Shine Clear's POV
"Clench!" Magkahawak kamay kami ni Carmeng tumakbo kay Clench at tumalon upang yakapin siya.
Guwapong-guwapo siya sa puting tuxedo na may bulaklak pa sa bulsa nito. Pinakatitigan ko ang mukha niya.
"Grabe! Ang guwapo mo!"
Ilang segundong hindi namin tinanggal ang pagkakayakap sa kaniya. Hinila ko si Carme dahil 'ayon nanaman ang pag-iyak niya.
"Baka madumihan mo ang damit niya." Pinanusan ko pa ang bandang dibdib niya.
Ikakasal na siya!
Hinawakan ko ang pisngi niya at emusyonal na ngumiti.
"I'm so happy for you. I wish you all the best." Niyakap ko ulit siya nang mahigpit.
"Binata ka na!" Hinampas siya ni Carme sa braso. "'Wag mo akong kakalimutan at saka 'wag ka na mang-agaw ng pagkain."
Parehas kaming natawa ni Clench, walang ibang deskripsyon kung hindi masaya kami para sa kaniya.
Nagsimula nang maglakad si Rozel sa red na carpet. Garden wedding ang gusto nila kaya naman wiling-wili ako sa ganda ng lugar.
We are all settled except Nel and Arah, I don't know if they want to get married.
Nag-unahang pumatak ang luha ni Clench habang nakatingin kay Rozel. I know that feeling, I felt that when we married.
Masaya, sobrang saya!
Umakbay sa akin si Flair habang nanonood ng madamdaming tagpo sa buhay nila. Nagsisigawan ang mga tao dahil inaasar si Clench.
Hindi magkandaugaga si Clench sa pagpunas ng luha niya nang marating siya ni Rozel.
I'm so happy. Finally, he got the love of his life. I wish you the happy marriage and all.
Maraming sinabi ang pari. Nakikinig silang dalawa hanggang sa dumating na ang pinakahihintay nilang sandali.
"I do." Parehas silang umiiyak at masaya. Nagsimulang tanggalin ni Clench ang belo niya at marahan siyang hinalikan.
Tumulo nang tumulo ang luha ko sa sobrang saya. Of course, he's my best friend. He's my superman, I know all his secrets and imperfections, but because of Rozel he found the perfections that he was finding.
Nakangiti kong pinanood ang kissing scene nilang dalawa. Mahahalata mo ang sobrang pagmamahal nila sa isa't isa. Ang daming pinagdaanan na sakit ni Clench pero ngayon sa tingin ko wala na, ang tanging magiging buhay niya na ngayon ay puro saya. Kilala ko siya maalaga siya at mapagmahal, nasisiguro kong kung darating man ang araw na mag-away sila kayang-kaya niyang ayusin agad 'yon dahil nakita ko rin ang ganda ng relasyon nila, ang pagbibigay at pag-intindi ang laging nangingibabaw.
Nagpasabog ng mga bulaklak matapos ang kasal. Tinakbo ko nanaman silang dalawa at niyakap. Hindi ko na napigilan ang umiyak.
"Iyakin." Tinawanan ako ni Clench.
"Congratulations!" Sumayaw-sayaw pa ako sa harap nila. Lumapit si Flair at ginaya ang sayaw ko. Baliw rin talaga ang isang ito.
Naupo kami sa mahabang lamesa at nag-ingay na.
"Yes, di na siya alone." Pang-aasar ni Rev kay Clench.
"Kakainggit. Sana ako rin ikasal na." Nakasalong baba na sabi ni Arah habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Asawahin mo na pinsan ko. Wala ka namang pag-asa kay Kil." Inasar siya ni Rev.
"O kung ayaw mo tayo na lang?" Pagbibiro rin ni Nel Jan. "Pagtiisan na lang kita." Natawa naman kami.
"Wow! Ikaw pa ang magtitiis, ah? Kapal ng mukha." Inis na sabi ni Arah.
