Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 8

Javen Flair's POV

Ito ang araw ng unang patunay. Hindi man lang ako nakaramdam ng kahit kaunting kaba.

Handa akong magpabugbog.

Matatalim ang mga mata ni Diamond, Kil at Taxon sa akin.

Sorry, sanay na ako na ganyan kayo walang epekto sa akin 'yan.

Nginitian ko pa sila. Sa talino kong ito alam ko na, na ginagawa lang nila 'yan para matakot at iurong ko ang patunay.

Shut! Never! I'll marry her no matter what.

Napabungisngis pa ako nang magtama ang mata namin ni Taxon. Kung hindi mo talaga kilala ang taong 'yan manginginig ka sa tingin niya.

Laging masama pero para sa akin hindi nakakakaba. Nakakatawa dahil ako pa ang tinatakot niya. Akbayan ko pa siya at sabihing 'di po ako papalag' kaso hindi ko 'yon gagawin. Sasabihin pa nila naglalaro ako.

Isinuot ko ang bandage na puti at gloves. Bago ako tumingin sa kanila ay sinilip ko muna ang wallpaper ng phone ko. Mukha namin ng mahal kong si Zeal.

I miss you, baby..

Tumunog ang bell kaya umakyat na kami sa boxing ring.

Tiningnan ako nila nang matalim pero nginitian ko sila. Malapad na ngumiti, akmang susugod sila pero umupo ako kaya natigilan sila.

Hindi niyo naman ako kayang saktan at kung kaya niyo nga edi gawin niyo.

'Di ako lalaban, mahal ko rin kayo.

"What the heck are you doing?!" singhal ni Diamond.

"Nakaupo" ngumiti ako. "Saktan niyo ako hangga't gusto niyo." Isinuko ko ang kamay ko. "Basta 'wag niyo lang tamaan ang matangos kong ilong."

"Jave! Tumayo ka. Hindi tayo naglalaro patunay ito." sabi ni Kil.

"Hindi nga ako lalaban. You three are free to hurt me."

"Why?" Walang emosyong tanong ni Taxon.

"Kasi.. kapag mahal mo ang isang tao. Mahal mo rin ang mga mahal niya.. kabadingan pero.." nagkamot ako ng ulo. "Mahal ko rin kayo."

Napatayo ng tuwid si Taxon at ni-relax na ang kamay na nakakuyom kanina.

"Is that so?" taas kilay na tanong ni Diamond.

"Yeah. Subukan mo kayang magmahal Diamond nang malaman mo kung ano ang nararamdaman ko. Mahal ko si Shine Clear kahit pa sadista ang taong iyon wala naman papantay sa kaniya. Mahal ko siya." Pinakadiinan ko pa ang huling salita.

"Kaya hindi ko kailangang patunayan ang pagmamahal ko sa paglaban sainyo, mali 'yon. Dapat nga patunayan ko sainyo kung gaano ko kayo kamahal at kung gaano ko pinahahalagahan ang mga taong mahal niya."

Itinaas ni Taxon ang kamay. Nagtataka ko iyong tiningnan. Lumabas siya ng ring pero ang dalawa ay nandito pa din. Nakatingin lang sa akin. Maya-maya ay si Kil naman ang nagtaas ng kamay tumalikod pero tumigil saglit.

"You're really a master" kahit hindi si Kil nakatingin sa akin alam kong nakangisi siya.

Lumabas siya ng ring naiwan si Diamond na nakataas pa din ang kilay. Hanggang sa isang matunog na buntong hininga ang pinakawalan ni Diamond at itinaas ang kamay. Tumunog ang bell at nalilito kong tiningnan silang lahat.

'Yon na 'yon? Done? Ang pogi ko talaga.

Umalis na sila at nagsipagtalikuran. Walang nagsalita pero pakiramdamam ko tagumpay ako sa unang patunay.

Hinatid ako ni Taxon sa isang malaking kwarto. Hindi niya ako kinausap kahit pa dinadaldal ko siya.

