Shine Clear's POV
Ipinasok namin ni Flair sa mansyon ang mga bagahe namin. Nakauwi na kami, gabi na nang marating namin ang Pilipinas. Tahimik ang mansyon at walang tao maliban sa mga kasambahay at guards.
"I'm so sad. Shivelle is not here." Nakasimangot na sabi ni Flair.
Kahit ako ay nakakaramdam din ng lungkot. Walang batang inaalagaan.
Kumuha ako ng damit sa closet. Ang napili ko ay nighties na silky pink. Sleeveless, v-neck, at umaabot lang hanggang kalahati ng hita. Komportable naman itong suotin.
Pumasok ako sa banyo habang si Flair ay naghahanap din ng sando at short.
"Baby.. sabay na tayo!" Sigaw niya nang makapasok ako sa banyo.
"Ayaw ko!" Sigaw ko pabalik.
Akmang isasarado ko na ang pinto pero hinarang niya ang kamay kaya naipit.
"Ouch!" Hawak niya ang kamay. Agad akong lumapit at tiningnan.
"Ano ka ba naman! Ihaharang mo pa!" Asik ko sa kaniya.
Mabilis siyang pumasok sa banyo kaya masama ko siyang tiningnan.
"Naipit kunwari.. kainis!" Hinampas ko siya.
Natigilan ako nang hawakan niya ang laylayan ng damit ko.
"I wonder what it looks like." Nakangisi niyang sabi.
"I wonder what it looks like! Linyahan mo, eh, 'no? Iba ang style mo!" Asik ko sa kaniya.
Tinaas niya ang shirt ko at tinitigan niya ang katawan ko.
"Wow." Namangha pa siya.
Can I slap him? As if this was the first time to saw it. Gosh!
Nag-shower na lang ako at hinayaan siya. Wala naman siyang ginawa kung hindi hawakan ako kaya sinisipa ko.
"Manyak mo! Labas ka na nga do'n!" Asik ko sa kaniya. Nakangisi lang siya, baliw na.
Tinitigan niya pa ako nang isuot ko ang nighties.
Maglaway ka!
Lumabas ako ng banyo at nagsuklay ng buhok. Nakita ko naman siyang lumabas, naka-short na itim at sando na white.
"Ang sexy mo." Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko.
"Alam ko."
"Ang sungit mo. Shut!"
"Alam ko."
"Cherish.." lumapit siya at ipinatong ang mukha sa balikat ko.
Kinabukasan ay pumasok na kami sa trabaho. Mabilis na dumaan ang mga oras. Nang matapos ang klase ko ay pumunta ako sa faculty, nag-record ng mga test scores at nag-check ng ibang papel. Natigilan lang ako nang may kamay na umakbay sa akin. Nandito na si Flair, sinusundo ako.
"Can we have a date?" Nakangiti niyang sabi.
"Sure, Mr. Perfect."
Tinahak namin ang daan papunta sa kung saan. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Huminto lang ang sasakyan sa peryahan. Ito pala ang lugar na hindi pa namin napupuntahan.
"Let's try here, cherish." Tumango lang ako sa kaniya.
Pumasok kami sa loob. Ang daming tao, hinila ko siya papunta sa ferris wheel. Nakakatakot ang taas pero siguradong masaya.
Pumasok kami at umupo. Gumapang ang excitement sa katawan ko. Bumabalik nanaman ako sa pagiging college. Mga bata pa naman kami, maaga kasi kaming nag-asawa ni Flair kahit graduate na.
"Hindi ba tayo malalaglag?" Kapit na kapit si Flair sa gilid kaya tinawanan ko siya.
"Hindi.. matibay 'yan." Inasar ko pa siya at niyugyog.
"Baby!" Saway niya.
"Takot ka pala, huh?!" Pinagtawanan ko siya. Masama ang tingin niya sa akin.
"Woooh!" Sigaw ko nang magsimula nang umandar 'yon.
Ang lakas ng hangin at parang may hinahalukay sa tiyan ko.
"Ahhhhh!" Itinaas ko ang dalawamg kamay. Rinig ko rin ang malakas na tilian ng iba.
Kinuha ko ang kamay ni Flair at magkawak na itinaas ko iyon.
"Say ahhhhh!" Sigaw ko sa kaniya. Napangiti ako nang isigaw niya nga.
"I LOVE YOU, ZEAL!" Sa lakas ng sigaw niya. Naglingunan ang iba, hinahanap kung sino ang sumigaw.
"I LOVE YOU, FLAIR!" Sigaw ko rin. Para kaming bata na tuwang-tuwa.
Sometimes, give time to explore even if you're married. Still do things that make the both of you happy. No matter how outdated it is. Still age doesn't matter to live with a happy life. Some of the memories you doesn't experience when you're in college, don't hesitate to do that when the opportunity comes.
