Shine Clear's POV
"Elle! Hindi ko alam ang gagawin ko hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang anak ko." Humagulgol na si Carme.
Nandito sila Rev, Ali, at Clench. Nawawala raw si Lane Glace.
"Nagbanyo lang ako saglit, iniwan ko sa sala pagbalik ko wala na." Nasapo ko ang noo ko sa pag-aalala sa bata.
"Tiningnan mo sa bahay ng mom and dad ni Lance?" Tanong ni Flair.
"Oo! Kakagaling lang namin do'n." Nagpabalik-balik si Lance.
Nanlulumo akong napaupo.
Saan naman pupunta 'yon? May kumuha sa kaniya.
Tumunog ang phone ni Flair kaya tiningnan namin siya. Tinitigan niya muna parang nagdadalawang isip kung sasagutin hanggang sa lumayo siya para kausapin.
Pare-parehas kaming bagsak ang balikat. Inikot namin ang buong bahay nila Lance pero wala talaga.
"Imposible namang mawala 'yon at makalabas ng bahay niyo. Sa lawak nito? May kumuha do'n." Paninigurado ni Rev.
"No! 'Wag naman sana!" Inis na sinapo ni Lance ang noo niya.
"Sino naman kung gano'n?" Nag-iisip na tumingin sa gilid si Ali.
Sino nga ba? Bakit ang bata pa?
"'Yan di mo kasi inaalagaan mabuti anak mo!" Sermon ni Clench kay Carme. Nagsigawan silang dalawa.
Nag-away pa talaga.
Nagmamadaling lumapit sa akin si Flair.
"I'm going. Babalik ako." Humalik siya sa labi ko.
Pinanood ko na lang ang pag-alis niya.
Saan 'yon pupunta?
Ikot kami nang ikot sa buong bahay baka nagtago lang o naglaro pero wala.
Lumabas na ako para maglakad-lakad kung sakaling nakalabas man, kasama ko si Clench.
"Saan naman pupunta 'yon? Ugh!" Naiinis na sabi ni Clench.
"Hindi ko rin alam."
Natatakot ako dahil baka nga nakalabas masagasaan pa ng sasakyan o kung ano.
"Miss, may nakita ba kayong bata na kulot ang buhok, maputi at naka-pink na damit?" Pang-ilang tao na ang natanungan namin sa village pero wala daw.
"Ako, may nakita ako. May babaeng dumaan dito kanina. May dalang batang tulog, karga niya."
Nangilabot ang buong sistema ko.
Gosh! Sino 'yon?
"Ano pong hitsura?"
"Matangkad na babae siya pero hindi ko nakita ang mukha naka-sun glass."
Chenick namin ang CCTV sa lugar. Natutop ko ang bibig ko nang makita ang babae na lumabas mula sa bahay nila Carme. Karga niya si Lance Glace, tulog ito.
"Clench, sino siya?" Tanong ko habang pinakatitigan ang babae.
Pamilyar ang katawan niya pero hindi talaga makita ang mukha dahil sa shades niya at sumbrero.
Inis na umupo si Clench. "Sino ang babaeng 'yan? Bakit niya kukunin si Lane?" Nasabunot ni Clench ang buhok niya.
Nag-isip ako kung anong pwedeng gawin. Tiningnan pa namin ang lahat ng CCTV. Hindi na naabot ng camera ang paglayo ng babae.
Tinawagan ko si Kean.
"Nasaan ka? We need your help. Nawawala si Lane Glace."
"What?!"
"Punta ka sa bahay nila Carme, bilis!"
Sunod kong tinawagan ay si Nel Jan. Marami siyang alam tungkol sa computer. Alam kong may maitutulong siya.
"I badly need your help!"
"Why?"
"Nawawala si Lane Glace!"
"What the fuck?!"
"Punta ka dito kala Carme."
"I'm on my way."
Halos dumugo na ang labi ko dahil sa kakakagat ko. Sobrang nag-aalala ako.
"'Wag kang masiyadong mag-isip mahahanap din natin." Inayos ni Clench ang buhok ko.
