Z4: THE LOST BAIDER (BOOK 2) Chapter 72

Shine Clear's POV

Nasa eroplano kami ni Flair. Tulog siya sa balikat ko kaya hinaplos ko ang pisngi niya. Seryoso talaga siyang pupuntahan namin si Shivelle Flear.

Nang marating namin ang mansyon nagulat ang mga Baider nang makita kami ni Flair.

"Hey! Why are you two here?" Tanong ni Kil at lumapit sa akin para yumakap. Na-miss ko rin siya.

"Kukunin na namin si Shivelle. Ayaw ninyo iuwi, ah." Si Flair ang sumagot.

"Why? Do you have second baby?" Nagulat ako nang sumulpot si lolo.

"Lolo!" Lumapit si Flair kay lolo at nagtapikan sila ng balikat. "Wala lolo, kawawa naman kasi ang asawa ko kapag nagbuntis ulit."

"Ohhh. Sayang. Ito kasing mga ito." Tinuro ni lolo si Diamond, Kil at Taxon. "Ang tagal mag-asawa."

"Lolo, I'm too young," sabi ni Kil.

"I hate love," nag-roll eyes si Diamond.

Bigla namang tumalikod si Taxon, ayaw magsalita at iniwan kami.

"Where is Shivelle?"

"Outside." Mataray na sabi ni Diamond.

Kailangan ba laging magtaray?

Para siyang lagi akong kaaway o kung sinuman.

"Shivelle Flear." Nakangiting sabi ni Flair habang ako naman ay nakakapit sa braso niya.

Nang lingunin kami ni Shivelle ay nanlaki ang mata niya at gumuhit ang ngiti sa labi niya. Bigla siyang tumakbo at binitawan ang arnis.

"Mommy! Daddy!"

Sinalubong siya ng ama at binuhat. Hinalik-halikan siya sa pisngi. Yumakap ako sa kanilang dalawa.

"Miss na miss ko ang baby ko." Mahigpit pa ring yakap ni Flair si Shivelle.

"I miss you, too, dad, mom!"

Mahigpit ko siyang niyakap at katulad ng ginawa ni Flair ay hinalik-halikan ko rin.

"Kumain na ba ang aking anak?" Malambing kong sabi, umiling naman siya.

Karga siya ni Flair at ipinasok namin siya sa loob. Grabe ang pagka-miss ko sa kaniya. Nakikita ko rin ang pananabik ng ama na halos hindi na bumitaw sa pagkakayakap. Humalik ako sa pisngi nila parehas.

"Palagi akong naiinggit sa inyo."

Napalingon kami sa nagsalitang iyon, si Taxon. Nasa kusina kami ngayon at pinaghahanda ng pagkain si Shivelle.

"Go and find your wife, Taxon," sabi ko sa kaniya.

"Actually, I found her, but sad to say she doesn't love me." Malungkot ang mata niyang binalingan kami at hinaplos ang buhok ng pamangkin.

"Paano mo nalamang hindi ka mahal? Tinanong mo ba?"

"May boyfriend siya, paano niya naman ako mamahalin?" Umupo si Taxon sa tabi namin ni Flair. "Ikakasal na nga 'yon noon. Baka nga ngayon kinasal na."

"Bakit baka? Hindi mo na kinausap?" Singit ni Flair.

"Iniwan ko. Sabi ko pupunta ako dito pero hindi na ako nagpakita pa. Ayaw kong umuwi dahil siguradong pupuntahan ko siya. Magugulo ko lang ang buhay niya."

"Paano mo nasabing magugulo mo?" Tanong ko.

"Kasi she loves his boyfriend. Nag-aaway sila kapag lumalapit ako kay Vinea pero sasama ako sainyo pabalik sa Pilipinas. I want to check if she's okay."

Tinapik ni Flair ang balikat niya. "Magtiwala ka lang. Si Zeal nga hindi naman ako gusto niyan. Naghintay lang ako at ngayon napasaakin din."

"Hoping.."

"Walang masamang kapitan ang pag-ibig na walang kasiguraduhan," sinserong sabi ni Flair. "Maghintay ka lang darating din ang para saiyo."

