Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 66

Shine Clear's POV

Napamulat ako ng mata nang maamoy ang hindi pamilyar na amoy.

Napamaang ang labi ko nang makita ko ang mukha ni Nel Jan na nakaupo sa gilid ng kama at nakatunghay sa akin.

"Good morning," ang tamis ng ngiti niya.

Bumangon ako at sinandal ang likod sa headboard. Nasapo ko ang ulo nang kumirot 'yon.

"Okay ka lang?"

"Ang sakit ng ulo ko."

"Sabi ko naman saiyo sasakit lang ang ulo mo."

Sunod-sunod nanamang tumulo ang luha ko.

"Di ka ba titigil sa pag-iyak mo?" Inangat niya ang mukha ko at tinitigan ako. Napaatras ako nang ilapit niya ang mukha sa akin. "I'm sorry."

"S-sorry saan?"

"Ano kasi.." nagkamot siya ng ulo. "May ano kasi.."

"Ano?" Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Ahm.. h-hinalikan kita kagabi."

Nanlaki ang mata ko at nagdilim ang paningin ko. Wala sa sariling sinipa ko siya.

"Gago ka ba?!"

Akmang susuntukin ko siya pero hinawakan niya ang pulso ko at hinawak ang kamay ko sa pisngi niya. Tinatanggal ko 'yon pero malakas siya.

"I'm sorry. Ayaw ko ng magalit ka nanaman hindi ko sinasadya." Tumulo ang luha niya. "Hindi ko sinasadya. Patawarin mo ako."

Kumalma ako dahil sa emosyong pinapakita niya. Hindi ko alam pero napapalambot niya ang puso ko. Marami na siyang naitulong sa akin at utang ko ang lahat ng 'yon sa kaniya. Ito ang mahirap sa akin kapag kaibigan ko na kahit ano pang nagawa mong masama kaya kitang patawarin dahil iba ako magmahal ng kaibigan.

"'W-wag mo nang uulitin."

Napatawad ko siya agad dahil sa tingin ko kailangan niya 'yon. Tao lang din siya at nagkakamali.

Parehas kaming natigilan nang isang malakas na suntok ang tumama sa mukha ni Nel Jan.

Si Flair...

"Nang-aahas ka ng asawa!" Galit na galit niyang sinugod si Nel Jan. Nagpambuno silang dalawa. "Anong ginagawa niyo sa iisang kuwarto?! Fuck you!"

"Ikaw 'yong tarantado! Lagi mong pinapaiyak!" Sinuntok niya sa mukha si Flair, nagpalitan sila ng malalakas na suntok.

"Wala kang alam!" Sigaw ni Flair.

"Tama na!" Saway ko sa kanila.

"Ano ba tumigil na kayo!"

"Stop that!"

Kahit anong sigaw ko hindi nila ako pinapakinggan. Parehas silang galit sa isa't isa. Nagkandapasa-pasa na sila at pagulong-gulong ay sige pa rin sa suntukan. Walang nagpapatalo parehas malakas.

"Ano ba.." humagulgol na lang ako ng iyak at napaupo.

Nakakapagod na.

"Gago ka, Jave! Gago ka!"

"Mas gago ka! May asawa na pinipilit mo pa rin ang sarili mo!"

Sa nakikita ko galit na galit si Flair pero hindi rin papatalo ang galit ni Nel Jan.

"Wala kang karapatang hawakan man lang ang asawa ko!"

"Wala ka ring karapatang manloko! Tarantado!"

"Sige magpatayan na kayo!" Tumayo ako at malakas na sinabi 'yon.

Parehas silang natigilan at tumingin sa akin. Tinalikuran ko sila.

Nakakapagod na. Pagod na pagod na ako.

Hinabol nila ako parehas.

"Cherish..t--" sampal nanaman ang inabot ni Flair. "Kasalanan mo lahat ng ito! Kasalanan mo! Walang dapat sisihin kung hindi ikaw!"

"Elle. You can sleep at my house." Singit ni Nel Jan.

"Hindi na. Salamat na lang." Tinapik ko ang balikat niya. "Thank you." Sinsero kong sabi.

Nagulat ako nang bigla akong buhatin ni Flair at isakay sa kotse.

"Of all people! Bakit ba sa kaniya k--" sinampal ko siya.

Kahit paulit-ulit ko siyang sampalin hindi maaalis ang sakit sa akin.

"Ayaw kong marinig kahit boses mo!"

Tinitigan niya lang ako at pinaandar ang kotse. Nakakapagod na. Nasapo ko ang ulo dahil ang sakit no'n. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Napabalikwas ako ng bangon nang mamulatan ang hindi pamilyar na lugar.

Nasaan ako?

Sinilip ko ang veranda. Nanlaki ang mata ko nang makitang nasa island kami na hindi ko alam kung saan.

Nagmadali akong buksan ang pinto pero nauna nang bumukas 'yon.

"Hi." Nakangiting bati sa akin ni Flair. Naglahad siya ng kamay na ipinagkunot ng noo ko. "Ako nga pala si Javen Flair Imperial. Nag-aral ako sa Laurente at graduate na ng pschology. Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

Nababaliw na ba siya?

Tinaas ko ang kilay ko, nagmamaldita at nagtataray.

Anong trip mo?

Sa isip ko lang 'yan sinabi. Hindi ko kayang makipag-usap sa kaniya.

Lumuhod siya sa harap ko. Tiningala ako at pumatak na ang mga luha niya.

"Sabi ko saiyo trust me. I didn't do something that can ruin our family. I'm scared of you and Shivelle Flear. The two of you are my life. Without you two I can't live."