Tumulo na ang luha ko. Mahal na mahal namin ang batang 'yon.
Paano na lang kung may masamang mangyari sa kaniya?
"Shh. Iyakin mo talaga." Tinanggal ni Clench ang luhang pumapatak sa mata ko.
Naglakad-lakad ulit kami para maghanap. Nasa gano'ng sitwasyon kami nang may humintong kotse.
"Nahanap na ba?" Tanong agad ni Nel Jan nang bukasan ang windshield.
"Hindi pa."
May kinulikot siya sa phone niya.
"Nakita ang kotse sa may bandang Makati Ave. Tara!"
Sumakay kaming tatlo sa kotse niya. Nasa tabi ako ng driver's seat at si Clench ay nasa likod. Pinaharurot ni Nel ang kotse.
"Shit! Nasaan na?!" Asik niya nang mawala na ang kotse.
"Iikot mo pa baka nandiyan lang."
"Wait.." may pinindot-pindot nanaman siya sa phone. "Ang bilis ng patakbo niya! Sundan natin."
Pinaharurot niya muli ang kotse. Pare-parehas kaming nahigit ang hininga nang biglang may humintong itim na kotse at hinarangan ang kotse ni Nel Jan.
"Tsk!" Inis na pinalo ni Nel Jan ang manibela. "Hoy! Gago! Alis diyan!" Sigaw niya sa kotse.
Nagulat kami nang maglabasan ang mga lalaki doon. May hawak na baril wala pa man lang ay pinaputukan na kami.
"Clench yuko!" Sigaw ni Nel.
Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at prinotektahan ako payuko. Wala kaming nagawa kung hindi yumuko habang pinapaputukan kami ng baril. Nag-aalala ako kay Clench dahil baka matamaan siya.
"Clench! Okay ka lang ba?!" Sigaw ko sa kaniya.
"O-okay lang."
Akmang gagapang ako papunta sa kaniya pero hinila ako ni Nel at tinakpan muli ng katawan niya.
"Don't move!"
Ang tagal kaming pinaulanan ng bala. May mga nagsisigawan na dahil sa takot na baka matamaan kami.
"Clench!" Panay ang tawag ko sa kaniya, sumasagot naman siyang okay lang siya.
Nagkaroon ng katahimikan. Akmang sisilip ako pero hinila nanaman ako ni Nel payuko.
"Don't move. Ako na." Sumilip siya at laking gulat ko nang may isang putok nanaman. Yumuko ulit si Nel Jan.
"Bibitin ko ang mga 'yan patiwarik oras na magkaroon ako ng pagkakataon!" Asik ni Nel Jan.
Kinapa ko ang phone ko para tawagan si Flair. Paulit-ulit kong dinial ang phone niya pero hindi sumasagot.
Where are you?
Tinext ko na lang siya na na-trap kami dahil may nagpapaputok ng baril sa amin.
Sino nanaman kaya ang mga ito? Hindi na nawala ang mga kontrabida!
Inabot ko ang kamay ni Clench at hinawakan. Nanginginig na siya sa takot.
"I'm sorry kung palagi kang nadadamay sa buhay ko." Madamdamin kong sabi sa kaniya.
Umiling siya. "I'm okay kahit pa sa kamatayan sasamahan kita dahil best friend kita."
Hindi kami makatayo dahil umuulan pa rin ng bala. Nanghina ako dahil hindi namin mahahabol ang kumuha kay Lane Glace.
Kean calling...
"Hel--"
"What the? What is happening there?!" Sigaw niya sa kabilang linya dahil siguro narinig niya ang paputok ng mga baril.
"May nag--ugh!" Nainis ako dahil may balang tumagos malapit sa akin. Mas iniyuko pa ako ni Nel Jan at hinigpitan ang pagkapit.
"Elle!"
"Nasaan kayo?! Anong nangyayari?!" Sa tono ng boses ni Kean ay alalang-alala siya.
"Sa-- ugh!" Hindi ko maituloy ang sinasabi dahil sa tunog ng bala. Sugat na rin ang ibang parte ng katawan ko dahil sa mga boteng nabasag galing sa bintana.