Marami kaming bagay na hindi nagawa ni Flair noon dahil 'study first' pero ngayon ginagawa namin ang mga bagay na gustuhin namin.
Nang makababa kami ni Flair ay tawa kami nang tawa dahil may naririnig kaming bulungan.
"Sino kaya 'yon?"
"Ang sweet nila."
"Sana mangyari rin sa akin 'yon."
"Kala ko sa palabas lang nangyayari 'yon."
Hindi alam ng mga tao kung sino ang sumigaw noon.
"Let's go, Zeal." Sabi ni Flair at hinila ako. Natigilan kami nang ituro kami ng ilan.
"Sila 'yon!"
Uh oh!
Napangiwi ako. Si Flair naman ay ngumiti.
"Hala! Ang pogi!"
"Ang sweet pa!"
"Kill me now! Ang pogi sobra!" Naghimatay-himatayan pa ang babae.
'Ayan ang karisma ni Flair. Kahit hanggang ngayon angat pa rin. Kung titingnan mo kasi siya parang binata. Hindi nila alam may asawa't anak na siya. Ngingiti-ngiti siya ngayon tapos kapag nilapitan siya ng mga babae sasabihin nanaman niya 'haliparot'. Okay lang sa kaniya na hinahangaan siya, ang ayaw niya 'yong hinahabol-habol siya at pinapakitaan ng motibo. 'Yon talaga ang ugali niya.
Umakbay sa akin si Flair kaya napasimangot ang mga babae.
"Girlfriend niya?"
"Sayang! Ang pogi pa naman!"
"Oo nga.. ang hot!"
"Taken, eh."
"Tsk. May girlfriend."
Actually, I'm not his girlfriend. I'm his wife.
Sabi ko sa isip ko.
Nakakita ako ng popcorn kaya lumapit ako agad.
"Baby, bili mo ako." Turo ko sa popcorn.
"Sure."
Binilhan niya ako ng popcorn. Naglakad na ulit kami at nagtingin kung ano ang gagawin.
Lumapit ako sa mga teddy bears. 'Yong kailangan mong gumamit ng dart para putukin ang lobo at makuha ang teddy bear.
"'Wag diyan malulugi ang tindera kapag naglaro tayo. Ubos 'yan." Bulong ni Flair sa akin, parehas kaming natawa.
"You're right."
Naglakad ulit kami.
Hey, there!
Nakakita ako ng cotton candy kaya 'yon naman ang binili namin.
"It's sweet." Reklamo ni Flair.
"Kaya nga candy." Sarkastiko kong sabi.
"Yeah."
Natigilan ako nang makita ang horror house. Hindi naman ako masyadong matatakutin pero parang gusto ko pumasok. Hinila ko agad si Flair.
"Tatawanan mo lang ang mga nananakot." Bulong niya nanaman.
"Eh? Malay mo nakakatakot talaga."
"Okay."
Pumasok kami sa loob. Sobrang dilim, may ilang kandila lang. Nagulat ako nang biglang lumitaw ang pugod na ulo na nalaglag sa harapan ko kaya nagtago ako sa likod ni Flair. Mahigpit akong kumapit sa likod niya.
"Matatakot ka rin pala akala ko matapang ka." Tinawanan niya pa ako.
"Shh. 'Wag ka maingay." Saway ko sa kaniya.
Dahan-dahan kaming naglakad.
"Ahhhh!" Napasigaw ako nang may humawak sa braso ko. Pinigilan ko ang sarili na sipain siya dahil kawawa naman. Tumawa nanaman si Flair.
Nasapak ko ang lalaking umiilaw ang mukha sa sobrang puti nang lumitaw siya.
"S-sorry. Nagulat ako." Paghingi ko ng tawad.
"Kawawa naman, cherish, sadista ka talaga."
Napayakap ako nang mahigpit kay Flair nang makita ang duguang lalaki. Ang pangit ng hitsura niya, luwa ang mata, puro sugat at nakalabas ang small intestine. Nakapikit na lang ako, hindi na nagmulat ng mata.
"Gusto mo pa dito, huh?" Tumawa siya. "Pero gusto ko ang yakap mo. Ang sarap sa pakiramdam."
Iika-ikang naglakad si Flair dahil hindi na ako bumitaw sa kaniya. Pasilip-silip na lang ako dahil natatakot akong magmulat.
"Ahhhh!" Napasigaw nanaman ako nang makita ang babaeng manananggal.
Ang galing ng pagkakagawa nila, parang tunay ang pagkakahati sa katawan.
Lumusot na ako sa ilalim ng shirt ni Flair.
