Javen Flair's POV
Nakatulog ang babaeng over melanin kaya pinagmasdan ko ang mukha niyang natutulog. Malapit na ang sunrise, tulog pa rin siya. Nakatunghay ako sa kaniya at nakatuon ang isang siko.
Kinuha ko ang kamay niya at nilaro 'yon. Ang lambot ng kamay niya kahit 'yon lang ang hawak ko ay kinikilig na ako.
"Baby.." tawag ko sa kaniya. "Wake up."
"Hmm."
Shut!
Hinapit niya ang baiwang ko at niyakap. Kinikilig nanaman ako.
Bading. Tigilan mo nga 'yan, Jave.
Nagmulat siya ng mata. Ngumiti agad siya nang makita ako.
Dug.dug.dug.
Her smile. That was fantastic, arousing me and making my heart melt.
"Good morning!" Masigla niyang bati.
Natutulala pa rin ako sa mukha niya kaya nangangatal akong sumagot. "G-good m-morning."
"Why? You're rattling?"
Hindi ko na siya sinagot at tiningala na lang ang papasikat na araw. Nakangiti namin iyong pinagmasdan. Kung gaano 'yon kaganda, mas maganda itong katabi ko.
Shut! Cheesy. Sweet corn. Happy me everyday.
Natigilan ako nang maramdaman ang titig niya pero hindi ko nilingon. Nakangiti siya.
Itinaas niya ang isang kamay at pumoporma ng kalahating heart.
"Can you fill the left heart?" Nakangiti niyang sabi.
Inilagay ko rin ang kalahating kamay na pumorma ng puso.
Our hand is like puzzle, perfect match. Beautiful, sweet and calming that's what I can see when I'm staring at our hand.
Kinuha ko ang phone ko at pinicturan ang hugis puso naming kamay. Kulay dilaw na ang sunset.
"The Unexpected." Nakangiti niyang sabi habang nakatingala at nakatingin pa rin sa kamay namin. "Katulad ng pagmamahal natin, hindi sinasadyang kahit magkaibang mundo, masaya ang akin at malungkot ang saiyo. Kahit ano pang kulay ng buhay mo at buhay ko kapag nakita mo na ang true love mo mag-iisa ang kulay nila."
"You're right." I nodded. "Ang dilim ng mundo ko noon parang kalahati ng kamay na kulay itim pero ang saiyo ay makulay. Ngayong natagpuan natin ang isa't isa naging isa ang kulay no'n." Ngumiti ako nang malapad. "Colorful life, beautiful wife, there's nothing I can wish for except for being with you 'til death."
"Until death."
Pinagsalikop ko ang kamay namin.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Sabi niya gusto niya ng spaghetti, magluluto raw siya kaya tinulungan ko. Buti na lang maraming pagkain dito hindi ako namroblema sa sangkap.
Hiniwa ko ang hotdog. Magkasama kami sa kusina, nagtatawanan at masaya. Kinukulit ko siya at kinikiliti sa baiwang kaya tawa siya nang tawa. Habang hinahalo ko ang sauce ng spaghetti ay yumakap siya sa likuran ko.
Jusmiyo. 'Wag niya sanang kagatin ang likod ko. Natakot na ako sa kaniya dahil grabe kung mangagat.
Karne?
Kunwari ay may inaabot ako para matanggal siya sa pagkakayakap. Nagbabadya na ang pangangagat niya. Kasalanan ko 'to, natuto tuloy mangagat.
Sarap kasi. Ang alin, Jave? Kagat. Loko.
At 'ayon na nga ang kinakatakot ko. Kinagat na nga ako.
"Ouch! Ouch! Ouch!" Hinila ko ang sarili sa kaniya dahil hindi na matanggal ang ngipin niya sa balat ko.
"Yum!" Tuwang-tuwa siya.
Gamutin ko na kaya ito baka nababaliw na. Ang sakit ng kagat niya habang siya enjoy na enjoy.
Akmang kakagat nanaman siya pero nilagyan ko ng apple ang bibig niya kaya tawa ako nang tawa.
"Pwe!" Masama niya akong tiningnan. "Magpapakagat ka o iiwan kita dito?"
Napabuntong hininga na lang ako at malungkot na inabot sa kaniya ang kamay ko. Nakangiti niyang kinagat 'yon.
"Pwe! Ang alat!"
Tawa ako nang tawa. "Buti nga."
'Pag ako nangagat dito. Iiyak 'to sa sakit.
Nanlaki ang mata ko nang hampasin niya ang pwet ko.
"Nice butt! Parang babae." Tumawa siya.
"Aaay?" Nakangisi ko siyang tiningnan.
"H-hoy! 'Wag ka ngang ngumisi."
"Why?" Hinapit ko ang baiwang niya at nilapit ang mukha.
Nakita kong natatakot nanaman siya sa akin. Grabe talaga ito kala mo naman kung ano ang gagawin ko sa kaniya palagi. 'Di ko ugaling mamwersa 'no? Kung ayaw niya, fine. Hindi ako gano'n.
"Nervous?" Nakangisi kong tanong sa kaniya.
"N-no."
Nangangatal ka pa, ah. Ang sarap niyang asarin.
Pinagapang ko ang daliri sa leeg niya pababa sa may dibdib.
Ops. Shut! Nang-aasar lang ako bakit ako pa ang naaakit?
Tumalikod agad ako at bumalik sa niluluto.
"Malapit na matapos?"
"Yes."
"Good." Pumwesto na siya agad sa harap ng lamesa at naglagay ng plato. "Sarap!"