"Sleepwell, Jave. Huling patunay na ipaglaban mo si Shine."

Tumalikod siya at iniwan na ako. Tumingin lang ako sa kisame. Masaya ako dahil tagumpay pero hindi kayang mangibabaw ng sayang 'yon kung wala si Zeal sa tabi ko.

Pinilit ko nalang matulog dahil ayaw ko nang maramdaman ang pangungulila ko sa kaniya. Masyadong masakit.

Niyakap ko ang unan at nag-imagine na siya ang niyayakap ko.

Ang sakit ng dibdib ko, baby.

Gustong-gusto na kitang makita kaya bukas tatakbuhin ko ang bundok para marating kita agad.

Tiningala ko ang itaas ng bundok. Siguro mga tatlumpong minuto ko iyon mararating.

Baliw ka na, Jave.

Wala ang atensyon ko sa kanilang nag-aayos ng mga sandatang gagamitin. Kung anuman ang mga iyon ay wala na akong pakialam ang akin lang ay kung papaano ako makakarating agad ng tuktok para makita na siya.

Kumulog nang malakas kaya naman natigilan kaming lahat. Mukhang uulan pa yata. Ang sama ng panahon.

Lumapit si Diamond sa 'kin at binigyan ako ng bottle of water.

"You don't need a good luck." Iyon lang at tinalikuran niya na ako hawak niya ang espada.

Espada pa kinuha niya hindi niya naman ako kayang saktan.

Muli kong tiningala ang tuktok. Napatingin lang ako sa harap ko nang ibigay sa akin ni Ariya ang orasan na bilog, maliit lang iyon.

"Sa loob ng 30 minutes sumunod ka sa loob ng gubat"

Tumango lang ako at ngumiti.

30 minutes pa?

Napabuntong hininga ako wala bang mas maaga? Hindi naman pwedeng sumuway dahil mamamatay daw ako at ang pamilya ko. Hindi ako pwedeng mamatay gagawa pa nga kami ni Zeal ng isang dosenang anak.

Nagsimula na ang patunay mabilis akong pumasok sa loob. Naramdaman ko ang palasong gustong tumarak sa likod ko kaya napailag ako. Nakita ko si Lauressa. Akmang paliliparin nanaman niya ang palaso pero mabilis na akong tumakbo. Tinangka niya pang habulin ako pero hindi niya na ako naabutan. Napasandal ako sa puno dahil sa pagod. Malayo agad ang narating ko.

May lumipad na kutsilyo, dahil alisto ako nailagan ko nanaman. Nakita ko si Lucio na matalim ang tingin. Susugod siya sa akin pero mabilis akong tumakbo sa kanan ko. Naabutan niya ako at nasuntok sa pisngi. Ang lakas pala niya sumuntok. Akmang susuntok nanaman siya pero umilag na ako at nang makakuha ng pagkakataon ay takbo nanaman ang ginawa ko.

Napahinto lang ako nang tumulo ang ulan sa mukha ko.

Shut! It's raining.. Rain rain go away come again another day.. Poging Flair want to slay.. shut!

Nagdilim na ang langit at hindi ko na masyadong makita ang daan. Nagmadali nalang akong tumakbo pero paulit-ulit akong nadulas. Madulas na ang daan. Pumasok sa isip ko na kung ako ay nadudulas paano na sila?

Nakita ko si Taxon na nakaupo at nakatingala lang sa langit. Hinahayaang pumatak ito sa mukha niya.

Emote hikhik.

"Go run" walang emosyong sabi niya. "Shine is waiting to you."

Hindi ako nakakilos. Tiningnan ko lang siya.

Hindi niya ba ako papatayin? Thank you kung gano'n.

"Kapag hindi ka umalis sa harap ko" itinutok niya ang shotgun. "Papuputukin ko ito."

Sungit! Shut! Mas pogi pa rin ako saiyo.

