Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 58

Shine Clear's POV

Bumaba kami ni Flair at naglakad. Magkahawak-kamay naming tinahak ang tabi ng dalampasigan. Ang mga ngiti namin ay hindi matanggal sa mga labi namin. Umakyat ako sa mataas na semento sa tabing dagat, inalalayan niya naman ako.

"Dahan-dahan, cherish, baka malaglag ka."

"Nalaglag na nga ako."

"Huh?"

Ngumisi ako. "Nalaglag na ako sa puso mo."

Natawa siya pero hindi nakalampas sa paningin ko ang pamumula ng pisngi hanggang tainga niya.

"Kinikilig ka, impakto! Gosh! Look at your face."

Naiilang niya akong tiningnan. Ang singkit niyang mata ay lalong naningkit sa pagkakangiti at may namumuong tubig sa gilid no'n.

"Yeah.. I'm blushing? Bihira ka kasi bumanat."

"Dapat ba palagi?" Sa kakulitan ko. Sinampa ko ang hita ko sa batok niya.

Nakasakay na ako ngayon sa kaniya. Tama lang pala na nagpantalon ako.

"Kapag ba sinabi kong gusto kong palagi gagawin mo?"

"Syempre hindi." Tumawa ako.

"Yeah. You're Zeal. Ang pinaka-sweet na babae. Sa sobrang sweet niya araw-araw niya akong sinisipa at hinahampas."

Natawa nanaman ako. Siguro ang gano'n na lang ang saya ko kaya tawa ako nang tawa.

"Sa pagkasadista mo kapag galit ka ilang araw walang pansinan. Nagmamaktol pa rin ako." Ngumuso pa siya kaya ang ginawa ko nilaro ko ang labi niya ng hintuturo.

Inabot ko ang pisngi niya at hinalikan. Nakasakay pa rin ako sa batok niya. Balewala ang lahat ng taong nakatingin dahil sa kasweetan namin.

"Ang sweet naman nila."

"Look. Ang pogi no'ng lalaki."

"Ilang taon na kaya sila?"

"Sana magkaroon din ako ng ganyan."

Ilan lang 'yan sa mga bulong-bulungan ng mga tao na hindi na namin pinansin.

"Impakto.."

"Over melanin?"

"I miss Shivelle Flear. Hindi ko na siya nahahalikan at nayayakap."

"Uuwi rin ang baby natin don't worry."

"Ang daya nila sabi isang buwan lang! Scam!"

"Eh, sa sobrang cute ng anak natin baka hindi na nila iuwi 'yon."

"No! She's my baby! Only mine."

"Buti pa si Shivelle pinagdadamot mo, eh, ako?"

Natawa ako sa pagmamaktol niya. "Bakit kita ipagdadamot?"

"Bakit nga ba?"

"Eh, akin ka na. Nakatali ka na sa akin. Nakakadena pa nga." Ipinakita ko ang singsing. "You're lock in my heart and no one can hold the key except me."

Nakita ko ang pagpipigil ng impakto ngumiti, kinagat niya pa ang labi.

"Tinatago ang kilig?" Pang-aasar ko sa kaniya.

"Yeah.. I'm just a 'lil bit shock because I sometimes hear those words from you.. minsan nga wala pa."

"Eh kasi palagi mo akong iniinis kaya imbes na lambing singhal ang naririnig mo."

"I'm not. Did I?"

"Oo kaya! You always grin at me. I'm so scared and you tease me."

"I need to do those things because I don't want you to get bored in our relationship." Tiningala niya ako. "And to make you fall in love deeper and harder to me every day."

"Deeper and harder? Bastos!" Hinampas ko siya kaya tumawa siya.

"Hindi lang pala kilos mo ang dugyot pati isip mo, cherish."

Namula ang pisngi ko sa hiya. Hinampas ko nanaman siya.

"You gave me double thoughts!"

"No, I'm not. It's just you have erotic imagination."

Pinaghahampas ko siya. "I'm not! I hate you!"

"I love you." Sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya. "Nasa'n ang I love you too ko?"

"'Yan sinabi mo na." Tinawanan ko siya.

"Sweet mo talaga."

Nanahimik kami ng ilang minuto at walang imik lang na naglalakad. Hindi pa rin ako bumaba sa pagkakasampa sa batok niya. Bahala siyang mangalay.

"Cherish, did you see Nel Jan as handsome?"

Natigilan ako sa tanong niya.

Paano naman napasok siya sa usapan?

"Selos much?"

"Answer me."

"Ya." Hindi na ako nagsinungaling kaya nakita ko ang pagsimangot niya. "Pero gaya ng sabi mo sila pogi pero ikaw perpekto."

"Kahit na, pogi pa rin siya."

"Eh.. 'yon ang totoo."

"Okay!" Nakanguso siyang naglakad.

"Tatanong-tanong ka tapos magseselos ka."

"I just want to know. I can see that you treated him as a friend."

"Friend naman pala. Anong masama do'n?"

"Paano kung gusto ka pa rin no'n?"

Napairap ako. "Gosh! Impakto? We're married. Do you have an amnesia?"

