 'yan. Hindi pa mag-asawa, eh. Tsk!

Sarap suntukin, tuwang-tuwa sa anak ko. Parang gusto kong kunin sa kaniya si Shivelle Flear.

Inis na inis ako sa lalaking 'yan.

Past is past, Jave.

"Hey, akin na. Matutulog na 'yan." Hindi na ako makatiis, kinuha ko na. Mamaya iuwi niya pa.

"Mamaya na. Minsan nga lang ako dumalaw dito." Inilayo pa sa akin ni Nel Jan.

"Anong minsan? Araw-araw ka ngang nandito." Sarkastiko kong sabi.

"Boom bars! Selos Jave on the house ." Umepal nanaman si Rev.

"Wala na tayong magagawa sa pagiging seloso niya. Nakatatak na 'yon sa noo niya ." Tinampal pa ni Kean ang noo ko.

"" tumawa ang lahat.

Shut! Pagbabatukan ko kaya ito?

Lumapit si Diamond kay Nel Jan.

Hinawakan niya ang baba nito. "Woah, doble chin, matangos ang ilong, singkit ang mata, makinis ang mukha, guwapo nakasalamin nga lang." Sinipat-sipat niya ang mukha nito. "Pero 'di ko type.. awww, sayang!"

"Hindi rin kita type ." Ang yabang talaga ni Nel Jan.

"Boom bars! ." Si Rev nanaman.

"Umuulan ng disappointments," ang lakas ng tawa ni Kean.

Hindi na talaga manahimik ang buhay ko kapag nandito itong dalawang ito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.