"Saan ka nakakita ng manipis na mukha?" Sinapak pa ni Nel ng mahina ang sarili.
"Gusto mo ako sumapak?" Tumayo si Arah at akmang mananapak kaya napatakbo si Nel Jan.
Umalingawngaw ang malakas na tawanan.
"May namumuong love team! Yiee." Pang-aasar ni Carme. Siya talaga kahit kailan kung sino nalang ang i-link.
"Yuck!" Asik ni Arah.
"Yuck? Ano ako tae? Bitin kita patiwarik, eh." Nakangising sabi ni Nel Jan.
'Ayon nanaman 'yong 'ibitin kita patiwarik' paborito niyang gawain 'yon.
"Sige!" Tinuro niya kami ni Flair. "Pero bago mo ako ibitin sila muna ang kalabanin mo."
"Ops!" Tinaas ni Nel ang kamay, sumusuko. "Ayaw ko na nga mang-asar, pumapangit si Arah."
"Okra ka!" Sinabuyan niya ng tubig si Nel Jan kaya ang lakas ng tawa namin.
Ang init ng ulo niya.
Aba't nagawa niyang mangbuhos ng tubig?
"Tigilan niyo na nga 'yan. Mamaya magmalay kami nagka-inlaban na kayong dalawa." Biro ni Flair sa kanila.
"Paano ma-iinlove?" Tinuro ni Rev si Arah. "Ito.. baliw kay Kil." Tinuro niya si Nel. "Ito.. baliw kay Elle."
Naibuga ko ang tubig na iniinom ko kay Rev.
Gosh! Ang dudugyot na! Mga kalokohan kasi.
"Eww! Sayang ang damit ko!" Nagpunas si Rev ng damit. Tawa naman sila nang tawa. Ang ingay namin.
"Siraulo ka kasi. Buti nga sa'yo." Inirapan ko pa si Rev.
"Cheers! Para sa bagong kasal!" Malakas na sigaw namin.
"Cheers para sa mga di pa kinakasal at wala ng balak magpakasal!" Malokong sigaw ni Rev.
Napuno ng tawanan ang lamesa namin. Sinulyapan ko si Clench na sobrang sweet na sinusubuan si Rozel. Ang lambing ng boses niya dito at bawat hawak ay marahan. 'Yon siya, maalaga.
Napatingin ako kay Flair nang ipatong niya ang isang hita sa hita ko. Winagayway niya ang paa sa ilalim.
"'Yong hita mo."
"What?"
"Tanggalin mo ang bigat."
"Ayaw." Nakanguso niyang sabi kaya hinayaan ko na lang.
Tinawagan namin si Shivelle at kinausap ni Clench, tuwang-tuwa siya sa bata.
"May isa diyan patampo-tampo tapos nagulat na lang ako magkabati na sila. Galing diba? May pakunwari pang pres over." Nakangising nakatingin si Rev kay Kean.
"Oh? Ako naman ang nakita mo? Hindi na talaga manahimik ang bibig mo." Lumapit siya kay Rev at sinubuan ng chicken. Tawa nang tawa si Kean.
"'Yan para close mouth."
"Gago kang Kean ka! Napunit na ang bibig ko!" Masama niyang tiningnan si Kean. "'Wag ka talagang lalapit sa akin babatukan kita!"
"Baka unahan kita?"
"Lika nga!" Lumapit si Rev at kinotongan si Kean. Hindi naman nagpatalo ang Kean, dinamba siya at ginulo ang buhok.
At ito namang impakto, tumayo na rin nainggit sa dalawa. Kumuha ng chocolate at pinahid sa pisngi ng dalawa. Naging madugyot silang tatlo, ginawang laruan ang kasal ni Clench.
Tatawa-tawa naman silang pinapanood ng bagong kasal. Nilayo ni Clench si Rozel sa kanila dahil alam niya namang kapag nakita sila, pati sila hindi ligtas sa makukulit na 'yon.
