Javen Flair's POV
Ilang araw na akong hindi pinapansin ni Zeal, nagkikita pero parang hangin ako sa kaniya. Hinahatid at sinusundo ko siya pero wala siyang kasing lamig. Inaasikaso ko, kinakausap, binibiro pero tagos ang tingin niya sa akin. Walang emosyon kung tumingin, tikop ang bibig, sa makatuwid parang wala siya.
Parang wala na siya sa akin.
Hindi siya natutulog sa tabi ko, sa kwarto siya ni Shivelle, gabi-gabi ko siyang kinakatok doon pero hindi niya ako pinagbubuksan ng pinto. Rinig ko ang hagulgol niya pero hindi nagsasalita.
Ang sakit na nangyayari ito sa amin. Dumarami ang kasalanan ko at hindi ko siya kayang tingnan sa mata ang kaya ko lang gawin ay suyuin at iparamdam sa kaniya ang pagmamahal ko pero hindi na niya 'yon binigyan ng atensyon.
Pati si Kean palagi kong kasama pero hindi niya rin ako kinakausap. Kakausapin niya lang ako kapag client-related.
Tiningnan ko siya na abala sa pag-aayos ng papel. Malamig ang pakikitungo niya sa akin. Sa ilang taon naming magkasama ngayon lang siya nagalit sa akin nang ganito. Galit siya pero hindi niya sinasabi.
"Kean?"
"Oh?" Hindi niya ako tiningnan man lang.
"Pre.. " napasabunot ako sa ulo ko. "Hindi ako pinapansin ni Zeal."
Nag-angat siya ng tingin at walang emosyong tiningnan ako.
"I am your best friend, but it doesn't mean that I will support you for your bullshits." Nagulat ako sa prangkang sinabi niya. "Susuportahan kita sa ikaliligaya mo, sa success mo, pero hindi sa kagaguhan, Jave."
Gusto kong hanapin ang salitang 'pre' dahil madiin ang pagkakasabi niya ng 'Jave'.
"Kung ginaganyan mo siya. Sana pala binawi ko na noon pa!" Tumayo siya at matalim akong tiningnan. "Alam mo kung anong nararamdaman ko ngayon?"
Kinuyom niya ang palad. Nagulat ako nang tumama sa akin ang kamao niya, malakas ang suntok niya kaya pinatumba ako noon.
Tumulo ang luha sa mga mata niya. "Best friend kita pero hindi ko kayang makitang ginaganito mo siya! Akala mo hindi ko napapansin? Sinong kausap mo palagi? Fucking ass, Jave!"
Yumuko lang ako at tumingin sa mga paa ko. Nakaupo ako at nakasandal sa pader, hindi ko na nagawa pang tumayo.
Tatanggapin ko ang galit niya. Dapat lang ito sa akin.
"Hindi mo ba nakikita kung gaano karaming lalaki ang nagmamahal sa kaniya? Swerte mo nga nasa iyo! Ikaw ang pinili at ginusto! Si Nel Jan hindi mo ba nakikita na ginagawa niya lahat para kay Elle? Isang tawag nandiyan na! Kahit bilang kaibigan na lang! Imulat mo naman ang mata mo sa kalokohan mo!"
Galit niyang hinampas ang lamesa. "Naaasiwa akong makita ka dito araw-araw. Galit ako sa iyo, sobrang galit ako! Gusto mong malaman kung bakit?"
"Nangako ka sa akin na hindi mo siya sasaktan! Naniwala ako saiyong hindi mo kayang gawin 'yon pero fuck! Mula nang ikasal kayo minsan lang siya naging masaya ngayon madalas ng malungkot, umiiyak at nasasaktan!"
Hindi umiiyak si Kean pero ngayon nakita ko ang pag-uunahan ng luha niya. Wala akong masabi dahil totoo naman ang sinasabi niya.
Ang sama ko.
"Mahal ko si Yannie pero hindi no'n kayang pantayan ang pagmamahal ko kay Elle na hanggang ngayon nasa puso ko pa rin! Hindi siya gano'n kadaling kalimutan! Hindi ko siya kayang kalimutan!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Tumulo nang tumulo ang luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa inis sa sarili.
"Kung wala akong asawa't anak ngayon at kung hindi kayo ikinasal." Matalim niya akong tiningnan.
"Aagawin ko siya saiyo kahit pa ikasira ng pagkakaibigan natin!"
Tinalikuran ako ni Kean. Tulala at galit sa sarili.
