Javen Flair’s POV
"Impakto.." ang lambing ng tawag niya.
"Hmm?"
"Natatae ako--Prut!" Tumakbo siya papunta ng banyo. Ang lakas nanaman ng tawa niya.
Tinakpan ko ang ilong ko. Para siyang si Rev uutot na lang kailangan pang ipaamoy sa'yo. Ang baho ng amoy, hindi ako makahinga, pamatay.
Rinig ko ang malakas na tawa niya sa banyo. Napailing-iling na lang ako. Hindi lang talaga ako ang may sapak sa ulo maging siya rin. Akalain mong kayang-kaya niyang sabayan ang trip ko kahit madalas niyang sinisinghalan ako.
Ang tagal mawala ng amoy kaya nagpaypay pa ako.
Kadiri naman!
Tatawa-tawa siyang sumalampak sa sofa.
"Ang baho ng utot mo!" Asik ko sa kaniya.
"Saan ka nakaamoy ng utot na mabango?"
Oo nga naman, Jave, saan nga ba? Common sense.
Para siyang loka-loka na humiga at ipinatong ang paa sa likod ng upuan tapos nagpapakahulog sa sofa. Umupo siya at tinanggal ang jacket.
"Ang init pala."
Sabi ko na hindi makakatagal 'yan sa ganyang suot. Ang over melanin nilagay ang paa sa mukha ko.
"Zeal!" Saway ko sa kaniya, tawa naman siya nang tawa.
Anong nakakatawa?
Ang kulit niya, umupo siya sa hita ko ng paharap. Naglalandi nanaman. Yumakap siya sa leeg ko.
"Ang bango!"
Shut! She makes me hot.
"Alis ka na diyan." Tinatanggal ko siya pero ayaw niya.
"I want this."
"Ang alin?"
"Ikaw," sinilip ko ang mukha niya, nakapikit. Mamaya tulog na ito para naman siyang baby.
Hinaplos ko ang likod niya. Nakatulog nga siya sa balikat ko kaya sinandal ko ang likod ko sa sofa. Para siyang bata na nakaupo sa hita ko at nakapatong ang mukha sa balikat ko.
Sinilip ko ang mukha niya. Swerte ko naman sa babaeng ito. Hanggang sa tumunog ang phone niya kaya inabot ko.
Unknow Number calling..
Kumunot ang noo ko.
Sino naman ito?
Pinindot ko at napatiim bagang ako nang marinig ko ang boses ni Nel Jan. Denelete ko nga pala ang number niya kaya unknown.
"Elle? Kumusta? Nasaan ka ngayon? Okay na ba kayo ni Jave? May cookies a--"
"Tigilan mo asawa ko."
"Oh? Jave? Ikaw pala."
"Anong ako pala? Tigilan mo asawa ko. You'll never see the next morning." Banta ko sa kaniya.
"Bakit hindi? May mata ako."
Inis na inis na talaga ako sa lalaking ito. Lalo na at may ginawa nanaman siya sa asawa ko.
"Stop playing around."
"Hindi ako naglalaro, matanda na ako para do'n at dapat nga magpasalamat ka pa sa akin."
"At bakit?"
"Dahil ako lang naman ang nag-imbestiga kay Marie at inalam kung nabuntis mo ba talaga. Kung may balak akong manira ng pamilya ginawa ko na kaso hindi, mahal ko si Shivelle sinabi ko kay Elle na gumagawa lang ng kwento ang babaeng 'yon para magkaayos na kayo."
Natigilan ako sa sinabi niya.
Kaya ba bigla na lang siyang yumakap sa akin at nag-sorry na hindi niya ako pinaniwalaan?
Tama naman siya dahil kung mayroon nga siyang balak hindi niya sasabihin 'yon.
"Welcome, Jave. Bye. Enjoy. Ingatan mo asawa mo."
