Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 57

Shine Clear's POV

Gabi na, nakatingin ako sa closet naghahanap ng damit dahil may date raw kami ni Flair.

Napangiti ako nang malapad, kinikilig ako sa loob ko.

"Kaya hindi ka makahanap ng damit, eh, kilig na kilig ka diyan." Tumatawa siyang lumabas ng banyo, kakatapos niya lang maligo. "Ngingiti-ngiti ka pa."

"Ewan ko sa'yo! Magbihis ka na lang!"

"Sure." Gumuhit ang ngisi sa labi niya.

Tulo pa nang tulo ang buhok niya. Napatangin ako sa kapiraso ng tubig na pumatak galing sa buhok niya papunta sa leeg hanggang bumaba sa abs niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil umiinit nanaman ang pisngi ko.

"Anong susuotin ko, baby?" Lumapit siya sa akin at yumakap sa likod ko. "Gusto ko ikaw ang mamili para mas bumagay sa akin."

"A-ah.. wait." Hindi ko siya tinitingnan dahil topless nanaman siya.

Naghanap ako ng damit pero sa huli ang napili ko ay plain gray na shirt na v-neck at simpleng pantalon na itim lang.

"So simple, but I wear this." Akmang tatanggalin niya ang towel pero pinigilan ko.

"Do'n ka sa CR magbihis, please?"

Ngumisi siya sa akin bago tumalikod. "Ikaw, ah. Lagi ka bang nagnanasa sa akin?"

"Tse!"

"Tse-tseriya!"

Naghanap ako ng damit, wala akong mapili.

Ano kaya kung mag-short at sando na lang ako tapos lagyan ko na lang ng jacket?

Wala namang bago sa date namin kami lang naman 'to. Ilang taon na rin kaming magkasama.

Bakit pa mahihiya?

Ayaw ko naman mag-dress, lagi na lang gano'n ang suot ko. Sa huli napagdesisyunan ko na lang na sandong white at short ang isuot.

"Shut! Hindi tayo aalis kapag 'yan ang suot mo!" Nanlilisik siyang tumingin sa akin.

"Wala akong makita."

"Ang iksi ng short mo at sando? Seriously? Baka mangbugbog lang ako kapag tiningnan ka ng iba."

"'Wag ka ngang OA! Gabi naman 'tsaka okay lang naman suot ko." Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko.

"Isa.. dalawa, tatlo, a--"

"Impakto! Okay na ako sa damit ko!"

"Ayaw mo magpalit? Kapag hindi ka nagpalit ng damit mo hindi tayo aalis! We'll make love the whole night until the morning came!"

"Baliw ka ba? Dahil lang sa--" natigilan ako nang lumapit siya at hapitin ang baiwang ko.

Kinabahan ako sa lapit ng mukha niya. "Sinusubukan mo ba ako, cherish?" Madiin ang pagkakasabi niya no'n.

"A-ano.. kasi."

"Gusto mo talagang subukan ako?" Matalim ang tingin niya sa akin kaya napalunok ako.

"O-okay. Magpapalit na." Kinakabahan ako sa kaniya.

Impakto talaga!

Naghanap ulit ako ng damit. Lumapit siya at may hinilang damit. Longsleeves na white, turtle neck pa at kumuha rin ng pantalon.

"What the? Ayaw ko niyan! Ang init-init niyan!"

"Isusuot mo o isusuot ko sa'yo?" Madiin niyang sabi at nilapit nanaman ang mukha sa akin kaya napaatras ako.

"B-bakit ba kasi 'yan? I don't want tha--" natigil ang salita ko nang halikan niya ako, madiin at marahas.

"Sige. 'Wag na lang tayong umalis." Ngumisi siya sa akin. "Mas masarap dito." Pinakadiinan niya pa ang salitang 'masarap'.

"N-no! Sige isusuot ko na!" Kinuha ko bigla ang damit sa kaniya.

"'Wag na nagbago na isip ko." Sumilay ang mala-demonyong ngisi sa labi niya kaya todo kaba ang nararamdaman ko.

"Flair! Don't scared me!"

"I'm not." Umupo siya sa kama at tinanggal ang shirt niya. "Come here."

"No! No! No! We're going!" Tumakbo ako papasok ng banyo.

Nakakainis talaga siya. Kaya niya akong pasunurin sa pananakot niya. Kahit init na init ay isinuot ko ang longsleeves na ewan!

Kainis!

Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Tinali ko na lang ang mahabang buhok ko at inilabas ang kwentas na binigay niya. Napasulyap ako sa singsing kaya napangiti ako.

Lumabas akong pawisan dahil sa hinayupak na damit na ito.

Malapad siyang ngumiti. "Good girl." Tinap niya pa ang ulo ko.

"Aso?!"

"No. Pusa." Tumawa siya nang malakas.

"Susunod ka rin pala kailangan pang takutin."

"As if natakot?"

"Hindi ba? Next time gagawin ko talaga."

