Shine Clear's POV
Dahil sa nangyari mas iningatan nila Carme si Lane Glace. Kapag wala si Lance ay sa mansyon siya tumatambay kapag nandito ako. Minsan kay Yannie, kahit nag-aaway sila at nagtatarayan. Madalas ay na kala Ali siya, natakot na siyang mag-isa sa bahay nila.
Tuwing umaga nakakakita ako ng isang pirasong pulang rosas sa sidetable. May tray ng pagkain at nakaayos na rin ang uniform ko. Ginagawa naman na 'yon ni Flair dati pero hindi madalas, ngayon araw-araw niyang ginagawa.
"Good morning!" Nakangiti niya akong binati. Nakaligo na siya at naka-towel na lumabas ng banyo.
"Good morning!" Ngumiti ako. Lumapit siya at dinampian ako ng halik sa labi. Naamoy ko ang toothpaste at naramdaman ko ang malamig na labi niya.
"Kumain ka na, cherish!" Masigla niyang inilapit ang pagkain sa akin.
Fried rice, egg, ham, bacon, saging, milk at tubig.
"Ang aga mo naman?"
Tumalikod siya at kumuha ng damit sa closet. "Gusto lang kitang asikasuhin."
"Uuwi na ba si Shivelle?" Napanguso ako sa isiping hindi pa siya uuwi.
"Hindi pa. Sabi ni Resttan, nadagdagan ng dalawang buwan dahil sa katigasan ng ulo ni Shivelle. Ayaw mag-ensayo dahil alam na raw niya."
"Ang daya sabi isang buwan lang. Ang sabihin mo ayaw lang nilang pauwiin kasi nawiwili sila sa kaniya."
"Gano'n na nga." Harap-harapang nagbihis si Flair sa harapan ko. Binato ko siya ng unan.
"What?"
"Sa banyo ka magbihis!"
Ngumisi siya. "Why? Asawa mo kaya ako."
"Psh. Doon ka na!" Lumapit pa siya at nag-macho dance habang towel lang ang nakabalabal sa baiwang.
Pinigilan ko ang ngiti. Inaabot nanaman siya ng kabaliwan niya.
"Naglalaway ka nanaman sa katawan ko." Ang lakas ng tawa niya.
"Doon ka na kasi." Nag-iwas ako ng tingin.
"Ayaw ko." Pang-aasar niya at tinanggal ang towel.
Epal talaga!
Napapikit ako ng mata.
Wow, Elle! Feeling virgin?
Lakas ng tawa ni Flair. Ang galing niya talaga mang-alaska. Ang aga-aga nang-aasar.
"Kala mo naman talaga." Nangingibabaw pa rin ang malakas na tawa niya.
Pagmulat ko nang mata nasa harap ko pa rin siya at hindi nagbibihis. Nakita ko ang katawan niya kaya binato ko ng unan.
"Ano ba! Magbihis ka na! Kala mo naman talaga ang ganda ng katawa mo!"
"Kunwari ka pa." Lumapit siya at tumalon sa kama. Pinagpapalo ko siya dahil wala man lang suot na kahit na ano. Naramdaman ko tuloy ang bagay na 'yon.
"'Diba maganda mag-exercise tuwing umaga?" Ngumisi siya at hinawakan ang laylayan ng damit ko.
Paulit-ulit ako napalunok. "You pervert! Mamaya hindi nanaman ako makapasok sa--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang madamdaming halik ang ginawad niya.
May kung ano sa halik niya ang hindi ko nararamdaman noon. Masyadong emosyunal at marahan.
Palagi kong ramdam na may problema siyang iniinda pero hindi niya sinasabi sa akin.
Baka tungkol sa clinic o isa sa mga client niya?
Napapadalas din ang pag-angkin niya sa akin na hindi ko naman tinatanggihan.
Inangat ko ang mukha niya at tinitigan ang mata niya. May matinding emosyong nakakubli sa kaniya.
"Ayaw kong magalit ka sa akin. 'Wag mo akong aawayin, ah. Palagi lang tayong masaya, okay?" Nakita kong mangilid ang luha niya.
"Ano bang problema mo, Flair?"
"W-wala, baby, gusto ko lang habang buhay kitang kasama." Dumampi ang labi niya sa pisngi ko.
Kapag ba may problema ang lalaki palilipasin niya lang 'yon?
Hindi ko siya maintindihan. Madalas malayo ang tingin, sobrang sweet at malambing kahit ang pananalita niya.
Humalik siya ulit sa labi ko, tinugunan ko 'yon hanggang maging malalim nanaman ang lahat.
