Shine Clear's POV
Carmelane calling...
"Bebs!" nailayo ko ang tainga ko dahil sa lakas ng sigaw ni Carme.
"Bakit?"
"Punta ka dito sa gallery ni Kean."
"Anong gagawin ko diyan?"
"Nandito kami"
"Nandyan si Jave?"
"Wala. Busy daw"
"Sige.. I'm going."
Binaba ko na rin ang tawag at dumiretso palabas ng mansyon.
"Where are you going Shine?" tanong ni Taxon. Nasa sofa siya at may binabasa.
"Gallery ni Kean."
"Remember, hindi kayo pwedeng magkita ni Jave."
"Oo na"
"Take care"
"Okay"
Lumabas na ako agad. Nalungkot nanaman ako dahil wala si Flair. Sinilip ko ang gintong kutsilyo.
May gintong kutsilyo ako na ibinigay nila sa akin. May nakasulat sa hawakan na 'BAIDER'. Hindi ko alam na ganito pala kahirap maging isang Baider. Hindi pwedeng suwayin ni Flair ang kondisyon dahil ako mismo ang papatay sa kaniya. Sa kaniya at sa pamilya niya. Iyon ang isa pa sa kondisyon na hindi pwedeng malaman ni Flair.
Tinahak ko ang daan papunta sa gallery. Nang marating ko ay nasa labas palang ako ay ang ingay na nila. Rinig na rinig ko, maraming tao sa loob baka opening exhibits.
Pagpasok ko sa loob tumakbo agad palapit sa akin ang batang babae.
Qiera Kesh Valencia.
Anak ni Kean at Yannie.
"Tita mommy!" nakangiti siyang yumakap sa tuhod ko. Kinuha ko siya at kinarga.
"Kumusta ang aming prinsesa?" nakangiti kong tanong sa kaniya.
"Okay lang po. Tita mommy ayaw ako pakainin ni daddy ng chocolate." Nakanguso niyang sabi.
"Shh. Bibigyan kita mamaya 'wag ka maingay." Sabay kaming bumungisngis ng bata.
"Bakit hindi mo kasama si Jave?" tanong ni Kean at pinipilit na kunin si Qiera pero ayaw niya.
"Busy siya" palusot ko.
"Halika na Qiera mabibigatan saiyo si Elle." kinuha nanaman niya sa akin.
"Okay lang ako. Ano ka ba! Minsan ko nga lang makita ang cute na batang ito" kinurot ko pa ng mahina ang pisngi niya. Cute na cute naman siyang bumungisngis.
"Bebs, bakit mo daw tinaguan si Jave kagabi?" tanong ni Carme.
"Nag-away kami" palusot ko nanaman.
Bakit ba tanong sila nang tanong?
"Nag-away? Noong isang araw lang on the way na sa kasalan" tinaasan ako ng kilay ni Carme.
Nag-iwas ako ng tingin kinuha ko nalang ang mga chocolates ko sa bag at binigay kay Qiera.
"Elle, sasakit ipin niyan" saway ni Kean.
"Hindi 'yan" ngumiti ako kay Qiera. Pasaway din dahil benelatan ang daddy niya.
Wala naman magagawa si Kean kung gusto kong bigyan ng chocolates.
"Thank you, Tita Mommy.. you're the best!" Humalik pa si Qiera sa pisngi ko kaya niyakap ko siya.
"Nasaan si Yannie?"
"Nasa office" sagot ni Kean.
Napalingon ako kay Rev na ngayon ay masama ang tingin sa akin.
"What?!" asik ko sa kaniya.
"Nanlalaki 'yan kagabi!" inis niyang sabi.
Gulat naman nila akong tiningnan. Kainis na Rev ito ang OA ng isip. Wala nga akong ginagawang masama, eh.
"Kitang-kita ng dalawa kong malalaking mata sumama siya kay Nel Jan palabas. Tinakasan nila si Jave." kwento ni Rev na lalong nagpanganga sa kanila.
"Is that true?" tanong ni Lance.
"Maniwala ka diyan kay Rev" nag-iwas ako ng tingin.
"Bakit ka sumama kay Nel Jan?" nagtatakang tanong ni Kean.
"Birthday niya. Nando'n nga rin ang mga 'yan."
"Bakit nanlalaki ka? Tinakasan mo pa si Jave?" tanong naman ni Clench.
"Huh? Hindi ako nanlalaki!" Sinamaan ko si Rev ng tingin, naglaban ang masama naming tingin pero sa huli natawa siya.
"Bahala ka, Elle. Isusumbong talaga kita kay Jave" sabi nanaman ni Rev.
"Bahala ka nga diyan kaibigan ko lang 'yon"
Pinaningkitan nila ako ng mata.
"Hey easy! Ikakasal na kami ni Flair. Kung anu-ano iniisip niyo!" Naiinis na ako.