Napatingin sa akin si Flair, ngumisi siya kaya tumakbo ako.
Ako nanaman ang nakita nito!
"Ahh!" Sigaw ko at pumasok sa loob ng inupahang reception.
Takbo ako nang takbo kahit naka-heels. Muntik na akong matumba kaya hinila niya ako sa baiwang. Natakot ako nang makita ang chocolate sa kamay niya.
"Impakto, 'wag! Ang lagkit niyan."
Ikinulong niya ako sa pader. Parang bumalik ang mabilis na tibok ng puso ko, lumagabog 'yon at lalabas na.
Dug.dug.dug.
Ang tagal kong hindi naramdaman ang tibok ng puso ko sa kaniya. Ngayon na lang ulit, siguro sa tagal na panahon na naming magkasama.
Tinitigan niya ang mga mata ko. Nakita ko ang kislap no'n, may mga bagay pala kaming nakalimutan.
'Yon ay kung paano kami nagsimula. 'Yong mga pakiramdam na naramdaman namin noong bago palang kami.
"Shut! This is not the right place, but I want to kiss you. Until now, I'm crazy in love with you." Sinabi niya 'yon habang nakatingin sa labi ko.
Nagulat na lang ako nang ipunas niya ang chocolate sa labi ko. Inis ko siyang tiningnan.
"Ang lagkit!"
Inilapit niya ang mukha sa akin, nakataas ang kamay na may chocolate. Nanlaki ang mata ko nang halikan niya ako. Ginagamit niya ang dila para tanggalin ang chocolate. Napapikit ako at humawak sa batok niya.
This was the best kiss ever.
Diniin ko siya sa akin. Wala naman tao dito dahil karamihan ay nasa labas at nasa isang sulok kami. Hindi ko naman akalain na gagawin namin ito dito. Ramdam ko ang mainit na dila niyang sumisimsim sa labi ko. Pati ako ay nalasahan ang chocolate.
Bakit ba kasi kailangan niyang paglaruan 'yon? At ngayon pati labi ko pinaglalaruan niya.
Bumaba ang halik niya sa baba ko, siguro ay mayroon din doon. Hindi ako mapakali kasi kakaiba ang ginagawa niya. Lumalalim nang lumalalim ang halik. Ipinasok niya ang dila sa bibig ko, mas lalo no'ng pinag-init ang buong sistema ko.
No! We're in a public place.
Tinanggal ko ang labi ko pero hinila niya ako ulit.
"Impakto.. nasa hallway tayo." Paalala ko sa kaniya.
Nanlaki ang mata niya at tinanggal ang pagkakahawak sa baiwang ko ng isang kamay.
"Shut? Really?" Luminga-linga siya sa paligid. "We're kissing in a public place?" Natawa siya sa sarili.
Hinila ko na lang siya at tinulak sa banyo ng mga lalaki, pinaghugas ko ng kamay.
Ng dahil sa chocolate, bow.
Lumabas kaming dalawa, nakita namin sila Rev na hindi pa rin natapos sa pagkukulitan.
"Ohh?" Ngumisi si Rev. "Pwede palang maghalikan sa hallway? Sarap?"
Nanlaki ang mga mata ko.
Gosh!
"Loko!" Tatawa-tawang sabi ni Flair.
"Sana naman doon kayo sa kwarto. Kami pa ang nahiya kaya kami ang umalis." Malakas ang tawang sabi ni Kean.
"'Wag inggitin si Arah." Inasar nila si Arah kaya napikon.
Kapag talaga kami ang magkakasama puro kakulitan ang nangyayari. Lumapit sa tainga ko si Flair.
"We can continue the kiss later." Kumindat pa siya sa akin kaya nag-init ang pisngi ko.
Akala mo first kiss? Kainis!
Siguro ganito lang kami dahil matindi ang pinagdaanan naming away. Mas masarap maglambingan pagkatapos ng nakakapagod na away.
Nagbukas ng mga regalo ang bagong kasal. May aircon, may kotse, may gamit pambata, iba't iba ang regalo.
