Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 67

Shine Clear's POV

Pinagmasdan ko ang ganda ng lugar. Masarap sa pakiramdam, hindi naman ako makakakaalis dahil wala namang bangka o ano. Naglakad ako sa dalampasigan at tinampisaw ang paa sa tubig.

Ilang sakit pa ba ang daranasin ko?

Mas masakit pa pala ang buhay may asawa kaysa no'ng dalaga pa ako. May nakita akong jelly fish kaya dinampot ko 'yon gamit ang dahon.

Ang cute.

Nakangiti ko 'yong tiningnan. May humintong pares ng paa sa harap ko kaya tiningala ko.

"Binili ko ang lugar na ito para kay Shivelle Flear kaya nga ang pangalan nito ay Shivelle. Dadalhin ko sana kayo dito pag-uwi niya kaya lang napaaga ang punta natin dito."

Kwento siya nang kwento kahit hindi ko pinapakinggan. Tahimik akong umupo at pinagmasdan ang abot ng aking makakaya.

"Ang ganda mo pa rin. Hindi nagbago ang pagtingin ko saiyo mula no'ng una kitang makita hanggang ngayon."

Umupo siya sa tabi ko at ramdam ko ang titig niya sa akin.

"Alam kong minsan sumusobra ang ugali ko sa pang-aasar saiyo. Alam kong minsan nago-over react na ako sa sobrang selos at inis dahil sa mga lalaking umaaligid saiyo. Hindi ko talaga 'yon mapigilan dahil.. mahal kita."

Naririnig ko siya pero wala akong balak magsalita. Sabihin niya lahat ng gusto niyang sabihin.

"I love to watch you dancing. Parang humihinto ang mundo ko at bumabagal. Hindi ako masanay-sanay sa mga ngiti mo madalas natutulala pa rin ako."

Gustong-gusto kong sabihin na gano'n din ako. 'Yong tipong naiilang pa rin ako, kinikilig at napapatitig sa kaniya pero masyadong mataas ang pride ko.

Naisip ko lang na nahalikan din pala ako ni Nel Jan hindi ko naman alam.

Ano bang nangyari no'ng gabi? Wala akong matandaan.

Ang hirap ko talagang malasing.

Did I cheat, too?

Ewan ko pero pinapaniwalaan kong hindi. Wala naman akong matandaan sa nangyari kahit pilit kong inaalala siguro sobrang lasing ako.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi niya ako hinawakan sumunod lang siya pinapanindigan niya na manliligaw lang siya ngayon.

Pagdating ko sa kusina naghain niya siya ng pagkain.

"Eatwell, my cherish." Iniwan niya ako na maayos na ang lahat pati tubig at plato ko.

Inismiran ko na lang ang pagtalikod niya. Tingnan natin kung hanggang saan aabot 'yang ligaw kuno mo. Paganyan-ganyan ka pa para pagtakpan ang kasalanan mo hindi naman na mababago 'yon.

Kumain na lang ako, sa kabilang banda ng pagkain ko nalulungkot ako na hindi ko siya kasabay pero pinilit ko.

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ulit ako sa dalampasin at naglakad-lakad. Nakasunod nanaman siya sa akin.

Naghubad ako ng damit para mag-swimming wala akong pakialam sa presensya niya. Tumakbo ako sa dagat at lumangoy. Nakakalibang ang maglangoy. Nasa tabi lang siya at nakatingin sa akin. Malungkot ang mga mata niya.

Malungkot ka habang buhay wala akong pakialam!

Naglangoy ako sa medyo malayo na. Dahil ang malakas ko napulikat ako kaya napahawak ako sa paa ko.

Gosh! Ang lalim pa naman.

Lumubog ako at hindi makahingi ng tulong. Nakita ko agad si Flair at hinila ako paahon.

"Are you okay?"

Hindi ako nagsalita. Umahon ako habang iika-ika.

"Patingin."

Kumunot ang noo ko nang hawakan niya ang paa ko.

"Kaya mo bang maglakad?"

Inismiran ko lang siya at 'di nagsalita.

