Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 50

Shine Clear's POV

"Wooh! Buti na lang naisip niyong magkasama tayo 'no? Nakakapagod na puro trabaho walang gimik!" Tuwang-tuwa na sabi ni Rev.

"Ngayon na lang ulit!" Pati si Kean ay halos mapunit ang labi sa pagkakangiti.

"Hey!" Nakipag-apiran si Nel Jan sa lahat.

"Kupal rin si Nel Jan, 'no? Akalain mong kasama natin ngayon? Samantalang dati kung ibalibag ako duguan na di pa tinigilan." Sabi ni Rev sa kaniya. Nagtawanan ang lahat nang alalahanin ang away noon.

"Sorry naman!" Tumawa rin si Nel Jan.

Akmang uupo siya sa tabi ko pero umupo na si Flair.

Asawa na nga niya ako. Nag-iinarte pa rin ng ganyan.

"Dude!" Dumating si Lance kasama si Carme. Nakipag-banggaan siya ng dibdib sa mga lalaki.

"Inuman para sa mga successful na buhay!" Itinaas ni Rev ang baso niya.

"Cheers!"

Lumagok kami ng alak. Gumapang ang init no'n sa lalamunan ko. Nandito si Arah, himalang tumatawa siya habang nakikipagkwentuhan kay Clench. Wala nga lang si Ali dahil hindi pwedeng magpuyat.

Malamang pumunta dahil wala dito si Kil.

"Kailan ang anak ni Ali?" Tanong ni Flair kay Rev.

"Di ko alam lalabas na lang ang batang 'yon." Binatukan siya ni Kean at Flair.

Siraulo talaga siya. Hindi man lang inalam?

"Loko ka talaga!" Asik ni Kean sa kaniya.

Tumawa si Rev. "Lalabas 'yon kung kailan niya gusto. Abnormal ang tatay kaya siguradong gano'n din siya."

Natawa kami sa kaniya. "Wala kang kwentang tatay!" Asik ni Flair sa kaniya.

"Bars? Wala agad kwenta? Sakit mo magsalita, Jave! Thank you, ah." Sarkastikong sabi ni Rev. Ang mukha pa niya habang sinasabi 'yon ay parang ewan, nanlalaki ang mata at ang ilong.

"Bakit kasi di mo alam?" Sabat ni Nel Jan.

"Nakalimutan ko. Parang ikaw, nakalimutan mo na rin mangbabae." Pang-aasar niya kay Nel Jan.

Kabaliwan niya talaga.

"Nagbago na nga ako." Lumagok si Nel ng alak.

"Nasobrahan ka naman. Ayaw mo ng mag-asawa?" Singit ni Clench.

"Wala pa, eh."

"'Yan, oh, si Arah!" Turo ni Clench.

"Okra! Kung kani-kanino niyo ako nirereto. Pati 'yang Rev na 'yan nireto ako sa pinsan niya. Ngayon naman diyan sa babaerong 'yan?" Dire-diretsong sabi ni Arah.

Himala ang haba ng sinabi niya. May nagbago sa kaniya. Hindi na siya laging tahimik, nag-iingay na siya at nakikipagkwentuhan.

"Hindi na nga ako babaero. May nakita ka bang kahalikan ko ngayon?"

"Playboy will always be playboy." Nagtataka kong tiningnan si Arah.

May galit sa lalaki?

"Sige.. para manahimik ka na. Tayo na lang dalawa ang magpakasal." Nagtawanan kami sa sinabi ni Nel Jan.

"Ayaw ko saiyo!" Asik ni Arah.

"Ayaw mo sa akin kasi si Kil lang ang gusto mo." Ngumisi si Nel Jan.

Nag-asaran sila ni Arah. Naiinis sa kaniya si Arah kaya nakikita kong iniirapan siya.

"Tama na nga 'yan baka mamaya magsuntukan na kayo." Awat ni Rev sa kanila.

"Bakit pala hindi pa bumabalik si Shivelle?" Bigla ay tanong ni Kean.

"May inaasikaso sa America." Sagot ni Flair at nilagyan ng alak ang baso niya at kumagat ng barbeque.

"Bata pa lang may inaasikaso na." Tumawa si Kean.

"Si Kil kailan ang balik?" Nakangising sabi ni Clench. "'Yon ang gustong itanong ni Arah, nahihiya lang."

Nag-iwas si Arah ng tingin at namula. "Dalawang buwan pa," sagot ko.

"Pauwiin mo na baka makakita ng babae do'n kawawa naman si Arah," pang-aasar ni Nel Jan.

"Manahimik kang babaero ka!" Kapag kay Nel Jan ang init ng dugo ni Arah. "Hindi ko pa nakakalimutan ginawa mo sa akin no'n." Inambahan siya ng suntok ni Arah.

