Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 68

Javen Flair's POV

Nawawala si Lane Glace kaya nagkakagulo kaming lahat.

Unknown Number calling..

Si Marie nanaman ito. Hindi na talaga matigil ang babaeng ito.

I stared at my phone and double thought if Im going to answer the phone. In the end, I tapped answer button.

Lumayo ako sa kanila.

"You want to see Carme and Lance daughter?"

Shut! Nasa kaniya!

Lumalala na talaga ang bipolar disorder niya.

"Ibalik mo nga siya! Baliw ka na talaga!"

"Punta ka dito, babe. I miss you. Kunin mo ang bata."

Hindi ko kasi siya pinupuntahan kaya siguro ginawa niya ito. Nagmadali akong nagpaalam sa kanila at umalis.

Pagdating ko sa bahay ni Marie yumakap agad siya, tinulak ko.

"Don't touch me!" Asik ko sa kaniya.

Kinagat niya ang labi at naglandi pinagapang ang kamay sa dibdib ko. Nangilabot ako kaya inis kong inalis ang kamay niya at dumiretso sa loob para hanapin si Lane.

Nanggigil ako nang yumakap siya sa likuran ko. Pigil na pigil na 'wag siyang suntukin. Inis kong nilayo siya sa akin.

Nagulat ako nang biglang ipakita niya ang kutsilyong hawak.

"Kiss me," ngumuso siya.

Nandiri ang mukha ko. Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang haliparot maliban na lang kung si Zeal ang lumalandi sa akin.

Maganda si Marie, matangkad at lingunin din ng mga lalaki pero kahit kailan hindi ko siya nagustuhan.

"Pwede ba? Stop messing around? I have a wife! How many times that I need to tell you that?" Kuyom ko ang palad ko.

Galit na galit ako sa babaeng ito. Wala namang espesyal sa akin gustong-gusto ako o baka trip niya lang manira ng pamilya?

Tumakbo siya at lumapit sa natutulog na si Lane Glace. Itinutok ang kutsilyo sa mismong mukha.

"Hey! Tanggalin mo 'yan!" Asik ko sa kaniya. "'Wag mong idamay ang bata!"

"Bakit hindi?" Matalim niya akong tiningnan. "Ayaw mo sa akin!"

"Find your man. I'm not that man." Pilit kong pinahinahon ang sarili.

Humagulgol na siya at mas lalo pang inilapit ang kutsilyo sa bata at saka tatawa.

Bipolar disorder, I conclude.

She's delicate, she can hurt Lane Glace. Matagal ko ring inaral ang kilos niya para malaman ang sakit niya.

"Kiss me."

Nanlaki ang mata ko nang kaunting pulgada na lang ang layo ng kutsilyo sa mukha ni Lane Glace.

"Hindi mo gag--" akmang sasaksakin niya na.

Kaya niyang magawa 'yon dahil kung sarili niya nga nalalaslas niya si Lane pa kaya?

"Okay!"

Dahan-dahan akong lumapit. Hinapit niya agad ang batok ko at hinalikan. Gusto kong masuka.. kadiri.

Habang abala siya ay binigla kong kunin ang kutsilyo sa kamay niya at inilayo na siya sa akin. Binuhat ko agad si Lane Glace at tinalikuaran siya. Natigilan pa ako nang magsalita siya.

"Makakarating ito sa asawa mo."

Do'n ako natakot. Wala akong ibang kinatatakutan kung hindi ang mag-ina ko. Magagalit nanaman siya sa akin, kamumuhian ako. Sa mga pagbabanda niya nga lang nanginginig na ang tuhod ko ang isiping pagsisisihan niyang nakilala niya ako at pinakasalan ay masakit na.

Inihiga ko si Lane Glace sa kotse. Pinunasan ko nang pinunasan ang labi ko. Sugat na hindi ko pa rin tinitigilan, dumudugo na nga, eh. Nasusuka ako kapag naaalala ko ang kadiring labi ng Marie na 'yon.

Hindi ko na napigilan ang sarili sumuka na ako. Yuck!

Gusto kong tanggalin ang labi ko sa inis.

Kadiri talaga.

Sumunod na nangyari ay nagpadala si Marie ng pictures, PT kit at letter.

Bakit may PT? Ano 'yon?

Galit na galit sa akin si Zeal kaya takot na takot din ako sa kaniya. Iniwan niya pa ako. Nang tingnan ko ang letter ay napunit ko bigla.

Paano ko siya mabubuntis? Nabuntis sa halik? Bago 'yon, ah! Kadiri talaga siya!

Kahit lasingin niya pa ako kilalang-kilala ko ang mukha, amoy at katawan ng asawa ko hindi ako papatol sa babaeng 'yon kahit pa kaming dalawa na lang ang matira sa mundo.

Gigil na gigil ako kay Nel Jan nang puntahan ko sa bahay nila at tama nga ang hinala ko dito natulog ang over melanin na babae.

