Shine Clear's POV
Nakatingala ako sa madilim na langit, pinagmamasdan ang mga bituin. Malamig ang hangin kaya napakiskis ako sa braso ko.
May yumakap sa likuran ko, hindi ko na nilingon alam ko naman. Ipinatong niya ang mukha sa balikat ko.
"Si Shine ka ba?"
Hindi ko 'yon sinagot.
"Kasi hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko." Naramdaman ko ang mainit na likido na pumapatak sa likod ko, umiiyak siya. "Hindi ko na kaya, cherish.. kausapin mo na ako. Ang sakit-sakit na ng dibdib ko. Nauubos na ang luha ko. Patawarin mo na ako. I'm so sorry."
Hinarap ko siya at pinakatitigan sa mukha.
"Do'n ka na matulog sa kwarto natin." Naawa ako sa hitsura niya dahil ang laki na ng eyebags niya. "Hindi ako makatulog ng hindi kita katabi."
Tumango ako sa kaniya. "Apology Accepted."
Niyakap niya ako nang sobrang higpit. Humagulgol siya sa balikat ko.
Teka!
Amoy ko ang alak sa bibig niya. Naglasing siya.
"Grabe ka naman kasi magalit." Bulong niya sa tainga ko. "Ang hirap mong suyuin pero mas mahirap ang wala ka."
Hinawakan niya ang pisngi ko. "Nakalimutan ko.. aminado ako do'n dahil ang dami kong iniisip. Na-stress ako.. sorry kasi pinagbintangan pa kita na nakipag-date kay Nel Jan. Huli na nang malaman ko na tinulungan ka nila para sa surprise mo sa akin. How asshole I am!" Inis niyang sinabunutan ang sarili.
"Okay na. Shh."
"Tapos si Kean galit na galit sa akin. Aalis siya ng clinic.." iyak siya nang iyak.
Siguro talagang matindi ang nadulot ko sa kaniya nang hindi ko pansinin ng ilang araw. Hindi ko rin alam na pati pala si Kean ay galit sa kaniya. Alam kong nainis siya pero hindi naman siguro aabot na iiwan niya ang best friend niya.
Hinapit niya ang baiwang ko. "Ayaw kong maramdaman ulit ang panlalamig mo para akong pinapatay, cherish."
Naawa naman ako sa hitsura niya. Para siyang bata na nagsusumamo sa akin.
"Ya. Hindi na." Niyakap ko na lang siya.
Tinitigan niya ang mukha ko at hinaplos ang pisngi ko.
"Asawa ko.." malambing na boses na sabi niya.
"Hmm?" Ngumiti ako.
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Nawala ang mabigat na pakiramdam dahil sa hindi ko pagpansin sa kaniya. Nahihirapan din ako nang mga araw na 'yon, umiiyak ako palagi lalo na tuwing gabi. Ang hirap niya rin kasing makitang pinagdudusahan ang kasalanan niya.
Lesson niya 'yon.
Sa tindi ng pagka-miss sa isa't isa ay hinalikan niya ang labi ko. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa kwarto na. Hindi nagbibitaw ang mga labi namin.
Dahan-dahan niyang tinanggal ang butones ng damit ko at marahang inihiga sa kama.
"I miss you." Bulong niya sa tainga ko.
"I miss you, too."
Pagkasabi ko no'n ay siniil niya na ako ng halik. Madamdamin, marahan at mabagal niya iyong ginawa. Naramdaman ko ang pagtutuloy niyang tanggalin ang butones. Nakapikit siya at sa tingin ko masiyado niyang dinadama ang halik.
Nag-ring ang phone niya pero wala siyang pakialam. Pinahinto ko siya.
"Your phone."
"I don't care. It's not important." Ipinagpatuloy niya ang paghalik sa akin.
"Hmm," I moaned when he touched my mammary gland.
Nagmulat ako ng mata, nakita ko ang mukha niyang nakatunghay sa akin.