Binaba niya na ang linya. Natulala ako. Hindi ko talaga siya pinagkakatiwalaan dahil pakiramdam ko laging aagawin niya ang asawa ko pero sa narinig ko unti-unting nagbabago ang tingin ko sa kaniya.
"Hmm." Nilingon ko si Zeal na ngayon ay nakakandong pa rin sa akin at natutulog. "I love you, Javen Flair Imperial." Nakapikit niyang banggit.
"I love you more than you love me, Shine Clear Baider-Imperial."
"Si Nel Jan ang nagsabi sa akin na hindi naman talaga totoo ang sinabi ni Marie."
Tumango ako sa kaniya.
"Totoong kaibigan siya." Nakangiti niyang sabi. "So don't be jealous to him. I'm all yours, my impakto."
Niyakap ko siya nang mahigpit.
"You have all of me, my cherish."
Javen Flair's POV
Prente akong nakaupo sa sofa at nanonood hanggang lumapit ang over melanin na babae, bumu-bungisngis habang may hawak na kung ano.
"Hi!" Malapad siyang ngumiti.
May binabalak nanaman ito kaya ganyan ang mga ngitian niya. Basang-basa ko na siya.
Sumalampak siya sa kandungan ko, paharap sa akin.
"Baby.. I'm watching."
"Watch me, then."
Napatitig ako sa ngiti niya.
Oo na, maganda na. Hindi mo na kailangan pang ipaulit-ulit 'yon sa utak ko.
"Tada!"
Nanlaki ang mata ko nang makitang hawak niya sa kamay ay pasas.
Saan niya nanaman nakuha 'yon?
Kaya pala huma-hagikgik dahil sa pasas. Hindi ko alam na isa rin pala 'yon sa paborito niya. Isinubo niya lahat ng hawak niya, punong-puno ang bibig niya na halos maglaglagan na ang iba. Nanlaki ang mata ko nang ilapit niya ang labi sa labi ko at inilipat sa akin lahat ng 'yon.
Syempre ako kung ano ang trip niya sinasabayan ko. Kadiri man pero nginuya ko 'yon at nilunok.
Now, my turn.
Nagpumiglas siya sa akin para agawin ang sarili pero hindi ko siya hinayaang makatakas.
"Ahh help! Rapist!" Sigaw niya kaya natawa ako.
Alam ko namang ginagawa niya lang 'yan, pinagtritripan ako. Kahit anong ikilos niya kabisado ko na. Bago ako maging psychologist pinasa ko muna ang pag-aaral sa lahat ng kilos at emosyon niya para mas maintindihan ko siya.
Gano'n ko siya kamahal. Yihiii! Sweet corn. Happy me.
"Impakto.. ayaw ko!" Nanlalaki ang matang sabi niya.
Hindi na ako matigil kakatawa. Umaakto pa siyang tinatabingan ang katawan kahit wala naman akong ginagawa.
"Cherish.. 'wag mo akong pagtripan. Kapag ako inabot.." ngumisi ako sa kaniya, nanlaki ang mata niya.
Ako naman ngayon ang nantrip pero imbes na matakot siya, ngumiti pa.
"Want me?" Malandi niyang tanong.
Heto nanaman po siya, mang-aakit nanaman tapos pipiltikin nanaman ang labi ko kapag hahalikan ko na. Bahala siya diyan.
"Ayaw ko."
"Ayaw mo na sa akin?" Nalungkot ang mukha niya.
"Gusto."
"Kiss me, then." Sinabi niya 'yan ng seryoso.
I think she's not tripping around.
Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at siniil siya ng halik. Kita kong pumikit ang mata niya. Tumugon siya sa halik ko.
Halik lang, Jave. Maaga pa.
Kinakausap ko nanaman ang sarili ko sa isip.
"Mmm."
Napamura ako sa isip nang marinig ko 'yon mula sa kaniya.
So she wants me, now? Am I right?
I used my tongue entering her mouth. Her moan was becoming loud.
Shut! Stop moaning.
