Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 46

Shine Clear's POV

"Baby! Bilisan mo!" Sigaw ko kay Flair dahil sobrang excited ko sa pag-alis namin.

Tumalon ako sa upuan ng kotse. Masayang-masaya ako, binuksan ko ang player at nakinig ng radio.

Basang-basa sa ulan ang tugtog. Natatawa kong sinabayan ang kanta, luma na pero maganda pa rin.

Nakangiti ring nag-drive si Flair. Nag-facebook ako. Nag-scroll lang, pinagtawanan ko ang ibang memes na nakita ko. May nakita akong video na ang caption ay 'uutot ka sa kakatawa'. Tawa ako nang tawa ng i-play ko 'yon. Nasa good mood ako ngayon kaya walang panahon para magsungit.

Tumunog ang phone ni Flair, akmang kukunin ko pero kinuha na niya agad. Ang bilis ng kamay niya kahit nagda-drive. Tiningnan niya saglit at itinago ulit.

"Baby, pahiram ng phone mo. Ipo-post ko ang ibang picture ni Shivelle." Akmang kukunin ko pero nilayo niya.

Anong problema? Bakit ilag na ilag siya sa phone niya?

"Ah.. wait." Inihinto niya ang kotse at may kinulikot.

Anong ayaw niyang makita ko?

"Oh." Inabot niya sa akin ang phone.

Tinitigan ko ang mukha niya, hindi siya makatingin sa mata ko.

"May problema ba?"

"Wala, cherish." Pinaandar niya ulit ang phone.

Aligaga siya nang buksan ko 'yon. Pinalitan niya ang password. Ayaw ko mag-isip ng kung ano baka naman natripang palitan, 'diba?

"Anong pass?"

"Shine."

Sabi ko na nga ba. Ako pa rin naman ang password.

Tiningnan ko agad ang gallery niya. Mas lalo kong na-miss si Shivelle nang makita ko ang mga pictures niya.

"Napaka-cute talaga ng baby ko."

Shinare-it ko ang mga photos niya sa phone ko. Biglang tumunog ang phone ni Flair bigla niyang hinila sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan.

Kean calling...

"Yes, pre? Ah. Papunta kami ng bulacan ngayon, eh, ikaw muna.. sige." Ibinaba niya na rin ang tawag.

Bakit parang nagiging possessive siya sa phone niya? Anong meron do'n na tinatago niya?

"Flair.. may tinatago ka ba?" Pinaningkitan ko siya ng mata.

"W-wala." Nabubulol pa siya.

"Make it sure, Flair, you'll suffer." Madiin kong sabi sa kaniya.

Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa bintana. Pinagmasdan ko ang naggagandahang mga puno. Nakakamangha ang lugar, puro puno at presko ang hangin. Rinig ko rin ang mga huni ng mga ibon.

Napaangat ako ng tingin nang makitang baboy damo, kulay itim at parang baby pa.

"Wow!" Nakangiti kong hinabol ng tingin 'yon dahil umaandar ang kotse.

Ang ganda talaga ng kalikasan. Hindi maikakailang ito ang nagbibigay ng buhay sa mundo.

"Wow!" Namangha nanaman ako nang makita ang mga unggoy na lumalambitin sa sanga.

"Flair! Ihinto mo!" Mabilis akong lumabas ng kotse at tinangala ang mga 'yon.

Kumakain sila, ang ingay at parang masayang naghahabulan.

"Ang cute nila!" Kinuha ni Flair ang phone niya at kinunan sila ng picture.

"Ano pa kayang hayop ang makikita natin dito?" Humawak ako sa braso niya.

"Marami siguro. Every month daw nagpapakawala sila ng iba't ibang species dito para magparami."

"Really? Ang galing naman!"

Pinaandar na ulit ni Flair ang kotse. Ang lamig sa mata ng kulay green na mga dahon. Ang daming puno ng saging, acacia, mangga, niyog, avocado, at maraming pang iba't ibang puno.

Ang yaman talaga ng lugar na ito!

"Mas maganda sa pupuntahan natin, cherish." Na-excite ako sa sinabi ni Flair.

Nature tripping, the best trip ever!

Bumaba kami ng kotse at naglakad paakyat.

"Woah!" Hindi na ako natigil sa pagkamangha sa mga bulaklak. May santan, napatakbo ako nang makita ang mga sampaguita.

"Ang bango! Grabe!" Inamoy-amoy ko iyon. Inilapit ko sa ilong ni Flair, natawa ako ng humatching siya.

"Ang bango 'diba?"

"Yeah, pero mas mabango ka." Nakangiti niyang sabi.

"Sweet mo naman." Humawak ako sa braso niya.

"Ang sweet asukal."

