Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 71

Javen Flair's POV

Nanatili kami ng isa pang araw sa isla. Napagpasyahan namin na mag-jets ki.

Nakasunod lang ako kay Zeal habang hinihila ako at nagmamadaling pumunta sa tubig. Nanlaki ang mata ko nang hubarin niya agad ang cover up at itapon sa kung saan. Hinila niya ako at tumakbo pasakay sa jets ki.

"Laban tayo!" Masigla niyang sabi kaya napangisi ako.

"Sure!" Sumakay agad ako at hinubad ang sando, hinagis sa buhanginan.

Nagsuot kami ng life vest.

Wala pa man lang ay pinaharurot na niya, madaya. Hinabol ko siya, ang lakas ng tawa niya. Ginitgit niya ako kaya lumaban ako. Naggitgitan kaming dalawa.

"Waahh! Tatalunin kita!" sigaw niya sa akin.

"Kung kaya mo!"

Nagawa niya pa akong abutin ng kamay niya at suntukin.

"Ouch!"

"I like when you say 'ouch'." Ginaya niya pa ang mukha ko.

Inabot ko ang baiwang niya at hinila siya hanggang mapunta sa likod ko.

"Ang daya." Nakanguso niyang sabi pero yumakap naman.

Pinaharurot ko ang jets ki habang nakayakap lang siya sa likod ko. Ramdam ko ang labi niya sa balat ko.

"Can we stay happy forever?" Malambing niyang sabi.

"We're happy. Minsan lang talaga hindi natin maiiwasan maging malungkot that's life pero para sa akin kasama lang kita at si Shivelle masaya na ako."

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"I love you.." sa lambing ng pagkakasabi niya naramdaman ko nanaman ang puso ko.

Dug.dug.dug.

Hindi talaga siya mapapagod na tumibok para sa over melanin na ito.

"I love you more than you love me, cherish." Inabot ko ang ulo niya at hinalikan ang tuktok no'n.

Pinakiramdaman namin ang masarap na hangin na dumadampi sa balat namin.

"Impakto.."

"Yes, baby?"

"Gusto mo bang magka-anak ulit?"

Napangiti ako. "Ayaw ko kung ayaw mo. Kung ano lang ang gusto mo 'yon ang gagawin ko."

"Hindi ka ba magtatampo o magagalit o maghahanap ng iba?"

Natawa ako nang malakas. "Tinotoyo ka ba? Syempre hindi! May anak na ako 'no? Okay na 'yon at ayaw ko rin na mahirapan ka ng magbuntis tulad noong pinagbuntis mo si Shivelle, awang-awa ako saiyo."

"Talaga? Hindi mo na hihilingin na magka-anak ng isa pa?" Sinilip niya ang mukha ko.

"Hindi na." Ngumiti ako sa kaniya.

Hininto ko na ang jets ki. Lumubog kami sa tubig.

"Patagalan sa ilalim." Nakangiti niyang sabi.

"Sige ba!"

Ilang minuto pa ay lumubog na siya. Umahon ako at dinaya siya. Napabungisngis ako habang nakatingin sa nakalubog niyang mukha. Nang akmang aahon na siya ay lumubog ako at saka umahon na.

"I won!" Sigaw ko.

Napasimangot siya. "Alam mo kung ano ang prize?"

"Ano?"

Tumingkayad siya at ipinulupot ang kamay sa batok ko. "A kiss."

Natigilan ako at nanlaki ang mata nang halikan niya ako. Nabading nanaman ako dahil sa kilig.

Umahon kami at humiga siya sa buhanginan kaya humiga rin ako at tumabi sa kaniya, yumakap naman siya sa baiwang ko at pinatong ang kaliwang hita sa hita ko. Maaga pa kaya hindi pa tirik ang araw.

"Kung hihiling ka ba ngayon anong gusto mong hilingin?" Tanong ko sa kaniya at inayos ang braso para maunan niya.

"Ang hiling ko... sana 'wag tayong magkasakit para matagal tayong magkasama hanggang sa pagtanda." Tiningala niya ang mukha ko. "Ikaw?"