My tongue played inside her mouth. Her taste was always better. Hindi ko pagsasawaang gawin ito sa kaniya. Natulala ako nang humalik siya sa pisngi ko papunta sa tainga. Baka mangangagat nanaman 'to. Kahit masarap sa pakiramdam ay hinanda ko ang sarili sa pagkagat niya sa tainga ko pero nakarating na siya do'n hindi niya ginawa. Napapikit ako at napakagat labi nang maramdaman na ang labi niya sa leeg ko.
What is she planning? Biting me at the neck or at the chest? She always do that, I'm not surprise.
Naghintay ako ng kagat niya pero wala, hindi niya ako kinagat. Hinawakan niya ang laylayan ng shirt ko.
Hindi niya ba talaga ako kakagatin?
Nabuhay niya na lahat ng meron ako sa katawan. Mahihirapan akong pigilan ang sarili kung ayaw niya.
Natanggal niya ang shirt ko. Napatitig ako nang makita ang malapad na ngiti niya nang huminto.
She's sincere.
Sabi ko sa isip ko.
She really wants me, now. That's what I can see, but I may not sometimes correct in my interpretation.
"Own me," Bulong niya sa tainga ko.
Saglit pa akong natigilan dahil hindi pumapasok sa isip ko ang gusto niyang mangyari. Binuhat ko siya papasok sa kwarto at inihiga sa kama.
Pinakatitigan ko ang mukha niya. Nakagat ko ang labi dahil sa kung anong namumuong sensasyon sa katawan ko. Humugot ako nang malalim na hininga nang makita ko ang ngiti niya. Napadiin ang kagat ko sa labi nang haplusin niya ang dibdib ko.
"Baby... ang guwapo mo." Mahina niyang sabi, ang pagkakangiti at pagtitig sa akin ay nababanaag.
Shut!
I kissed her. Makulit nga siyang talaga. Ipinulupot niya pa ang hita sa baiwang ko.
I owned her.
Tinitigan ko ang mukha niyang natutulog sa dibdib ko. Humalik ako sa noo niya.
Ang ganda naman ng asawa ko.
Hinaplos ko ang pisngi niya. Araw-araw, makita ko lang ang mukha niya kompleto na ako, buong araw na akong masaya at nakangiti. Maraming halik ang iginawad ko sa noo niya.
"I love you." Bulong ko sa kaniya.
"Hindi ako magsasawang ulit-ulitin na sobrang mahal kita. Hindi ako titigil na alagaan ka. Hindi ako mapapagod na intindihin ka at kahit anong hirap pa ang pagdaanan natin hindi ako aalis sa tabi mo.. makakaasa kang anuman ang laban natin palagi mong hawak ang kamay ko.."
Akala ko ay tulog siya pero nagsalita siya.
"I love you, too. Hindi lang ikaw ang nakahawak, hahawakan ko rin ang kamay mo, mahigpit at hindi ako bibitaw." Hinaplos niya ang pisngi ko. "Aking impakto, guwapo, perpekto, at mahal ko."
Parehas kaming pinangiliran ng luha dahil sa pagiging sinsero no'n.
Posible pa lang makahanap ako ng babaeng mamahalin ko habang buhay, kababaliwan at aalagaan. Ang tagal kong naghintay sa babaeng 'yon at lahat naman ay worth it dahil nakuha ko rin. May bonus pang Shivelle Flear.
"Baby.." malambing na tawag niya sa akin.
"Yes, baby cherish?"
"I want coffee jelly."
"Okay."
Tumayo ako at nagsuot ng damit. Kumuha rin ako ng damit niya, nakapikit pa siya kaya ako na ang nagsuot ng damit niya. Humalik ako sa noo niya bago lumabas ng room.
Nagtingin ako ng mga sangkap no'n. Buti naman at may jelly powder, at coffee na puro may mga gatas din kaya nagsimula na ako. Marunong akong magluto dahil palagi naman akong mag-isa sa bahay no'n. Tinuruan ako ni Manang Cora. Siya naman daw ay tinuruan ni Nay Purita, ang aming mga nanay-nanayan.