"Corny! Waley!" Tinawanan ko siya.

Lumapit siya at pinanggigilan ang pisngi ko. "Kagatin kita diyan, eh!" Inilapit niya ang mukha sa akin.

"Aray!" Sigaw ko nang kagatin niya ang pisngi ko.

"Sharap!" Pinagpapalo ko siya.

"Ang sakit!" Hinimas ko ang pisngi ko. "Abnormal ka talaga."

Umakbay siya sa akin at naglakad na kami ulit. Narating namin ang angat dam, view deck.

"Gosh! Sobrang ganda!" Pinasadahan ko ng tingin ang buong lugar.

Ang makikita mong kulay ay blue dahil sa langit at tubig, yellow sa ibang dahon, puti na buhangin. Kitang-kita mo sa lugar na ito ang ganda ng kalikasan.

Lumapit agad si Flair at kinuha ang phone niya. Hinapit niya ako at nag-selfie kaming dalawa.

Ang unang picture ay nakangiti kami parehas. Pangal'wa ay nakanguso akong nakatingin sa kaniya. Pangatlo ay nakalabas ang dila ko, ginaya niya naman kaya tumawa ako. Pang-apat ay nakatingin kami sa isa't isa. Panglima ay nakahalik siya sa pisngi ko at ang panghuli ay hindi ko inaasahan nang lingunin ko siya ay hinalikan niya ang labi ko.

Nakangiti niyang tiningnan ang pictures.

"Ang ganda." Natutuwa ko ring tiningnan.

Kumuha pa kami ng solo pict parehas. Tumambay pa kami dito ng ilang oras. Yumakap siya sa likod ko.

"Ang ganda ng lugar lalo na at ikaw ang kasama ko." Bulong niya sa tainga ko.

"Siguro kung nandito si Shivelle matutuwa rin 'yon."

"Dadalhin natin dito next time pero ngayon sosolohin muna kita." Tumawa siya sa poging paraan.

"Kala mo naman talaga hindi mo ako nasosolo?"

"Hindi naman talaga. Lagi nating kasama si Shivelle."

"Anak mo 'yon, eh."

"May sinabi ba akong hindi ko anak?" Hinampas ko siya. Kung minsan talaga sarkastiko siya.

Nakakita kami ng hotel na malapit kaya nag-check in kami. Balak namin manatili dito hanggang bukas. Kitang-kita sa veranda ng kwartong kinuha namin ang ganda ng lugar.

Tumambay kami sa veranda. Kumuha siya ng wine at baso. Binuksan ko naman ang speaker at nagpatugtog.

"Flair.." tawag ko sa kaniya. Nakangiti siyang humawak sa baiwang ko.

"Yes, baby?"

"Kwentuhan mo nga ako."

"Ng ano naman?

"Kahit ano." Umupo ako sa hita niya ng nakaharap at sinandal ang ulo sa balikat niya. Naglalambing ako kaya hinalikan ko ang leeg niya.

"Paano ako magkwe-kwento kung inaakit mo nanaman ako?"

"Hindi kita inaakit. Naglalambing lang ako." Inamoy ko ang leeg niya. Naamoy ko ang paborito kong pabango niya.

Axe.

Hindi kamahalan ang pabangong 'yon pero 'yon ang gusto kong ginagamit niya.

"Wala naman akong ikwe-kwento kasi palagi naman akong mag-isa noon. Sila Rev lang palagi kong kasama kahit mag-birthday." Tumango ako. Kawawa talaga siya.

"Pero hindi naman naging dahilan 'yon para magrebelde ako. Tumutulong ako sa mga tao at ibinabahagi ang yaman ng pamilya namin. Buti nga si dad okay na ngayon kakaawa rin siya dahil simula nang mawala si mommy bihira na siyang ngumiti pero no'ng dumating si Shivelle nakita ko ulit ang liwanag sa mata niya."

"Mmm. Si Shivelle ang naging buhay ng lahat." Umalis ako sandali sa pagkakaupo sa kaniya at uminom ng wine.

"Siguro kung nandito si mommy natutuwa rin 'yon sa anak natin." Masiglang kwento ni Flair.

"Oo, kahit laging nakasimangot ang anak mong 'yon.. cute pa rin."

Hinila ko si Flair patayo nang marinig ang sunod na kanta.

"I want showdown with you." Nginitian ko siya nang malapad. Hinaplos ko ang leeg niya pababa hanggang dumapo ang kamay ko sa may puson niya.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Showdown? Saan? Sa sayaw o sa.." sumilay ang ngisi niya.

Tinawanan ko siya. "Sa sayaw."

Your Love

By: Alamid

You're the one that never lets me sleep

Umikot ako sa kaniya habang nakatingin sa mata niya.