"Tito, is that the girl on your wallpaper?" Napatingin kaming tatlo sa maliit na boses ni Shivelle.

"Yeah."

"The girl with a gumamela on her ear. She's not pretty. I'm more pretty than her."

"Ohh men.. ayaw mo lang may ibang baby si tito, eh." Nakangiting sabi ni Taxon. Si Shivelle naman ay sumimangot.

Pinakain ko si Shivelle, tuwang-tuwa ang bata at halos hindi na umalis sa pagkakakarga sa ama niya.

"Paano 'pag nagka-baby ulit ang mommy at daddy mo? Syempre hindi ka na baby." Nakangising sabi ni Taxon.

"No!" Hinalikan niya ang pisngi ni Flair. "'Diba daddy ako lang ang baby?"

Nakangiti siyang tiningnan ni Flair. "Yes, baby."

"Spoiled." Nakaangat ang labing sabi ni Taxon.

"I hate you! I'm so annoy! Argh!" Napalingon kami kay Diamond na galit na galit sa kausap niya sa phone.

"Diamond, why are you shouting?" Tanong ni Taxon.

"Because that babaerong Tylev went to the bar and find her girl kapag daw hindi ako umuwi!" Nag-roll eyes siya.

Napamaang ang labi naming tatlo.

"Sino si Tylev?" Sabay pa naming tanong.

"Ah--" nag-iwas ng tingin si Diamond. "Si Tyron Levrill Zabala."

"Si Tyron? As in that Tyron na nakaaway namin noon?"

"Yeah."

"Your boyfriend?" Nakangising sabi ni Flair.

"No!" Asik ni Diamond, inis na inis.

"Hmm? Your love?" Nakangisi pa ring sabi ni Flair.

Talaga itong impakto na ito hilig mang-asar.

"Hmm. N-no. Alis na nga ako." Tumalikod agad si Diamond at mabilis na naglakad.

Nagkatinginan kami ni Flair. Siguradong uuwi rin ang isang 'yon.

"Iwan ko muna kayo." Umalis na rin si Taxon.

Si Shivelle Flear naman ay masiglang kumakain.

"Nak, gutom na gutom ka parang isang buwan kang 'di kumain, ah?" sarkastikong sabi ni Flair sa anak.

"Shalap kumain!" Dinilaan pa ni Shivelle ang palibot ng labi niya.

Lumapit ang bibig ni Flair sa tainga ko. "Nakita mo 'yon? Ganyan na ganyan hitsura mo 'pag nang-aakit."

Natawa naman ako sa kaniya. "Dad, don't plan to make another baby! You promise?"

Sabay kaming napatingin kay Shivelle. Gusto niya talaga siya lang ang anak. Possessive tulad ng daddy niyang abnormal.

"Okay! I promise!" Humalik pa si Flair sa ulo niya.

"Hey, there! Two love birds with one baby! Inom tayo!" Nakangiting sabi ni Kil. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng alak.

"Tara at nang mapag-usapan natin ang buhay pag-ibig mo," nakangising sabi ni Flair.

"Wala ako no'n," tumawa si Kil.

Matapos pakainin ni Shivelle Flear ay inihatid namin sa kwarto para matulog na siya.

"Daddy." Nakayakap ang maliit na kamay niya sa batok ng ama habang nakatunghay naman sa kaniya si Flair.

"Yes, baby?" Nakangiting sabi ni Flair.

Nakaupo lang ako sa gilid ng kama at pinapanood sila.

"Can you buy me lots of chocolates?" Nagpa-cute pa siya.

"Okay, but now you need to sleep."

Hinaplos ko ang noo ni Shivelle hanggang ulo.

"Mom.." naglalambing na tawag niya.

Gano'n niya siguro kami ka-miss kaya kanina pa siya nakangiti.

"Can you sleep here?"

"Yes, my angel." Tumabi ako sa kaniya, humiga rin si Flair at napapagitnaan na namin siya.

