Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 7

Shine Clear's POV

Nasa america na kami at nakakulong lang ako sa kwarto. Hindi ako mapakali dahil ito ang unang patunay ni Flair. Tine-text ko si Taxon para makibalita pero hindi pa nagre-reply.

I'm so worried!

Hindi nga pala magre-reply si Taxon dahil siya rin ay kalaban ni Flair. Naiiyak na ako sa pag-aalala.

Nel Jan calling...

Tinitigan ko ang phone ko.

Bakit nanaman tumatawag ito?

"Hello?"

"Elle, kumusta ka diyan?"

"Okay lang ako" nagpabalik-balik ako habang hawak ang phone sa tainga.

"Bakit ka tumawag?"

"Nothing, Rev told me that you're going to America. Nandyan ka na ba?"

"Oo, ahm Nel pwede ba next time nalang tayo mag-usap? Bye."

Binaba ko na agad ang phone ko.

What I'm gonna do?

Ang tagal kong tumitig lang sa bintana. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Flair. Tumulo nang tumulo ang luha ko.

Bakit kailangan mong pagdaanan ito?

Bakit kailangan pang patunayan ang pagmamahal kung sapat naman na makita iyon sa mga kilos niya at salita?

Napalingon ako nang bumukas ang pinto.

"Taxon! How's the first patunay? Okay lang ba si Flair? What ha--"

"Sshh. Ang daldal mo. Nakapasa siya."

Tumulo lang nang tumulo ang luha ko habang nakangiti.

"Don't worry about him. He'll perfectly fine." Umupo si Taxon sa kama kaya tumabi ako.

"Sigurado ka, huh? Nasaktan ba siya?"

"It's funny pero hindi" nakangising sabi ni Taxon.

"Bakit? Hindi niyo sinaktan?"

"Alangan saktan ko?"

Niyakap ko siya. "Thank you, kuya."

"Tsk. Bakit ka nagte-thank you? Baka mautak ang fiance mo."

Pinanood ko nalang ang pagtalikod niya.

Mautak? Bakit anong ginawa niya?

Kinabukasan ay nakaeroplano ako papunta sa tuktok ng bundok. Nasa baba silang lahat. Pinagmasdan ko ang paligid, ang lamig ng hangin. Sana 'wag umulan dahil mahihirapan si Flair umakyat.

Ang gaganda ng mga puno, kitang-kita sa puwesto ko kung gaano kaganda ang paligid. Namangha ako sa ilog na sobrang linis na tanaw mula sa kinatatayuan ko. Mag-isa lang ako dito sa tuktok, may upuan na para talaga sa paghihintay ko pero meron ding mga puting kurtina na nakaayos. Natitiyak kong celebrasyon iyon pagkatapos. May mga pagkain at mga upuan na may nakabalot na puting tela.

Tiningala ko ang langit, makulimlim. Gumapang ang takot sa puso ko. Hindi ko na talaga alam kung ano ang iisipin. Gusto kong paniwalaan na wala lang ito kay Flair dahil alam ko naman kung gaano siya kagaling makipaglaban pero alam kong panghihinain siya ng isipin na mahahalagang tao sa akin ang lalabanan niya.

Bumalik sa mga alaala ko ang mga araw na hindi ko pa siya gusto. Akala ko talaga kahit kailan hindi ko siya magugustuhan pero kapag pala nakilala mo na ang isang tao doon mo lang makikita kung ano ba talaga siya.

Tumulo ang luha ko. Natatakot ako, sobrang takot ako kasi paano nalang kung hindi siya magtagumpay?

Paano ako?

'Trust him'

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni Resttan. Hindi talaga uso sa pamilyang ito ang tawaging 'kuya' o 'lolo' ang mga ninuno. Napangiti nalang din ako nang makita sa isip ko ang nakangiting mukha ni Flair. Alam kong lalaban ka para sa pag-ibig mo. Alam kong handa kang patunayan ang pagmamahal mo kasi gano'n ka pinalaki ng mommy mo. Mapagmahal at matapang.

Umupo ako at muling tiningala ang langit. Kahit anong liwanag niya ngayon lulukubin siya ng dilim dahil nakatadhana ang magkaroon ng araw at gabi. Sana gano'n din ang pagmamahalan namin ni Flair. Nakatadhana sa isa't isa.

Over Melanin Zeal...

Tila narinig ko ang pagtawag ni Flair sa isip ko. Hindi lang pangalan, ugali, at anyo niya ang unique maging ang pagtawag niya sa akin ng gano'n. Over melanin dahil sa kutis kong hindi kaputian pero iyon na yata ang pinakamalambing na pagtawag na narinig ko kahit noon ay kinaiinisan ko. Minsan talaga ang mga bagay na kinaiinisan mo ikagugulat mo na lang isang araw minamahal mo na pala iyon.

Tiningnan ko ang phone ko at binuksan ang gallery. Sa hilig niyang kumuha ng picture ang dami niyang picture dito. Nakangiti kong pinagmasdan ang mukha niya guwapong-guwapo sa pagkakangiti 'yong tipong hindi mo iisiping siraulo pala kapag nang-inis.

Nagulat ako nang makita ang video niya. Napadiin ang hawak ko sa phone at napalapit ang mukha ko dito.

Hindi ko ito nakita, ah! Kailan pa ito?

Plinay ko ang video. Sa background alam kong banyo ito ng kwarto ko. Kumuha pala siya ng video noong huling araw naming magkita.

Pinindot ko ang video. Ngumiti siya agad sa camera.

"Baby, baby, baby cherish, mami-miss kita. Baka hindi mo ito makita agad dahil hindi ka mahilig tumingin sa gallery pero ginawa ko pa rin." Tumulo ang luha ko nang makita ang kapiraso ng luhang tumulo sa mata niya.

