Uminom na lang ako. Maya-maya pa ay lasing na ang lahat. Mapungay na ang mata ng lahat at nangungulit na.
Si Arah ay nagpipindot sa phone niya.
"Manggo-ghost! Paasa! Mang-iiwan! Pa-fall! Che!" Asik niya habang nakatingin sa phone.
Gosh! Sinong kinakausap niya? May kausap ba siya o ano? Parang wala? Parang may tinitingnan siyang picture or something?
"Nababaliw ka na ba? Arah Melita Abriol?" Tumatawang sabi ni Clench.
"Malapit na, Clench Gabriel Belmonte." Ngumisi si Arah.
Malaki ang problema nito sa buhay. Nakikita ko na.
Si Kean naman ay sunod-sunod ang tungga ng tubig. Pampawala daw ng hang over.
Si Rev ay parang siraulong kumikislot, sumasayaw dahil sa malakas na tugtog.
Yumuko na lang ako at nilaro ang strew sa baso. Hindi ko napapansing ang dami ko ng naiinom.
"'Wag ka masiyado magpakalasing. Sasakit ang ulo mo." Pinigilan ni Nel Jan ang basong diretsong iinumin ko sana hanggang maubos lahat.
"Okay lang. Linggo bukas walang pasok." Nginitian ko lang siya at ininom na.
Napahawak ako sa noo ko. Nahihilo na ako.
Saan ba pupunta si Flair? Anong gagawin niya? Gaano kahalaga 'yon para iwan niya ako? Kami?
Tumayo ako at pumunta sa dance floor. Sumunod naman sila sa akin. Sumayaw kami at tumatawa ako nang banggain ko si Lance at Carme.
Buti pa kayong dalawa palaging masaya ang relasyon hindi ko nakitang mag-away o magsigawan. Sana katulad ng relasyon niyo ang sa amin.
Humarap sa akin si Nel Jan at nakipagsayaw.
"Yohoooo!" Para akong nakawala sa hawla sa kakasayaw at kakasigaw. Tumatawa pero tumutulo ang luha ko.
Hindi ko maiwasang hindi mag-isip.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Nel Jan, kumuha ng panyo at pinunas sa pisngi ko.
"Pawis 'yan." Tumawa pa ako.
Pawis? Galing sa mata? Patawa ka, Elle.
"Bakit? Ano nanaman? Lagi ka bang umiiyak?" Nag-aalalang tanong ni Nel.
"Hindi nga ako umiiyak, k?" Pinaningkitan ko siya ng mata.
Hindi na nagsalita si Nel at tumitig na lang sa akin. Tumalikod ako sa kaniya at nakipagsayaw naman kay Rev. Ang siraulo tawa nang tawa, sa lakas ng tawa niya. Natatawa rin ako.
"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kaniya habang malakas ding tumatawa.
"Wala! Natatawa lang ako." Tumawa nanaman siya.
Gumiling-giling ako, si Rev naman ay sigaw nang sigaw habang sumasayaw rin. Ang giling ko naman ay swabe kaya hindi 'yon kabastos-bastos.
Lumipas pa ang mga sandali, nawala na pala ako sa kanila. Kung sino-sino na ang nakasayaw ko pero okay naman dahil hindi naman humahawak sa akin, sumasayaw lang talaga.
"Hi, anong pangalan mo?" Tanong ng lalaking kasayaw ko ngayon.
"May asawa na ako."
"Ang tanong ko, anong pangalan mo?" Ngumiti ang lalaki.
Bakit ba lapitin ako ng lalaki? Hindi naman maganda.
"Elle." Ngumiti ako sa kaniya.
"Nice to meet you, Elle. Ako nga pala si Raniel Ren Sin." Naglahad siya ng kamay sa akin.
Napahinto ako sa pagsayaw. "Sino ka ulit?"
"Raniel Ren Sin." Ngumiti siya sa akin.
"Sin?" Kinuha ko ang inaabot niyang kamay. "May kilala kang Revnel Han Sin?"
"Oh? Kilala mo siya? He's my cousin." Tinitigan ko siya.
"Talaga? Nice to meet you, too."
Saglit pa akong nakipagsayaw sa kaniya at saka tumalikod at naghanap ng kasayaw. Nakailang kasayaw na ako pero wala pa ring Flair na nanghihila sa akin. Ilalayo ako at ipagdadamot sa iba.
Wala! Nasaan ka?
"Hi." Napaatras ako nang humawak sa baiwang ko ang isang lalaki. Agad kong tinanggal ang kamay niya.
Tumalikod ako at nasapo ang noo dahil sa pagkahilo. Hinila ako nang lalaki at pilit na sinasayaw.