Tinaas niya ang kamay at pinapakita sa akin ang singsing. Pinigilan kong 'wag ipakita ang emosyon ko. Sagad na sagad na ako kakaiyak at sobrang sakit na, pinanghihina na ako no'n.

Tinanggal niya ang singsing at binasa ang nakasulat do'n.

"The Unexpected Love of JavElle." Tumulo nang tumulo ang luha niya. "Shut! Kailan pa ako humalik ng babae? O gumalaw ng ibang babae?"

"Hindi ako manggagago at manloloko matino ang isip ko. May anak ako at asawa tulog, gising, lasing kahit nasa'n ako alam ko 'yon." Kinuha niya ang kamay ko pero hinila ko.

"Ikaw lang.. uulit-ulitin ko pa ba 'yon? Ikaw lang ang babaeng minamahal ko.. dahil ikaw ang una at huling pag-ibig ko."

Pinigilan kong 'wag magsalita ayaw ko siyang kausap.

"Natatakot ako saiyo kaya hindi ko sinabing ginugulo pa rin ako ni Marie. Natatakot rin ako kay Shivelle, takot ako sainyong dalawa dahil baka magalit kayo." Tulo nang tulo ang luha niya.

"Hindi ako manloloko pero.. inaamin kong hinalikan ko siya."

Hindi ko na kinaya ang pagpipigil ng emosyon. Tumulo na ang luha ko at ramdam ko ang paulit-ulit na tusok sa dibdib ko.

"Kasi kung hindi ko ginawa 'yon sinaksak niya na si Lane Glace."

Natameme ako.

'Yon ba 'yong araw na dala niya si Lane Glace? 'Yong nawala siya?

"Bigla siyang nag-text isang araw na pumunta raw ako sa bahay nila dahil kung hindi magpapakamatay siya. Pumunta ako pero sinigawan ko lang at sinabing 'wag nang manggulo sa atin. Nagulat ako kasi naglaslas siya kaya dinala ko sa hospital."

Bakit gano'n sinasabi niya na ang totoo pero ayaw ko nanamang makinig pakiramdam ko puro kasinungalingan 'yon?

"Alam kong hindi ka naniniwala. Okay lang, kasalanan ko. Sunod na nangyari lagi siyang nagbabanta na kapag hindi ko siya pinuntahan magpapakamatay siya hanggang isang araw kinuha niya si Lane Glace. Pagdating ko roon tulog si Lane may hawak na kutsilyo si Marie nakatutok sa mukha ng bata. Sabi niya kapag hindi ko siya hinalikan itatarak niya 'yon sa bata. Tell me what should I do?"

"Ang sakit-sakit. Alam mo ba 'yon? Ang sakit isipin na may iba akong nagawang halikan. Nangba-black mail siya. Hindi ko alam kung anong gusto niya pa sa buhay ilang beses ko ng sinabi na may asawa ako, alam niya pero baliw na. Wala namang espesyal sa akin kinababaliwan niya."

Hindi pa rin ako nagsalita. Kahit anong sabihin niya hindi nagsi-sink in sa utak ko. Kung minsan hindi talaga ako marunong makinig.

"Nakita mo 'yong labi ko na dumudugo no'ng dinala ko sainyo si Lane kasi kahit magkandasugat ang labi ko pinunasan ko nang pinunasan. Hindi ko kailanman matatanggap ang halik na 'yon at hanggang ngayon pinagsisisihan ko pa rin 'yon at 'yong PT? Malay ko ba sa baliw na 'yon saan niya nakuha 'yon ni dulo ng daliri niya hindi ko hinawakan." Tumawa siya.

"Grabe. 'Di ko alam na gagawin niya 'yon. Ang galing niya gumawa ng kwento. 4 weeks pregnant? What the fuck? Wala akong natatandaan na hinawakan ko man lang siya. Kadiri."

Kinuha niya ang kamay ko. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Believe it or not." Ngumiti siya. "Ikaw lang talaga."

Natigilan ako nang tanggalin niya ang singsing sa daliri ko. Tumulo nang tumulo ang luha niya at humawak na siya sa dibdib.

"Ang sakit tanggalin nito saiyo pero kailangan. Hindi mo ito isusuot hangga't 'di mo ako tinatanggap hindi tayo aalis sa islang ito hangga't hindi mo ako napapatawad."

Tumayo na siya at ngumiti sa akin.

"Kung ayaw mo akong katabi matulog.. hindi ako tatabi kahit alam kong hindi talaga ako makakatulog. Kung ayaw mong magsalita hindi kita pipilitin.. kahit ako na lang ang magsalita. Kung ayaw mo akong kasabay kumain hindi ako sasabay pero 'wag mo lang hihilingin na mawala ako dahil kahit anong mangyari... hindi kita iiwan."

"Sana tanggapin mo ulit ang singsing na ito kapag napatawad mo na ako... gagawin ko lahat mula sa araw na ito. Liligawan kita, ipagluluto, haharanahin, kahit pa magmukha akong tanga at stranger sa iyo."

"Lahat gagawin ko.. 'wag ka lang mawala." Nagpakawala siya ng matunog na buntong hininga.

"Fighting.. my cherish." Malapad siyang ngumiti. "I'm Javen Flair Imperial, your suitor."

Tumaas ang isang kilay ko.

Wala akong tatanggapin sa anumang sinabi mo. Malay ko ba kung puro kasinungalingan 'yon? Malay ko ba kung sinasabi niya lang 'yan para hindi na ako magalit pero sa huli totoo pala ang sinasabi ni Marie?

Walang sigurado.

Whatever.

"Let's replay where we start, cherish."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.