Preng Rev calling...
"Jave!"
Kinabahan ako sa tono ni Rev, parang nagmamadali at hinihingal.
"Bakit, pre?"
"Manganganak na si Ali. Wala pa rin akong maisip na pangalan. Ano ba dapat? Bunonoy? Lalaki ang anak namin kaya ang hirap mag-isip. Pepe? Pedro?"
Tawa ako nang tawa sa mga pinagsasasabi niya. Loko talaga ang isang ito. Ang laki ng problema akala ko naman kung ano.
"Ano na? Tulungan mo ako pre. Nono? Ano ba maganda pangalan? Mamaya nakalabas na ang kotong lupa na 'yon at tatanungin ako ng doctor kung ano ang pangalan."
Hindi ko siya masagot dahil tawa ako nang tawa.
"Bahala ka diyan, pre."
"Hoy! Bilisan mo! Si Kean wala ring maisip puro kalokohan din ang alam."
"At ikaw hindi?" Tawa pa rin ako nang tawa.
"Parang ewan ka, pre. Bilisan mo na."
Nag-isip ako ng pangalan. "Wala akong maisip. Anak mo 'yan dapat ikaw ang nag-iisip."
Rinig ko ang buntong hininga niya.
"Renvert Aliro Sin!" Bigla ay sigaw niya sa kabilang linya.
"Woah! Ganda. 'Yon nalang."
"Gumana rin ang utak ko. Sige, pre. Balik na kayo dito sa Makati nang makita niyo anak ko. Tama na ang kaka-honeymoon. Bye."
Binaba na niya ang tawag.
Loko talaga? Honeymoon?
Ibinalik ko ang mata sa pagluluto. May biglang yumakap sa likod ko at sumuot sa loob ng damit ko.
"Okay na ba?" Malambing na tanong niya.
"Hindi pa. Papalamigin pa ito. Kakainin mo nanaman agad."
Napanguso siya. "Tagal!"
KINAGABIHAN
Tumambay lang kami sa veranda habang tinatanaw ang paligid. Paborito naming tambayan ang veranda dahil mahangin at maganda ang tanawin.
"Baby ko.." nakangusong sabi ni Zeal at nakatingin sa screen ng phone niya. Tinawagan niya kasi si Shivelle.
Miss na miss niya na.
"Mommy. I wanna go home!"
Naaawa na ako kay Shivelle dahil gustong-gusto ng umuwi.
"Malapit na, my angel."
"Ayaw ko na dito." Nagwawala nanaman siya sa kabilang linya.
Lumapit ako at sinilip ang screen ng phone niya.
"Daddy.." kitang-kita ko ang mahaba niyang nguso.
Ang cute talaga ng anak ko.
"Wanna go home?" Nakangiti kong sabi.
"Yes!" Ipinakita niya ang maliliit na ngipin.
"We'll go there. I'll get you."
Tumalon-talon siya at ngumiti. "Yehey! Bleh." Dinilaan niya si Taxon na nasa tabi niya.
"You're not going home, Shivelle Flear." Matalim siyang tiningnan ni Taxon.
"Hoy! Horrible! 'Wag mong takutin ang anak ko!" Asik ni Zeal sa kaniya.
"Mommy, he's always like that. Nasanay na ako." Tinarayan ni Shivelle si Taxon.
Buti nga at naipapakita niya na ang mga emosyon niya hindi tulad noon na wala talaga pero may mga oras na hindi niya talaga pinapakita 'yon.
"Tinatarayan mo tito mo?" Masama siyang tiningnan ni Taxon.
Parehas kaming natawa ni Zeal nang gayahin ni Shivelle ang tingin ni Taxon, kuhang-kuha niya kaya natawa si Taxon.