Ibang-iba na talaga siya. Naging maingay na siya hindi tulad no'n. May kaunting make up na rin siya, ang buhok niya lang ang hindi nagbabago, maiksi pa rin na hindi umabot sa balikat kaya nagmumukha siyang cute at batang-bata pa.

"Hindi ka maka-move on parang kay Kil." Tumawa si Nel Jan at kumagat ng barbeque.

"Paano magmo-move on? Nag-iisa lang si Kil sa puso niya.. yiee!" Sinundot pa ni Carme ang baiwang niya.

Hanggang ngayon kilig na kilig pa rin siya kay Kil.

"Pinapaasa mo lang pala pinsan ko? Ikaw Arah, ah," singit ni Rev.

Hindi nagsalita si Arah. Kung ang hitsura at ang ugali niya ay may nagbago pati siguro sa buhay niya na hindi namin alam kung ano. Si Ali lang ang madalas niyang kasama, hindi siya nagkwekwento sa amin.

"Jave, kumusta 'yong babaeng baliw na baliw sa'yo?" Napatingin ako kay Flair nang itanong 'yon ni Rev. "Nanggugulo pa ba?"

Naghintay ako ng sagot ni Flair pero tungga lang ng alak ang ginawa niya, hindi sinagot ang tanong na 'yon.

"Anong pangalan ng anak mo, Rev?" Ngumiti si Flair pero alam kong tipid lang 'yon at peke.

"Kapag babae ang pangalan tokneneng.. kapag lalaki ang pangalan toknonong." Napalakas ang tawa ko nang sabihin iyon ni Rev. Ang mukha pa niya ay ngiting-ngiti nag-iimagine sa hitsura ng anak niya.

"Siraulo!" Lakas ng tawa ni Kean.

"Seryoso nga! Puro ka kalokohan." Tumatawa ring sabi ni Flair.

"Wala akong maisip..ah!" May kung anong naisip si Rev. "Alam ko na kapag babae.. taleleng kapag lalaki talolong." Ang ingay namin sa lakas ng tawanan.

Parang ewan 'tong si Rev. Pati anak ginagawanang loko.

"Mahirap mag-isip ng pangalan ng anak. Gusto ko unique 'yong tipong tatawagin mong kotong lupa lapit sa tatay."

Hindi na natapos ang tawanan namin dahil kay Rev. Napakamaloko niya talaga.

"Ikaw Nel? Galaw galaw baka ma-expire sperm cells mo," biro ni Kean kay Nel Jan.

"Bata pa naman ako. Hindi ako nagmamadali. Okay na akong alagaan ang anak nila Elle." Ngumiti si Nel Jan at sinimsim ang lemon na nasa baso, kumuha rin siya ng hiwang apple.

"Baka naman hindi ka pa rin nakaka-move on kay Elle?" Prangkang tanong ni Rev.

Tiningnan lang siya ni Nel Jan at hindi nagsalita.

"Lakas mo talaga, Elle!" Binigyan ako ni Rev ng papuri gamit ang palad niya at yumuko pa.

"Tigilan mo asawa ko, Rev." Tiningnan siya ni Flair nang masama.

"Kaso sorry ka, kinulong na ni Jave." Nakangising sabi ni Rev.

Ano bang sinasabi ng isang ito?

Napalingon kaming lahat kay Flair nang tumunog ang phone niya. Lumayo siya at kinausap kung sinuman 'yon.

Sino 'yong palaging tumatawag sa kaniya?

"Cheers!" Muli naming itinaas ang mga baso at sabay-sabay na lumagok.

"Successful na ang mga buhay natin sana lang wala ng manggulo nakakapagod din kasi ang maaksyong buhay." Sinabi iyon ni Kean na ngumunguya ng kung ano. "Pero 'yong nangyari sainyo no'ng nakaraan, Elle? Ano na? Sino raw?"

"Don't worry about that. Ako na ang bahala." Sabi sa akin ni Nel Jan, tumango lang ako.

Kinakabahan ako dahil hindi pa rin bumabalik si Flair. Parang palagi siyang abala sa phone niya.

Noong bumalik siya, humalik siya sa noo ko. "I'm going. Kapag hindi ako nakabalik agad kay Clench ka sumabay."

"Saan ka pupunta?"

"Business."

"Pero gabi na?" Pinagkunutan ko siya ng noo.

"It's important." Nagpaalam siya sa lahat at umalis na.

Palagi siyang may kausap, umaalis na lang sa hindi ko malamang dahilan. Nangilid ang luha ko.

'Wag naman sanang babae ang pinagkakaabalahan niya.

Napasulyap ako kay Kean na diretsong nakatitig sa akin. Nabasa niya ang lungkot ko at kaba. Inabutan niya ako ng isang basong tubig.

Tubig pa rin. Iyon siya, eh. Kaya nga siya tinatawag na Mr. 8 glasses of water.

"Don't overthink. Baka may kung ano lang siyang inaasikaso." Tumango ako sa sinabi niya.

Sana nga.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.