"Shut! Baby! Napapala mo." Pang-aasar niya. Nainis ako kaya kinagat ko ang dede niya. "Aray!"
Malakas akong tumawa. Nasa loob kasi ako ng shirt niya. Gawain ko talaga ito minsan. Sumilip ako, nanlaki ang mata ko nang makita ang matabang lalaki puro latay ang katawan. Pumikit na lang ulit ako.
Pinagpapawisan na ako dahil sa takot. Ang tapang ko tapos ito lang kinatatakutan ko, nakakagulat din kasi.
Narating namin ang exit kaya nakahinga na ako nang maluwag. Pawis na pawis ako at init na init. Pinunasan ni Flair ang mukha ko gamit ang panyo.
"Ano, masaya?" Pang-aasar niya pa.
"Tse!"
"Tse-tseriya!"
Naglakad nanaman kami. Nahagip ng mata ko ang pamilyar na babae.
Parang si Marie. Anong ginagawa niya dito?
Pumila kami sa sakayan na hugis butterfly. Pababa naman 'yon, mataas din.
Kumapit ako kay Flair nang makaupo. Sinilip ko ang ibaba, ang taas matapos ay umandar na ang butterfly.
"Ahhhh!" Sigaw ko habang mabilis na umaandar pababa ang sinasakyan namin.
Pagbagsak namin ay malambot na kung ano ang nandoon.
Sobrang saya!
Inalalayan ako ni Flair sa pagbaba.
"You happy?" Nakangiting tanong niya.
"Yes, baby." Humalik pa ako sa pisngi niya.
Napahinto kami nang makita ang fireworks display. Lumiwanag ang kalangitan. Ang ganda, sobrang ganda no'n. Parehas kaming nakatingala ni Flair. Pinagmasdan ko ang pagporma ng bulaklak ng fireworks, ang pagkakalat, at unti-unting pagkawala.
"Ang ganda ng fireworks pero saglit mo lang makikita." Napatingin ako sa kaniya. Nakatingala pa rin siya.
Tiningnan niya ako at ngumiti. "Hindi tulad ng ganda mo hindi kumukupas at nawawala."
Gumapang ang kilig sa buong katawan ko.
Many years we're together, but still his sweetness is still here. Hindi nagkukulang palaging sobra.
"Pangbobola lang na maganda ako hindi naman totoo." Pagkukunwari kong hindi kinikilig.
"Kapag ako ang nagsabi totoo 'yon."
"Okay, then."
Pinagmasdan niya pa ang mukha ko. "Naiinis ako sa mukha mo."
Pinagkunutan ko siya ng noo. "At bakit, aber?" Hinawak ko ang kamay sa baiwang.
"Kasi kapag nakikita ko parang laging gusto kong angkinin. Baliw na talaga ako saiyo."
Pinigilan ko ang ngumiti.
Kinikilig nanaman ako!
The spark is always here, remember that although sometimes it masks the years of being together. Note that having an electric shock in a relationship is always depends to the two of you.
Communication and effort, the key.
Taxon calling...
Sinagot ko agad. Naka-video call siya. Nakita ko agad si Shivelle.
"Baby, I miss you." Nag-flying kiss ako sa kaniya.
Ipinakita ko sa camera si Flair. "I miss you!" Sabi niya rin sa anak.
"I miss you mom and dad." Nakangusong sabi ni Shivelle. "Where are you, mom, dad?" Nakita niya siguro ang background.
Ipinakita ko sa kaniya ang perya. "I want to go there, too!"
"Yes, angel pag-uwi mo."
"Have you eaten?" Tanong ni Flair sa kaniya.
"Yes, dad. Inubos ko ang kanin dahil kung hindi sinasamaan ako ng tingin ni tito Taxon."
Parehas kaming natawa sa sinabi niya.
"Didn't you see yourself to him? Ganyan mo rin kaya kami tingnan ng mom mo." Tatawa-tawang sabi ni Flair.
"Tito is too much." Dagdag pa niya.
"Sumbong ka pa, huh?" Kiniliti siya ni Taxon kaya tumawa siya.
Nakangiti naming pinanood ang matunog niyang tawa sa kabilang linya.
"Sige na, bye na.. matutulog na itong batang ito." Pinatay na ni Taxon ang linya.
Inaantok na rin ako kaya nagyaya na akong umuwi. Nakatingin lang ako sa labas nang umandar ang kotse. Namimiss ko si Shivelle.
"What are you thinking, cherish?"
"I miss Shivelle."
"Me, too."
Ang tagal niyang umuwi. Pinanood ko na lang ang ilaw sa mga gusaling nadadaanan.
"We're not yet old. We should create a lot of memories without barriers." Tinitigan ko ang mukha ni Flair na nakangiti.