Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 65

Nel Jan Quijada's POV

I was walking at the hallway of Laurente. My eyes stucked with the women reading under the tree.

Tinagilid ko ang ulo ko at pinakatitigan siya.

She's not beautiful.

Naglakad na lang ulit ako. Hinarang ako nang mga babae.

"Honey! Kailan ka pupunta sa bahay?"

"Sweetie, tara date?"

"Darling.. I'm longing to your touch." Kumindat pa.

Nginitian ko sila nang malapad. I love playing with their feelings especially their pearls. Napangisi ako.

Isa-isa akong humalik sa mga labi nila. They're the same, laruan.

Habang inaasikaso ko ang paghihiganti kay Javen Flair Imperial sinasabay ko ang pangbababae.

Ilang beses kong nakita ang babaeng 'yon sa canteen, hallway, sa may puno at kung saan-saan pa. I didn't notice that one day, I was looking for her.

Hindi ko naman siya kilala sa pangalan. Baka naman pwede ring maging toy. Gumuhit ang pilyong ngisi sa labi ko.

Isang araw nang may mapagtripan akong bugbugin kasama ang Dreadful Gang nakita ko nanaman ang babaeng 'yon.

Ang lakas ng loob niyang tulungan ang lalaking binugbog namin.

"Tigilan niyo nga ito. Ano bang kasalanan niya para bugbugin niyo?"

Napangisi ako. Lumalapit nga naman ang swerte.

"Master, mukhang 'di ka kilala nitong babae," sabi ng isa sa mga tauhan ko.

Diretso kong tiningnan ang babae at pinilit maging walang emosyon.

"Anong gagawin natin sa pakialamera, master?" tanong ng isa.

Lalapit sana ang mga tauhan ko sa babae pero hinarang ko.

"I like you." Wala sa sariling nasabi ko 'yon.

Napakunot ang noo niya at tumawa nang malakas. Napatitig ako sa ngiti niya.

Dug.dug.dug.

Ohh. I'm dead.

"Fuck you," sambit niya sa kabila ng pagtawa.

Mas lalo akong humanga. Akalain mong ang tapang niyang pagsalitaan ako ng ganyan.

"Master, ano?" singit ng isa. "Bugbogin na ba namin ang babaeng 'yan?"

Diretsong nakatingin lang ako sa mukha niya. Natulala, natigilan at tila napako pa.

Hindi naman kagandahan pero anong meron sa kaniya at 'di ko maalis ang tingin ko?

Hindi nga ba maganda?

"Ang tapang mo. Ikaw lang ang nagsalita sa akin ng ganyan." lumabas sa bibig ko.

"Should I celebrate?"

Oh. Dead, ngumiti pa siya.

"I like you," inulit ko pa. "Di mo ba ako gusto?" ngumisi ako.

"Hindi."

Namangha ako sa hindi niya.

Himala 'yon, may tumatanggi sa akin?

Nagulat pa ako nang bigla niya akong sugudin at sipain pero naiilagan ko.

"You want to be my girlfriend?" Gusto kong sapakin ang sarili kung bakit nagiging malambing ang tono ko.

"What the hell?"

Sumugod ulit siya pero ilag lang ako nang ilag.

"The fuck!" inis na inis na siya at mas lalo akong natutuwa.

Why is she cute?

"Mas bilisan mo pa, binibini," pang-aasar ko sa kaniya.

Inis niya akong sinipa pero yumuko lang ako at nailagan nanaman.

Sumugod siya nang sumugod, sumuntok at sumipa pero wala akong ginawa kung hindi ilagan siya at haplusin sa braso, baiwang, hita at kung saan-saan pa maliban na lang sa private parts hindi ko kayang bastusin siya.

"Fuck!" inis niyang sigaw.

"I'm enjoying," ngumisi ako.

Sumugod nanaman siya at sa isang iglap nayakap ko siya sa likuran at nahawakan ang kamay na naka-cross sa tiyan niya.

I kissed her on the cheek.

What was that Nel Jan? Sa pisngi lang? Kailan ko 'yon ginawa?

I never kiss a girl on the cheek diretso labi agad at tapon agad sa bed.

That's me, but to her.. Why I can't do the same way?

Next day, nakita ko siya sa hallway. Ang daming bitbit na papel. Hindi niya naman ako makikilala dahil nakamaskara ako no'n.

Napangisi ako at binangga siya dahilan para tumilapon ang lahat ng papel na hawak niya. Tinalikuran ko siya ng may ngisi sa labi.

Hinatak niya ang damit ko sa likod.

"Oh, Hi!" inilahad ko ang kamay sa kaniya.

Ang talim ng tingin niya sa akin.

"You can't see what you've done?" inis na inis na sabi niya.

Imbes na sagutin siya ay pinulot ko ang mga bond paper.

"Easy," nakangiti kong sabi habang tinitingnan ang mga activities. "I'm Nel Jan Quijada," inilahad ko muli ang kamay ko pero 'di niya kinuha kaya tumawa ako. "I'm engineering student. I can do this don't worry," kinuha ko ang mga activities niya.