Marahan kong hinaplos ang noo niya pababa sa ilong at labi. Bawat hagod ay may madamdaming pakiramdam.

Siya naman ang humaplos sa pisngi ko. Nagsisimula kaming gumawa ng step ayon sa nararamdaman.

Humawak siya sa baiwang ko ako naman ay lumiyad at madamdaming gumawa ng curve ang kamay sa hangin.

Pinagdikit namin ang noo at sabay na kumembot. Gano'n siguro kami kabihasang dancer dahil nakukuha at nasasabayan namin ang steps na gusto ng bawat isa.

Tumalikod ako, siya naman ay hinaplos ang tuhod ko pataas sa hita. Nakakamanghang walang ehersisyo o eksaktong steps pero heto at ang ganda ng kinalalabasan.

Bumilis ang kilos naming dalawa, naging parang chacha ang datingan. Iwinasiwas niya ako habang ako ay itinapon ang kamay sa kaliwa.

Patuloy lang kami sa paggawa ng steps, sinasabayan ang bawat isa. Lumusot ako sa ilalim niya at pumilantik upang humarap sa kaniya. Walang emosyong hinawakan ang dibdib niya at gumiling.

"Fuck! Cherish. You're so damn hot." Nakagat niya ang labi.

"You boiled." Ngumisi ako.

Nagulat ako nang ihiga niya ako sa lamesa. Parehas kaming naghahabol ng hininga. Magkalapit ang mukha namin at nakatitig sa mata ng isa't isa.

Kinagat niya ang labi. Nakikita ko ang pungay sa mga mata niya. Hanggang haplusin niya ang hita ko pataas. May kung anong sensasyong nabuhay sa akin. Uminom pa siya ng wine, nakagat ko ang labi nang makitang basa ang labi niya at may tumulo pa doong wine.

I want to taste the wine on his lips..

Humugot ako nang malalim na hininga nang pagapangin niya ang kamay sa leeg pababa sa dibdib ko. Magsasalita sana ako kaso inangkin niya na ang labi ko. Agad na uminit ang katawan ko dahil sa presensya ng wine. Nagpalipat-lipat ang labi niya sa itaas at ibaba kong labi, gigil at sabik bawat halik. Bumaba ang halik sa leeg ko. Binuhat niya ako papasok ng kwarto at inihiga.

Pinanood ko lang ang pagtanggal ng shirt niya.

I bite my lips when I saw his junjun.

Dumagan siya sa ibabaw ko. Nakangiti niya akong tinitigan. "'Lagi mo akong inaakit."

"Hindi, ah. Sumasayaw lang ako."

"Sayaw mo iba ang dulot sa akin."

Pinagapang niya ang kamay sa curves ko. Hinawakan niya ang garter ng short ko.

"Hoy.. Flair ayaw ko magkaanak ulit, ah." Paalala ko sa kaniya.

"Yeah, I know."

Nanlaki ang mata ko nang gamitin niya ang ngipin at ibinaba ang short ko.

Gosh!

"Sometimes, we need to explore." Tumawa siya nang malakas.

Natikop ko ang hita ko nang tumambad sa kaniya ang precious.

"I love you, my wife." Bulong niya sa tainga ko bago niya simulan ang milagro.

Nagising ako nang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko 'yon.

Taxon calling..

Pag-open ko video call pala kaya napatakip ako sa katawan ng kumot.

"Mommy!" Nakangiting bungad ni Shivelle.

"Baby.. kumusta ka diyan?"

"Okay po, mom. Napapagod ako sa ensayo. Si tita Diamond tinatarayan ako. Si tito Taxon sinusungitan na ako. Bakit sila gano'n, mom?"

Natawa ako sa pagkakanguso niya.

"Syempre, para matuto ka. Kailangan mo 'yon."

"Where is dad?" Ipinakita ko sa kaniya ang tulog na tulog na si Flair. Tinakpan ko rin ng kumot.

"Is dad tired?" Natawa ako sa sinabi niya.

Pagod dahil sa kabaliwan niya.

"Kumain ka na ba?"

"Yes, mom. Marami!"

"Very good."

"Kailan ako uuwi, mommy?"

"Malapit na, baby, don't worry."

Natapos ang video call namin ni Shivelle. Yumakap na lang ulit ako kay Flair at pumikit. Wala pang limang minuto phone niya naman ang tumunog.

Unknown Number calling...

Sino ito?

Sinagot ko ang tawag.

"Hello? Sino 'to?"

Walang nagsalita sa kabilang linya. Baka naman na-wrong call lang.

"Hello?" Pag-uulit ko. Pinatay ko na lang dahil hindi naman nagsasalita.

Sino 'yon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.