"Kaparehas ng sa'yo."

Namayani ang katahimikan. Matapos namin doon ay naglakad kami saglit hanggang pumasok na sa loob. Iniligpit na namin ang mga gamit dahil uuwi na rin kami.

Nakadapa siya sa kama at nagtitipa sa phone. Nagandahan ako kaya kinuha ko ang phone at pinicturan siya.

Beautiful!

Tumabi ako sa kama at pumatong sa likuran niya. Ang hilig niya talagang magsando at short, buti ako lang ang kasama niya pero kung sa labas at maraming tao mag-aaway nanaman kami nito. Dinampi-dampian ko ng halik ang balikat niya bago sinilip ang ginagawa niya sa phone. Nakunot ko ang noo nang makitang ka-text niya si Nel Jan.

From: Nel Jan

Mabuti, okay na kayo.

To: Nel Jan

Ya. Thanks

"Bakit mo ka-text 'yan?"

"Wala nangumusta lang. Impakto! Ang bigat mo!"

Umalis ako sa pagkakadagan sa likod niya. "Uuwi na tayo ng Makati dahil nanganak na si Ali."

"Talaga?! Woah! Excited na ako!"

Nang makarating kami sa Makati ay diretso agad kami sa hospital. Tumakbo ang over melanin nang makita ang baby na karga ni Ali.

"Hi! Baby! Pakarga!" Kinuha niya agad ang baby.

"Si preng Jave inggit, gawa ulit!" Nakangising sabi ni Rev.

"Ayaw ko na. Buti kung ako ang manganganak."

"Hey! People!"

Nagulat ako nang may bumatok sa likod namin ni Rev. Ang lokong si Kean. Binatukan din namin siya ni Rev. Ganito kami magbatian.

Nagtiim ang bagang ko nang makita si Nel Jan, malapad ang ngiti.

Palalampasin ko ang panghahalik mo nanaman sa asawa ko dahil may mabuti kang ginawa para magkaayos kami. Sa susunod pasasabugin ko bahay mo.

Galit kong sabi sa isip ko habang matalim na nakatingin sa kaniya.

"Impakto! Tingnan mo ang cute!" Lumapit ako sa kaniya at sinilip ang baby.

Guwapo ng anak nila, kamukha ng siraulong si Rev.

"Anong pangalan?" Tanong ni Zeal.

"Renvert Aliro Sin," nakangiting sabi ni Ali.

"Woah! Ang ganda parang kailan lang toknonong, talolong ang pangalan?" Napahagalpak kami ng tawa sa sinabi ni Kean.

"Ginandahan ko na. Pogi rin kasi ang pangalan ko, Revnel Han Sin, dapat sa kaniya rin."

"Makasalanan," nakangisi kong sabi.

"Poging Sin." Nagpa-pogi pa si Rev.

Napangiti ako nang pagmasdan ko ang ngiti ni Zeal habang wiling-wili sa bata. Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang mapasulyap kay Nel Jan at nakangiti ring tinitingnan ang asawa ko. Lumapit ako at tinabingan siya para hindi niya pakita. Tuwing sisilip si Nel Jan lilipat ako para hindi niya makita si Zeal hanggang sa parang nagpatintero kaming dalawa.

"Pre.. anong problema mo?" Humagalpak ng tawa si Kean. "Bakod na bakod ang asawa?"

Matalim kong tiningnan si Nel Jan, nainis ako nang ngumisi siya.

"Selos much." Nang-aasar na sabi niya.

Ang sarap paduguin ng bibig at laplapin ng kutsilyo ang labi niya. Kung alam niya lang pinapatay ko na siya sa isip ko.

"Grabe ka naman, pre. Makatabing ka kay Nel Jan. Kahit kuko ng asawa mo ayaw mong ipakita sa kaniya," tumawa rin si Rev.

Kung alam niyo lang ang ginawa ng legendary playboy na 'yan.

Sarap i-salvage.

Galit na galit, Jave?

Tahimik lang si Zeal, alam niya namang may nagawa itong Nel Jan na ito pero kaibigan niya pa rin.

Tinakpan ko ang mukha ni Zeal para hindi makita ni Nel Jan.

