Shine Clear's POV
Maaga akong pumasok sa trabaho. Bawat daanan ko sa hallway ay binabati ako.
"Good morning, Ma'am" bati nila.
"Good morning" I replied to them.
Dapat kasi lahat ng bumabati saiyo kilala mo man o hindi batiin mo rin dahil nakakahugod iyon ng positive vibes. Kung sisimulan mo ang umaga na masaya matatapos din iyon ng masaya.
Ayaw na nga nila muna ako papasukin pero nagpumilit ako dahil sa mga estudyante ko. Wala si Flair, hindi kami pwedeng magkita. Kahit nakakalungkot ay alam ko namang pagkatapos nito ikakasal na kami.
Binabalak kong magpatayo ng highschool at college. Free education for all. Pagpla-planuhan ko pa ang bagay na iyon at magpapatulong kay Engr. Revnel Han Sin at Engr. Lance James Dawson. Oo, isa na silang propesyunal, lahat kami kaya mas naging madali ang mga buhay namin. Abala nga lang pero madalas pa rin kaming magkita.
Gamit ko pa rin ang 'Elleina Zeal Suarez' na pangalan pero kapag kaharap ko ang totoo kong pamilya ako si 'Shine Clear Baider'. Nakatago lang ako sa pangalang Suarez.
"Good morning class!" masigla kong bati sa mga estudyante ko.
Tumayo sila at ngumiti sa akin. "Good morning, Ma'am!"
Matapos ang batian ay nagsimula na rin ako agad ng lesson. Isinet ko ang laptop at projector.
"Our lesson for today is about cell.. cell is the smallest unit of life." Binuksan ko ang projector at ipinakita ang power point.
"But before I discuss all about cell. I want you to get a short bond paper and draw the cell, put a label and functions of every parts of the cell."
Nagmadali silang kumuha ng bond paper. Ang iba ay nag-ikot para manghingi, ang iba naman ay nagsimula na agad, iba't iba ang ginawa nila pagkatapos ay nagsimula na silang mag-drawing lahat.
Nag-ikot ako para tingnan kung talaga bang nagdro-drawing sila. Ang purpose kung bakit nagdo-drawing ay dahil most of the students nowadays are visual learner. Natututo sila kapag nakikita nila at nasisiguro ko rin na may nalaman sila dahil ginawa nila ito ng hindi umasa sa iba. Tuturuan kang maging indepent at hahayaan kang dumiskobre.
Gusto kong tawanan ang drawing ng iba dahil may wala sa gitna, may hindi makapagsimula dahil puro bura hindi makontento, may gumagamit pa ng takip ng garapon para maging perfect circle kahit hindi naman talaga perfect circle ang cell, may tawa nang tawa sa gawa ng iba. Nakakalibang talaga ang maging isa teacher kahit madalas ay nakakapagod.
Nang matapos ang klase ko ay pumunta ako agad sa faculty at naupo.
"Elle, may poging naghahanap saiyo, may dala pang bulaklak yiee!" sabi ni Rica.
Nanlaki ang mata ko at kinabahan ako agad.
Hindi kaya si Flair 'yon? 'Wag naman sana! Hindi pwede! Mamamatay siya!
Dali-dali akong lumabas at hinanap kung sino pero wala akong nakita. Natigilan ako nang lumabas ang isang lalaki sa likod ng pader. Nakasalamin at halos nag-mature lang ang hitsura niya. Hindi ko alam kung kakausapin ko siya o tatalikuran ko. Malapad ang pagkakangiti niya habang hawak ang isang bugkos ng bulaklak. Pormal na long-sleeves na blue ang suot niya na bumabagay sa kaniya.
Si Nel Jan!
"How are you, Elle?" nakangiti niyang sabi sa akin.
Lumapit siya at inabot sa akin ang bulaklak. Tinitigan ko lang iyon at kumunot ang noo ko.