Parang ang lungkot ng mga mata niya.
Hindi ba siya masaya na magkabati na kami?
"Cherish.. I'm sorry."
Magsasalita pa sana ako pero hinalikan na niya ako.
He slowly removed my things. He kissed me on my neck going down to my mammary gland. He played with it. I bit my lips when I felt something penetrating inside me. He used his digits at first and the next thing I knew was we conjugated.
We both burnt when we created the dance steps.
Niyakap niya ako nang mahigpit, naramdaman ko ang mumunting halik niya sa balikat ko.
"Are you tired?" Nag-angat siya ng tingin sa akin.
"Yes." Umalis siya sa ibabaw ko at inayos ang unan. Inihiga niya ako sa braso niya.
"I'm sorry for putting sperm cells on you."
Natigilan ako at napaupo. "Huh?"
"I'm sorry." Ngumiti siya at hinila ako pahiga. "Tingin ko kasi kailangan natin ng isa pang anak."
Hinampas ko siya sa braso. "Nakakainis ka talaga."
"Nakakainis nga mahal mo naman." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Hindi gaano." Pang-aasar ko sa kaniya.
"Hindi pa gaano 'yon, ah."
"I miss Shivelle." Nalungkot ako sa naisip ko.
"Me too. Ayaw na yatang iuwi ni Resttan." Tumawa si Flair.
Naramdaman ko ang paghaplos niya sa baiwang ko. "Hoy! Bastos!" Natawa naman siya.
"Kunwari ka pa." Inasar niya pa ako at kinagat-kagat gamit ang labi sa leeg. "Rawr!"
Natawa ako dahil nakikiliti ako. Pilit ko siyang nilalayo sa akin.
"Ano ba! Nakikiliti ako! Impakto!" Malakas akong tumawa. Natigilan lang ako nang may kung ano siya ginawa sa may itaas ng dibdib ko.
"Anong ginawa mo?"
"Kiss mark." Nakangisi niyang sabi.
Pinaghahampas ko siya hanggang mahuli niya ang kamay ko.
"Akin ka naman, eh. Kaya nilagyan ko ng tanda." Kabaliwan niya sa buhay damay niya pa ako.
"Ang pangit tingnan! Hindi ako makakapagsando!"
"Oo nga para hindi ka magsuot ng labas ang ano mo! Papa-sexy ka pa kasi."
Hinampas ko siya. "Anong nagpapa-sexy? Huh?"
"Lagi ka kayang nakasando tapos kapag lalabas ka sleeveless suot mo lalo na no'ng mga panahong nag-aaway tayo."
"Kasalanan mo naman 'yon!"
"Oo na pero akin ka lang kasi kaya dapat tinatago mo katawan mo."
"Ano ako madre?"
"Madre lang ba ang nagtatakip ng katawan? Diba pwedeng 'yong mababahong bombay rin?"
"Mabaho talaga?" Natawa ako.
Kiniliti ko ang baiwang niya. Tawa kami nang tawa. Hanggang sa malaglag kami sa kama.
"Aray!" Parehas pa ring natawa pagkatapos. Hinila ko ang kumot at itinakip sa katawan. Nakita ko nanaman kasi ang ngisi niya.
Umakyat ako sa kama, napasigaw ako nang hilahin ni Flair ang paa ko.
"Sipain kita, eh!" Asik ko sa kaniya habang tumatawa siya.
"Ang cute talaga ng mga reaksyon mo!"
Napatakip ako ng mata nang makita ko ang junjun niya.
Ang lakas ng tawa niya na umalingawgaw sa malaking kwarto namin. "Parang hindi mo pa nakita, ah? Makatakip ka diyan."
"Tse!" Tumalikod ako sa kaniya. "Magdamit ka na."
"Bakit? You're naked, too."
Akmang tatayo ako para magbihis pero hinila niya ako.
"We're not yet done." Gumuhit ang ngisi sa labi niya.
