Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 64

Shine Clear's POV

Aligaga si Flair, bawat kilos niya ay parang nanginginig ang kamay. Pinagmasdan ko siya nang matalim.

"Wala ka bang sasabihin?"

Natigilan siya at tumingin sa akin.

"I-i love you."

"Hindi 'yan ang gusto kong marinig." Mas pinatalim ko ang tingin at pinag-cross ang kamay sa dibdib.

"Just trust me. Okay? Trust lang ang kailangan ko. Kahit ano pang makarating saiyong balita. Trust me."

"Why would I? Did you do something stupid?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

"Kung ano man ang ginawa ko palaging may dahilan ako. Uulit-ulitin ko saiyo na ikaw lang ang mahal ko. Tandaan mo 'yan."

Pinanood ko ang pagtalikod niya sa akin at pumasok sa kwarto.

Natatakot akong malaman kung ano ang ginawa niya. Nangilid ang luha ko dahil alam ko sa sarili kong may bumabagabag sa kaniya at sana 'wag babae 'yon kahit 'yon ang nararamdaman ko.

"Try to cheat, my impakto. You'll suffer every second of your life. Dudurugin ko ang puso mo kapag nasaktan ako. 'Yong tipong luluhod ka sa harapan ko para magmakaawa na bumalik ako saiyo kahit pa kinasal na tayo." Madiin ko iyong sinabi sa sarili ko habang nakatingin sa pinto ng kwarto.

Pinakalma ko ang sarili at tinawagan ko si Clench.

"How are you? Kumusta ang bakasyon?"

"I'm so happy! Bakit kasi 'di ka pa sumama, eh. Kaya lang itong babaeng nakalunok ng microphone ang ingay araw-araw."

Natawa naman ako sa sinabi niya, si Carme ang tinutukoy niya.

"'Di ka pa nasanay."

"Hindi ako masasanay sa bunganga nito sinisira niya ang masayang araw namin ni Rozel. Dapat umuwi na ito--aray!"

Siguro ay pinalo siya ni Carme o piningot.

"Anong pinagsasasabi mo diyan?! Ikaw nga kinain mo nanaman ang pagkain ko sa ref!" Rinig kong sermon ni Carme sa kabilang linya.

Nagtawanan doon, kahit ang tawa ni Lance ay rinig ko. Tumulo ang luha ko, namimiss ko na ang mga best friends ko.

"Hindi ko naman alam na sa kaniya pala 'yon." Tatawa-tawang sabi ni Clench.

"May asawa na kayo nag-aagawan pa rin kayo sa pagkain." Tumawa ako.

"Paano 'yang Clench na 'yan hindi na nabusog may buwaya yata sa tiyan 'yan dapat tao na ang nilulunok niyan!" Nailayo ko ang phone sa lakas ng boses ni Carme.

"Ang lakas ng bibig mo, sweetheart. Magigising si Lane Glace." Mahinahong sabi ni Lance.

"Ito kasi! Ihhh!" Pinanggigilan pa ni Carme si Clench.

Si Carme kung sino-sino ang kaaway. Lalo na kapag si Diamond ang kaharap niya umaabot na hanggang langit ang kilay niya. Minsan naman si Yannie, nakikipagtarayan siya. Pero madalas si Clench dahil inaagawan siya ng pagkain. Ito namang si Clench minsan trip lang talaga, inaasar siya.

"Kumusta ka diyan, bebs?"

Sa tanong na 'yon ni Carme parang tutulo na ang luha ko. Lahat sila wala, si Flair lang ang kasama ko kaya nangungulila ako lalo na kay Shivelle.

"Okay naman ako. Namimiss ko na kayo."

"Sus ilang buwan lang, eh."

"Uwi na."

"Next year na."

"Next year pa?!"

"Joke lang."

"Uwi na kayo. Miss ko na rin si Lane."

Nagkwentuhan pa kami ni Carme matapos 'yon ay napabuntong hininga ako. Wala naman masaya ngayon.

May nag-doorbell kaya binuksan ko. Wala akong nakitang tao pero may nakita akong box.

Ano 'to?

May nakalagay na 'To: Shine Clear'

Kanino 'to galing?

Pumasok ako sa loob at tinitigan ang box. Mamaya bomba 'to o ano. Nagdal'wang isip pa akong buksan sa huli ay sinilip ko. May brown na envelope.

Pagbukas ko. Gumapang ang kaba, takot, sakit at sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Nangatal ang labi ko at nanginig ang kamay ko. Nabitawan ko 'yon.

'I'm 4 weeks pregnant and Jave is the father of my child. I can't tell it to you personally because I'm so scared of Jave.'

- Marie

Hinabol ko ang hininga ko at napahawak sa dibdib ko. Ang laman no'n ay PT na may dalawang guhit. Medical records at picture nilang dalawa ni Flair na..naghahalikan!