Nawawala ang babaeng mahal ko pati na rin ang best friend ko. Sa sinabi niya talagang galit na galit siya sa akin. Iyon ang nararamdaman niya 'yon din ang dahilan kung bakit may ilang bagay na ikinaseselos ko sa kaniya dahil nakikita kong kahit gaano pa tumagal na lumipas ang panahon hindi niya kayang tanggalin si Elle sa puso niya. Kitang-kita sa mga paintings niya.
Bakit nga ba kapag nagkagusto ang lalaki sa kaniya minamahal siya ng higit pa sa buhay nito?
Bakit nakakabaliw ang mahalin siya?
Hindi isa, dalawa kung hindi marami ang nagkagusto sa kaniya at tama si Kean maswerte na ako dahil ako ang pinakasalan at minahal niya.
Sinundo ko si Zeal, nakita niya ang pasa sa pisngi ko dahil sa suntok ni Kean pero tinapunan niya lang 'yon ng tingin, walang sinabi, deadma.
"Cherish.. gusto mo bang kumain tayo sa labas?" Ngumiti ako sa kaniya.
Sinulyapan niya lang ako pero hindi nagsalita. Ilang araw ko na bang hindi naririnig ang boses niya.
Kahit wala siyang sinabi dinala ko pa rin siya sa Rosa Restaurant. Nakipagngitian siya sa mga tao doon.
"Anong gusto mong kainin?"
Kahit isang tugon ay wala. Inorder ko na lang ang mga paborito niya. Kahit pagkain ay matamlay.
"Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko. Naiintindihan ko ang galit mo o baka nga hindi mo na ako mapatawad kahit kailan pero gusto kong malaman mo na.. mahal na mahal kita."
Walang imik, patuloy lang sa pagkain. Para akong nakikipagusap sa hangin.
Ginawa ko ang lahat laging may bugkos ng bulaklak, chocolates, mga regalo, harana, pagpapa-cute pero wala.
Suicide. She's totally ignoring me.
Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang kausap si Shivelle sa phone. Nasa sofa kami, ang layo niya sa akin.
"Uwi ka na, baby, sabihin mo kay Resttan! Ayaw ka na niyang pauwiin, ah." Nakangusong sabi ni Zeal.
Para akong bumalik sa dati. 'Yong tamang tingin na lang sa malayo kasi hindi kayang maabot. 'Yong tiis-tiis lahat ng sakit.
Back to zero lahat sa relasyon namin. Kung tingnan niya ako parang hindi niya ako kilala. Kahit sulyapan ay malamig ang tingin. Aalis siya ng gabi minsan, nakikipag-inuman. Kahit ngitian niya ako ng tipid ay wala.
Idagdag mo pa ang malamig ding pakikitungo ni Kean sa akin. Parehas silang malamig sa akin.
Nababaliw na ako dahil hindi ko alam paano ko sila susuyuin at hihingiin ang kapatawaran. Ayaw kong umasa na isang araw lalapit na lang sila at sasabihing napatawad na ako.
Hindi mangyayari 'yon dahil si Zeal sobra-sobra kung magalit.
"Mommy, where is dad?"
Tiningnan ako ni Zeal, walang buhay niyang inabot ang phone sa akin.
"Hi! Dad!" Napangiti ako nang makita ang malapad na ngiti ni Shivelle.
"Hello, baby, kumusta ka?"
"I'm okay, dad. Malapit na ba akong umuwi?"
"Malapit na kapag naging mahusay ka na." Pilit akong ngumiti.
Nakita kong tumayo si Zeal at pumasok sa kusina. Pagbalik niya may ice cream na dala at cake sa platito.
Hindi niya ba ako nami-miss?
Natapos ang usapan namin ni Shivelle. Ibinigay ko sa kaniya ang phone.
"Cherish.." tawag ko sa kaniya hindi niya man lang ako nilingon.
"I love you. I miss you." Tumulo ang luha ko. "Kahit hindi mo ako pansinin alam ko namang naririnig mo. Miss na miss na kita."
Wala akong narinig na tugon, tumayo siya at diretsong naglakad papunta sa kwarto ni Shivelle.
Hindi niya talaga ako kayang patawarin.
Naramdaman ko ulit ang pag-iisa, malungkot.
Unknown number calling..
Shut! Heto nanaman ito! Kakairita.
"Where are you, babe?"
Napabuntong hininga na lang ako.
Hanggang kailan ba niya guguluhin ang buhay namin?
"House."
"Punta ka dito sa bahay."
"No. Matutulog na ako."
Ibinaba ko ang tawag.
Lumabas ako para puntahan si Rev. Baka sakaling may magawang matino sa buhay ko ang taong 'yon.