"No.. even the wife can stole."

"Bakit ako papanakaw? 'Wag ka na nga magselos and change topic. It's nonsense his my friend and that's all."

"Okay."

Natigilan kami parehas nang makarinig ng tugtog. Bumaba ako kaagad. 'Yon 'yong tugtog sa kissing booth 2 kaya naman masayang sayawin 'yon. Nagkaintindihan kami ni Flair sa tingin lang kaya umayos kami ng tayo. Nag-ready para sa pagsisimula ng kanta.

Eyelids split at sunrise

Morning breaks like splatter paint

Nag-ikutan kaming dalawa habang magkadikit ang palad at diretsong nakatingin sa mata ng isa't isa.

Masigla naming ipinoint ang paa sa kanan, kaliwa, harap at likuran. Ang daling gayahin ng gusto niyang steps. Heto nanaman kami gumagawa ng gusto naming moves.

Nagsimulang maging masigla ang kanta at gano'n din kami. Naagaw namin ang mga mata ng mga taong dumadaan. Huminto sila at pinanood kami pero hindi no'n napatigil ang pagsayaw namin.

Binubuhat niya ako sa baiwang at itinatapon sa ere. Dumating pa sa point na umapak ako sa balikat niya at umesplit pagbagsak kaya grabe ang hiyawan ng mga tao. Gumawa kami ng show na hindi naman planado, kusa na lang nangyari.

Let's get lost in the wild

Let's get lost in the wild

Let's get lost in the wild

Energetic ang naging sayaw namin ni Flair parehas kaming tumatawa at ini-enjoy ang tugtog. Bawat steps ay sabay sa bawat isa. Iba rin talaga ang paraan niya ng pagsayaw.

He got all the talents! Down to earth handsomeness plus talent plus sexy body plus brain and many more plus.

Mr. Perfect!Patuloy sa pagsayaw, patuloy sa paghiyaw, patuloy sa tawa, patuloy sa saya, iyon ang mga bagay na nararamdaman ko ngayon tuloy-tuloy at sana hindi na matapos pero katulad ng kanta dumarating ang dulo, pero pwede mo namang i-replay 'diba? Sa mga alaalang hindi na kailanman mawawala maliban na lang kung magkasakit ka sa utak. Maliban na lang kung pinilit mong kalimutan. Isa lang ang pakatandaan, ang masayang alaala ay mananatiling masaya.

Tumalon ako at sinalo niya naman ako. Hinawakan sa baiwang at inikot. This was the happiest dance I've ever swayed.

Natapos ang kanta at umalingawngaw ang malakas na sigawan at palakpakan. Ang sarap sa pakiramdam ng pinapalakpakan.

"Wow! What a wonderful, energetic, lovable dance performance.." nagulat pa kami nang may lumapit na lalaking naka-mic.

Mayro'n kasing mga couples, birthdays, at iba pang celebration ang nagaganap sa palibot ng lugar na ito.

Nakisakay kami ni Flair sa emcee.

"What's your name?"

"Elle." Ngumiti ako sa kaniya.

"Jave."

"Wow! Mag-jowa ba kayo?"

Echoserang emcee.

Ang mga tao ay tila ba kinikilig sa pagpanood sa amin. May namumula, impit na kilig at may kumukuha ng pictures.

Umiling kami ni Flair.

"Weh? Hindi?" Nagtataka kaming tiningnan ng emcee. "Sayang umiikot pa naman ang team namin naghahanap ng sweetest couple."

Nag-akbayan kami ni Flair, malapad na ngumiti at sabay inilahad ang kamay, ipinapakita ang singsing.

"Woah!"

"Kasal na sila!"

"Mag-asawa pala!"

"Nakakakilig!"

"Grabe!"

"Wow! You two were married? The best ang bonding niyo! Ang lahat ng tao ngayon dito ay kinikilig sa inyo."

Pati ako ay kinilig. Nang sulyapan ko si Flair ay pigil din ang ngiti pero namumula ang pisngi pati tainga. Sinundot ko ang baiwang niya.

"'Wag mong itago ang kilig." Pang-aasar ko sa kaniya.

"Cherish.. I'm so embarrass."

Lumapit ang emcee sa amin. "The sweetest couple tonight goes to.. Jave and Elle!"

Nagpalakpan ang lahat, parang ewang nilagyan kami ng sash at korona.

"Kiss!"

Hala siya? No! Nakakahiya kaya ang daming tao. Ayaw ko sa--

Hinalikan na ako ni Flair. Parang ewan talaga 'to.

Nakakahiya!

"Hays kainggit!"

"Yohooo!"

"Wooohh!"

"Sweeett!"

"Jave and Elle!"

"JavElle!"

"JavElle!"

"JavElle!"

Instant celebrity ang nangyari sa amin ni Flair. Akalain mong sa date naming ito magiging ganito pala kasaya.

The unexpected always happening like the unplanned showdown.

Don't be embarrass to show to the world your talent.

Burst out, be confident and let them know that you're just enjoying life.

Smile and chin up.

"Cherish, my love for you will never fade."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.