"Subukan mo lang! Sisipain kita!"

"Ngayon pa ba ako matatakot sa sipa mo? Araw-araw ko kayang tinitiis 'yon."

Nagtalo pa kami hanggang marating namin ang lugar. Namangha ako sa ganda ng mga ilaw, at paligid na talaga namang romantic. Makikita rin ang karagatan mula sa kinatatayuan namin.

"You like it?"

"Ya. It's like a magical place because of the lightnings."

Inalalayan niya ako na makaupo. "You're a magic, baby cherish. You make my world magical because of the happiness, contentment and love that you gave."

"Mambobola!"

"I'm not."

Sinusubuan niya ako habang kumakain. Rinig ko ang malambing na tugtog sa paligid. Napakaganda ng moment sana lang ay 'wag sirain ng impaktong ito.

"There's beautiful and it's you." Malapad ang ngiti niyang sinabi 'yon habang nakatitig sa akin.

Naiinis kong niluwagan ang leeg ko. "Ang init." Reklamo ko.

Tumawa siya. "Hindi ko naman hahayaan na isuot mo ang gano'ng damit. Akala mo, huh?"

"Sana naman hindi ganito!"

"May choice ka naman diba? Isuot yan o manatili sa kwarto the whole night." Pinagkadiinan pa niya ang salitang 'whole' at ngumisi.

"Mas okay na isuot ito kaysa magtagumapay ka sa balak mo."

Tumawa nanaman siya. "You look cute. As if we didn't do that?"

"But not all the time."

"Why? You want all the time?"

Nag-init ang pisngi ko. Kainis!

"If you want we can do that in the kitchen, sala, bathroom or even in the garden." Ngumisi siya. "Since we're alone at the mansion."

"Ako. Tigilan mo!"

Nagbaba siya ng tingin. "Sad. You didn't touch me."

"Tigilan mo na nga 'yan! Puro ka ganyan, eh!" Inis ko siyang tiningnan.

"Heto nanaman po nagagalit nanaman. Uusok nanaman ang ilong at nanlilisik ang mata tapos ilang araw nanamang walang pansinan." Dire-diretso niyang sabi.

"Kumain ka na lang!" Sinipa ko siya sa ilalim kaya nanahimik na.

Matapos namin kumain ay tumayo na ako. Narinig ko ang lumang kanta pero ang ganda ay hindi kumukupas.

Realize

By; Colbie Caillat

Ihinagod ko ang kamay ko galing kanan pakaliwa, mahinhin at marahan habang ang kaliwang paa ay naka-point sa gilid, naka-slide.

"'Wag mo akong sayawan. Naaakit ako."

Ngumiti ako sa kaniya at hinila siya patayo.

"You must dance with me. I want to dance."

Hinaplos ko ang dibdib niya pababa.

"Who said I didn't touch you?"

Pinagapang ko ang kamay hanggang tiyan niya, marahan at may pagmamahal ang bawat haplos.

Hinawakan ko ang batok niya at pahiklas na inilapit sa akin. Dinampian ko ng halik ang pisngi niya at saka tumalikod, ikinembot ang baiwang habang nakayakap ang kamay sa tiyan ko.

Wala siyang ginagawa, nakatingin lang siya sa akin. Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at tinalon siya hanggang maipulupot ko ang hita sa baiwang niya. Mabilis niya akong sinalo at hinawakan sa baiwang. Lumiyad ako at madamdaming iginalaw ang kamay sa ere.

Hindi ko inaasahang, yuyuko siya, at dadampian ng halik ang pagitan ng dibdib ko. Mas lalo no'ng pinag-alab ang sayaw. Umalis ako sa pagkakayap ng hita sa kaniya.

Hinila niya ako pabalik at madamdaming hinaplos ang pisngi ko. Sumasayaw na rin siya at gumagawa ng sariling steps.

Hinawakan niya ang kanang hita ko at ipinatong sa baiwang niya. Hindi ko masyadong maigalaw 'yon dahil sa pantalon.

Magkasabay kaming gumiling pakanan at pakaliwa. Bulta-bultaheng kuryente ang naramdaman ko nang simulan niyang haplusin ang balikat ko pababa sa braso at kamay. Nang marating niya ang kamay ay pinagsalikop niya iyon.

Natigilan ako nang ilapit niya ang kamay ko sa bibig niya, hinalikan niya. Pumikit pa siya at tila ba sobrang pagmamahal ang pinapakita niya.

Kahit ano pang kanta, nasisiguro kong sabay naming pagsasaluhang sayawin 'yon dahil ito ang hilig namin. Magkasundo kami sa bagay na ito. Pakiramdam ko kapag sumasayaw kami hindi na namin kailangang magsalita para maipakita ang damdamin. Sa sayaw, lahat kaya mong ipakita kahit pa ang pinakamalalim na laman ng puso mo.