Gosh! Nawala na yata ang boses ko.

Kinagabihan ay pumasok na ako agad sa kwarto. Iniwan ko siya na nanonood ng TV sa sala.

Humiga na ako sa kama at tumingin sa kisame.

This feeling is suffocating me. I want to hug him, but I can't.

I miss him.

Tumulo nang tumulo ang luha ko.

Paano ba maaalis ang sakit na nararamdaman ko?

Maya-maya pa ay may kumatok. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Oh?" Nagsalita na ako kasi napapanis na ang laway ko.

Bumungad sa akin ang ngiti niya at nagkamot ng ulo.

"Hindi talaga ako makatulog. Ilang taon kitang kasama matulog sa kama. Hindi ako tatabi.." nag-iwas siya ng tingin. "Kahit sa sofa lang?" Pagmamakaawa niya.

"Okay."

"Yes!"

Pumasok siya at tumalon sa sofa. "Thank you, good night, baby, baby, cherish." Nag-flying kiss siya.

Pinigilan ko ang mangiti kasi trina-traydor ako ng sarili. Gumagapang ang saya sa katawan ko.

Nahiga na lang ulit ako sa kama at tinalikuran siya.

Pagkagising ko hindi ko na itatangging hinahanap ko siya. Pagbukas ko ng pinto nando'n siya, nakaupo at may hawak na gitara.

Pinigilan ko nanaman ang kiligin kasi may kagat siya na rose at sobrang guwapo niya sa white shirt na plain na v-neck at short lang. Paborito ko 'yon na suot niya kasi lalo siyang gumaguwapo do'n.

Ngumiti siya nang malapad.

Dug.dug.dug.

"Good morning, baby, baby, baby cherish. I hope you have a good sleep."

Ibinigay niya sa akin ang rose na pula.

Paano ko ba tatanggihan ang paborito kong bulaklak?

Tinanggap ko iyon pero walang emosyon ang mukha.

"Ang ganda mo ay hindi nababawasan lalo pang nadadagdagan." Ipinakita niya sa akin ang pinakaguwapong ngiti niya.

"Rosas. Diyan kita nakilala, hinampas mo pa nga ako at kinainisan hindi mo alam nagpapansin lang ako."

Dug.dug.dug.

Lahat ng posible kong maramdaman ay pinilit kong 'wag ipakita.

'Wag kang traydor, heart.

Nagsimula siyang magtipa ng gitara.

Hanggang Kailan

By:Orange & Lemons

Labis na naiinip

Gumapang ang kilig sa katawan ko nang simulan niya ang kanta. Kinagat ko ang labi ko dahil sa pogi ng boses niya. Alam kong talented ka pero 'wag ka namang magpa-guwapo baka wala pang ilang minuto bumigay na ako.

Tumayo siya at sumayaw-sayaw habang hawak ang gitara. Sa hitsura niyang 'yan sinong babae ang tatanggihan siya? Well, not me.

Gumaralgal ang boses niya at namuo ang luha niya sa gilid pero pinigil.

Hinawakan niya ang baba ko.

Gosh!

Para akong unang beses niyang nahawakan dahil sa kuryenteng dumaloy roon.

It makes me wanting to hug and kiss him, but please no.

'Di mapigilang mag-isip

Na baka sa tagal

Mahulog ang loob mo kay Nel Jan

Hindi ko napigilang tumawa.

Gosh? Paano nasama si Nel Jan sa lyrics ng kanta? Kabaliwan niya talaga.

Nang makita niya akong tumawa parang kumislap ang mata niya sa tuwa.

Dahil 'di na makatulog lumalaki na eyebags ko

Muli akong natawa dahil sa pagdadagdag niya ng lyrics.

Dinampian niya ng daliri ang labi ko at hinaplos ang mukha ko.

"Ang guwapo ng boses ko 'no? Ako lang 'to si impakto ang lalaking mahal mo." Nakangiti niyang sabi nang matapos ang kanta. "Let's eat."

Napatigil ako nang makita ko ang kusina. Ang ayos ng pagkakalagay ng plato, kutsara at tinidor. Nakalapag ang bugkos ng roses.

