Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 47

Shine Clear's POV

Nagkaklase na ako nang pumasok si Xavier sa room, estudyante ko. Walang paalam at sorry na na-late siya. Hinayaan ko siya, mamaya kakausapin ko na lang.

My lesson for today is about photosynthesis. Ipinakita ko sa mga bata ang illustration ng halaman, may mga arrow para sa water intake pataas. May mga arrow din kung ano ang product ng process. Simple lang dahil high school lang naman sila hindi katulad kapag college ka.

"Because of the photosynthesis we are alive. They produce oxygen, carbohydrates as a final product. Ito ang dahilan kung bakit tayo may pagkain, kung bakit tayo nakakahinga kaya dapat na ingatan ang mga puno, halaman at iba pang resources."

Pinanood ko sila ng videos kung paano nangyayari ang photosynthesis. Mas maiintindihan nila kung nakikita.

Nag-bell na kaya nag-class dismissed na ako.

"Xavier, maiwan ka saglit."

Pinaupo ko siya sa harap ng table ko.

"Bakit ka palaging late?" Mahinahon kong tanong.

Nakita kong kinakabahan siya.

"Hindi kita kinakausap para sermunan. Kinakausap kita para alamin kung bakit ganito ang nagiging performance mo sa klase. May problema ba?"

Malungkot niya akong tiningnan. "Naglalakad lang po kasi ako ma'am. Bago po ako pumasok malayo pa ang pinagkukunan ko ng tubig para makaligo. Minsan lang po ako makapag-tricycle kapag may pera sila nanay at tatay."

Minsan talaga hindi mo sila kailangang sigawan dahil laging may dahilan ang mga ginagawa nila at kung bakit sila ganito. Minsan kailangan lang nating intindihin dahil lahat naman ng tao ay may problema, may pinagdadaanan.

Tumango ako. "Hindi naman hadlang 'yon para makapag-aral ka. Alam mo bang kapag inayos mo ang pag-aaral mo ngayon balang araw giginhawa ang buhay mo? Darating ang araw na hindi lang gripo ang kaya mong ipalagay para kuhaan ng tubig, makakapag-pagawa ka rin ng swimming pool." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Lahat ng bagay pinaghihirapan bago mo makuha. Hindi ba't mas masarap sa pakiramdam ang lumaban ka para sa pangarap?"

Nakita kong natauhan siya sa mga sinabi ko. "Opo."

"Pag-isipan mo ang mga sinabi ko. Kung ano ang ginagawa mo 'yon ka. Kung palagi kang late kahit makapagtapos ka late ka sa trabaho dahil nakasanayan mo na pero kung ngayon palang sisimulan mo na ang pagbabago maraming oportunidad ang naghihintay saiyo. Maramimg solusyon sa problema kung gusto mo 'yong solusyunan."

"Sorry po, hindi ko na po uulitin. Salamat po, ma'am."

Nakangiti ko siyang pinanood palabas. Sumunod na araw ay maaga na siyang pumapasok. Palagi ko rin siyang nakikitang nagbabasa ng libro. Nag-quiz kami at natuwa ako dahil malaki ang naging improvement niya.

Sometimes, someone needs an inspirational message to push their capabilities to do things.

Mas maganda na mataas din ang emotional quotient dahil kaya ka noong dalahin sa tagumpay.

Nag-check ako ng papel. Nakita ko ang namumukod tanging bagsak, si Leo. Imbes na magalit ako sa kaniya ay sinulatan ko ang test paper niya.

'Keep it up. You can do it.'

Lumabas na ako ng Shine Clear's National School (SCNS). Hinanap ko si Flair sa parking lot, wala siya.

Tenext ko siya na tapos na ang klase ko.

From: Poging Flair

I'm sorry. I can't fetch you. I have something to do. Pinapunta ko si Kean para sunduin ka.

To: Poging Flair

Okay

Maya-maya pa ay dumating na si Kean.

"I'm sorry. Naghintay ka ba nang matagal?"

"Hindi, okay lang."

Pumasok ako sa loob ng kotse. "Anong ginagawa ni Flair?"

"Hindi ko alam. Umalis may pupuntahan daw hindi ko natanong kung saan."

"Baka research ng client." Pinagkrus ko ang paa ko.

"Baka."

Natahimik na kami ni Kean. Nagpindot na lang ako sa phone ko.

"Daan muna ako ng Imperial's Mall, huh? Bibilhan ko ng pasalubong si Qiera."

"Sige.. sasama rin ako baka may makita ako."

"Sige."

Bumaba kami ni Kean ng kotse at naglakad papasok. Nakita ko ang bilihan ng damit na pambata kaya hinila ko siya doon.

"Tingin mo bagay ito kay Shivelle?" Ipinakita ko sa kaniya ang pink na dress.

"Oo. Ang cute." Nakangiti niya iyong pinasadahan ng tingin.

"Bibili ako ng tatlo para kay Shivelle, Qiera at Lane Glace para pare-parehas sila."

Naglakad pa kami at nagtingin ng mga damit. Nakangiti kong tiningnan ang simpleng round neck na kulay puti, may nakasulat lang na 'Happy Family'. Mayro'ng sa nanay, tatay at sa anak.

"Kean! Look!" Itinuro ko ang damit sa kaniya. "Ang ganda diba?"

"Yeah. Bilihin mo na."

Kinuha ko rin 'yon. Nagtingin rin ako ng mga dress na kakasya sa akin. Napatingin ako kay Kean nang ilapit niya ang pulang sexy dress sa akin.