"Hindi mo pa rin ako napapatawad?" malungkot niyang tanong.
Taon na ang binilang na hindi siya nagpakita ang huling usap namin ay noong grand ball. Siguro naman ngayon kaya ko na siyang patawarin?
"What are you doing here?" kinuha ko ang bulaklak kaya ngumiti siya.
"I'm visiting you. Can I invite you to have a coffee?"
Hindi ko alam kung susunod ba ako sa kaniya o ano pero dahil sa pagkakangiti niya ayaw ko ng tanggihan. Matagal na panahon na ang nangyari at siguro dapat na rin kaming mag-move on sa away noon.
"Okay.. wait."
Pumasok ulit ako at kinuha ang bag ko.
"Hoy sino 'yon? Nag-break na ba kayo ni pogi?" tanong ni Rica.
"No, he's just a.. friend"
Tinalikuran ko siya matapos magpaalam.
Pumunta kami ni Nel Jan sa coffee shop. Hindi nawala ang pagkakangiti niya kaya nakukunot ko ang noo ko sa pagtataka.
"How are you?" tanong niya at saka uminom ng kape.
"Okay lang naman. Masaya ang buhay." Tipid akong ngumiti.
Titig na titig lang siya sa mukha ko.
"You look matured, but still.. beautiful" kumikinang ang mga mata niya.
"Thank you"
"Kayo pa rin ba ni Jave?" natigilan ako sa tanong niya at napaso pa ang dila kaya natapon sa lamesa ang kape ko. Mabuti at hindi natapunan ang damit ko.
Mabilis siyang kumilos para kumuha ng tissue.
"Sorry.. nagulat kita"
"Oo.. kami pa rin ni Flair. Malapit na kaming ikasal." Nakangiti kong sabi nang maiayos na namin ang nagkalat.
"Woah.. strong. We can be friends now?"
"Pwede naman"
"Thank you" ngumiti siya. "I want to invite you pala tomorrow.. birthday ko."
"Okay. Pupunta ako." Wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan na ako sa kaniya.
"Really?" Masigla niyang tanong.
"Oo.. bakit ayaw mo?"
Todo iling siya. "Sige.. I'll fetch you."
"No need. Tell me the address."
Ibinigay niya sa akin card niya.
"Nga pala.. palagi kong kasama sa site sila Lance at Rev. Okay na kami." Nakangiti niyang sabi.
Napatitig ako sa kaniya.
Bakit hindi nagkwe-kwento ang dalawang 'yon?
"Kailan pa?"
"Matagal na. Actually, I did my best to be friends with them. Palagi akong humihingi ng tawad kaya in the end naging magkakaibigan na kami."
"That's good." Tipid kong sagot.
"Nakita ko rin si Carme noon. Muntik na masagasaan kaya tinulungan ko. She's okay now with me.. ikaw nalang talaga ang hindi ako napatawad at saka si.. Jave."
Tumango ako. Nanahimik na ako nakakailang ang sitwasyon.
"Kailan ang kasal niyo ni Jave?"
"No exact date. Pla-planuhin pa marami pa kasing kailangan asikasuhin."
Tumango siya. "Imbitado ba ako?"
"Sure kung gusto mo."
Natapos kami mag-usap ni Nel Jan. Nagpaalam kami sa isa't isa. Magaan na siyang kasama kumpara noon.
KINABUKASAN
Nag-ayos na ako para pumunta sa birthday ni Nel Jan. Napabuntong hininga ako dahil pinipilit ko lang maging masaya. Nakakalungkot talaga ang wala si Flair. Bawal ang koneksyon kaya wala talagang usap kahit sa phone lang.
Ano kayang ginagawa niya ngayon? Anong preparasyon ang ginagawa niya?
Nami-miss na kita...
Nang marating ko ang bahay ni Nel Jan ay ang dami ng tao. Nasa pool area ang party. Ang ingay na at nagkakagulo. Pinaningkitan ko ng mata si Lance at Rev kasama rin nila si Ali at Carme.