Napaluhod ako sa panghihina ng tuhod ko. Umalingawngaw ang malakas na iyak ko sa kalakihan ng mansyon.

No! This can't be! But the evidence is fucking in my face. How come? How did you do this to me, Javen Flair? I know I don't want another child, but I can't believe that you created a child to another women!

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dibdib ko. Ang sakit nito ay walang kapantay. Ang galit ko ay gusto kong pumatay.

How?

Nalaglag ang hawak na baso ni Flair nang makita niya kung ano ang hawak ko.

"Did you?" Humahagulgol kong tanong sa kaniya. Umiling ako nang umiling. "I shouldn't ask you here in front of me is the evidence. Slapping into my face! Choking my mind and breaking my fucking heart!"

"Let me--" lumapit siya sa akin pero isang malakas na sampal ang ibinigay ko.

"I don't want to hear your explanation! I hate you! Isinusumpa kong hindi mo na ako mahahawakan kahit anong mangyari!" Sigaw ko sa mukha niya.

Inis kong isinapak sa mukha niya ang box. Hindi ko kayang makipaghiwalay dahil kapag nalaman ng mga Baider papatayin siya ayaw ko namang mangyari 'yon kahit galit na galit ako sa kaniya. Iniisip ko rin si Shivelle, masisira ang pamilya niya.

Hinabol ako ni Flair. Niyakap niya ang likod ko at humagulgol do'n.

"I ask you to trust me. Wala akong ginagawa--" isang malutong na sampal nanaman ang iginawad ko sa kaniya.

"Tama na!" Matalim ko siyang tiningnan kahit ang mukha ko ay lunod na sa luha ko.

"Cherish.. this--" sinampal ko nanaman. "Paulit-ulit mo akong sampalin at saktan dahil sa halik." Humahagulgol niyang sabi. "Galit na galit din ako sa sarili ko pero ang hawaka--" sinampal ko nanaman siya.

"Tama na! Sinungaling ka at manloloko! Hindi ka na nahiya sa akin, sa mga Suarez, sa Baider at sa anak mo!"

"Ch---" sinapak ko nanaman siya.

"'Wag mo nang ibuka ang bibig mo dahil puro kasinungalin ang lalabas diyan!"

"Please list--" sinuntok ko siya sa mukha. Natumba siya at lumuluhang tiningnan ako. "You doesn't care about may explanation."

"Oo wala akong pakialam sapat na 'yon para paniwalaan ko!"

"Ganito ba palagi? Ang hindi mo ako pakinggan. That was just a--" sinipa ko siya.

"Stop!"

Tinalikuran ko siya pero hinabol niya ako. Hinarap ko siya at matalim na tiningnan. Sinipa ko siya sa tagiliran at sinuntok sa mukha. Bugbog sarado ang inabot niya sa akin.

"Kapag sumunod ka pa sa akin sasabihin ko kay Shivelle ang ginawa mo at habang buhay ka niyang kamumuhian dahil may tatay siyang gago!"

Tumakbo na ako palabas. Sinubukan pa niyang sundan ako pero pinaharurot ko na ang kotse.

Saan ako pupunta?

Wala ang mga kaibigan ko. Hindi ako pwedeng pumunta kay Kean dahil mag-aaway nanaman sila ni Flair baka hindi na sila magkabati. Hindi ako sanay mag-open kay Rev. Wala akong pupuntahan. Si Arah ay may sariling problema ayaw ko ng makadagdag pa. Tinahak ko na lang ang daan papunta sa bahay nila mommy.

Inayos ko muna ang sarili bago pumasok. Nabungaran ko si Kuya Zeke na stress na may kausap sa phone. Humalik lang siya sa noo ko pagdating ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Sinilip ko ang room ni Kuya Zen pero wala siya, sunod ay kay Kuya Zaimon pero 'ayon siya at may ginagawang kung ano para sa trabaho niya.

"Kuya?" Tawag ko sa kaniya.

Humalik din siya sa noo ko at itinuon ang atensyon sa ginagawa.

"Wait lang, Princess tambak ang project ngayon hindi kita makakausap." Inis niyang itinuon ang mata sa ginagawa.

"Okay lang." Yumakap ako sa kaniya nang mahigpit.

Gusto ko ng umiyak pero pinigil ko ulit. Stress na nga siya, dadagdag pa ako. Lahat sila ay may pinagkakaabalahan na. Pati si mommy at daddy ay may pinagdidiskusyunan tungkol sa kompanya. Nakita ko ang paghilamos ni daddy ng mukha gamit ang kamay at si mommy ay nasapo ang noo. Lahat din sila ay may prino-problema. Hindi ko kayang dumagdag. Nagpaalam na lang akong aalis na.