"Wala ba silang balak tumigil?! Punyeta!" Inis na inis na si Nel Jan. "Impyerno abot ng mga 'yan sa akin! Psh!"
"Elle!" Napabalik lang ang atensyon ko kay Kean nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Nasa--" Naputol ang sasabihin ko nang mamatay na ang phone ko dahil sa lowbat.
"Clench!" Tawag ko nanaman sa kaniya. Tinitingnan ko ang lagay niya.
"I'm okay."
Tumigil ang putukan nang marinig ang tunog ng alingangaw ng wangwang na nagmumula sa paparating na parak.
Narinig namin ang pagharurot ng nag-uunahang palayo na mga sasakyan. Sumilip si Nel Jan at tumayo na.
"Fuck! Hindi na natin nasundan si Lane Glace!" Inis niyang sinipa ang kotse.
"Clench.. are you okay?" Mabilis akong pumunta sa kaniya. Tiningnan ko ang buong katawan niya. Nayakap ko siya nang makitang mga galos lang ang natamo niya.
"Masyado ka namang nag-aalala sa akin okay nga lang ako." Ngumiti siya sa akin. "Ikaw okay ka lang?" Tango lang ang sinagot ko.
"Fuck!" Asik nanaman ni Nel Jan nang makitang basag ang phone niya, tinamaan ng bala. "Paano na 'yan?!"
"Lowbat din ako."
"Phone mo, Clench?" Nilingon namin siya.
"Natamaan din." Tinaas niya ang phone niya na basag din.
Kinausap pa kami ng mga police kaya hindi kami makaalis. Butas-butas, sira-sira at basag-basag ang kotse ni Nel Jan.
"I told you.. hindi nga namin kilala! Ulit-ulit! Kailangan naming umalis!" Sumisigaw na si Nel Jan dahil sa inis na paulit-ulit na tanong ng nga police.
"Elle!" Nilingon ko si Kean na patakbong lumapit. "Are you okay? Anong nangyari?"
"Nasaan si Flair?"
Siya ang inaasahan kong darating at hindi si Kean. Luminga-linga si Kean.
"Hindi niyo ba kasama? Wala do'n."
"Nahanap na ba si Lane Glace?"
"Hindi pa. Naghahanap pa rin ang lahat. Anong nangyari sa inyo?"
"Bigla na lang may nagpaputok sa amin hindi pa namin alam kung sino."
May kinuha siya sa bag niya, bottle of water. Palagi talaga siyang meron no'n. "Inumin mo."
Hanggang ngayon hindi niya nakakalimutan ang mahal niyang tubig. Ang kaniyang golden rule na '8 glasses of water every day'.
"Salamat." Matapos kong uminom ay kinuha na lang basta ni Clench ang tubig at ininom din. Ganito talaga kami, walang paki sa laway ng isa't isa.
Inis na tinalikuran ni Nel Jan ang mga police. "Ang kulit! Sabi't hindi kilala!"
Pumasok kami sa kotse ni Kean.
"Saan naman natin hahanapin si Lane? Na-stress na ako kakaikot." Frustrate na sabi ni Kean.
Pare-parehas kaming nganga. Hindi alam kung saan maghahanap. Naisandal ko ang ulo sa upuan at nag-isip.
Wala naman akong alam na pwedeng kumuha sa kaniya. Posibleng kalaban nanaman namin ni LJ sa HTH ang kumuha baka nga kung nandito si Shivelle ay baka nawala rin siya pero hindi ko inaalala ang anak ko. Masiyado siyang matalino hindi siya sasama sa kung kanino. Isa pa, may relo siya na exclusive lang para sa pamilyang Baider.
Oh! Oo nga pala!
Pinindot ko ang relo ko. Hinanap ko ang pangalan ni Flair. Pwede ko siyang ma-contact dahil dito. Kapag pinindot mo kasi ito, patuloy sa pag-vibrate ang relong nasa kaniya bilang paghingi ng saklolo, lalabas doon kung nasaan ako.
Walang response akong natanggap.
Nasaan ba siya?
