Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 56

Shine Clear's POV

Pagmulat ko ng mata nakita ko kaagad si Flair.

Topless!

Nakagat ko ang labi ko.

Ano nanamang trip nito at hindi magdamit?

Nasa may bintana siya at sumisimsim ng kape. May binabasa siyang diyaryo habang nakadekwatro. Parang gusto ko lang siyang pagmasdan dahil ang guwapo niya.

Bakit ba gano'n ang hitsura niya?

Kinikilig tuloy ako kahit wala namang ginagawa. Kala mo naman talaga bago lang kami.

Tumayo na ako at naglakad palapit sa kaniya. Nanlaki pa ang mata niya nang makita ako.

Bakit nagulat?

"Shut!" Nag-iwas siya ng tingin kaya kunot noo ko siyang tiningnan.

"What?"

"Y-you're so beautiful."

Tingin ko namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Nag-iinit ang mukha ko at pilit kong 'wag ngumiti dahil sa kilig.

"Alis ka nga sa harap ko!" Sabi niya kaya tinaasan ko ng kilay.

"What's your problem?"

"Inaakit mo ba ako?"

"Hindi! Wala akong ginagawa saiyo, impakto."

"Wala 'yan, ah? Ang sexy mo kaya. Makita ko lang katawan mo... shut! Magpalit ka ng mahaba." Tinalikod niya ako at pinapapasok sa kwarto para magbihis.

Epal niya! Nagagandahan at nagse-sexyhan lang siya, eh.

Hindi ako nagpalit, naghilamos lang ako at nag-toothbrush.

Pumunta ako ulit sa veranda ng kwarto pero wala na siya kaya umupo nalang ako.

"I forgot to greet you a happy and good morning!" Malapad siyang ngumiti. May dala siyang tray ng pagkain at kape.

"Good morning, too."

Yumuko siya para gawaran ako ng halik.

"Breakfast." Inayos niya ang mga plato at kutsara. Sabay kaming kumain.

Natigilan ako nang kunin ko ang tasa may nakadikit na note.

Ano 'yon?

May nakalagay na 'Can you be my date?'

Natutop ko ang bibig ko at hindi agad nakapagsalita. Nagkarambola ang dibdib ko at gumapang ang kilig sa buo kong katawanan.

Waaaah! Date daw?! Gosh! Parang bago naman, Elle! Hindi ka na talaga nasanay.

Hinawakan niya ang kamay ko at ibinaba. "Can you be my date?"

Gosh!

Hindi ako mapakali dahil umalingangaw sa tainga ko ang pogi at sexy'ng boses niya. 'Yong tipong boses lang pero makalaglag panty na.

Bakit gano'n? Bakit ganito nararamdaman ko?

Taon na kaming magkasama pero ang kilig nandito pa rin.

"Cherish.." tumawa siya. "Kinikilig ka sa akin."

Nahampas ko siya at nag-iwas ng tingin. "Paganyan-ganyan ka pa kasi. Nahihiya tuloy ako."

"Baliw na baliw ka talaga sa akin, eh, 'no? My baby, baby, baby, cherish."

Hindi na nawala ang init sa pisngi ko dahil sa lambing ng pagkakasabi niya no'n. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko.

"Ang tagal mong kiligin." Tumawa nanaman siya. Lagi ko namang naririnig ang tawa niya pero ngayon iba ang dating no'n parang kinakarambola ang mga organs ko.

Lumapit siya at idinikit ang noo sa akin. Ngumiti siya nang malapad.

"I repeat again.. can you be my date?"

Nakagat ko ang labi dahil sa lapit niya, nagpaulit-ulit ang boses niya sa tainga ko, pogi at sexy'ng boses.

Ano bang kinain niya at gano'n na lang kapogi sa pandinig ko ang boses niya? Tanggalin ko vocal chords nito, eh!

"Y-yes," Naiilang ako sumagot.

"Yes lang hindi masabi, palibhasa kasi kilig na kilig," ngumisi siya kaya hinampas ko.

"'Wag ka ngang ganiyan!"

"Anong ganyan?" Ang pang-aasar niya ay nasa labi niya pa rin.

"A-ano kasi.. mag-shirt ka! Kanina ka pa naka--ahm--topless." Nahihiya kong sabi.

Tumawa siya nang malakas. "Ah, kaya pala.. ilang na ilang ka at kilig na kilig dahil pala sa abs ko."

Tumayo siya at nag-macho dance. Swabe siyang sumayaw.

"Tigilan mo na nga 'yan!" Pigil ko ang pagngiti.

Lumapit siya at kinuha ang kamay ko. Inilagay niya sa dibdib niya. "Touch it."

Naiilang ko 'yong tiningnan.

Bakit ba ganito? Saan ba nanggagaling ang pagkailang ko? Hey, Elle! Kasal na kayo! Ilang taon na.. bakit ganyan ka?