"Ayaw ko na." Tila natakot ako sa sinabi niya kaya pinagtawanan niya ako.
"Takot na takot ka sa akin kapag ganito."
Pinitik ko ang bibig niya. "Kasi 'yang ngisi mo mala-demonyo."
"Ano naman? You're my wife." Hinila niya ako at hindi na pinaalis sa bisig niya.
"Hey! Ano.. Flair! Nahihiya ako!" Sigaw ko sa kaniya dahil magkadikit ang balat namin.
"Nahihiya? May gana ka pang mahiya, cherish?" Humagalpak siya ng tawa.
Pinagtatawanan niya nanaman ang mukha ko. Tuwang-tuwa siyang panoorin ang ekspresyon ko.
"What's the name of our second baby?" Nakangiti niyang tanong.
"Diba nga ayaw ko na?"
"Eh.. malay mo diba? Cherish gusto ko pa ng isa pang anak."
"Ayaw ko na."
Nalungkot ang mukha niya. "Sige na nga."
Kinaumagahan ay wala na si Flair sa tabi ko. Nakita ko na lang siya na nasa kusina na at nagluluto nanaman ng fried rice at ng ulam.
Yumakap ako sa likuran niya ng may ngiti sa mga labi.
"Gising na pala ang cherish ko.. good morning!" Inabot niya ang ulo ko para dampian ng halik.
"Good morning, baby.." pinalambing ko nang todo ang sinabi.
"Tawagan natin si Shivelle." Kinuha ni Flair ang phone at nag-dial.
Mumungaw-mungaw na sinagot ni Taxon.
"Call me later. Too early." Pinatay niya agad ang phone.
"Baka tulog pa?" Sabi ko at umupo na lang.
Nagulat pa ako nang iangat ako ni Flair at iupo sa lamesa.
"I want a morning.." gumihit ang ngisi sa labi niya.
Nanlaki ang mata ko at nagpumiglas. "Ayaw ko mamaya ma-late nana--" natigilan ako nang halikan niya ang labi ko.
"Morning kiss." Tumawa siya nang malakas.
Akala ko..
Napakamot ako sa ulo ko.
Masaya lang na dumaan ang maghapon ko dahil maayos na ulit kami ni Flair. Hinintay kong dumating ang uwian para makasama siya. Nagulat pa ako nang makita ko siya sa parking lot na may dalang bugkos ng rosas.
"Don't ask if it is for you." Iyon ang lagi niyang linya tuwing binibigyan niya ako ng rosas dahil 'yon ang una naming pagkikita, sa gano'ng paraan kami nagkakilala.
Nag-drive siya, napalingon ako sa kaniya nang ibahin niya ang direksyon.
"Bakit, baby?" Tanong ko sa kaniya.
"Shut! May nakasunod."
Napalingon ako sa likuran nakita ko ang itim na van.
Sino nanaman 'yon?
Pinaharurot ni Flair ang kotse. Ginitgit kami ng van.
"Yuko!"
Yumuko kami nang may maglabas ng baril at itinutok sa akin. Pumutok ang baril na tumama sa upuan ko.
Naiinis na ako porke ba nananahimik na ang buhay ko ay ginugulo nanaman kami ng kung sino.
"Ihinto mo!" Utos ko kay Flair.
Panahon na para harapin kung sino man ito. Sila rin 'yong nagpaulan ng bala sa amin nila Nel Jan.
Ihininto ni Flair ang kotse. Walang takot kong sinugod ang may hawak ng baril. Isang iglap ay naitutok ko iyon sa sentido niya.
"Sino k--" natigilan ako sa pagsasalita nang sipain niya ako.
"Cherish!" Dumapo agad ang paa ni Flair sa dibdib ng lalaki.
Naglabasan ang lahat ng laman ng van na 'yon. Hindi na ako nagulat na marami sila.
Tinutukan kami agad ng baril.