Galit nanaman siya sa akin. May kasalanan nga ako pero ginawa ko naman 'yon para kay Lane Glace, alangan naman pabayaan ko ang bata.

Malungkot kong tinitigan ang singsing na hawak ko.

Hindi ako nagpakasal saiyo para lang sa wala. Nagpakasal ako dahil sobrang mahal kita kahit pa ang dami kong hirap sa patunay.

Natigilan ako nang biglang yumakap sa akin si Zeal at humagulgol ng iyak sa balikat ko.

"I'm sorry. Hindi kita pinakinggan at pinagkatiwalaan. Sorry, baby.."

Niyakap ko siya nang mahigpit. "Shh. It's okay."

"May sasabihin ako saiyo. May kasalanan din ako." Tulo nang tulo ang luha niya na tinatanggal ko naman.

"Si Nel Jan sabi niya hinalikan niya ako."

Napamaang ang labi ko at agad na kumirot ang dibdib ko.

Shut na legendary playboy talaga na 'yon! Sinasabi ko na nga bang gusto pa rin niya ang asawa ko!

Nagbaba ako ng tingin at nakuyom ko ang palad ko.

"H-he kiss--" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya at hinalikan ko na siya.

Ayaw kong marinig ulit! Alam ko na! Masakit!

Marahan at mabagal ko siyang siniil ng halik. Tumulo ang luha ko sa isiping ginawa nanaman ng Nel Jan na 'yon ang halikan ang asawa ko. Hindi na talaga nadala sa suntok ko.

Kapag nakita ko ulit 'yon, lagot siya sa akin!

"Baby.. hin--"

"Shhh--alam ko na 'wag mo na sabihin nasasaktan ako." Umakto akong masakit ang dibdib.

"I'm sorry." Nagbaba siya ng tingin. "Hindi ko naman alam. Wala na akong matandaan."

Sumakit ang dibdib ko. Hindi ako makahinga sa sobrang sakit. Ang imahinasyon ko ay gumagana. Alam ko naman kapag lasing siya hindi niya nakikilala ang kaharap niya baka nga napagkamalan niya si Nel Jan na ako. Hanap ako nang hanap sa kaniya no'ng gabi dahil alam kong maglalasing siya at delikado kapag nangyari 'yon.

"Galit ka ba sa akin?" Malungkot niya akong tiningnan.

Umiling ako. "It's not your fault." Humalik ako sa noo niya. "Ako ang may mali. Kung hindi kita nasaktan hindi ka aalis."

"Bati na tayo, ah?" Malambing niyang sabi at mahigpit na niyakap ako.

Napapikit ako sa sarap no'n sa pakiramdam. Tinatanggap ko kung ano ang nangyari hindi niya kasalanan.

Nel Jan taking advantage of her vulnerability. He's gonna pay for this.

"I," hinalikan ko siya sa noo. "Love," sa ilong. "You,"dinampian ko ng halik ang labi niya.

"'Wag na kasi tayong mag-away makinig ka sa akin. Wala akong balak sirain ang masayang pamilya natin." Hinaplos ko ang pisngi niya, nakangiti siyang tumango.

"Lagi tayong hindi nagkakaintindihan pero mahal pa rin kita." Sinabi niya 'yon direkta sa mata ko kaya ngumiti ako nang malapad.

"Halika na," pinagsalikop ko ang kamay namin at naglakad sa buhangian. "Wait.." naalala ko ang singsing.

Kinuha ko 'yon sa bulsa ko at lumuhod.

"Can you wear this again?" Itinaas ko ang singsing.

Nakangiti siyang nakatunghay sa akin.

"Yes!"

Para kaming baliw na nagtatalon sa saya. Pumasok sa alaala ko 'yong nag-propose ako sa kaniya. Tumatawa kaming nagpatuloy sa paglalakad matapos kong isuot ulit sa kaniya ang singsing.

KINAGABIHAN

Naglatag kami ng sapin sa buhanginan. Parehas malapad ang pagkakangiti, umupo kami do'n at hihintayin ang sunrise.

I still remember the first time we do this. We argued a lot, but we created a memorable memories.

"Baby, baby, baby, cherish." Malambing ko siyang hinalik-halikan sa pisngi.

Kinagat niya ang labi at sa tingin ko kilig na kilig na siya dahil nahahalata ko.

"Ilang minuto ka ba kiligin?"

Hindi na niya napigilan, ngumiti na. "Gusto mong malaman?"

"Yeah. Minuto o oras?"

"Minu-minuto. Araw-araw, habang buhay dahil makita ko lang ang mukha mo, ilong.." pinisil niya ang ilong ko. "At lalo na ang.." sinuntok niya ang tiyan ko kaya napa-aray ako, sadista talaga. "Ang--ano.." nag-iwas siya ng tingin kaya napangiti ako. "Ano--"

Hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin at kitang-kita ko ang hiya niya kaya natawa ako.