"'Yan, bro! Buksan mo bilis!" Tinuro ni Rev ang regalo niya. Tumawa pa siya, kalokohan nanaman ang laman no'n.
Pagbukas ni Clench ay box ang bumungad. Naibato niya kay Rev ang box.
Condom! Isang box!
Sabi na nga ba at puro kalokohan.
"Ako na nga ang concern sa dancing in the moonlight mo ako pa ginaganyan mo, Clench." Kunwaring nagtampo siya pero pigil na pigil ang tumawa hanggang sa isang malakas na tawa ang pinakawalan niya.
Sunod na binuksan ay kay Kean, isa rin 'yan, 'di na ako magtataka. Nang buksan ni Clench ay natawa ako, umalingawngaw ang malakas na tawanan.
"Isang dosenang brief, may pink pa at red." Ang lakas ng tawa ni Kean.
Pinagbabato rin sa kaniya ni Clench ang mga brief.
Mga hinayupak! Punong-puno na ng hangin ang tiyan ko kakatawa.
"Bubuksan ko pa ba 'to?" Hawak ni Clench ang regalo naman ni Flair. "Kalokohan din ang laman nito."
"Buksan mo na." Tumatawang sabi ni Flair.
"Ay fuck!"
Boxer na may zipper sa gitna ang laman. May nighties na itim na pang-cow girl. May latigo, posas, susi, at picture ng red room.
"Woah! Nababaliw na talaga ako sainyong tatlo! Ano 'to 50 shades?" Masamang tiningnan ni Clench ang tatlong magbe-best friend.
"Sweet mo nga, eh. Binili ko 'yang mismong condo sa Korea. Diyan kayo." Malakas na tumawa si Flair.
Nag-apiran ang magbe-best friend at nagbatukan. Mga siraulo!
Sunod na nangyari ay sumayaw ang bagong kasal. Pinapalakpakan ko sila sa sobrang saya.
"Remember our wedding day?" Napalingon ako kay Flair. "That was the happiest day of my life." Humalik siya sa noo ko.
"That was the day that my dream come true." Yumakap ako sa baiwang niya, na-touch ako sa sinabi niya.
"Sweet! Tapos mamaya mag-aaway nanaman. Ako ang guguluhin, wala akong maipayo kung hindi think positive." Dire-diretsong sabi ni Rev.
"Hindi ka ba nauubusan ng boses?" Tanong ni Flair sa kaniya.
"Hindi.. sarap magdaldal, eh." Dire-diretso sa pagdaldal si Rev, kinulit si Arah, Nel Jan, pati asawa niya kaya galit na galit sa kaniya.
Sinubuan ako ni Flair ng salad. "Is it delicious?"
"Yes.. wanna taste it?" Inaabot ko sa kaniya ang salad.
"Yeah." Nagulat ako nang halikan niya nanaman ako. "Ang sarap nga."
"Adik ka sa labi ko."
"Not just your lips.." nakangisi niyang sabi.
"Bastos!"
"I'm not. Wala naman akong sinasabi."
Hindi ko na lang siya pinansin kasi napahiya ako.
Lumapit ako kay Clench, nakangiti niya akong tiningnan.
"Keep the happiness." Hinawakan ko ang pisngi niya at kinurot.
"Mami-miss kita." Niyakap ko siya.
Bukas na kasi ang alis nila papunta ng Korea, agad-agad. Sila Carme at Lance ay nagdesisyon ding magbakasyon doon kaya naman maiiwan talaga kami, ako.
"Sumama ka rin kaya?"
"Hindi pwede. May trabaho. Ingat ka na lang do'n."
Muli kong sinulyapan si Clench, nakaakbay kay Rozel at halos mapunit na ang labi sa laki ng pagkakangiti.
Thank you for all the things that you did for our friendship. Thank you for always helping me and giving your shoulder when I was crying.
You will always be my superman.
I love you, my best friend.