"I have a boyfriend," masungit niyang sabi.

Natawa ako pero good to know. I probably ask that.

"So what? Asawa nga naaagaw girlfriend pa kaya," ngumisi ko.

Whoever your boyfriend madali lang mang-agaw. Si Nel Jan Quijada yata 'to.

Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at may sinulat.

"Do my activities. Text me."

Tumango ako at sa wakas nakita ko ang I.D. niya.

"Elleina Zeal Suarez."

I looked at her back whe she ran.

Wait and see you'll be mine, but I'm surprise he's boyfriend is no other that Javen Flair Imperial!

Galit na galit ako. Bakit siya pa?!

Ginawa ko lahat para mapasaakin siya pero hindi tumatalab ang karisma ko. Galit na galit ako noong pinalo siya sa ulo ng isa sa mga tauhan ko at naratay sa hospital. Palagi ako nando'n at palihim na sinisilip siya na sana gumising na siya.

Isang araw, nakita ko siya sa ilalim ng puno, natutulog. Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Hindi naman maganda.

'Yon nanaman ang pumasok sa isip ko.

Hindi nga maganda bakit pinagmamasdan mo, Nel Jan?

Tumibok nang sobrang bilis ang puso ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na halikan siya. Binuhay no'n ang lahat ng posibleng maramdaman ng isang lalaki. Hinawakan ko ang batok niya. Nalunod ako sa halik na 'yon. Halik lang pero 'yon ang pinakamasarap na labing natikman ko.

I never kiss someone with the sweet taste on their lips. She's the first girl that affects my entire system.

Umaasa akong sasampalin niya ako pero lumipas ang minuto hinayaan niya akong halikan siya hanggang sa napansin niya siguro ako. Nanlaki ang mata niya at malakas na itinulak ako.

Tulog ba siya talaga? O hinayaan niya lang ako? O baka napagkamalan niyang ako ang boyfriend niya?

Alinman do'n wala akong pinagsisisihan.

Gusto ko pa ngang hapitin at muling siilin ng halik kahit pa nasa Laurente kami. Galit na galit siya sa akin. Inis na inis niyang pinunasan ang labi niya na nagpasakit sa dibdib ko.

Nandidiri sa akin? Ibang klase talaga siya.

Nabugbog pa ako dahil sa ginawa ko. Walang pagsisisi, kaya lang natakot ako nang sabihin niyang hindi na ako makakalapit pa sa kaniya.

For the first time of my life. There is a girl who trash me. A girl who makes me scare of not seeing.

She's the only that makes my heart beat fast.

Buong buhay ko hinahabol ako ng mga babae at madali ko silang nakukuha pero siya kahit siguro patayin ko ang boyfriend niya siya lang ang mahal niya.

Ano bang meron sa babaeng ito?

Tanong ko sa sarili ko. Nalaman ko na lang at tinanggap sa sarili na mahal ko na siya.

Ginawa ko pa rin ang paghihiganti para kay kuya kahit alam kong mga kaibigan niya ang involve.

Para saan pa? Hindi niya naman ako gugustuhin kahit kailan.

Galit na galit ako kay Jave. Inaamin kong bukod sa ginawa niya kay kuya ay galit din ako dahil siya ang boyfriend ni Elle na mahal na mahal niya at hindi kayang iwan.

I suffered.

My karma is her.

Nagulat pa ako nang malaman na ang kinatatakutang pamilyang Baider ay isa pala siya do'n.

I can't hurt her. Kahit nga patayin niya ako hindi ako lalaban.

Sa loob ng ilang taon sinsero akong humihingi ng tawad sa kaniya at sa mga kaibigan niya.

Binago ko lahat ng masama kong gawain kahit pa ang mangbabae. Tama na marami na akong babaeng nasaktan, kinuhaan ng first blood at pinaiyak. Ang karma ko ay si Elle, mas masakit sa pinag-gagagawa ko sa mga babae.

"Nakabuntis siya."

Nagpaulit-ulit 'yon sa pandinig ko. Nagtiim ang bagang ko.

What the fucking dead?

Kahit ako ay nasaktan nang sunod-sunod nanaman na pumatak ang luha niya. Ayaw kong hawakan, hindi ko nakalimutan ang pagmamahal ko sa kaniya.

Until now, I'm drawn.

Natigilan pa ako nang yumakap siya sa akin. Hindi ako sanay dahil iba ang dating ng yakap niya sa akin. Binubuhay niya ang puso ko.

May asawa na siya hindi ako dapat ganito kahit pa gaano kagago ang lalaking 'yon.

Bibitin ko talaga 'yon patiwarik. Intayin niya lang.

Sunod-sunod nanaman na tumulo ang luha niya. Tinanggal ko.

"Iiyak dahil nasasaktan? Kahit umiyak ka pa hindi mo mababago 'yon pinapagod mo lang ang sarili mo."

Tumawa siya. "Hindi ko alam saan ako nagkulang. Sinabi ko lang na ayaw ko na magkaanak gumawa ng anak sa iba." Lumuluha siyang nagkwento.

Ang sakit naman.

Lasing na siya pero tungga pa rin nang tungga.