"Yey!" Malambing na humawak sa pisngi namin ni Flair si Shivelle. Magkasabay kaming tumagilid ni Flair at niyakap siya. Hanggang makatulog na kami. Nagising lang ako nang may humaplos sa pisngi ko.

"I'm going out, cherish. Nagyayaya ang mga pinsan mo na uminom," bulong ni Flair.

"Sasama ako." Bumangon na ako at humalik sa noo ni Shivelle, mahimbing na siyang natutulog.

Humalik din siya sa noo ng anak bago kami lumabas ng kwarto. Naabutan namin sa balcony sila Diamond, Kil at Taxon na naghahanda na sa pag-inom.

"Tara. Let's drink! Yooh!" Tinaas ni Kil ang baso.

Nag-cheers kaming lima.

"Cherish, 'wag ka masiyadong uminom, okay?"

Tumango ako sa kaniya.

"Oh. ngayon let's talk about the individual's lovelife," nakangising sabi ni Flair. "Hindi naman kayo magyayaya na uminom kung wala kayong dinaramdam. 'Wag na magtago tayo-tayo lang, eh. It's time to us to know what's the problem," dire-diretsong sabi ni Flair at lumagok.

Sunod-sunod ding lumagok ang tatlo bago magsalita.

May problema nga.

"Simulan natin kay Taxon. Hanap ka ng iba. Magpapakasal na 'yong tao, jusmiyo naman," diretsong nilagok ni Flair ang lahat ng alak sa baso niya.

"Baby.. mamaya lasing na lasing ka na agad," saway ko sa kaniya.

"I'm okay, cherish. I badly need this to help these crying hearts." Tinuro niya 'yong tatlo. "Hindi ako naging part ng Baider's family para sa wala. I'm your family and family helps each other," sinserong sabi ni Flair.

Hinangaan ko siya kung gaano katotoo ang emosyon niya at pagmamahal para sa sinumpaan niyang pamilya.

That's my impakto...

"Oh come on. I can't open up I am not into love," tumawa si Kil.

"Shut? Really? How about knowing that Arah is starting to move on? Going out with the other guy? Would you still hide your feeling?"

Natigilan si Kil at muntik pang mabitawan ang baso niya.

"I-is t-that t-true?" Nangangatal pa niyang tanong.

"Of course, anong mapapala ko kung magsisinungaling ako?"

"Yeah, Arah ask me and according to her words she is about to find another man," segunda ko.

"N-no! Dodging no!" Galit na napatayo si Kil. "She's always running towards me, baliw siya sa akin kaya bakit siya maghahanap ng iba?"

Hinampas ko siya. "Ikaw ang baliw! Kung gusto mo pursue her! Pahabol ka palagi.. tao lang din 'yon napapagod!"

Nanlulumong napaupo si Kil at umiling-iling. "I'm afraid of patunay."

'Yon lumabas din sa bibig niya ang totoong rason.

"Me, too," mataray na sabi ni Diamond.

Sabay-sabay naming tiningnan si Taxon.

"A 'lil bit.. wala namang babaeng dadaan do'n para pakasalan ako dahil kinasal na nga yata si Vinea, 'diba?" Malungkot na ani ni Taxon. Tumingala siya sa kalangitan. "She's the only girl I want to marry. Kung hindi siya hindi ako magpapakasal."

Napabuntong hininga kami, kawawa naman ang isang ito. Kay Kil may pag-asa pa parang gago lang dahil laging tinatanggi pero mahal niya naman. Kay Diamond parang mayroon naman kaya nga siya pinapauwi pero kay Taxon parang wala talaga kasi kung siya ang gusto ni Vinea hindi sila magtatagal ng boyfriend no'n na ngayon ay fiance na niya.

"The question, Taxen Kil Baider, are you going back to Philippines with us?" Tanong ni Flair.

"Yes!" Kuyom ang palad pero bakas sa mukha ang pagkakangiti.

Palagi siyang ganito, nakangiti, 'yong tipong laging iisipin ng mga tao na wala siyang pinagdaraanang problema pero sa bawat ngiti niya laging nakatago ang totoong damdamin. Ang mga Baider nga naman palaging nakatago ang enosyon, kung hindi naman walang emosyon.

