Shine Clear's POV
"So you are Javen Flair? Shine's boyfriend?" taas ang kilay na tanong ni Ariya.
Nasa isang mahabang lamesa kaming lahat at ipinapakilala na si Flair.
"Yes po, guwapo ko 'no? " pagbibiro ni Flair pero natigilan nang wala man lang tumawa.
Kinurot ko ang hita niya. Pati ba naman dito inaabot siya ng pagiging alaskador niya.
"S-sorry hihi. You're all look serious dapat tumawa rin kayo para iwas wrinkles." nakangiting sabi ni Flair. Walang pumansin.
"Ariya"
"Resttan"
"Lucio"
"Anton"
"Semon"
"Leroi"
"Lauressa"
Wala silang emosyon. Nagpapakilala sila. Si Flair ay nakatingin lang sa kanila.
Ako pa itong kinakabahan kay Flair, eh.
Javen Flair's POV
Ang weird ng mga tingin nila. Sobrang seryoso at hindi ko alam kung ano ang iniisip.
"Laurent" napatingin ako kay lolo. Pati siya ay walang emosyon.
Maybe this is the tradition of their family. I need to go with the flow.
"Taxen Kil" ganoon din siya. Seryoso at walang emosyon.
Shut! How can I handle this?
Hindi ako sanay sa seryoso at malamig na pakikitungo maliban sa pakikitungo noon ni daddy pero matagal na 'yon, okay na kami ngayon.
"Taxon Ken" siya naman ay ganyan talaga tumingin. Laging masama kaya hindi na ako nagulat.
"Diamond"
"Laurex Anm" daddy ni Diamond.
"Tassiana" mommy ni Diamond.
"Laureyna Anmela" mommy ni Taxon at Kil.
"Jerex" daddy ni Taxon at Kil.
"Now.. repeat all those names" sabi ni Ariya.
Nakangiti ko siyang tiningnan kahit ang mata niya ay matalim.
"Ariya, Laurent, Resttan, Lucio, Semon, Anton, Leroi, Lauressa, Laurent, Taxen Kil, Taxon Ken, Diamond, Laurex Anm, Tassiana, Laureyna Anmela, and Jerex" sabi ko habang tinuturo sila.
Tumango silang lahat.
"Why do you love Shine?" tanong ni Resttan.
"Bakit nga ba?" Nag-isip ako at tumingin pa sa itaas. "Di ko po alam, eh." Nanlaki ang mga mata nila at natigilan. "Basta ang alam ko lang siya ang tinitibok ng puso ko, gusto ko siya palaging kasama, masaya ako sa tabi niya, kinikilig ako sa kaniya tapos siya lang ang gusto kong pakasalan. She's my first and last love."
Natahimik ang lahat. Nilingon ko si Zeal nakangiti siya.
"So you never love someone?" tanong ni Lauressa. Natakot ako sa paraan niya ng pagtingin, sobrang sama.
Papatayin yata ako nito kahit ngayon na, eh.
"Yeah, she's the first girl who makes me feel like this and I'll make sure that she's the last girl I love" sinsero kong sabi.
Tango nanaman ang nakita ko sa kanila.
"Did you know the condition on patunay?" tanong nanaman ni Lauressa.
Umiling ako. "Ang alam ko lang may posibilidad na mamatay ako.. pero wala lang 'yon. Kahit naman walang patunay siya pa rin ang papakasalan ko"
"Really?" sarkastikong sabi ni Lauressa. "Let see what you can do mister"
"Mister perfect" napatingin silang lahat sa sinabi ko. "Ah--ano Mr. Perfect tawag sa akin ni Ze--Shine ."
"Masyado kang palabiro" walang emosyong sabi ni Ariya.
"Yeah, can't deny it. Sabi kasi ni Ze--Shine be yourself daw. Ito po ako, ganito po ako" nakangiti kong sabi.
"I like you" sabi ni Anton.
"You like me po? Are you gay?" Nanlaki ang mga mata ko kaya nahampas ako ni Shine. Sa unang pagkakataon nakita ko ang tawanan nila pero nang tingnan ko agad ding nagseryoso.
"Kunware pa.. sige na laugh all you want.. walang masama sa pagtawa" isenenyas ko pa ang mga daliri upang pumorma ng ngiti.
"You really want to marry, Shine?" Tanong ni Ariya.
"Yes!" masigla kong sabi.
"Then, we'll proceed to conditions." Pinakatitigan akong mabuti ni Ariya.
Baka naguwa-guwapuhan din siya sa akin?
Natawa ako sa sariling naisip.
Umayos ka, Jave!
"You're not allowed to see Shine until patunay is not yet finish."
Aww, sad. How can I? She's my enervon, happy me everyday, but if I can't see her. Suicide!
"Yes po. I'll follow."
I have no choice, baby cherish.
"Ang unang patunay ay ang paglaban mo sana kay Bright Sun sa loob ng ring kaya lang patay na siya kaya.." nilingon niya ang tatlong Baider. "Si Diamond, Taxon Ken, at Taxen Kil ang kalaban mo."
Tumango lang ako. Hindi naman ako natatakot. Kahit pa bugbugin nila ako okay lang.
'Wag lang nila tatamaan ang matangos kong ilong.
"The last patunay, you'll run.. or fight to survive. Shine Clear will be located at the edge of the mountain. Kailangan mong marating siya." pagpapaliwanag ni Ariya. Tumango ulit ako at ngumiti.
"Aren't you scared?" nagtatakang tanong ni Lauressa.
"I'm not, because I know I'll be there."
Nagtataka rin akong tiningnan ng lahat maliban kala Mr. Baider, tatlong pinsan ni Zeal at nila tito Laurex.
"Why are you not scared?" tanong ni Leroi.