"Bagay 'to saiyo, beautiful."

"Really?"

"Oo. Bibilhin ko regalo ko na saiyo."

"Thank you."

"Welcome.

Nag-ikot pa kami ni Kean. Naging shopping ang nangyari. Nakakita ako ng light blue na polo shirt, binilhan ko rin si Flair. Namili rin ako ng mga neck tie para sa kaniya, kay Kean, Kil, Taxon at kay lolo.

"Pasalubong lang bibilhin ko tapos ngayon ang dami na nito." Parehas kaming natawa ni Kean.

Nagulat kami nang biglang may mag-flash na camera. Nagtakbuhan ang mga babae at lumapit sa amin. Sikat na artist si Kean kaya hindi na ako magtataka.

"Kean! Siya 'yong model mo sa mga paintings mo diba?"

"Siya ba 'yong girlfriend mo?"

"Special someone mo?"

"Bagay kayong dalawa! Ayiee!"

"Ang sweet niyo!"

Hindi kami makapagsalita ni Kean dahil sunod-sunod ang tanong nila. Lagi akong napagkakamalang girlfriend niya dahil sa mga paintings niya.

"Isang kiss naman diyan!" Sigawan nila.

Hala siya?

Pinagkaguluhan na kami kaya naman hindi na namin magawang magpaliwanag.

"Wait.. ano--"

"Ayiee," bawat sabihin ni Kean ay pinuputol nila. Alanganin niya akong tiningnan. Baka lumabas ito sa dyaryo o social media, mami-misinterpret ng mga tao.

Siniksik pa kami ng mga babae hanggang magkadikit kaming dalawa. Kinuha pa ang kamay namin at pinagsalikop.

What the?

Hinila ko ang kamay ko. "Wait! Wait! Kalma girls!" Napangiwi ako.

Natahimik naman sila. "Hindi kami mag--"

"Hindi ko siya girlfriend." Si Kean ang nagtuloy. "Para hindi niyo na kami palaging napagkakamalan ganito kasi 'yon." Ngumiti si Kean sa kanila. "She's my ex."

"Aawww." Nalungkot ang hitsura nila.

"Pero magkaibigan kami ngayon. Parehas na kaming may asawa."

"Huh?! Talaga?!"

"Oo, asawa siya ng best friend ko. Parehas na rin kaming may anak kaya 'wag niyo na kaming i-link sa isa't isa." Paliwanag ni Kean sa kanila.

"Pero bakit siya ang pine-paint mo?"

Natigilan si Kean at tumingin sa akin. "S-siya ang model ko."

Matapos nang mahabang paliwanagan ay nakatakas rin kami ni Kean sa kanila.

"Pasensya na, beautiful."

"Okay lang 'yon at least ngayon alam na nila."

Nag-drive na ulit si Kean at hinatid ako sa mansyon.

"Salamat."

Bumungad sa akin ang masamang tingin ni Flair, nakasandal sa pader at diretsong nakatingin sa akin.

"Baby.." humalik ako sa pisngi niya nang nakangiti.

"Kanina pa kita pinasundo bakit ngayon ka lang dumating?" Masama pa rin ang tingin niya.

"Dumaan kami ng mall tapos na-trap kami sa mga fans niya."

Tinalikuran niya ako bigla.

"Flair.."

"Gusto mo ba araw-araw sa kaniya kita ipasundo?"

"Baby.. no."

"Enjoy na enjoy kayong magkasama. Alam mo ba kung anong oras na?"

Hindi ako nagsalita.

Bakit ba kailangan niyang magselos sa mismong best friend niya?

"Alas dyes na. Alas singko ang labas mo. Grabe, cherish!"

Hinabol ko siya at hinawakan ang braso. "I'm sorry. Binilhan kasi kita ng damit. Marami akong pinamili." Ipinakita ko sa kaniya ang paper bag.

"Hindi mo man lang ba tiningnan ang phone mo?"

Kinuha ko ang phone ko. Nanlaki ang mata ko nang makita 50 texts, 70 miss calls galing sa kaniya.

"I'm sorry."

Tinalikuran niya ako at ibinagsak ang pinto ng kwarto. Napabuntong hininga na lang ako. Si Kean naman ang kasama ko, bakit parang ibang tao siya sa kaniya?

Naluha na ako. Pagpasok ko sa kwarto, nakahiga na siya at nakatalikod. Umupo ako sa kama.

"Sorry na. Hindi ko namalayan ang oras."

"Hindi mo namalayan dahil siya ang kasama mo."

"Bakit mo ba pinagseselosan ang best friend mo?"

Tumayo siya at tiningnan ako nang masama. "He's your ex!"

"Ano naman? Kaya nga ex na. Lipas na 'yon!"

"Tsk!"

"Sorry na." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Okay."

Yumakap ako sa kaniya. "Hindi ko na uulitin. I'm sorry." Naramdaman ko rin ang pagyakap niya.

"Sorry rin. I'm just worried kasi ang tagal na hindi ka pa umuuwi."

Mabilis niya lang naman akong napapatawad. Kahit gusto ko pang ipagtanggol si Kean dahil best friend niya naman, 'yon nga lang ex ko na. Siguro nga may mga bagay na kailangang iwasan.

Sinuot ko sa kaniya ang binili kong polo shirt.

"Bagay na bagay!" Inikot ko pa siya. "Ang pogi mo!"

"I'm not," matamlay niyang sabi.

"Perfect."

Sa huli nagkasundo rin naman kami.

Nag-aaway pero hindi naghihiwalay.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.