Pumunta nalang ako sa mga paintings ni Kean. Napangiti ako nang makita ang moon. Kakaiba ang kulay noon 'yong tipong aakitin ang sinumang nakakakita. Hawak ko si Qiera at kumakain lang ng chocolate.
"Moon.. remember that?" Napalingon ako kay Kean na ngayon ay nakatingala sa painting.
"Remember what?" kunot noo kong tanong.
"Nothing.. you're one of the special person in my life.. remember?" tiningnan niya ako sa mata.
"Oo naman. Ikaw rin naman para sa akin" tipid ang ngiti namin sa isa't isa.
Naglakad pa ako at nakita ko ang isang pamilyar na lugar.
Park..
Iyong palagi naming pinupuntahan. Ang ganda kuhang-kuha ang lugar at mas lalo pang na-emphasize kung gaano kaganda iyon.
"Ang galing mo mag-paint" nakangiti kong baling kay Kean.
"Hindi masyado "
"Pa-humble"
"Tita mommy, I can't open it" inabot sa akin ni Qiera ang chocolate. Kinuha ni Kean at siya ang nagbukas.
"Last na 'yan. Bukas na ang iba, baby" sabi ni Kean sa kaniya. Tumango ang bata.
Naglakad pa ako sa bandang unahan. Nakita ko ang bagasbas beach. Napanganga ako kung gaano kaganda iyon. Manghang-mangha ako sa mga gawa niya.
"Mahalaga rin kasi sa 'kin ang lugar na 'yan. Kung saan palagi tayong masaya" nakangiting paliwanag ni Kean.
Nakita ko pa ang mansyon ng mga Baider sa Camarines Norte, ang pinyahan doon, pero ang nakapagpahinto sa akin ay ang mukha ko. Nakangiti at halos hindi na makita ang mga mata.
Gano'n ba talaga ako ka-importante sa kaniya?
"Ewan ko pero everytime na magpe-paint ako paborito kong iguhit ang mukha mo." Nagkakamot pa siya ng ulo. "Kasi kabisado ko ang bawat parte ng mukha mo. Kung papaano ka ngumiti, umiyak, mainis paborito kitang model."
Napangiti nalang ako. Kung si Kean alam ang bawat parte ng mukha ko mas lalo ni si Flair. Iyon nga lang at hindi nga daw siya marunong mag-drawing kaya dinadaan niya sa picture.
"Okay lang ba saiyo na pine-paint kita?" nakangiti niyang sabi.
"Okay lang, Mr. Handsome kaya lang baka hindi okay kay Yannie?"
"Nakita niya lahat ng 'yan wala naman siyang sinabi."
Tumango nalang ulit ako. Nagtingin pa ako ng mga paintings. Maraming mukha ko kaya nahiya ako dahil tinitingnan ako ng mga tao. Ako kasi ang nasa painting. Ang title ng mga painting ay 'beautiful #1, #2 and so on'.
"Hi, ma'am. Nako sobrang ganda ng painting ng asawa mo. Halatang inlove na inlove saiyo" nanlaki ang mata ko nang lumapit ang isang babae sa amin.
Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Kean na parehong nakahawak sa tig-kabilang kamay ni Qiera.
"Ang cute ng anak niyo!" sabi pa nito.
Todo iling ako. "Nako! Hindi kami mag-asawa magkaibigan lang kami. May asawa siya." Naiilang kong sabi.
Humagalpak naman ng tawa si Kean.
"Ay, sorry akala ko" nahihiyang sabi ng babae.
"Okay lang 'yon mukha lang talaga kami mag-as--ouch!" Hinampas ko si Kean. Kabaliwan niya talaga, eh, 'no.
Pare-parehas sila ni Flair, Rev at siya. Puro mga kalokohan.
"Si Elle my.." ngumisi siya sa akin.
Epal talaga! Sasapakin ko ito!
Pinandilatan ko siya ng mata.
"Girl friend" pinaghahampas ko siya.
"Ikaw talaga!"
"As in babaeng kaibigan " tumawa siya nang malakas.
"Marami talaga akong isusumbong kay Jave yohoo" sabi ng siraulong si Rev at sumipol pa.
Tiningnan ko siya nang masama. Magwawala nanaman ang isang 'yon kapag nalaman niya. Siraulo pa naman mana sa kanilang dalawa.
Iniwan ko sila at kinarga nalang si Qiera sumunod naman si Kean at inaagaw nanaman sa akin si Qiera dahil mabigat daw. Nakuha niya naman.
"Naasar ka ba? "
"Ay hindi! Ewan ko saiyo" inirapan ko siya.
"Pikonin ka "
"Buti alam mo"
"By the way.. when is the wedding?"
"No exact date.. may kailangan pang gawin si Flair" nalungkot ako sa sinabi ko.
Bukas na ang simula nang unang patunay. Kinakabahan ako para kay Flair.
"Why are you sad? Ayaw mo ba magpakasal kay Jave?"