"Impakto, ano ba! 'Yong baby."

Medyo niluwagan ko ang hawak sa kaniya. Ibinigay niya na ang baby kay Ali, kinuha naman ni Rev.

"I'm your handsome dad kotong lupa."

Binatukan ko si Rev. "Loko ka! 'Wag mo ngang tawaging kotong lupa ang anak mo."

"Tuwang-tuwa nga siya, oh, tingnan mo ngumingiti," sinilip ko ang baby nakangiti nga.

Mana sa tatay na loko-loko.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Ali?" Tanong ni Zeal sa kaniya.

"Okay naman. Masakit lang ang katawan pero okay naman na."

"Congrats saiyo!" Niyakap pa niya si Ali.

"Elle." Akmang lalapit si Nel Jan humarang ako.

"I'm warning you." Madiin kong sabi sa kaniya.

Tinaas niya ang kamay, sumusuko. "Fine. I know my mistake. I'm sincerely apologize." Diretso niyang tiningnan ako sa mata. "Pero nakabawi naman na ako 'diba?"

Matalim ko pa rin siyang tiningnan. "Sabihin na nating oo pero tandaan mo isa pang mali mo.." inilapit ko ng bahagya ang mukha ko. "You'll never see the next morning."

Tumango siya. Nagugulat ko siyang tiningnan, tanggap niya ang pagkakamali niya. That's what I can see.

"Okay, Jave. I keep that in mind. I'm sorry again." Inabot niya sa akin ang paper bag. "Gusto ko lang ibigay sa kaniya sana pagbigyan mo ang hiling ko."

Tinanggap ko ang paper bag kahit tiim pa rin ang bagang.

Tinaas niya ang isang kamay, nangangako. "Wala akong gagawin, promise. Hayaan mo lang ako na maging kaibigan niya at lalo na ni Shivelle. Please lang."

"Okay."

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" Kunot noong tanong ni Kean.

"Wala, pre."

Inabot ko kay Zeal ang paper bag. Natuwa siya nang buksan.

"Cookies!" Kinagat niya agad.

Sinulyapan ko si Nel Jan, ngumiti siya sa akin. "Salamat, Jave."

Hindi ko na sinagot 'yon. Tumabi na lang ako sa asawa kong ngayon ay masiglang kinakain ang ibinigay ni Nel Jan.

Natigilan ako nang may isinusubo siya sa akin, sinusubuan niya ako ng cookies.

"'Diba gusto mo rin ito, baby?" Malambing niyang sabi, ngumiti ako at tumango bago isubo ang cookies.

Pinunasan ko ang labi ni Zeal at kumuha ng tubig para painumin siya. Siya naman ay tinawagan niya si Shivelle.

"Hi, my angel. May ipapakita ako saiyo. Sobrang cute nito." Nakangiting sabi ni Zeal.

"What's that, mom?" Tumalon ang puso ko nang marinig ang munting tinig na iyon ni Shivelle.

Lumapit si Zeal kay Rev at ipinakita sa camera ang baby.

"Wow! Mommy, the baby is cute! Is it a girl or a boy? Is that tito Rev's baby?" Masiglang sabi ni Shivelle at nakita kong tumatalon pa.

"He's a boy. Meet Renvert Aliro Sin, yes baby, he's tito Rev's son."

"Can I play with him?"

"Yes. When he's on the right age. Look, my angel. Pogi 'diba?"

"Ya. Ya. Ya!"

Nakangiti kong pinagmasdan si Zeal at sinisilip si Shivelle sa phone.

"Mommy, do I have a sibling?"

Parehas kaming natigilan ni Zeal at nagkatinginan.

"Why? You want?" Nakangiting tanong ni Zeal.

Nakikita ko na kapag sinagot ni Shivelle ng 'oo' 'yon ay papayag siyang magkaanak ulit kahit pa mahirapan siya pero ayaw ko na rin ang sakit niyang makitang nahihirapan.

"Ayaw." Ngumuso si Shivelle. "Gusto ko I'm the only baby." Nagsalong baba pa siya. "Lolo told me kasi na kaya raw hindi pa ako uuwi kasi gusto niya ng isa pang apo." Uutal-utal niyang sabi.