"Roses ulit para sa nag-iisang babaeng nagpatibok ng puso ko." Inabot niya sa akin ang roses.

"Salamat."

"No welcome. I'll always do this even a thousand years passed." Inalalayan niya ako makaupo.

Hindi siya kumain kasabay ko.

"Sabayan mo na ako." Walang emosyong sabi ko.

"Talaga?" Umupo siya kaagad. "Baka magbago pa isip mo."

Hindi ko na siya sinagot kumain na lang ako. Lumipas ang minuto, natigilan lang ako nang punasan niya ang gilid ng labi ko.

"Ang kalat kumain ng baby ko."

'Baby ko'

Kinilig nanaman ako dahil lang sa baby ko na 'yon. Hindi ko dapat ito nararamdaman galit nga ako sa kaniya dapat mainis ako.

But how? My heart knows him. He's always been here.

"Maganda ang araw gusto mo bang maglakad-lakad?"

Tumango lang ako sa kaniya.

"Siguro kung nandito si Shivelle tumatakbo na 'yon sa tuwa. Sa ganda ng lugar mawiwili 'yon. I'm so excited to hug her," kwento niya.

Magkatabi kaming naglalakad hindi niya ako hinahawakan. Alam niya kasing masasaktan lang siya.

"No'ng ilabas mo si Shivelle sa sinapupunan mo I'm really happy, tears of joy. Hindi rin ako makatulog kakatitig sa mukha niya. Sobrang saya ko parang no'ng araw na ikasal tayo pero mas sumaya pa ako tuwing umaga na ikaw ang namumulatan ko."

Kwento siya nang kwento parang hindi na natapos.

"Sobrang nagpapasalamat ako na ibinigay sa akin ang dalawang babaeng nagpaganda ng malungkot kong buhay." Sinabi niya iyon habang diretsong nakatingin saq mata ko.

"Wala namang perpektong relasyon, cherish, talagang mag-aaway at magkakasakitan."

"Hindi mangyayari 'yon kung hindi ka malandi." Nagulat siya nang magsalita ako.

"Kailan?" Tumaas ang dalawang kilay niya. "Kailan ako lumandi? Never in my life I do that except to you."

"Ikaw lang ang babaeng niyakap ko at hinalikan ng buong puso at.." nagkamot siya ng ulo. "Inangkin," nahihiya siyang nag-iwas ng tingin.

Nag-init ang pisngi ko sa huling sinabi niya. Bumalik sa alaala ko 'yong huling gabing gumawa kami ng milagro.

Gosh! I should not feel like this.

"Ako lang? Kaya pala nabuntis mo si Marie?"

Nagtangis ang bagang niya. "Wala akong ginawa sa kaniya baka koronahan ko pa siya sa galing niya gumawa ng kwento. Pinapatawa niya ako ano ako katulad niya na baliw? Gagawa ng ikakasira ng pamilya? At sino ba siya? Sino ba siya sa buhay ko kahit pakialam wala ako no'n para sa kaniya. Hilig niya lang mang-blackmail.. dapat noon ko pa hindi pinansin 'yon bahala siyang maglaslas," Inis na inis na sabi niya.

Natahimik ako, sa pinapakitang galit ni Flair parang dapat ko siyang paniwalaan pero matigas ako.

"Buksan mo kasi ang tainga mo. Hindi mo ako pinapakinggan."

Biglang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko.

Nel Jan calling..

Medyo mahina ang signal kaya lumayo ako. Hindi naman na sumunod si Flair.

"Hello? Bakit?"

"Guess what? I've investigated Marie and I found out that she's.. not pregnant."

Napanganga ako sa sinabi niya. Ang galing niya talaga maaasahan sa lahat ng bagay hindi ko hiningi ang tulong niya pero ginawa niya.

"You can now have your peace of mind. She's not pregnant, she's just crazy in love with your husband."

Nilingon ko si Flair na ngayon ay nakatungo, tinitingnan ang singsing naming dalawa.

I'm so bad. I did not listen to him.

Why I didn't trust him?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.