Tumakbo nalang ulit ako pero natigilan ako nang humarang si Diamond sa harap ko. Naitutok niya ang espada sa mismong leeg ko.

"Ayaw kong gawin ito pero walang forever" ngumisi siya. Napapikit nalang ako nang akmang patatamain niya iyon sa leeg ko.

"Duh! Run!" asik niya.

Run? Run! Run! Pagod na ako!

Tiningnan ko nalang siya bago siya tuluyang iwan.

Siguro mahal nila si Zeal para patakasin ako dahil kilala ko kung gaano kalakas ang mga iyon.

Bakit ngayon ay hindi nila ako magawang saktan?

Nagawa ko pang hawakan ang ilong ko. Tiningnan ko kung buo pa dahil baka naman natamaan na. Ang nag-iisang yaman ko.

Patamaan niyo na lahat 'wag lang ang matangos kong ilong.

Napamura ako nang may malaglag na sanga sa harap ko na muntik na akong malaglagan. Ang lakas ng ulan, nilalamig na ako.

May natapakan akong bato kaya natumba ako pero bangon agad.

May nakita akong mga hayop na posibleng lumapa sa akin pero tinakbuhan ko lang.

Madilim ang daan at wala na akong makita pero pakiramdam ko binibigyan ako ni Zeal ng liwanag para marating ko ang daan papunta sa kaniya.

Paulit-ulit akong nadapa at nagpagulong-gulong dahil sa madulas, maputik at mapanganib na daan pero alinman doon ay hindi ako pinanghinaan ng loob para sumuko.

Napahinto lang ako nang may tumutok sa ulo kong baril, si Resttan. Nagpambuno kaming dalawa para agawin ko iyon sa kaniya. Pumutok ang baril at kung saan-saan tumama. Nagpagulong-gulong kami dahil inaagaw ko ang baril. Hanggang sa isang sigaw ang nagpahinto sa aming dalawa.

"Ariya kumapit ka lang! Tulong!" Boses iyon ni Kil.

Napatayo agad ako at inikot ang mata kung nasaan sila. Itinutok sa akin muli ni Resttan ang baril.

"Time first lang baka kasi may nangyayari ng masama kay Kil at Ariya. Mamaya na tayo magpambuno." Sabi ko sa kaniya. Natigilan siya.

Tumalikod ako at hinanap sila Kil. Nakita ko si Kil na hawak si Ariya at malalaglag na ito sa bangin. Nanlaki ang mata ko dahil sobrang taas noon. Ikamamatay niya kung malalaglag siya doon. Nagmadali akong lumapit at hinila rin siya pataas. Lumapit din si Resttan at pinagtulungan naming iakyat siya. Sa dulas ng kamay niya ay muntik-muntikan laging mabitawan.

Tiningnan ko ang ibaba ng bangin parang may maaapakan pa doon.

Kung bumaba kaya ako at nang maitulak ko siya pataas?

Nagmadali akong bumaba.

"What are you doing?! Delikado diyan!" asik ni Resttan. Nginitian ko lang siya.

Nang makababa ako ay tinulak ko si Ariya paakyat nagtagumpay kaming maitaas siya. Nadulas nga lang ako.

"Jave!" tawag ni Kil at inilahad ang kamay niya upang hatakin ako.

Akmang kukunin ko na iyon pero dumulas ang paa ko.

"JAVE!" Malakas na sigaw nilang tatlo.

Nalaglag ako at nagpagulong-gulong pababa. Naikapit ko ang kamay ko sa sanga. Katapusan ko na kapag nakabitaw ako. Sinilip ko ang ibaba, hindi pa pala tubig naman ang ibaba noon. Ipinikit ko nalang ang mata at hinayaang lumagpak ang sarili sa tubig. Mabilis akong lumangoy at kinapa ang sarili nang makaahon.

Mamaya may pating pa dito.

"Shut! Buhay pa ako!"