"Touch it." Pag-uulit niya habang diretsong nakatingin sa mata ko. "Hindi mo kasi ako hinahawakan kaya ka ganyan. Nakikita mo lang." Nakangisi niyang sabi.

Napalunok ako nang paulit-ulit.

"Baby, cherish, touch me there's nothing wrong with it."

Kinagat ko ang labi ko.

Yeah.. wala nga kasi kasal kami. May anak na pero ang tindi ng pagkailang ko.

Nanginginig kong hinaplos ang dibdib niya. May kung anong sensasyon ang binuhay no'n sa buong sistema ko. Magkahalong kilig at kaba.

Ibinaba ko ang kamay papunta sa abs niya. Ang tigas naman nito.

Tama siya.. hindi ko siya hinahawakan kaya hindi ko alam kung anong pakiramdam no'n. Siya ang palaging humahaplos sa akin.

Napamaang ang labi ko nang ihawak niya ang kamay ko sa ibabang parte ng katawan niya. Naagaw ko kaagad ang kamay ko.

Matunog ang naging pagtawa niya. "Takot ka pa rin sa akin. Hey.. cherish. Taon na? Taon na tayo with one beautiful daughter. Why? Why are you acting weird?"

"E-ewan ko." Tumalikod ako sa kaniya. "'Wag mo nga akong kausapin."

"Napahiya ka lang, eh."

"Tse!"

"Tse-tseriya!"

"Heh!"

"Hoh!"

"Hah!"

Parehas kaming natawa sa kabaliwan naming dalawa. Ito kami, ito 'yong samahan namin. Hindi 'yong nag-aaway at nag-iiyakan. Natutuwa akong bumabalik 'yon.

Yumakap siya sa akin. "Bakit ka kaya takot sa akin? Pogi naman ako."

"Pogi? Saan banda?"

"Sa face."

Hinawakan ko ang pisngi niya at tinagilid-tagilid 'yon. "Saan?"

"Ah.. gano'n?" Gumuhit ang ngisi sa labi niya.

"Ano nanamang binabalak mo?" Kinabahan nanaman ako.

Ang lakas ng tawa niya. "Kabado. Nakakatuwa talagang panoorin ng iba't ibang reaksyon ng mukha mo."

"Ikaw lang ang natutuwa."

"Yeah.. kasi ang cute mo."

"I know." Nagmayabang pa ako sa kaniya at nagkibit balikat.

"Ang ganda ng araw." Tiningala namin ang araw na papasikat na.

"Pero mas maganda ka." Napalingon ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin na sa akin at nakangiti.

Ngumiti rin ako at hinawakan ang pisngi niya. "Hindi ka ba napapagod na sabihing maganda ako? Pa'no kapag tumanda na tayo? Lumilipas ang ganda."

"Lumilipas ang pisikal na ganda pero ang ganda mo para sa akin ay nag-iisa, walang papantay, kahit pa kumulubot ang mukha mo o pumuti ang buhok mo. You'll still my baby, cherish, my beautiful over melanin, Zeal."

Na-touch ako sa sinabi niya. He's really sincere for his words.

"Ikaw lang.." hinaplos niya ang pisngi ko.

"Nag-iisa ka rin, impakto." Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa dibdib ko. Nanlaki ang mata niya.

"You want me to touch your boobs?"

"No!" Hinampas ko siya. "Ang bastos mo talaga!"

"Bastos! Ikaw ang naglagay sa dibdib mo."

"Sa dibdib lang hindi sa mammary gland!"

Tumawa na siya at inilagay ang kamay sa dibdib ko. "Oh, ayan na. Anong meron sa dibdib mo?"

Baliw talaga, siraulo!

"Wala na.. sinira mo na ang moment! Ang hilig mong manira."

"Walang nasira dahil buo pa rin tayo. Walang sisira at kahit pa anong gawin niya.. ikaw lang ang mahal ko. Hindi magbabago 'yon dadalhin ko 'yon hanggang kamatayan."

Natigalgal ako sa sinabi niya. Parang may malalim na pinanggalingan ang mga salitang 'yon. Parang may matinding pakahulugan.

"Huh?"

"Wala.." ngumiti siya. "Sabi ko.. mahal na mahal kita.." yumakap siya nang mahigpit.

Ano 'yon? Anong ibig mong sabihin?

"Cherish, can you trust me?"

"I trusted you."

"Always?"

"Why? What are you talking?"

"Nothing.. I just want a tight hug from you." Niyakap ko siya nang sobrang higpit. 'Yong tipong hindi na siya makahinga.

"Hay.. sarap sa feeling. Mainggit sila sa akin dahil akin ang over melanin na ito!"

Tumawa ako. "Sinong maiinggit?"

"Wala.. jokings!"

Sinuklay niya ang buhok ko. "Ang ganda ng buhok mo."

"I know."

"Yeah.. itim na itim 'tsaka" inamoy na pa. "Ang bango!"

"Malamang sa shampoo."