"Good luck.. men," tinapik ni Taxon ang balikat ni Kil.

"How about Diamond?" Tanong ko sa kaniya.

Iwinagayway niya muna ang buhok bago magsalita.

"I'm going."

"Magkwento ka naman, Diamond," sabi ni Flair at sunod-sunod nanaman na lumagok.

"Baby.." saway ko sa kaniya.

"I'm okay," nginitian niya ako nang malapad.

"Wala akong ikwe-kwento. I really don't know if I'm in love or what," nag-roll eyes si Diamond. "At hindi ko ugaling magkwento."

Isa pa siya, mataray kung umasta pero biglang nagbabago ang pagkatao kapag nasa harap na ng laban at usapang pamilya na nasasaktan. Nakuha ko ang mga ugali nila dahil pamilya ko sila. Kung siya ay palaging akala mo maarte, nakatago rin doon ang kaniyang tunay na nararamdaman, marami siyang iniisip na hindi ko mahulaan. Marami siyang dinaramdam na hindi ko alam.

Sana sabihin niya pero katulad ng sabi niya hindi niya talaga ugali ang magkwento. Sa kabila ng kaartehan niya tikom ang bibig pagdating sa personal na bagay.

Nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga bagay-bagay hanggang sa magtawanan na dahil lasing na sila. Si Taxon kapag lasing matino pa rin, inaantok lang. Si Diamond ang kakaiba, umiiyak siya sa hindi malamang bagay. Si Kil naman ay papikit-pikit na.

"Hey!" Tawag namin kay Diamond kasi susuray-suray siyang tumayo.

"Lilipad ako pabalik ng Pilipinas sasakay ako sa malaking ibon," tumawa siya pagkatapos ay humikbi.

Nababaliw na siya. Napatakbo kami nang humiga siya sa malamig na semento.

"Hey!" Itinatayo siya ni Taxon.

Si Taxon 'yong tipong akala mo masungit, masungit naman talaga pero kapag nakilala mo na siya, makikita mo kung gaano siya kalambing at kaalaga.

Binuhat niya si Diamond at inupo ulit. Tinatawanan siya ni Kil at Flair.

"Noong high school ako naputol ang takong ng heels ko. Nakakahiya dahil habang rumarampa ako sa harapan ni crush, eksaktong naputol. Ang daming tao maging siya ay tumawa," malakas na tumawa si Diamond.

"Sinong crush? May unang lalaki kang nagustuhan?" Tanong ko.

Biglang nagdilim ang mata ni Diamond at humagulgol ng iyak.

"Don't ask her about that guy. Iiyakan ka niyan maghapon, magdamag," sabi ni Taxon kaya tumango ako.

May una pa palang lalaki siyang minahal.

"Ikakasal na da--" natigil si Kil nang bigla siyang sabunutan ni Diamond.

"Don't you dare tell them about my fucking lovelife," umiyak nang umiyak si Diamond.

Bigla ay na-curious ako kung ano 'yon. Siguro nangyari 'yon sa panahong wala pa ako sa buhay nila.

"Hindi ko pa rin makalimutan, ang sakit-sakit!" Humagulgol ng iyak si Diamond, lumapit si Taxon at niyakap siya. Hinaplos pa niya ang buhok nito.

Gano'n si Taxon Ken Baider, the sweetest horrible.

Naaawa namang nakatingin sa kaniya si Kil. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you," sinserong sambit ni Kil.

"It's okay! Just don't talk about it. Ayaw ko ng balikan, please lang 'wag niyo ng sabihin kay Shine," umiiyak pa ring sabi niya.

Lumapit na ako at niyakap siya. "Okay, I will not ask. Just stop crying."

Nauwi sa iyak ni Diamond ang inuman. Tama si Taxon na hindi siya titigil kakaiyak. Siguro 'yon ang pinakamadilim na nangyari sa buhay niya kaya gano'n na lang siya humagulgol. Binuhat na ni Taxon si Diamond at dinala siya sa kwarto.