"Kasi.." nagkamot pa ako ng ulo. "Mabilis ako tumakbo."
Nagtawanan silang lahat kahit si Zeal ay tumawa.
What is funny?
"Tatakbo ka para mabuhay? Kamatayan ang hahabol saiyo." Nakangising sabi ni Lauressa.
"Edi maghabulan kami ni kamatayan ha ang problema mas mabilis ako tumakbo kaysa sa kaniya."
"Shine, your man is different " sabi ni Resttan.
"Well, we will give you two weeks to prepare" sabi nanaman ni Ariya.
"Sige po"
"I think the dinner is over" nagsipagtayuan na silang lahat.
"READY OR NOT?" sabay-sabay nilang tanong.
"ALWAYS READY!"
Lumapit pa ako sa kanila at kinamayan sila habang sinasabing "I'm happy to meet you po." Ngumiti naman sila kahit papaano.
Bago sila tumalikod ay hinabol ko pa.
"Laging ngumiti para iwas wrinkles!" Nakangiti silang umiling-iling bago nila ako iwan.
"Baliw ka talaga, Flair!" sabi ni Zeal.
"Baliw saiyo!" nakangiti kong sabi. Hinawakan ko ang kamay niya. "Where is your room? Ihahatid na kita."
Ang lawak kasi ng mansyon nila akala mo isang mall mas malaki pa. Halos hindi na magkita ang mga tao dito kailangan pa magtawagan. Dapat lagi kang may load kung phone ang gamit mo pero sila may telephone.
Kapag ba sumigaw ako dito mage-echo? Try ko kaya! Shut! Jave, ano nanaman bang iniisip mo?
"This way" sabi ni Zeal.
"Kailan daw simula nang hindi kita pwedeng makita?" nalungkot ako sa tanong ko.
"Bukas ng umaga" malungkot niya rin sabi.
"Can I sleep here? Don't worry I'll go before the sunset."
"Okay" humawak siya sa baiwang ko at niyakap. "I will miss you."
"I will miss you too."
Tinahak namin ang daan papunta sa kwarto niya. Ang laki ng kwarto niya. Pinagmasdan ko ang malaking picture niya. Seryoso ang mukha at pormal ang suot. May nakalagay na 'Shine Clear Baider' sa baba, tatak, tanda at ukit na sa tingin ko ay pinaghirapan ng gumawa. Ito palang kasi ang unang beses kong napasok ang kwarto niya. Namumutakte sa ginto, lahat ng gamit.
Totoo kayang ginto? Malamang totoo. Magkano kaya ang sangla? wala, na-curious lang ako kasi mayaman kami pero kahit saan banda mo tingnan sobrang yaman ng mga BAIDER.
"Impakto baka magmalay ako inuwi mo na 'yang picture ko " biro niya.
"Muntik na.. buti pinaalala mo "
Hinila niya ako pahiga. Yumakap siya sa akin at ipinatong ang ulo sa dibdib ko.
"You should cover your nose baka matamaan sa patunay magwala ka pa." sabi niya habang dinadampian ng hintuturo ang ilong ko.
"No need.. I dodge" nakangiti kong sabi.
"Hindi ka talaga natatakot?"
"Mas nakakatakot ang mahalin mo ulit si Ke--aray!" hinampas niya ako.
"Ang tagal na no'n!"
"Jokings!" pang-iinis ko sa kaniya.
"Selos pa rin hanggang ngayon kay Kean. Kinasal na may anak na ano pa?" naiinis na siya kaya natatawa ako sa mukha niya.
"I'm just joking.. pikunin ka talaga"
Hinapit ko siya sa baiwang at siniil ng halik.
"Mami-miss talaga kita" bulong ko sa tainga niya. "I" hinalikan ko ang noo niya. "Love" hinalikan ko ang pisngi niya. "You" huli ay sa labi.
Idiniin niya ang batok ko sa kaniya.
I'm not aware that our kiss was converting into deep kisses. I avoided to touch her. It's not good.. the last time we kiss I'm really guilty. I stopped and looked at her eyes.
"My baby, baby, cherish.. we will soon get married.. you'll be mine forever. Let's live a happy and contented life, okay?" sinsero kong sabi sa kaniya.
"Yes as long as you're my Flair. I am always contented and happy."
Nagyakap kami nang sobrang higpit.
"Mahal na mahal kita!" mataas ang tono at puno ng pagpapatotoo kong sabi sa kaniya.
"Mahal na mahal din kita! Impakto ko."
"Tuko? "
"Tse!"
"Tse-tseriya"
Nag-asaran pa kaming dalawa pero sa huli hampas nanaman niya ang napala ko. Ang sakit niya kaya manghampas, pero kahit gano'n, siya lang ang nagbigay sa akin ng lakas para mabuhay at lumaban.
She's like a rainbow after the rain. I can't wait to marry her.
I can't wait to wake up in the morning with her face beside me.
"Let's sleep." hinaplos ko ang pisngi niya at humalik sa noo niya. "Good night, see you in dream land."
"Good night my impakto."
Nakatulog na kaming dalawa. Pinilit kong magising ng maaga. Madilim pa nang magising ako. Ang himbing pa ng pagkakatulog niya. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso kong unan niya.
"Wait for me.. my first and last love." Mahina kong sabi.
Humalik ako sa noo niya, sa ilong, at sa labi. Baka magising ko.
Halos ayaw ko siyang iwan dahil gusto ko pa siyang panoorin. Ang sarap pagmasdan ng magandang mukha niya.
Nag-mature kaming dalawa. Alam kong ito na ang tamang panahon para pakasalan siya. Hinintay ko lang naman talaga na ma-settle ang lahat ng bagay bago ito.
I love you over melanin Zeal or Shine or whoever you are..
Feeling excited...
Soon to be your husband.