Ohh? Kaya pala hindi pa rin inuuwi si Shivelle. Si lolo talaga, makadahilan wagas. Akala ko si Resttan ang ayaw magpauwi sa kaniya. Si lolo pala.

"Talaga? Sinabi niya 'yon?" Napahagalpak ng tawa si Zeal.

"Ya. Ya. Ya."

Sinilip ko siya sa camera. Nang makita ako ay lumaki ang mata at ngumiti.

"Daddy!"

"Miss me, my Shivelle?"

"Yes, daddy!"

"I'm going there."

"Yehey!"

Pupunta na talaga ako roon. Grabe na ang pagka-miss ko sa anak ko. Tiningnan ako ni Zeal.

"Are you sure? 'Wag mo siyang paasah--"

"Pupunta tayo ro'n, baby. Bukas na bukas din."

"Yehey." Yumakap si Zeal sa akin, bigla ay nakita ko ang reaksyon ni Shivelle kani-kanina lang sa kaniya. Sarap naman sa feeling ng yakap niya, nakakabading.

Matapos ang tawag ay pinagkaguluhan namin ang anak ni Rev.

"Ano, Jave, hanga ka sa genes ko 'no? Guwapo, oh."

"Oo na."

"Ano kotong lupa? Tuwa ka 'no dahil ako ang tatay mo? Wait ka lang gagawa ulit kami ng isa pa." Pagkausap ni Rev sa anak.

Natawa naman kami nang sampalin siya ni Ali.

"Hoy! Revnel Han Sin, kung akala mong madali lang manganak maghiwalay na lang tayo!" Asik sa kaniya ni Ali.

Nanlaki ang mata ni Rev at nilambing ang asawa. "Joke lang. Ito naman si Ali my life."

Pinagtawanan lang namin ang hitsura ni Rev, hindi siya pinansin ng asawa.

"At ikaw naman?" Baling ni Kean kay Nel Jan. "Kailan mo balak mag-asawa?"

"Chill, dude. Naghahanap pa ako."

Buti naman naghahanap siya dahil kung asawa ko pa rin ang didikitan niya malilintikan talaga siya sa akin.

"Naghahanap ako ng kamukha ni Elle." Ngumisi siya at tumingin sa akin.

Okay na sana, eh. Dinugtungan pa niya.

"Ay, nako. 'wag mong pikunin si Jave tingnan mo ang mata niyan tingin pa lang tutunawin ka na baka magmalay ka na lang namatay ka na nang hindi pa nakakapag-asawa." Dire-diretsong ani ni Rev, halos walang hingahan, kadaldalan niya talaga.

Umakbay sa akin si Nel. Gusto kong tanggalin ang braso sa pagkakakabit sa katawan.

"Bati na kami ni Jave." Malapad siyang ngumiti.

Kailan ko sinabing bati na kami? Bahala ka sa buhay mo.

Kinarga ko ang baby, natuwa naman ako dahil pangiti-ngiti ito parang masayahing bata tulad ng ama. Hinaplos ni Zeal ang pisngi niya at natuwa pa siya nang hawakan ng maliit na kamay ang hintuturo niya.

"Ohh. I remember Shivelle Flear when she was new born. She's adorable."

"Yes, baby." Nakangiti ko ring sambit.

Inayos pa ni Zeal ang buhok na bumabagsak, inilagay sa tainga.

Tumambay lang kami sa hospital hanggang maggabi dahil sa baby. Natutuwa rin kasi akong may anak na si Rev.

"Congrats, pre." Tinapik ko ang balikat niya. Nakangiti niya akong binalingan.

"Sarap pala sa feeling ng magka-anak."

"Yeah, dapat noon mo pa ginawa."

"Tumatalon ang puso ko." Maloko pa niyang inilagay ang kamay sa dibdib niya at kunwaring tumatalsik ang kamay.

"He's the best gift to me." Emusyonal na sabi ni Rev, kitang-kita ang saya niya. "My Renvert Aliro Sin."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.