Natapos ang kanta sa isang madamdaming halik. Hindi na yata matigil ang halikang ito. Marahan, mabagal, mapagmahal, maalaga, at banayad ang halik niya. Gumapang ang kamay niya sa likod ko. Humahaplos doon at ninanamnam ang likuran ko.

I touched his chest. Hinaplos ko lang 'yon nang marahan.

Bakit ba sinasabi niyang hindi ko siya hinahawakan? Hindi ba talaga? Hindi ko ba napaparamdam ang haplos ko na may pagmamahal?

"I'm sorry if I didn't touch you. I'm sorry for sometimes shouting at you. I'm sorry for being a sadist, but I'm not going to say sorry for loving you in my own way."

"No sorry, cherish. I love the way you are even your painful sadistic hands and feet."

"Parang ganito." Hinampas ko siya kaya napa-ouch siya. "I love the way you are pala, huh?" Tinawanan ko siya.

"Ang sexy, hot, nakaka-inlove nang paulit-ulit kapag nakikita kitang sumasayaw."

"Ikaw rin naman." Makulit akong swinay ang sarili. "Swabe moves!"

"Na-miss mo ba ang Laurente movers?"

"Oo, eh. Kaya sumasayaw na lang ako kasama ka."

"Ako ba para saiyo? Swabe rin ang moves ko?" Nakangiting tanong niya.

"Ya." Lumapit ako sa tainga niya. "Hot and sexy." Malandi kong sabi.

"Fucking shut! Don't seduce me we're here outside."

Tinawanan ko siya. "Lagi mong sinasabing inaakit ka kahit hindi naman."

"Kahit wala ka namang ginagawa naaakit ako." Hinila niya ang baiwang ko para mas malapit sa kaniya.

"Remember the chocolate kiss?" Nakangising tanong niya.

"Ya. Why?"

"I love that."

"So?"

"Nothing.. just saying."

Just saying? Pero may ngisi sa labi? Ah! Baka gusto niya 'yon ulitin.

Lumapit ako sa lamesa, tiningnan ko kung may chocolate pero wala. Napangiti ako nang makita ang pasas, ewan ko bakit mayro'n nito pero gustong-gusto ko ito. Kinain ko agad, ang sarap.

Napangiti ako nang may maisip na kapilyuhan.

"Flair.." sinenyas kong lumapit siya. Sumubo ako ng maraming pasas. Lumapit siya sa akin agad kong hinila ang batok niya at hinalikan. Pilit kong ibinuka ang bibig niya hanggang magawa ko nga pinasok ko ang pasas sa loob ng bibig niya.

Nanlalaki ang mata niya pero hindi makatanggi, gusto ko siyang tawanan.

Nguyain mo, baby.

Nang mapunta na sa kaniya lahat, akala ko titigil siya nagulat pa ako nang nguyain niya 'yon pero nahila ko ang ulo ko nang ibabalik niya sa akin.

"Pwe!" Niluwa ko ang mga nailagay niya.

"Pilyo ka, cherish, ano, huh?" Ang lakas ng tawa niya.

"Bastos."

"Ikaw 'yong dugyot diyan. Lalagay mo sa bibig ko."

"Bakit mo binalik?"

"Gusto ko, eh." Tawa nanaman siya. "Isa pa nga." Kumuha siya ng pasas kaya napatayo ako.

Karma ko! No!

"Ang daya mo 'pag ikaw okay lang tapos 'pag ako bawal?"

"Oo! Ayaw ko na. Kadiri, eh."

"Kinain ko nga. Ikaw ang salarin tapos hindi mo kayang panindigan."

"Kadiri ka!"

Lumaki ang bunganga niya para makaarko ng malaking 'o'. "Wow? Nabingi ba ako? Ako 'yong kadiri? Ako ba nakaisip ng kadugyotan? Ako ba 'yong thing." Nilagay niya ang daliri sa noo na parang nagsasabi na 'brilliant idea'. "Ako ba 'yon? Parang nahiya naman ako, cherish."

Binato ko sa kaniya ang crumpled tissue.

"Minsan lang!"

"Minsan lang. Lika nga.. kiss mo nga kili-kili ko." Itinaas niya ang kamay, ipinapakita sa akin ang under arm.

Siya 'yong lalaking hindi masiyadong mabuhok ang kili-kili, ewan ko diyan bakit ganyan. Hindi naman daw niya tinatanggal pero sa binti niya at tuhod ang hahaba ng buhok.

"Yuck! Tingnan mo ikaw ang dugyot!"

Ang lakas ng tawa niya. "Kapag mahal mo raw kini-kiss ang kili-kili."

"Yuck! Ikaw lang ang nagsabi no'n."

Nag-alaskahan pa kaming dalawa hanggang sa malakas na tawa namin ang nangibabaw sa buong lugar. Masaya lang na kasama siya. Sana masundan pa ng maraming beses ang nangyaring ito.

Someday, you'll find the person that joins you to whatever the trip you want. The person who never complain to your nasty actions instead, he laugh and accompany you.

I hope you find yours, too.

Sweet Date.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.