"Natural na mabango kaya." Inamoy-amoy niya pa ulit hanggang sa pagdeskitahan niyang ilagay sa ulo niya.

"Cherish.. paabot ng phone ko."

Inabot ko ang phone sa kaniya. Ang siraulo, inayos ang buhok ko na parang buhok niya at nag-selfie. Tawa ako nang tawa.

"I think.. I'm more beautiful when I have a lipstick." Tatawa-tawa niyang sabi.

"You crazy."

"Yeah.. I am..." tiningnan niya ako at ngumiti. "Crazy in love with you."

"I know."

Inayos niya ang buhok ko kaya nagmukhang sa kaniya at todo selfie siya.

"Meet Javenina." Tawa ako nang tawa nang iabot niya ang phone sa akin.

Siraulo talaga!

Nagmukha siyang may mahabang buhok.

"Stop laughing at me."

Tumawa pa rin ako. "Why? Kalokohan mo."

"It makes my burning desire turns on."

Nanlaki ang mata ko.

Burning desire pa siyang nalalaman? Sabihin niya bastos lang talaga siya.

"Nag-iisip nanaman siya ng kakaiba! Burning desire to love you.. cherish." Tumawa siya nang malakas. Nainis ako kaya pinasok ko ang daliri sa bibig niya.

"Pwe! Kadiri ka.. baby." Tiningnan niya ako nang masama kaya tinawanan ko. "Ikaw talaga kapag ako nainis sa'yo. Bibigyan kita ng Shivelle the second."

"Naiinis ka na nga."

"Ah.. gusto mo?" Gumuhit ang ngisi sa labi niya.

"Ayaw!"

Yumakap na lang ulit siya sa akin at ipinikit ang mata sa balikat ko.

"I wish we're always happy. I wish we couldn't face fights anymore." Bulong niya sa tainga ko.

"I wish that, too."

"Make the wish come true, baby, you're the one who nag at me."

"Because you are bad boy.. you always make me angry."

"That's part of life. Ang magalit, magtampo, magselos ay normal sa nagmamahalan pero 'wag mo naman paabutin ng ilang araw.. jusmiyo naman, cherish.. pinapatay mo na ako."

"That's your lesson.. you need to deal with it."

"Yeah.. pero 'wag naman matagal."

Hinaplos niya ang buhok ko, napapikit ako sa kapanatagang dulot no'n.

"'Til death.. I do my part. Loving you endlessly." Malambing niyang bulong sa tainga ko. Hinawi niya ang buhok ko at inilagay sa tainga.

"Ahh!" Napasigaw ako nang kagatin niya ang tainga ko.

Lagi niya talagang sinisira ang magandang moment!

Tumakbo agad siya palabas. Masamang-masama ko siyang hinabol ng tingin.

Yari ka sa akin!

"Sorry na! Naakit akong kagatin!" Tumatawa niyang sabi habang tumatakbo.

Hinabol ko siya at hindi tinigilan hangga't hindi nahuhuli. Nagmamadali siyang umakyat ng hagdan, nagkandatumba na siya pero tawa pa rin nang tawa.

"Sorry na! Maawa ka sa akin!" Sigaw niya dahil talagang hindi ko siya tinigilan kakahabol.

"I'm begging my life! Cherriiiishh! No! Please! Maawa ka! Maawa ka! Jusmiyo!"

Natawa na ako dahil kabadong-kabado siya kakatakbo.

"Tinatawag ko na ang lahat ng santo! Kaawaan po sana ako ng babaeng ito! Ahhh!"

Pumasok siya sa malaking pintuan papunta ng training area. Pagod na pagod na akong habulin siya.

"Impakto!" Sigaw ko sa kaniya.

Tatawa-tawa niyang kinuha ang telang puti na nakuha niya sa kung saan at ibinato sa akin dahilan para matakpan ang mukha ko.

Nawala siya nang alisin ko ang tela. Kaya hinanap ko.

Ano 'to taguan?

"Impakto." Nakangisi kong tawag sa kaniya. "Nasaan ka?"

Hanap ako nang hanap. Sa laki ng mansyon marami siyang pwedeng pagtaguan. Tiningnan ko ang mga cabinet pero wala.

Ah! Alam ko na!

Nakita ko ang kamay niya na nakasabit sa may veranda ng training room kaya napangisi ako.

Sa dami ng pwedeng pagtaguan lumambitin pa ang impakto sa railings.

"Huli ka!"

"Ahhhh!" Napasigaw siya nang magulat. Nalaglag siya, buti na lang at puro halaman ang nabagsakan niya at saka mababa lang 'yon.

Ang lakas ng tawa ko sa kaniya. Sumunod ako at bumaba rin, tinalon ko 'yon.

"Gotcha!" Nahuli ko siya at kinapitan sa baiwang.

"Aaaahh!" Kinagat ko rin ang tainga niya.

Masarap pala. I'll do this often.

*smirked.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.