Nanlulumo akong pumasok ulit sa kotse. Wala akong pupuntahan. Ayaw kong bumalik ng mansyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha ko.

Nagmaneho na lang ako kung saan ako aabutin. Napalingon ako sa gilid nang may tumawag sa akin sa kalagitnaan nang pagda-drive ko.

"Hey, Elle!"

Hininto ko ang sasakyan sa gilid. Huminto rin ang sasakyan niya. Bumaba ako at pumasok sa kotse ni Nel Jan.

I badly need someone to talk to.

Nagulat siya nang yumakap ako sa kaniya at humagulgol ng iyak. Napuno ng luha ang shirt niya. Hinaplos niya ang buhok ko.

"What's wrong?"

Hindi ako nagsalita. Nag-iwas ako ng tingin.

Poging Flair calling..

Paulit-ulit kong pinindot ang end button ng phone ko hanggang patayin ko 'yon.

"May problema nanaman kayo ni Jave? Kailan ba matatapos 'yan?"

Nanatili akong tahimik na lumuluha habang nakatingin sa labas ng sasakyan. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa sobrang pagod sa kakaiyak.

Nagising ako sa kulay light blue na dingding ng kwarto, malinis at komportable. Amoy na amoy ang scent na panlalaki. Kinapa ko agad ang sarili ko nakahinga ako nang maluwag nang maayos naman ako.

Inilibot ko ang tingin. Kwarto ito ni Nel Jan dahil sa picture niya sa gilid. Natulog na rin ako dito noong maglasing ako.

Napahagulgol nanaman ako nang maalala ko kung bakit ako nandito ngayon. Hindi na natapos ang sakit at hirap ko.

'I'm 4 weeks pregnant and Jave is the father of my child. I can't tell it to you personally because I'm so scared of Jave.'

- Marie

Pumasok ulit sa alaala ko ang sulat na 'yon ni Marie.

Pagod na pagod na ako.

Bumukas ang pinto. Natigilan si Nel Jan nang makitang umiiyak nanaman ako.

"Puro ka iyak. Papakasalan mo tapos ngayon iiyak-iyak ka diyan!" Asik niya sa akin.

Tumungo na lang ako at nilaro ang daliri, patuloy sa pagluha.

"Ano bang problema? Sabihin mo lang sa akin ibibitin ko 'yon patiwarik." Galit niyang sabi.

Tumayo ako at tiningnan siya. "I want to drink."

"Hindi pwede. Sasakit lang ulo mo."

"Mas mabuti nga 'yon para magdamag akong makatulog."

Lumabas ako at dire-diretsong pumunta ng kusina at kumuha ng alak sa ref niya.

"'Wag na!" Kinuha niya sa akin ang alak.

Humagulgol ako ng iyak. "I just want to forget."

Inagaw ko sa kaniya ang bote, napabuntong hininga na lang siya at sinundan ako. Parang bahay ko kung makaasta ako. Malaki rin kasi ang bahay niya pero mag-isa lang siya. Sumilip ako sa veranda ng bahay niya. Mas maganda ang tanawin dito dahil makikita mo ang bundok.

"Kaunti lang ang inumin mo." Bilin niya sa akin.

Paulit-ulit akong lumagok kahit na ang pangit ng lasa no'n.

"Oh. Bakit nga kayo nag-away nanaman? Anong pinag-awayan niyo? Kung dahil lang sa chocolates ay umuwi ka na o kung inasar ka nanaman niya at napikon ka nagsasayang ka lang ng luha."

Hindi ko siya kinakausap. Inom lang ako nang inom hanggang sa uminom na rin siya.

"Sige. Uminom ka para sabihin mo mamaya sa akin paano ko papatayin si Jave."

Hinampas ko siya. "Ikaw! Puro ka patay! Kung hindi ibibitin patiwarik papatay ka naman. Bunganga mo 'no?"

"Eh.. ganito ako, eh. Sabihin mo lang sa akin papadukot ko sa Dreadful Gang si Jave ngayon din."

Tumawa ako nang malakas. "Tigilan mo nga kabaliwan mo."

"Hindi ako baliw matino 'to."

"Ewan ko sa'yo bakit ba ikaw ang kasama ko ngayon?"

"Malay ko. Ikaw 'yong bigla na lang hahagulgol diyan at magda-drama."

"This is not just a simple drama." Tumulo nang tumulo ang luha ko.

"Nagseselos nanaman ba siya kaya kayo nag-away? O kinain niya ang chocolates mo? O inasar ka nanaman? Ano pa bang bago sa maliliit niyong away?" Uminom siya ng alak.

"Nakabuntis siya."

Nanlaki ang mata ni Nel Jan at napamaang ang labi sa pagkagulat.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.