Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 52

Shine Clear's POV

Pagod na pagod ako sa maghapon dahil nag-ayos kami ng venue. Kasama ko si Kean, Clench at Nel Jan. Nagpatulong ako sa kanila dahil sila lang ang available ngayong araw.

Si Nel Jan laging available, isang tawag lang nandito na.

Umakyat ako para ayusin ang mga silver na lobo.

This day is our Wedding Anniversary. Wala pa rin si Shivelle dahil sa ensayo nami-miss ko na ang anak ko.

"Ako na." Pinababa ako ni Nel Jan at siya ang nag-ayos.

May dilaw kaming kurtina na inilagay, sa gitna no'n ay may gold na sulat 'Happy Wedding Anniversary'. May mga lobong nakalagay at maganda ang pagkakadisenyo. Sabi nila ay sa restaurant na lang daw pero mas gusto ko sa private place para mas dama ang moment.

Tumulo ang pawis ko sa noo habang buhat ang kahon ng mga kandila.

Sana magustuhan ni Flair ang sorpresa kahit hindi ko alam na baka mayro'n din siya.

Lumapit si Clench at pinunasan ang pawis ko sa noo, ngumiti ako sa kaniya.

"Ang sweet ng best friend ko."

"Ngayon lang 'yan. Mami-miss kasi kita kapag kinasal na ako. Ilang buwan kami sa Korea para sa honeymoon." Tumawa ako kay Clench.

"Buwan talaga, huh?"

Malapit na kasi ang kasal nila ni Rozel kaya naman ngayon ay todo tulong siya sa akin dahil matagal daw siyang mawawala.

Inayos ko ang lamesa, nilagyan ko ng design. Nasa gano'n akong sitwasyon nang lumapit si Kean.

"Gutom ka na?" Tumango ako sa kaniya. Umalis siya at pagbalik may dala nang breadroll at juice.

Kumain muna kaming apat.

"Kapag hindi pa naman ito nagustuhan ni Jave pagpapambuno kaming dalawa." Natawa kami sa sinabi ni Nel Jan.

"Yeah, swerte niya nga, eh. Asawa pa niya ang nag-effort pero baka may surprise rin 'yon." Nakangiting sabi ni Kean. "Busy siya nang iwan ko sa clinic."

Napangiti ako, baka nga meron din kasi imposibleng wala.

Pagkatapos naming kumain ay balik kami sa pag-aayos ulit ng lugar.

"Marunong akong mag-piano, ako na lang ang tutugtog," boluntaryo ni Nel Jan.

"Talaga? Sige!" Natutuwa ko siyang tiningnan.

Naglagay kami ng maraming kandila sa paligid para magmukhang romantic ang lugar at syempre hindi mawawala ang rosas na paborito ko. Meron akong inilagay na bugkos sa table.

"Saan ko ilalagay ito?" Hawak ni Kean ang iba pang bulaklak.

"Diyan sa gilid, ayusin mo ng pagkalagay, ah." Tumango siya at dinesenyo ang bulaklak.

Pagod na pagod kami nang matapos.

"Salamat sa inyong tatlo!" Nakipag-apiran pa ako sa kanila.

"Una na ako, ah. Tumatawag na si Rozel." Umalis na si Clench, tanging naiwan ay 'yong dalawa.

Dito sila kasi si Kean ang mag-assist daw sa amin suportadong masiyado. Si Nel Jan naman ang tutugtog.

Tinawagan ko si Flair.

"Baby.. anong oras out mo?"

"Mamaya mga 7. Bakit?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

Anong bakit? Hindi ba niya naaalala?

"Ah.. itetext ko saiyo ang address pumunta ka dito pagka-out mo."

"Okay, cherish."

Ibinaba niya agad ang tawag.

Baka naman kunwari nakalimutan gano'n?

Ngumiti na lang ako. Nagkukunwari pa siyang nakalimutan niya.

"Kean, maganda ba 'yong binigay mo sa akin na red na sexy dress? Sa tingin mo magugustuhan ni Flair 'yon?"

Tumango siya at ngumiti. "Oo, Ikaw pa ba? Bagay nga 'yon saiyo. 'Yon na lang isuot mo."

Nakangiti akong pumasok sa banyo at nag-ayos ng sarili. Sexy dress na may slit ang damit na suot ko. Lalong nakita ang curves at lumitaw ang hita ko. Nag-ayos ako ng mukha, kaunting make up at sinuklay ang straight na mahaba kong buhok.

"Wow!" Sabay na sabi ni Kean at Nel Jan.

"Ganda ko 'no?" Umikot pa ako sa harap nila, tumango naman sila.

6:45 pm. Malapit na.

Nakangiti akong umupo sa table. Pinatugtog ni Nel ang piano kahit wala pa si Flair.

IF WE FALL IN LOVE

by: Yeng Constantino

There will be no ordinary days for you

If there is someone who cares like I do

Nawili ako sa pakikinig sa kaniya. Akalain mong maganda pala ang boses niya.

"Nice voice!" Sigaw ko sa kaniya.

Si Kean ay nakaupo sa isang tabi. Nagpipindot ng phone niya habang nakikinig.

Lumapit ako at umupo sa tabi ni Nel Jan. Habang wala pa si Flair makikipagkantahan muna ako sa kaniya. Sinabayan ko ang pagkanta niya, nag-blending ang boses naming dalawa.

Ngumiti kami sa isa't isa, hindi namalayan ang oras. Pinapanood lang kami ni Kean, natutuwa rin siyang makinig.

Sinilip ko ng phone ko. 7:05 pm, baka na-traffic lang siya.

Natapos ang kanta, nakailan pa kaming kanta pero walang Flair na dumating.

9 pm.

Walang text, walang tawag, wala siya.