Bumalik na lang ulit kami sa bahay nila Lance. Pare-parehas nilang sapo ang noo, bagsak ang balikat. Hindi na tumigil si Carme sa pag-iyak kaya inalo ko siya.
"Masama ba akong ina? Hindi ko siya nabantayan nang maayos! Gabi na pero wala pa rin siya!"
Nagtitigan kaming lahat, nag-iisip kung saan siya pwedeng pumunta, sinong pwedeng kumuha pero bigo kami.
"z4." Pati si Lance ay nangingilid na ang luha niya. "Saan ko hahanapin ang anak ko?" Nanlulumo siyang umupo.
Nagulat kami nang bumukas ang pinto. Karga ni Flair si Lane Glace. Lahat kami ay napatakbo sa kaniya. Pinagkaguluhan ang bata at niyakap. Nakahinga kami nang maluwag, lumakas ang hagulgol ni Carme. Hinalik-halikan namin siya sa sobrang pag-aalala.
Sinulyapan ko si Flair na nakababa ang tingin niya. Malungkot ang mata at parang may iniisip.
Bakit siya malungkot? Dapat ay masaya siya? Dahil nahanap niya ang bata.
"Flair.." yumakap ako sa kaniya. Tiningnan niya ako, nanlaki pa ang mata niya nang makita ang mga galos ko.
"Anong nangyari saiyo?" Hinawakan niya ang braso ko at sinipat.
"Wala 'to." Sinilip ko ang pulso niya.
Wala ang relo!
"Nasaan ang relo mo? Diba sabi ko saiyo 'wag mong tatanggalin?"
"H-hindi ko napansing nawawala."
"Mahalaga 'yon. Hanapin mo." Tumango siya, yumakap siya sa akin nang mahigpit. May kung ano sa yakap niya ang hindi ko mahulaan.
"I'm sorry."
Tinanggal ko ang yakap niya at tinitigan ang mata niya. Nangingilid ang luha niya.
Anong problema niya?
"Saan mo nahanap si Lane?"
Nag-iwas siya ng tingin. "S-sa kabilang kanto. I-inikot ko."
Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling siya? Pero bakit naman?
Wala naman siyang dahilan para magsinungaling kaya pinalis ko ang isiping 'yon.
Nilingon ko sila na hanggang ngayon ay todo yakap kay Lane Glace. Sobrang nag-alala sila.
"Salamat, Jave." Madamdaming tinapik ni Lance ang balikat niya. Tumango lang si Flair, may kung ano sa tingin niya ang hindi ko mahulaan.
Lumapit sa akin si Clench at ginamot ang mga sugat ko.
"Ako na." Kinuha ni Flair ang medical kit. Tinitigan ko siya, ang mga mata niya ay may sinasabing kung ano.
May gustong sabihin pero hindi masabi.
"Tell me." Natigilan siya nang sabihin ko 'yon.
"Tell you what? Tell you that I love--"
"Tigilan mo ako sa linya mong 'yan. Sabihin mo sa akin kung ano ang problema mo."
"W-wala, cherish."
Tinitigan ko siya sa mata, nakababa ang tingin at hindi makatingin sa akin. Natigilan pa ako nang makitang may dugo sa labi niya. Inangat ko ang mukha niya at tiningnan ang labi niya.
"Bakit dumudugo ang labi mo?"
"N-nakagat ko."
Kumuha ako ng tissue at dinampian ang labi niya. Ngumiti ako sa kaniya. "Nakipaghalikan ka ba sa iba?"
Tinitigan ko siya nang masama. Hindi ko alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko.
Nanlaki ang mata niya at nabitawan pa ang bulak na hawak niya. Nagtiim ang bagang ko.
Mahuhuli rin kita.
"H-hindi. Baliw ka ba? Bakit ko naman gagawin 'yon?!" Tumayo siya at niligpit ang medical kit.
"Siguraduhin mo." Maawtoridad, madiin, at mayabang ko 'yong sinabi.
"Dahil oras na malaman kong nambababae ka." Tinitigan ko siya diretso sa mata.
"Isusumpa kong nakilala at pinakasalan kita."