"Minsan ang anak niyo baliw rin katulad ng tatay niya. Minsan sadista tulad ng nanay niya and sad to say madalas ang reaksyon niya katulad ko." Nakangiting sabi ni Taxon.
"I'm not, tito!"
"Hey, baby girl. Come here." Nakita ko si Diamond sa likod nila.
Shut! Kaartehan niya talaga pati anak ko dinadamay pa.
Nakita kong nilagayan niya ng lipstick si Shivelle.
"Diamond! Anong ginagawa mo sa anak ko? Ang bata pa niyan pinagli-lipstick mo!" Asik nanaman ni Zeal.
"Duh!" Nag-roll eyes si Diamond. "It's just lipbalm para naman hindi dry ang labi niya and don't worry it's pang-baby."
"Ikaw talaga! Kung anu-ano tinituro niyo sa kaniya!" Naiinis na sabi ni Zeal.
Maya-maya ay si Kil naman ang nakita namin. May dalang gitara at drums.
"Shivelle, let's play!" Nakangiting sabi ni Kil.
Lumapit naman ang bata at napanganga ako nang i-hit niya ang drums tumugtog siya. Ang bata pa pero ang dami niya ng alam.
"Galing ni Shivelle 'no? Magaling magturo ang tito niya." Nakangiting sabi ni Kil.
Mas mabuti na matutunan niya ang mga instrumento tulad ko pero ang mag-lipstick na ginagawa ni Diamond, kaartehan talaga.
Lumapit pa si Diamond at kinulot ang straight na buhok ni Shivelle. Nasapo ni Zeal ang noo.
"Talaga itong Diamond na ito."
"Mommy.. daddy, look!" Ipinakita pa niya sa amin ang daliri niya na may pulang tinta.
"Diamond! Kung anu-ano ginagawa mo sa anghel ko!" Inis na sabi ni Zeal.
"Duh! Tinuturuan ko lang ng clean na hygiene."
"Labas na kayo! Matutulog na si Shivelle." Asik ni Taxon sa kanila.
"Later!" Nag-roll eyes si Diamond.
"Mamaya na, kuya," sabi naman ni Kil.
"I said get out!"
Wala silang nagawa kung hindi lumabas na.
"Shivelle magpaalam ka na sa mom and dad mo," utos ni Taxon sa kaniya.
Nakasimangot siyang lumapit sa camera ng phone. Sobrang lapit 'yong tipong bibig at maliliit na ngipin niya lang ang kita.
"Sungit."
Natawa kami ni Zeal sa bulong niya.
"Hey, you're murmuring again," sabi ni Taxon.
"Ba-bye." Malungkot ang matang sabi ni Shivelle habang winawagayway ang kamay.
Humalik si Zeal sa screen ng phone at gano'n din ang ginawa ko.
"Bye, baby.. I miss you. Good night. Daddy loves you" Nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Bye, my angel. Good night. I love you," malungkot na ani ni Zeal.
"I love you, mom and dad. I miss you two."
Naaawa ako sa lungkot ng mata niya. Kukunin ko na ngang talaga ang anak ko. Bahala sila Resttan, ang tagal niya na do'n.
"I miss Shivelle." Malungkot na sabi ni Zeal.
"Tara gawa tayo ng isa pang Shivelle," pagbibiro ko sa kaniya kaya hinampas niya ako.
"Puro ka kalokohan."
Hinila ko na siya at pumasok sa loob ng bahay. "Malamig na sa labas."
"Inaantok na ako." Papikit-pikit na siya kaya dinala ko na sa kwarto at kinumutan. Hinalikan ko siya sa noo.
"Tulog ka na rin."
"Yes, baby. Ligo lang ako."
Pumasok ako sa banyo at naligo. Paglabas ko tulog na siya. Paghiga ko may nag-text kaya kinuha ko ang phone ko.
From: Unknow Number
We're not yet done, Jave. I will make sure that you end up crying.
To: Unknow Number
Who the shut are you?
From: Unknow Number
I will kill your wife and daughter.