"Ano ba! Bitawan mo ako!" Sumipa ako pero dahil sa hilo ako pa ang muntik matumba. Kaya nahawakan ako ng lalaki sa baiwang.
"Bitaw!" Madiin kong sabi at tiningnan siya nang masama.
"Ang suplada mo. Lalapit ka sa akin tapos susungitan mo ako?" Gumuhit ang ngisi sa labi ng lalaki.
Kinurot ko ang kamay niya at tinalikuran siya. Nagulat pa ako nang hilahin nanaman niya ako sa braso.
"Bitawan mo ako! Isa--"
Hanggang isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ng lalaki. Nagkagulo na, nakipagpambuno ang lalaking sumuntok sa kaniya.
Tumulo ang luha ko.
I was expecting Flair. Hindi siya.
Si Nel Jan ang sumuntok. Nagkagulo na dahil sa lalaking kasama ng manyakis na 'yon. Hinila ako ni Kean at itinabi. Magkasunod na tinalon ni Rev, Kean at Lance ang dance floor para tulungan si Nel Jan.
Kasalanan ko. Nagkagulo pa tuloy.
Galit na galit si Nel Jan na halos basagin na niya ang mukha ng lalaki. Hindi rin naman nagpaawat sila Rev, Kean at Lance pare-parehas silang abala sa pakikipagsuntukan. Natapos lang ang gulo nang awatin na sila ng bouncer.
"Bastos kang hayop ka!" Dinuro ni Nel Jan ang lalaki.
Ibang klase rin pala siyang maging kaibigan. Itataya rin ang buhay.
"Bakit ikaw ba ang boyfriend?! Huh?" Asik ng lalaki.
Parehas sila ni Nel na nagpupumiglas sa may hawak sa kanila.
"Hindi! Pero kaibigan namin siya! Lumayas ka nga sa harapan ko baka ibitin kita patiwarik nakuha mo ang hinahanap mo!" Akmang lalapit at susuntok nanaman si Nel Jan pero pinigilan na siya nila Kean.
"Ang yabang mo! Bakit sino ka ba?!"
"'Wag mo akong tanungin kung sino ako baka kapag nagpakilala ako saiyo tumago ka sa saya ng nanay mo!"
Yeah, he's Nel Jan Quijada. Once playboy when we were college. The 'master' of his own gang, Dreadful Gang. Ang nagpatumba lang naman sa Overthrow Expert, Break Bone Adept at Prince of Flying Kick, isa siya sa may kahanga-hangang lakas at talino. Kung lalabanan niya ako baka matalo niya ako.
"Ilayo niyo nga sa akin 'yan! Ihhh!" Pinanggigilan pa ni Nel Jan ang lalaki bago lumapit sa akin.
"Are you okay?" Tanong niya sa akin.
"Okay lang."
"Tara na umuwi na tayo." Niyaya na kami ni Carme na umuwi.
Kay Clench ako sumabay, tulala akong nakatingin sa labas ng bintana.
"I'm your best friend kahit bihira tayong magkasama ngayon, hindi magbabago 'yon kaya sabihin mo na ang problema." Inihinto ni Clench ang kotse sa tabi.
Tumulo nang tumulo ang luha ko. Yumakap ako sa kaniya.
"Hindi ko na kasi maintindihan si Flair o baka masiyado lang akong nago-overthink." Umiiyak kong sinabi iyon.
Ramdam ko ang haplos ni Clench sa ulo ko. "Baka nga nago-overthink ka lang. Kailangan mo siyang pagkatiwalaan. Kasal na kayo for fuck's sake."
"Pero ano 'tong nararamdaman ko may kakaiba sa kaniya? May hindi siya sinasabi. Ramdam ko 'yon!"
"Listen." Pinakatitigan niya ako sa mata. "Kasal na kayo." Pagdidiin niya sa salitang 'yon. "At may anak. Hindi mo siya dapat pinag-iisipan nang masama. Mapapagod ka lang kakaisip. Minsan darating ang oras na hindi talaga kayo magkakaintindihan pero ang mahalaga alam niyo kung papaano bumalik sa oras na iniintindi niyo ang isa't isa. Hangga't wala kang nakikita intindihin mo siya."
Parang pinukpok ang ulo ko ng martilyo dahil sa sinabi niya. Baka nga nagkukulang lang ako sa pag-intindi.
"Keep in mind that you're his wife. No girl can get him from you. Ikaw ang nagmamay-ari sa kaniya. Naiintindihan mo?" Seryoso niyang hinawakan ang balikat ko at tinitigan ang mata ko. Tumango ako at hindi nagsalita.
"Understanding the situation, that's the most relevant in marriage."