"You need to trust me. I can do this. I'm Javen Flair Imperial, right? The King of Deadly Martial Arts. I know it's hard, I can't hurt those people. They are important to you and someday, they will be my family, too." Ngumiti siya at nag-flying kiss.

"Saluhin mo naman " wala sa sariling ibinalik ko ang video at sinalo ang flying kiss niya.

Emosyunal kong inilapit ang kamay sa labi. Tila ba naramdaman kong siya iyon. Kahit ang reyalidad ay wala siya sa harap ko pero kahit na ginawa niya pa rin ito para sa akin.

"Baby.." malambing na pagtawag niya sa akin. "Alam mo naman kung gaano kita kamahal kahit sinisipa mo ako at palaging hinahampas."

Napatawa ako sa hitsura niya dahil ngumuso siya pero natigilan nang biglang ngumiti siya. "Naguwapuhan ka sa pagkakanguso ko 'no? Ikaw talaga baliw na baliw ka sa akin."

"Ikaw rin naman" wala sa sariling nasagot ko ang sinabi niya.

"Gusto ko kapag kinasal na tayo gagawa tayo ng isang dosenang anak at lahat ay kamukha ko para pogi at maganda kaso malakas ang genes mo malamang kamukha mo " hindi ko na namamalayan na nawiwili na pala ako sa panonood sa video niya.

Inilapit niya ang mukha sa camera.

"Tingnan mo mabuti mukha ko. Kiss mo nga." Nilapit niya ang pisngi sa camera. Hindi ko nanaman namalayan na ginawa kong halikan ang screen ng phone ko hanggang marinig ang malakas na pagtawa niya.

"Over melanin Zeal hindi ko alam na uto-uto ka pala " gusto kong mainis at hampasin siya, sa huli nagawa ko nalang din na matawa sa kaniya.

"You know what's my favorite part of your face? Your lips, eyes, nose, cheek, chin dami ko pang sinabi lahat naman saiyo ay gusto ko. Wala lang, wala na akong masabi dahil lahat naman ng pangbobola sinabi ko na . Jokings! Syempre totoo na mahal kita."

Nilapit niya ang labi sa camera at humalik.

"Sana nakita mo ito sa mismong araw ng huling patunay. Ulit-ulitin mo lang para maramdaman mong nandiyan lang ako palagi sa tabi mo. Si impaktong Flair na guwapo at mahal mo."

Ipinakita niya ang singsing na suot.

"Of course you didn't notice, but now, baby please look at your ring."

Tiningnan ko ang singsing ko. Nanlaki ang mga mata ko nang sa likod noon ay may nakalagay na 'The Unexpected Love of JavElle'. Ang ganda ng pagkakaukit, medyo mahaba ang sulat pero nagkasya sa likod noon. Ang singsing ay napakasimple lang pero kung titingnan mo may simbolo ito ng 'infinity'.

Ipinakita niya sa camera ang singsing niya.

"You don't know that the first time we met I like you, agad agad, gano'n. Naiinis lang talaga ako saiyo dahil habang tumatagal minamahal na kita. Kung akala mong galit ako saiyo noon, oo galit ako, galit akong ninakaw mo ang puso ko at hindi mo na ibinalik. Hindi ko talaga inasahan na sa gabing nagkita tayo ay makikilala ko ang babaeng nagpabago ng tibok ng puso ko." Pwenesto niya pa ang kamay sa dibdib na animo'y tumitibok at pinipatalsik ang kamay niya kaya natawa ako.

Puro ka kalokohan, Mr. Perfect!

"Si Shine Clear ka ba?" Sinagot ko iyon ng "Bakit?"

Kahit mukhang ewan na ako sa kakausap ko sa kaniya sa phone okay lang wala naman tao.

"Kasi pinakinang mo na nga ang mga mata ko sa ganda mo, pinalinaw mo pa ang tibok ng puso ko na walang laman kung hindi ikaw." Awtomatikong napangiti ako.

Kinikilig ako kahit ang corny palagi ng banat niya para sa akin.

"Si Elle ka ba?" Ngumiti siya nang malapad.

"Saiyo lang ako magsasabi ng ELLEve you"

Gumapang ang kilig sa buong sistema ko. Impit akong tumili sa isip.

Paano mo nagagawang pakiligin ako sa video lang? Ang tindi talaga ng skill mo, Impakto!

"Siguro si Zeal ka din?" Inilagay niya ang kamay sa dibdib. "Kasi ZEALisilaban ang dibdib ko makita ko lang ang ngiti mo."

Napahawak din ako sa dibdib dahil sa lakas ng kalabog noon. Natigilan lang ako nang bumagsak na ang malalaking patak ng ulan.

No!

Hindi lang si Flair ang manganganib maging ang pamilya ko dahil mahihirapan silang umakyat. Napatingin ako sa phone nang kumanta si Flair.

Without you

By: Aj Rafael ft.Moira Dela Torre

Nasaan na kayo? Nasaan ka na? Please, be mine forever, my Flair. Fighting, baby!

Tapos na ang kanta pero nakatingin pa din ako doon. Hinihintay ang muli niyang sasabihin.

"Baby cherish, I'm Javen Flair Imperial.. ang impaktong guwapo at mahal mo. Palagi mo akong hintayin darating ako.. darating ako dahil saan man ako magpunta ikaw at ikaw lang ang gusto kong makasama."

Natapos na ang video. Natulala nalang ako sa malakas na buhos ng ulan.

Maging ligtas ka! Maging ligtas kayo! Please!

Napatayo ako nang makita ang tumatakbong si Kil.

"Hininto ang patunay dahil nalaglag si Jave sa bangin."

No! 'Wag niyang sabihing patay na si Flair.

This can't be.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.