Natutuwa ko siyang pinagmasdan bawat subo niya ay parang batang winawagayway pa ang paa sa ere. Masigla siyang kumain at subo nang subo.
Shut!
Natigilan ako nang dila-dilaan niya ang tinidor, nang-aakit.
Nang-aakit ba talaga o ako lang 'to?
Nakatingin siya diretso sa mga mata ko. Ipinulupot niya ang pasta doon at malanding sumubo. Dinilaan ang labi at ang tinidor.
Shut! I need to get some fresh air.
Napapunas ako sa noo ko dahil namuo ang pawis do'n. Ayaw kong lapitan siya nagmumukha akong rapist.
Shut!
Mas pinaigting niya ang init na nararamdaman ko nang gamitin niya ang hintuturo sinawsaw 'yon sa sauce sa plato niya at diretsong inilagay sa bibig niya at dinilaan.
Shut! Why is she so seductive? Stop this. I will create Shivelle Flear the second. You'll see, over melanin.
What if I ride with her trip? Hmm?
Napangisi ako. Hindi lang ikaw ang kayang mang-akit.
"Ang init!" Kunwaring nagpaypay ako at hinubad ang damit.
Gumapang ang saya sa mukha ko nang makita kong natigilan siya. Pumunta ako ng lababo at nilagyan ng tubig ang katawan ko habang diretsong nakatingin sa mata niya. Napanganga na siya at nabitawan pa ang tinidor.
Ohh? My over melanin is now attractive to me.
Pinagapang ko pa ang kamay sa dibdib papunta sa abs at hinawakan ang short ko.
"W-what are you doing?" Nangangatal na tanong niya.
Ikaw ang nauna mang-akit tapos ngayon ganyan ka.
"Making myself cool. It's so hot."
"O-okay." Nag-iwas siya ng tingin. Halata ang pagkailang.
Tumigil na ako dahil baka atakihin na ito sa puso sa sobrang kaba niyang halata sa kaniya.
'Wag ka kasing mang-akit. Bad ka, Zeal.
Nagmadali siyang tapusin ang pagkain kaya nakangisi ko siyang pinanood.
"You wash the dishes." Tumakbo agad siya pagkainom ng tubig.
Natawa naman ako sa kaniya. Galing mang-akit tapos 'pag ako na tatakbo siya.
Nakangiti kong hinugasan ang mga plato. Hinanap ko siya agad pagkatapos. Nanggalaiti ako sa galit nang may kausap siya sa phone at malakas na tumatawa.
"Uuwi na rin ako diyan pero dito muna ako.. yes, Nel Jan. Malapit na umuwi si Shivelle."
How come that she really close with that guy?!
Nagawa na nga siyang halikan hindi man lang siya nagalit do'n. Inis akong bumagsak ng upo sa harap niya.
Aba't wala lang paki sa presensya ko? Kausap pa rin? Makaramdam ka naman, oy!
"Hindi naman.. Yes, maganda dito." Tumawa pa siya.
Isa pang tawa mo kuha 'yang phone mo.
Ang lakas pa ng tawa niya.
Shut! Leche plan!
Lumapit na ako at kinuha ang phone. Tiningnan ko agad 'yon. Natigilan ako nang tunawa siya nang malakas. Pinakatitigan ko pa ang phone.
Walang kausap! Nang-aasar lang at iniinis ako!
Ang lakas ng tawa niya.
Inis ko siyang tiningnan. Hinanap ko ang number ni Nel Jan.
Deleted.
Nakangisi kong ibinalik ang phone sa kaniya.
"Ba't mo denelete?! Hindi ko naman kausap! Ang sama mo, impakto!" Pinukol niya ako ng masamang tingin.
"Naiinis ako sa'yo, eh. Inaasar mo ako."
"Ikaw rin naman inaakit mo ako!"
Gumuhit ang ngisi sa labi ko. "Ah, kaya pala. Ginawa mo 'yon dahil.. naakit ka?"
"N-no!"
"Kunwari ka pa. Okay lang naman kung sasabihin mong naakit ka at gusto--ouch!" Hinampas niya ako.
"You pervert!"
"I'm not." Nakangisi kong pinagmasdan ang katawan niya.
"Bastos!" Tinakpan niya ang dibdib niya na lumuluwa dahil sa sando. Sinipa niya ako at tumakbo papasok sa loob.
Para namang hindi ko pa nakita 'yon? Parang ewan talaga siya.
Pagpasok ko sa loob ay humagalpak ako ng tawa. Paano ba naman nagpalit siya ng pajama at nag-jacket takip na takip ang katawan. Ang init-init naman. Kala niya makakatagal siya sa ganyang suot niya.
Nakangisi akong umupo sa tabi niya, umusog siya. Umusog rin ako, usog kami nang usog hanggang masiksik ko siya sa dulo ng sofa.
"Trip mo, impakto, ah? Ayusin mo!" Inikot pa niya ang mata.
Siya itong malakas ang trip magsuot daw ba ng ganyan? Rapist ba ako? Asawa niya ako! Shut!
Natigilan ako nang makita ang ngisi sa labi niya. Tinulak niya ako kaya napahiga ako. Tinaas niya ang shirt ko at kinagat ang dibdib ko.
"Aray! Grabe ka naman ang sakit!" Hinimas-himas ko ang kinagat niya.
Nilapit niya ang mukha sa akin.
Shut naman! Ano nanamang balak niya?
Tinitigan niya ang mukha ko. Napatingin ako sa labi niya akmang hahalik ako pero pinitik niya ang labi ko.
Sadista as always.