Nandito pala sila!
"Elle!" nakangiti nilang bati nang makita ako.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Lance.
"Bakit masama ba umattend ng party?"
"Where is Jave?" tanong ni Rev.
Hindi ako makasagot. Bawal naman nilang malaman kung ano talaga ang rason.
"LQ ba kayo, bebs?" tanong ni Carme.
"Hindi, ah. Busy lang siya." palusot ko.
Maya-maya pa ay nagsasayawan na matapos magkaroon ng program. Lumapit sa akin si Nel Jan. Mag-isa nalang ako sa lamesa dahil nagsasayaw ang mga loko.
"Bakit hindi mo sinama si Jave?"
"Eh.. busy daw siya"
Inabot ko kay Nel Jan ang regalo kong pulang paper bag na maliit na may nakalagay na relo sa loob.
"Happy Birthday" bati ko sa kaniya.
"Salamat"
"Hindi ka umiinom?" tanong niya at inabutan pa ako ng shot glass.
"Hindi.. wala pa naman dito si Flair walang maghahatid sa akin pauwi."
"Ako nalang" presenta niya.
"Hindi na.. ayaw ko talaga uminom"
"Okay.." nilagok niya ang laman ng shot glass. Pinanood namin ang mga kaibigan namin na nagsasayaw.
"Join them. Ayaw mo ba sumayaw?"
"Ayaw ko rin.. gusto ko lang talaga maglibang ngayon."
Bakit nga ba nasa akin ang atensyon nitong lalaking ito? Ako ba ang special guest?
"Tinawagan ko si Jave sabi ko may sorpresa ako kaya pumunta siya dito" sabi ni Rev nang makalapit.
Nanlaki ang mga mata ko.
Gosh! Hindi kami pwedeng magkita!
"Bakit mo ginawa 'yon?" Sumulyap ako kay Nel Jan. "Sorry.. uuwi na ako."
"Jave!"
Gosh!
Napatago ako sa likod ni Nel Jan. Nagtataka naman niya akong tiningnan.
"Why are you hiding to your own boyfriend?" Akmang haharap si Nel Jan pero pinigilan ko siya.
Tinulak-tulak ko si Nel Jan habang nasa likod niya ako nakatago.
"Hoy! Bakit mo tinataguan si Jave?" tanong ni Rev.
"Wag kang makulit!"
"Jave 'andito ang girlfriend mo!" sumbong ni Rev kay Flair.
"Fuck! Really? Rev bakit hindi mo sinabi?! Aalis na ako!"
"Jave! Hey! Jave!" tawag pa ni Rev kay Flair na sa tingin ko ay nagmadaling umalis.
Nakahinga ako nang maluwag nang makaalis si Flair.
Baliw na Rev ito balak pang patayin si Flair! Hindi naman kasi nila alam.
"Halika!" Hinila ko si Nel Jan palayo para ipangharang baka kasi nandiyan pa si Flair.
"Isusumbong kita kay Jave, Elle! Nanlalalaki ka!" sabi pa ni Rev.
Hindi ko na siya pinansin at lumayo na.
"Tell me.. bakit mo siya tinataguan? May problema ba kayo?" Kunot-noong tanong ni Nel Jan.
"Basta.. Nel Jan uwi na ako, huh? Happy birthday nalang ulit."
Tinalikuran ko na siya pero hinabol niya ako.
"Basta kapag may problema nandito lang ako."
Ngumiti ako sa kaniya.
"Okay.. salamat"
Umalis na ako.
Kainis.. muntik pa kaming magkita ni Flair. Napasimangot ako habang nagda-drive kahit saglit lang hindi kami nagkita. Sobrang miss ko na siya.
Bakit ba kasi may ganito sa pamilya ko?
Hindi ko naman dapat magtago kaso kailangan para sa amin din ito.
I miss you, baby.