"Ibinibigay ko naman ang lahat sa akin. Siguro nga sadista ako pero hindi.." hindi na siya makapagsalita sa sobrang pag-iyak. "Hindi naman sapat na dahilan 'yon para mangbabae siya."

"Una at huling pag-ibig! Siraulo! Mamatay na ang mga manloloko!"

Kunwaring tinamaan ako kaya tumawa siya. Tatawa siya pero lumuluha ang mata.

"Masama bang ayaw ko ng magkaanak ng isa pa? Kinukulong niya ako sa bahay! Seloso! Lahat na lang! I'm doing my best. I give my all! I give all that I have! Lahat.. lahat.. lahat-lahat sa akin.." Tinakip niya ang palad sa mukha niya.

"Ang sakit-sakit! Siya ang pinili kong pakasalan pero bakit ginaganito niya ako?! May anak na kami hindi pa siya nakontento do'n!"

Inilapit niya ang mukha sa akin kaya nailang ako. Kahit ako ay pinipigilan ang kumakawalang luha sa mata.

Masakit na makitang nagkakaganito siya.

"May mali ba sa akin? Siguro nga mas maganda ang Marie na 'yon pero fuck naman! Wala sa ganda 'yon! Malandi lang talaga siya!"

Hindi ako nagsasalita, pinapanood ko lang at pinapakinggan ang mga sinasabi niya.

"Sinabi ko lang na ayaw ko na ng isa pang anak bakit gano'n? Akala ko naiintindihan niya!"

Ang tunog ng iyak niya. Napabuntong hininga na lang ako at sige na nga yayakapin ko na kahit ang hirap pigilan ng sarili ko.

Lasing na lasing na siya kaya binuhat ko na papasok ng kwarto. Inihiga ko siya sa kama ko.

Sa guest room ako matutulog.

Kinumutan ko siya at pinunasan ang pumapatak pa ring mga luha.

"Tigilan mo na kakaiyak mo. Hindi ako magaling mag-comfort."

Aalis na sana ako nang hilahin niya ako sa kamay. Napalapit ang mukha namin sa isa't isa.

Natigilan ako nang haplusin niya ang noo ko, pababa sa ilong at labi.

Dead. Ano 'yon?

Napalunok ako sa lapit ng distansya namin. Ang lakas ng dating ng ginawa niya sa akin. Maging ang puso ko ay hindi na magkandaugaga sa pagtibok.

Kung magiging kabet ako okay lang basta siya ang babae ko.

Pero hindi ako gano'n kasama. Pumasok sa isip ko ang batang si Shivelle na itinuturi ko ng anak.

Hindi ko kayang sirain pa lalo ang pamilya niya kahit may tarantado siyang ama.

Patuloy siya sa paghaplos sa pisngi ko habang lumuluha.

"Flair.."

Hindi ako si Jave at hindi ako magiging si Jave kailanman.

Moron, Jave.

Siya nga ang pinakasalan hindi pa iningatan. Kung hindi ko lang inaalala si Shivelle ngayon din kaya kong angkinin ang babaeng ito. Kaya kong gumawa rin ng anak sa kaniya katulad ng ginawa ng tarantado niyang asawa.

Pero hindi talaga. Mahal ko ang batang si Shivelle.

Napatitig ako sa labi niya. Bumalik sa alaala ko ang nangyari no'ng hinalikan ko siya.

Ayaw ko ng magalit ka ulit sa akin.

"Impakto.. bakit?"

Hindi nga ako siya. Pinaghahampas niya ako. Hinayaan ko lang siya kahit hindi naman ako ang dapat na hinahampas niya. Nagulat nanaman ako nang yakapin niya ako.

"Kahit anong gawin mo mahal pa rin kita.."

"Kahit hindi ako sapat para saiyo ikaw pa rin ang asawa ko."

Tinanggal ko ang luhang papatak na sana. Masakit marinig ang mga katagang 'yon.

Hindi pa rin ako makalimot.

Dead.. papatayin ko ang sarili ko dahil sa ginawa ko.

I kissed her.

Akala ko ay sisipain at susuntukin niya ako pero hinayaan niya lang ako. Pinag-init no'n ang buong sistema ko. Madiin ko siyang hinalikan.

No! Nel!

Paulit-ulit na humihindi ang isip ko dahil nakikita ko ang nakangiting mukha ni Shivelle sa akin.

I'm sorry.

Kinuyom ko ang palad sa pagpipigil na hawakan siya.

Hindi! Hindi ko gagawin sa kaniya ang ginagawa ko sa mga babae ko no'n.

Natigilan pa ako nang idiin niya ang sarili sa akin.

"Hindi ka marunong makontento! Bakit anong problema sa akin? Huh? Flair?" Matalim niya akong tiningnan.

Sinasaktan ko lang ang sarili ko. Halata namang hindi niya ako nakikilala.

Just for this night.

Curse me, hate me, shout at me!

Damn me. I kissed her with full force.

Mahal ko siya at kahit anong gawin ko hindi ko 'yon makalimutan.

Bakit ang hirap mong kalimutan?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.