"What do you need?" Mahinahon kong tanong.
"Ikaw. Ang buhay mo."
Natawa ako sa sinabi niya. "Are you sure? Kung buhay ko ang kukunin mo baka magdusa ang pamilya mo?"
"Ang yabang pala nito." Pinaputok niya ang baril, mabilis 'yong sinipa ni Flair.
"Don't you dare hurt my wife!" Sinuntok ni Flair ang mukha ng lalaki.
Nagsimula nang magkagulo. Mataas akong tumalon at pumunta sa bubong kotse. Doon ako sinugod ng mga kalaban. Pinagtawanan ko sila dahil hindi man lang ako matamaan. Inapak-apakan ko ang mga kamay nila. Umakyat din si Flair sa itaas, magkatalikuran kaming humaya.
Isa-isa silang umakyat din pero wala pa man lang sinisipa na namin para malaglag. Nahawakan ako ng isa sa paa at hinila pababa. Natumba ako pero agad ding bumangon.
Napailag ako sa kanan nang may bumaril nanaman. Ang hihina puro baril ang gamit. Sakto namang malapit ang isa pa kaya hinugot ko ang baril walang anu-ano'y pinaputok ko 'yon. Pinatamaan ko ang mga kalaban sa paa. Inis silang pumalahaw sa sakit. Walang alinlangan ko silang inisa-isa, walang dumaplis sa tama ng baril, lahat ay tinamaan kaya napangisi ako.
Hindi pa rin nagbabago ang abilidad ko.
Pa-tumbling na bumaba si Flair galing sa taas. Dami niyang alam porke dancer ay kailang pagbaba pasayaw rin?
Hinapit niya agad ang baiwang ko.
"My dangerous fighter is hard." Kumindat siya sa akin.
Hard? Anong hard na pinagsasabi nito?
"Halika na!"
Iniwan namin ang mga lalaking namimilipit sa sakit ng binti dahil sa tama ng baril.
Magkaakbay pa kaming lumayo na parang walang nangyari.
Naghintay ako ng ilang linggo nagpi-PT ako dahil baka nga mabuntis ako kahit ayaw ko na ng anak. Isang araw na dinatnan ako kaya napangiti na lang ako.
Sorry, impakto, hindi ka nagtagumpay.
Pumasok ako ng clinic. Napangiti ako nang makitang nagtatawanan si Kean at Flair, mukhang okay na sila.
"Siraulo talagang Rev 'yon." Malakas na tumawa si Kean.
"Sinabi mo pa."
Lumapit ako sa kanila, parehas silang tumingin sa akin.
"Hi, boys."
"Hello." Sabay nilang bati.
Humalik ako sa pisngi ni Flair.
"Lunch?"
"Tara. Pre, kakain kami sama ka?" Tanong ni Flair sa kaniya.
"Hindi na. Dadaan din si Yannie mamaya dito."
Nagpaalam kami sa kaniya at lumabas na. Kumain kami sa malapit na restaurant.
"Okay na kayo ni Kean?"
"Yeah." Ngumiti siya. "Pres are pres. Hindi naman ako matitiis no'n."
"Oo nga. Bakit hindi ko nakikita pala si Rev?"
Tumawa si Flair. "'Wag mo nang hanapin ang loko, maiinis ka lang kapag tinanong mo isasagot saiyo busy mag-isip ng pangalan ng anak niya. Hindi makaisip ang loko. Manganganak na lang ang asawa niya."
Sabay kaming tumawa ni Flair. Tumunog ang phone niya kaya lumayo muna siya saglit. Kumain na lang ako baka client nanaman.
"Cherish.. saglit lang tayo, huh? May emergency." Nagmamadali niyang sabi.
Hinatid niya ulit ako sa clinic at ibinilin kay Kean na ihatid pauwi. Nagmadali siyang umalis ni-hindi man lang humalik sa akin para magpaalam.
Sino ba kasi ang importanteng client na 'yon?