Patuloy lang sa pang-aabala si Nel at Kean sa akin para hindi ko maisip na wala si Flair at mukhang hindi na darating. Natigilan sila sa pagpapatawa nang makitang tumulo nang tumulo ang luha ko.

May problemang hindi ko alam. May iniinda siyang ayaw niyang sabihin pero ang kalimutan ang espesyal na araw na ito.

Sumusobra na siya.

Nakayuko lang ako at patuloy sa pag-iyak.

"Beautiful.. I'm sorry." Malungkot na sabi ni Kean. Lumapit siya at hinagod ang likod ko. "'Wag ka nang umiyak baka naman may emergency la--"

"Can't you see, Kean? Madalas niya akong iwan! Palagi siyang may kausap! Pilit kong iniintindi! Pinipilit ko! Baka busy! Baka may client! Baka stress! Lahat ng dahilan pinilit kong ipasok sa isip ko! Pero ang kalimutan ang araw na 'to! Hindi na ako natutuwa sa impaktong 'yon!" Humagulgol na ako ng iyak.

Malungkot akong tinitigan ng dalawa.

Iyakin ako. Palagi naman.

Si Nel Jan ay hindi nagsasalita.

"Pare-parehas tayong nagpakapagod para sa wala! Anong oras na?! Buhay pa ba ang taong 'yon?!" Galit na galit akong tumayo pero nanlumo lang din sa panghihina at sakit.

Sabi ni Clench, pag-intindi pero paano ko iintindihin ang sitwasyong nakalimutan niya ang araw na ito?

Poging Flair calling...

"Baby, where are you? Bakit hindi ka pa umuuwi?"

Naibato ko ang phone ko sa galit.

Nasaan ako? Nagpapatawa ba siya? Bakit hindi pa ako umuuwi?

Humagulgol ako ng iyak. Nakatingin lang sa akin ang dalawa.

Dapat na ba akong magsisi ng lalaking pinakasalan?

Hinaplos ni Nel Jan ang ulo ko. Tiningala ko siya at wala sa sariling yumakap sa kaniya. Alam kong ikinagulat niya pero tinuturi ko na siyang 'tunay' na kaibigan.

"Shh." Pilit niya akong pinapatahan.

Rinig ko ang paulit-ulit na mura ni Kean, galit na galit sa best friend niya.

Inihatid ako ni Nel Jan, ayaw ni Kean makita si Flair nasisiguro ko 'yon.

Diretso akong pumasok kahit nakita ko ang masamang tingin ni Flair.

Ikaw pa may ganang magalit?

Hinila ako ni Flair sa braso at iniharap sa kaniya. Nagpumiglas lang ako at nagmadaling pumasok ng kwarto.

Walang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

"Bakit ganyan ang suot mo?! At tama ba ang nakita ko?! Si Nel Jan ang naghatid saiyo?! May asawa ka na! Nakipag-date ka sa--" sinapak ko siya.

"Naririnig mo ba ang sarili mo?!" Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. "Pwede bang pakibalik saiyo ng sinabi mo?!" Dinuro ko ang mukha niya.

Napamaang ang bibig niya at ang galit ay kitang-kita ko.

"Ano bang problema mo?!" Asik niya sa akin.

Umupo ako sa kama at kinuyom ang palad. Pinipigil ang galit.

"Wow! Zeal! Ang ganda mo! Tingnan mo sarili mo! Naka-sexy dress at nakipagkita kay Nel Jan.. hey, girl! Elleina Zeal o Shine Clear.. may asawa ka na at a--" dumapo ulit ang kamay ko sa mukha niya.

"Alam ko 'yon! Baka ikaw ang gustong isaksak sa utak mo na may asawa't anak ka na!" Akmang sasapakin ko nanaman siya pero nahawakan niya ang kamay ko.

"Sabihin mo nga sa akin bakit ka ba nagkakaganyan?"

Peke akong tumawa. "Ibalik mo ang tanong saiyo!"

"Ano ba, cherish!"

"Pwede bang pakitingnan mo kung anong date ngayon?" Kinuha niya ang phone, nanlaki ang mata, nanginig ang kamay at nabitawan ang phone.

Tumulo ang luha niya. "I-I'm sorry." Iyon ang lumabas sa bibig niya.

Tinalikuran ko siya at marahas na nagbihis. Wala akong pakialam sa presensya niya.

Mula sa araw na ito, hindi mo maririnig ang boses ko.

Kahit anong explanation ang sabihin mo, Javen Flair.

"I'm sorry." Yumakap siya sa likod ko nang akmang huhubarin ko ang damit ko.

Hindi ako nagsalita, tinapakan ko lang ang paa niya kaya napabitaw siya. Kinuha ko ang towel at diretsong pumasok sa banyo. Wala na akong pakialam sa kaniya, kahit ngayon ay paulit-ulit siyang humihingi ng tawad at humahagulgol.

Naging matunog ang pag-iyak ko sa loob ng banyo. Kumakatok siya pero hindi ko pinapansin.

Akala ko noon siya na ang perpektong lalaking nakilala ko. Akala ko noon kahit nag-aaway kami kayang ayusin agad sa isang 'I love you'. Akala ko kapag kinasal na kami puro saya na lang. Akala ko palagi akong ngingiti kapag siya ang kasama ko.

Ang lahat palang 'yon ay akala lang. Mas masakit kumpara sa away namin noong hindi pa kami ikinakasal. Ngayon niya lang nakalimutan ang pinaka-espesyal na araw.

Hindi na niya kailangang magpaliwanag dahil sa mga sinabi niya malinaw na nakalimutan niya.

Disremember our wedding anniversary is the most painful of all things that I've experienced, of all fights we encountered.

This is too much.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.