Puro ganito parang nagbabalak nanaman siyang magbuntis ako.
"Flair.."
"Hmm?"
"Ayaw ko--"
"Alam ko."
Tinayo niya na ako at nagbihis. "Ligo ka na. Ihahatid na kita baka ma-late ka pa sa klase mo." Tumango ako at pumasok sa banyo.
Hinayaan kong lukubin ako ng maligamgam na tubig na nagmumula sa shower. Hanggang sa yakap mula sa likod ang naramdaman ko.
"I love you." Madamdamin niyang sabi.
"I love you, too."
Pumasok na ako sa SCNS. Nagsimula ang unang klase ko. Pinag-quiz ko ang mga bata tungkol sa Heterogeneous at Homogeneous mixture.
Ang iba ay todo isip sa tanong. Ang iba ay nakikita kong pasilip-silip sa katabi. Ang iba ay tulog na dahil nakatapos agad. Ang iba ay kunwaring nagkakamot ng ilong, pisngi, noo.
Alam ko na 'yang mga meaning na 'yan, eh.
"Cheating is a crime. Hindi mo dinadaya ang quiz, dinadaya mo ang sarili mo. Hindi ba't mas nakaka-proud kung nasagot mo ang tanong dahil pinaghirapan mong aralin? Kaysa na-perfect mo nga kinopya mo naman. Walang masayang dulot 'yon." Nakangiti kong sabi sa kanila.
Wala mang eksaktong pinunto sa kanila ang sinabi ko. Pare-parehas sila natigilan at nagsariling gawa. Nakangiti kong itinuon ang mata sa laptop ko dahil nakita ko nang wala ng nakopya pa.
"Ma'am!" Nang makalabas ako ay bumungad sa akin si Xavier. Hawak niya ang test paper niya sa math.
"Na-perfect ko ang math!" Ngumiti ako sa kaniya at ginulo ang buhok niya.
"Very good!"
"Salamat, ma'am."
Masaya sa pakiramdam na nabago siya sa pamamagitan lang ng salita.
Teachers are influencer. The future of your student depends on how you guide them.
Natapos ang klase ko. Imbes na si Flair ang mabungadan sa parking lot ay si Kean ang nakita ko.
Bakit siya nanaman?
Tuwing uwian siya ang nagsusundo sa akin. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan ni Flair.
"Where's Flair?"
"I don't know. He said he's busy that's why he requested me to fetch you." Pinagbuksan niya ako ng pinto.
Baka nga busy siya sa mga clients.
Inabutan ako ni Kean ng egg pie kaya napangiti ako.
"Nadaanan ko lang sa may kanto. Naisip ko baka hindi ka naghapunan."
"Thanks."
"Daan mo muna ako sa bahay niyo. Gusto kong makita si Qiera."
"Sure."
"Tita mommy!" Mabilis na iniwan ni Qiera ang mga nilalaro niya upang takbuhin ako at yumakap sa tuhod ko.
Kinarga ko siya agad. Dahil sa presensya niya na-miss ko si Shivelle.
"Elle, napadalaw ka?" Humalik si Yannie sa pisngi ni Kean.
"Dadalawin ko lang ang batang makulit!" Masigla kong sabi kay Qiera.
Hinila niya ako papunta sa mga laruan niya. Nawili ako sa kaniya kaya hindi ko namalayan ang oras. Naglapag si Kean ng juice sa harapan ko.
"Juice?"
"Salamat."
"Hindi ka pa uuwi? Kanina pa tumatawag si Flair."
"Uuwi na rin. Nami-miss ko kasi si Shivelle." Nalungkot ako sa naisip ko.
"Bakit kasi hindi mo na pauwiin?"
"Kailangan siya do'n."
Hinatid na ako ni Kean sa mansyon. Nabungadan namin si Flair na tumitipa sa phone niya.
"Baby.." tawag ko sa kaniya.
Itinago niya agad ang phone at humalik sa akin.
"Tagal mo."
"Pre, alis na rin ako." Paalam ni Kean.
"Sige, salamat pre."
Hinawakan ni Flair ang kamay ko at dinala ako sa kusina.
"Nagluto ako ng adobo. Kumain na tayo." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Ang sarap!" Masigla akong sumubo.
Na-perfect niya na talaga ang pagluluto nito dahil paborito ko.
"Mas masarap ka." Nahampas ko siya dahil sa pagkindat niya.
"Pervert."
"Kumain ka nang kumain diyan. 'Yong anak mo nangungulit na kakatawag."
Tinawagan ko agad si Taxon. Pagbukas ko pa lang nakita kong umiiyak si Shivelle.