"Gago ka kasi, pre. Sinong di magagalit? Pinagharapan nila ang venue tapos hindi mo sisiputin at nakakatanga pa ang ginawa mo hindi mo naalala." Sermon sa akin ni Rev.
"Anong gagawin ko?"
"Aba, malay ko saiyo! Pati si Kean galit saiyo. Bihira magalit ang isang 'yon. Matakot ka.. baka magulat ka ginawa niya talaga ang pang-aagaw sa asawa mo." Nabatukan ko siya.
"Loko ka talaga! Hindi niya gagawin 'yon."
"Joke lang. Pero, pre, alarming talaga 'yang nangyayari sa relasyon niyo. Ilang araw na hindi ka pinapansin baka mayro'n pa siyang matinding dahilan bukod doon. Isa pa, problemahin mo rin si Kean hindi mo naman siguro kayang mawala ang isang 'yon? Diba? Nagbabalak siyang umalis sa clinic niyo."
"What?! Gano'n siya kagalit sa akin?"
"Oo! Napapala mong kupal ka mangbabae ka pa!" Binatukan ko nanaman siya.
"Loko ka talaga."
"'Wag ka mag-alala, pre. Mawawalan ka lang naman ng asawa at best friend. Madali lang 'yon."
Kahit kailan talaga wala siyang matinong masabi sa akin.
"Teka.." may dinukot siyang kung ano sa pwetan niya. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Amuyin mo muna ito."
Umutot si loko.. kadiri!
Pinaamoy pa sa akin. Binatukan ko siya nang binatukan. Ang lakas ng tawa niya.
"Wala ka talagang magawang matino!" Asik ko sa kaniya.
"Bayad 'yon sa mga payo ko." Malakas siyang tumawa.
"Anong payo do'n? Puro kalokohan!"
Nang maka-recover sa amoy na mala-imbornal na utot niya ay lumapit ako sa kaniya.
"Seryoso nga, pre!" Inis kong sabi sa kaniya.
"Sa totoo lang kung ginawa mo na lahat at hindi ka pa rin napatawad. Wala na, pre.. game over. Goodbye una at huling pag-ibig ni Jave." Binatukan ko nanaman siya.
"Awsi! Sino ka?" Niloko niya pa ako na kunwaring nagka-amnesia siya dahil sa batok ko.
"Seryoso, Rev!" Inis kong ipinandyak ang paa ko.
"Sige na nga.. ito na talaga." Tumalikod siya sa akin. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Prut!"
Shut!
Umutot nanaman ang loko. Sinipa ko ang pwet niya habang nakatakip sa ilong.
"Gago ka, Rev! Tumae ka na nga muna!"
Ang lakas ng tawa ni Rev. Akala ko tapos na ang kakautot niya pero sunod-sunod pa 'yong tumunog. Sinipa ko na siya paalis. Tumakbo siya papunta ng banyo.
"Loko talaga!" Pinagpawisan ako nang matindi dahil ang tagal mawala ng amoy.
Kabastusan, amp!
"Ano tapos na?" Sabi ko sa kaniya nang bumalik siya.
"Success." Nakangiti niyang sabi.
Todo layo ako sa kaniya dahil baka umutot nanaman. Lakas ng tawa niya.
"Ang layo, ah." Humagalpak siya ng tawa.
"Ito pre, seryoso na talaga. Wala kang ibang dapat gawin kung hindi ang suyuin siya.. nasa kaniya ang pagpapatawad. Kung hindi niya pa kayang ibigay ngayon baka bukas mapatawad ka rin. Tiwala lang, pre."
Lumapit ako ng kaunti sa kaniya.
"Mababaliw na ako kakaisip sa solusyon. Ang nakakalungkot pa, sa America kami nagpakasal. Paano kung makaisip siyang makipag-divorce?"
"Problema mo na 'yan."
"Problema ko nga. Sino bang nagsabing problema mo?"
Napailing-iling siya at saka seryoso akong tiningnan. "Seryoso, pre. Di ko alam kung ano pa bang dapat mong gawin. Siguro hintayin mo na lang na humupa ang galit nila. Si Zeal talagang kung magalit matindi at si Kean naman hintayin mo lang di ka matitiis noon. Bumawi ka lang nang bumawi."
Napabuntong hininga na lang ako. "Ano pa nga ba? Natatakot lang ako na makipaghiwalay sa akin si Zeal di ko kakayanin."
Tinapik ni Rev ang balikat ko.
"Think positive, be positive, do positive, magkakabati rin kayo basta positive ka lang."
"Hay nako, dumali nanaman ang positive na 'yan."
"Si Mr. Positive 'to, eh."