"Katawan ko?" Mapang-asar akong ngumisi.

"Y-ya." Hindi niya pa rin ako tinitingnan.

Natatawa talaga ako kapag nahihiya siya. Palaging ang cute. Hindi pa siya nasanay sa macho kong katawan pero ako rin naman sa kaniya kapag nakikita ko ang katawan niya parang laging first time.

Bading. Baliw.

Ano pang B ang ilalarawan ko sa sarili ko?

Alinman do'n, I really don't care. I learned to her that it's okay to be gay kung kikiligin lang din naman ako sa kaniya.

Pinisil niya ang pisngi ko. "Ang aking impakto, guwapo, perpekto at mahal ko."

Ang sarap sa pandinig, nakakabading talaga ang over melanin na ito.

She makes my pituitary gland produce hormones which is dopamine the love or cuddle hormone.

"My over melanin, Zeal." Humalik ako sa leeg niya, nakiliti siya kaya lalo ko pang inasar.

Shut! Stop this, Jave. We're outside.

Inilayo ko na ang sarili ko dahil kung ano nanaman ang nabubuhay sa buong sistema ko.

"Anong favorite song mo, baby?" tanong ko sa kaniya.

Nag-isip siya. "Marami, eh. Kahit ano pero gustong-gusto ko ang mga kanta ng MYMP kahit makaluma na masarap kasi sa pandinig, malambing."

Tumango ako sa kaniya. "Alam ko ang favorite color mo ay color red." Pagmamalaki ko kaya tumango siya.

"Ikaw ay color gray." Nakangiti niyang sabi.

"Favorite food mo ay chocolates, mga matatamis." Tumango rin siya.

"Ikaw ay adobo."

"Ikaw rin."

Ilan lang 'yan sa mga paborito namin, kilalang-kilala ang isa't isa.

"Favorite subject mo ay science." Natawa siya sa sinabi ko.

"Malamang! Science teacher ako."

"Yeah. Yeah."

Nanatili kaming nagkwe-kwentuhan habang hinihintay ang sunrise.

"Wake up feel the air that I'm breathin'. I can't explain this feeling that I'm feelin'. I won't go another day without you.." kumanta ako kaya nakangiti siyang pinakikinggan iyon.

Paborito ko ang kantang 'yon dahil pakiramdam ko 'yon ang nararamdaman ko at isa pa, memorable 'yon dahil 'yon ang kauna-unahang kanta na kinanta ko para sa kaniya.

Humalik siya sa pisngi ko.

Shut! Nababading nanaman ako dahil sa kilig.

Happy me everyday, but when she is angry, sad me.

Nilaro niya ang labi ko gamit ang hintuturo niya. "Halikan mo na nahihiya ka pa." Nakangisi kong sabi sa kaniya.

Nag-iwas siya ng tingin.

Cute, shut!

Iniharap ko sa akin ang mukha niya at ngumuso ako. Natigilan siya at napatitig sa labi ko.

"Kiss?" Nginuso ko pa nang husto ang labi ko.

"Nahihiya ako."

Tumawa ako nang malakas. "Seriously? Mas malala pa nga sa kiss ang ginagawa natin."

Pinaghahampas niya ako sa kahihiyan. "Pervert!".

"Pervert that you want."

"Who said?" Pinagtaasan niya ako ng kilay.

Ewan ko ba sa babaeng over melanin na ito. Lahat ng ekspresyon niya para sa akin maganda at kawili-wiling pagmasdan. Lalo na kapag nagmamaldita siya, naiinis at nanghahampas, hindi niya alam gustong-gusto ko 'yon.

"Me," ngumisi ako. "Kakasabi ko lang 'diba?"

"Tse!"

"Tsepachos."

Tumawa siya dahil sa pagbigkas ko ng sapatos.

"Ang corny mo."

Hinapit ko ang baiwang niya para mas masiksik siya sa akin. Natahimik kaming dalawa habang nakatingin sa mga bituin. Gano'n na lang kaganda 'yon.

Tiningnan ko ang naka-side view niyang mukha.

Dug.dug.dug.

That's my heart, beats only for my one and only girl.

Ang ganda niya talaga.

"Baby.." tinawag ko siya nang lumingon ay mabilis kong dinampian ng halik ang labi niya na ikinagulat niya.

Ngumiti siya, halatang kilikilig. Humalik ako sa noo niya.

"Kiss on the forehead is the sweetest kiss, it gives you the respect and immeasurable love." Bulong ko sa kaniya.

Nagulat ako nang humalik din siya sa noo ko. Gano'n na lang kasarap 'yon sa pakiramdam, nanunuot sa pagkatao ko.

"Kiss on the forehead for me is respecting like what you said and love, care, affection, and.. marking.." pinakatitigan niya ang mukha ko.

"That's a mark that you are only mine, impakto."

'Only mine'

Shut! That was the sweetest of her.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.