Nagmadali akong tumayo at tumakbo nanaman paakyat. Walang habas na takbo ang ginawa ko. Nagtaka lang ako dahil wala na akong nasalubong ni-isa sa kanila. Napangiti ako nang marating ang tuktok.

"No!!!! Hindi siya pwedeng mamatay. Hanapin niyo! Baka naman nandoon lang siya! Please! " umiiyak na sabi ni Zeal.

Nakayuko ang lahat at umiiyak ang ilan, lalo na si Diamond.

Love din ako!

Humahagulgol sa iyak si Zeal habang yakap ni Taxon.

Akala siguro nila patay na ako?

Hindi agad-agad namamatay ang guwapo na impakto.

Pinanood ko pa sila saglit. Nagwawala si Zeal at ilang ulit na nagpumiglas kay Taxon para bumaba at hanapin ako.

"Hindi ko kaya! Hanapin natin si Flair. Nandoon lang siya kasi sabi niya babalikan niya ako darating siya! PLEASE! Hindi ako mabubuhay ng wala siya! ! No! PLEASE! FLAIR!!!!" grabe ang iyak ni Zeal.

"Sigaw ka nang sigaw nandito lang naman ako, cherish."

Natigilan silang lahat at napatingin sa akin. Huminto sa pag-iyak si Zeal at diretsong tumakbo para yakapin ako.

"Sabi ko na buhay ka!" Pinaghahampas niya ako. ". Sisipain talaga kita kung namatay ka!"

Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. Tumulo na rin ang kapirasong luha ko.

"We can live happily, baby cherish" bulong ko sa kaniya at hinalikan ko sa ulo.

Hagulgol niya lang ang naririnig ko. Nakangiti na silang lahat sa akin ngayon. Umuulan man ay hindi na alintana iyon.

"JAVEN FLAIR IMPERIAL, WE'RE NOW ACCEPTING YOU IN THE FAMILY" nakayuko at puno ng respeto nila iyong sinabi sa akin.

"JAVEN FLAIR BAIDER, YOU CAN NOW MARRY SHINE CLEAR AND BE HAPPY FOR THE REST OF YOUR LIFE!"

Yumuko din ako. "Thank you for the hottiest acceptance. Isang ngiti nga diyan" nagtawanan silang lahat.

Napuno ang gabing iyon ng kasiyahan. Ang bilis ko daw nakarating dahil karamihan sa dumadaan sa patunay inuumaga na.

"Master!" tinapik ako ni Kil sa balikat. "Walang kupas. Paano ka nakaligtas sa matarik na bangin?"

"Lumipad ako ." pagbibiro ko.

"May pakpak pala ang impakto ." biro rin niya pabalik.

Simula kanina ay hindi tumikal sa pagkakayakap sa baiwang ko ang babaeng over melanin.

"Gusto mo idikit na kita sa akin? " pagbibiro ko sa kaniya.

"Ayaw ko lugi ako "

Hinapit ko siya at hinalikan sa ulo.

"Sinungkit, nakamit, nagpaakit, over melanin Zeal! " pang-aasar ko sa kaniya.

"Habang tumatagal nagiging corny ka na" inirapan niya ako.

"Sweet corn?"

"Ay, ewan ko saiyo! Sipa you want?"

Nilapit ko ang nguso ko sa kaniya.

"Sipain mo ng labi mo." Mapang-asar ko siyang nginisian pero nanlaki ng perfect circle, 360°, ang mga mata ko nang halikan niya nga.

"Tinatago ang kilig?" Mapang-asar siyang tumawa.

Nakagat ko nalang ang labi ko para hindi lumabas ang malapad kong ngiti. Bading.

Suongin ang patunay para sa pagmamahal.

Kahit malaglag sa bangin ikaw pa rin ang iisipin.

Feeling swabe mover...

Sa sobrang saya ko nagawa kong sayawan sila. Namangha naman silang lahat.

Tot tot torot tot tot tot tot tot tot torot savage love... XD

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.