"Why are you crying?"
"Tito Taxon doesn't want me to go home." Ang lakas ng iyak niya sa kabilang linya.
Tumatawa si Taxon, Kil at Diamond sa likod niya.
"Tinakot ni Taxon hindi na raw siya uuwi." Tumatawang sabi ni Diamond.
"Baliw ka, Taxon! Pinaiyak mo pa anak ko."
"Minsan paiyakin mo rin. Walang emosyon." Tumatawang sabi ni Kil.
"Sipain ko kayo diyan! Patigilan niyo 'yan!"
"Mommy I wanna go home!" Naawa naman ako sa hitsura niya dahil basang-basa ang mukha sa luha.
"Taxon!" Sigaw ko. "Punasan mo ang mukha niya! Sisipain talaga kita!"
Tawa ni Taxon ang narinig ko. Mga baliw, pinagtritripan ang anak ko.
"Baby ko..." kinuha ni Flair ang phone. Nakita kong tumigil si Shivelle sa pag-iyak.
"Daddy, I wanna go home!"
"Yes, baby, uuwi ka na rin malapit na. Kaya galingan mo ang ensayo para makauwi na." Pang-uuto niya sa anak.
Tumango naman si Shivelle at pinunasan ang luha. "Don't cry na, huh? Uuwi na rin 'yan!" Ngumiti nang malapad si Flair.
Ngumiti na rin ang bata at nagdaldal na.
"Daddy, look!" Pinakita niya ang medyas niya na hello kity.
"Wow! Ang cute naman. Gusto mo ng maraming ganyan?"
"Yes, dad!" May kinuha siyang kung ano. Ipinakita niya ang laruang lipstick. "I have lipstick, too. Tita Diamond brought me!"
"Wow! Ang dami mong laruan, ah." Nakipagkwentuhan lang si Flair sa kaniya.
Kumain na lang ako dahil nagugutom na talaga ako. Sinusubuan ko si Flair habang kausap si Shivelle.
"Anong kinain mo?" Tanong ni Flair.
"Kanin, beef steak, chocolates, ice cream, candy, hotdog, ham, fried chicken.." ang dami pang sinabi ni Shivelle kaya natawa ako.
"Saan nagkasya lahat 'yon?" Tatawa-tawang sabi ni Flair. Bumungisngis si Shivelle.
Ang tagal ng pag-uusap nilang dalawa. Nang matapos ay nagtungo kami sa veranda para magpahangin. Nagbalat ako ng mangga dahil gusto kong kumain no'n.
"How's my cherish day?" Hinapit ni Flair ang baiwang ko.
"Ayos lang. Nakakapagod as usual. Ikaw?"
"Same."
"Saan ka galing kanina?"
"S-sa client." Kumuha na lang ako ng mangga at kinain 'yon. Naubos ko ang anim na piraso nang hindi ko namamalayan.
"Naubos mo?"
"Oo. Sarap, eh."
"Grabe ka!" Tumawa siya. "Saiyo namana ni Shivelle pagiging matakaw."
"Hindi, ah. Minsan lang."
"Minsan daw? Nakailang kanin ka kanina hindi ka pa nabusog?"
"Eh, masarap kumain."
"Whatever." Yumakap siya sa akin at hinalik-halikan ang noo ko.
"Ang bango mo."
"Alam ko." Tipid ko sagot at umakbay sa kaniya.
"Cherish.."
"Yes?"
"Mahal kita."
"Alam ko."
"Ang ganda ng linya mo talaga. Sobrang sweet mo. Bagong tugon na pala ngayon sa 'mahal kita' ay 'alam ko'." Dire-diretso niyang sabi na tinawanan ko.
Nilapit ko ang mukha sa kaniya. "Mahal din kita."
Lumapad ang ngiti niya. "Kinikilig ako." Kumislot pa siya na parang bulate kaya natawa ako.
"Bading!"
"What did you say?"
"Bading!"
"What did you say again?"
"Ba--" Natigilan lang ako nang halikan niya ang labi ko.
"Bading nga." Natatawa ko siyang pinalo.
Yumakap siya sa likod ko. Natahimik kaming dalawa. Nakapikit lang ako at dinadama ang malamig na hangin.
"My over melanin, Zeal.." bulomg niya. "My cherish.."
Ano nanamang trip niya sa buhay?
Tiningnan ko siya, ngumiti siya sa akin.
"You're all I need."
Masaya lang sa pakiramdam na maayos ang pagsasama namin ngayon.
I hope the peace is forever.
"Cherish, pwede bang 'wag ka sa aking magalit kahit anong mangyari?"