"Gusto ko. There is something that I can't explain to you. Kung pwede nga lang magpakasal kami ngayon na" ngumiti ako kay Kean.
"Tell me.. what's the problem, beautiful?"
"Walang problema. 'Wag mo kaming alalahanin" nag-iwas ako ng tingin.
"I'm hungry" pagpapalit ko ng topic.
"Okay, let's eat" sumulyap siya kala Carme na ngayon ay nagtatawanan."Guys, let's eat" tawag niya sa mga ito.
Pumunta kami sa isang restaurant. Masaya kaming kumain at nagtawanan. Nasa gitna namin ni Kean si Qiera at sinusubuan ko.
"Alam mo kaya ka napagkakamalan na asawa ni Kean tingnan mo ginagawa mo" nakangising sabi ni Carme.
Napasimangot ako.
"Wala pa kasi kaming anak ni Flair. Gusto ko babae din."
Buntis si Carme, isang buwan palang kaya naiinggit ako. Bumubuo na sila ng pamilya pero kami ni Flair heto may pagdadaanan pang matinding patunay.
Nilagyan ng pagkain ni Clench ang plato ko. Kahanga-hanga talaga ang ugali niya. Hindi lang naman siya sa akin ganyan halos sa lahat.
"Kumain ka nga Elle. Ewan ko ba bakit napapansin ko saiyo wala kang gana, lately" kunot noong sabi ni Clench.
"You should be happy ikakasal ka na" sabi naman ni Lance habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Carme.
"Ayaw mo magpakasal kay Jave?" Bigla ay tanong ni Rev.
"Tinanong ko rin 'yan sa kaniya baka ako ang gustong pakasalan -aray!" Hinampas ko si Kean.
"Ako Kean, tigilan mo ako baka nakawin ko anak mo hindi ko na ibalik" banta ko sa kaniya.
"Going back to the topic bakit nga ganyan ka? Pansin ko rin" si Ali naman ang nagtanong.
"Wala nga, busy lang si Flair hindi kami nagkikita"
"Nagkita kayo tinaguan mo nga!" pang-aasar ni Rev.
Napabuntong hininga nalang ako dahil nakukulitan na ako sa kanila.
"Where is Arah?" tanong ko dahil kanina ko pa siya hindi nakikita.
"Brokenhearted sa pinsan mo. Gusto magpakalayo-layo" malungkot na sabi ni Ali.
Sa amin kasing lahat si Ali ang pinaka-close niya.
"Ano bang nangyari sa kanila?"
"I don't know nakita ko nalang si Arah umiiyak. Hindi naman nagkwento" sabi ni Ali.
Natahimik ang lahat. Tarantado talagang Kil 'yon.
Anong ginawa niya?
"Tita mommy" nilingon ko si Qiera. "I'm full ayaw ko na po" ngumiti lang ako sa kaniya.
"Anong full kakain ka nabusog ka kasi ng chocolates!" asik ni Kean kaya hinampas ko.
"Don't shout!" masama ko siyang tiningnan kaya nanahimik siya.
Natapos ang pagkain namin. Nagsiuwian na sila pero nagpaiwan ako para alagaan si Qiera. Ayaw kong umuwi iiyak lang ako dahil hindi ko pwedeng makita si Flair.
"Bakit hindi ka nalang magpahinga?" Lumapit si Kean sa aming dalawa ni Qiera.
"Ayaw ko pa. Nga pala.. we're going to America tomorrow"
"Alam ni Jave?"
"Oo kasama siya"
Pupunta kami ng America para sa patunay. Gumapang nanaman ang takot sa dibdib ko na pilit kong pinapalis. Tumulo na pala ang luha ko.
"Elle, what's the problem?" Nag-aalalang tanong ni Kean.
Hindi ko masabi at kahit gusto kong sabihin hindi pwede.
"May problema talaga kayo ni Jave. I can feel it" paninigurado niya.
"Wala kaming problema. Okay kami pero may mga bagay kasi na hindi ko pwedeng sabihin.. the family's thing."
Tumango nalang si Kean pero ang mata ay nag-aalala pa din. Nilaro ko nalang si Qiera.
"Anong gusto mong pasalubong pag-uwi ko?" nakangiti kong tanong kay Qiera.
"Barbie!" Masigla niyang tugon.
"Okay!" Nilabas ko ang suklay at sinuklayan siya. "Be a good girl always, huh?"
"Yes, tita mommy!"
Pumasok ako sa kotse kahit anong pilit ko ang pangungulila kay Flair ang nararamdaman ko. Kinuha ko ang phone ko at nag-record. Ipapadala ko ito kay Taxon para sa kaniya.
"Impakto.." iyon palang ang sinasabi ko pero lumuluha na ako.
"I miss you so much.. I know you can do it.. I'll wait for you, okay? I want a daughter." napangiti ako kahit ang luha ay dumadaloy sa pisngi ko.
"Please be strong.. I want us forever. I'm longing to see you, baby"