Malungkot ang matang nakababa ang tingin ni Kil.

"It's my fault, she shouldn't cry if I'm not that blabby."

"Shh. It's okay." Lumapit na ako kay Kil at niyakap siya.

"I'm so bad," bulong niya. "I didn't mean to hurt her. She deserves to be happy." Tumulo ang kapirasong luha ni Kil. "I deserve to be happy too.. why our life sucks? I just want to be happy, but because of that patunay everything is always complicated. They're questions like what if our love ones die? What if they can't survuve? Why do we need to do the tradition if there's another option to stop that, but.. in respect to ancestor..we can't and it's frustrating."

"Wosh!" Napahilamos sa mukha niya si Flair. "Ang gulo ng lovelife ng mga Baider. Akala ko makakatulong ako binuhay ko pa ang mga emosyong nakatago."

Sunod-sunod nanamang lumagok si Flair hanggang malasing na siya.

Inalalayan ko muna si Kil papasok ng kwarto niya at inihiga. Nakapikit na siya, kinumutan ko. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"Arahmel.." at saka pumikit ang mata niya at mahimbing na nakatulog.

"Ewan ko sa'yo! Ang gulo mo! Sabi mo hindi mo gusto tapos ngayon ganyan ka? Go and get, Arah! Taxen Kil Baider!" Asik ko sa kaniya kahit alam kong hindi niya na naririnig dahil humihilik na.

Sunod ay sinilip ko ang kwarto ni Diamond, pulang-pula, hindi naman halatang paborito niya ang pula 'no? Parehas kami pero siya parang adik sa red.

Nakatingin si Taxon sa natutulog na si Diamond kaya tumabi ako sa kaniya.

"Let's go out, Shine. She's sleeping peacefully."

Humalik muna siya sa noo ni Diamond bago kami lumabas.

"Good night," humalik si Taxon sa noo ko bago pumasok sa kwarto niya.

I wonder how sweet he is to Vinea? Kung sa amin ngang pinsan niya ay malambing siya paano pa kaya kay Vinea?

Minsang nakita ko na iyon noong nag-birthday sila ni Vinea. Lahat ginawa niya para dito kahit pa 'best friend' lang ang tingin nito sa kaniya. Hindi siya naghangad ng higit pa ang mahalaga sa kaniya masaya siya.

He's really the sweetest horrible.

Tiningnan ko ang nakatungong si Flair sa lamesa. Parang ngayon lang siya sobrang nalasing nang ganito.

Inalalayan ko siya papasok ng kwarto namin. Kumuha ako ng towel at binasa 'yon. Pinunasan ko ang mukha niya. Tinanggal ko ang pagkakabutones ng polo niya laking gulat ko nang hawiin niya ang kamay ko pero nakapikit pa rin siya.

"I'm married. 'Wag kang haliparot magagalit nanaman ang asawa ko tapos hindi ako papansinin. Mamamatay na ako kapag nangyari pa ulit 'yon," dire-diretso niyang sabi habang nakapikit pa rin at tumagilid ng higa.

"Go and find your own man! Si Shine Clear lang ang babae ko!"

Natigalgal ako sa sinabi niya. Kahit pala lasing siya ay ako pa rin ang laman ng isip niya.

Iniharap ko siya sa akin at tinanggal ang sapatos niya. Tinanggal ko ulit ang pagkakabutones ng natitira pa.

"Go away! Haliparot ka! Kapag nakita ka ng asawa ko patay ka do'n!"

Napabungisngis na ako dahil sa hitsura niya, kunot na ang noo at iritadong-iritado. Asarin ko pa nga. Tinanggal ko ang polo niya at hinaplos ang dibdib niya.

Nagulat ako nang sipain niya ako kaya nalaglag ako sa kama. Hinampas ko siya.

"Siraulo kang impakto ka! Ang sakit!"

"Cherish?" Nagmulat siya ng mata at nakita ako. Agad na ngumiti siya, hinila ako at niyakap. "May nanghaharot sa akin."

"Gaga ako 'yon!"

Hindi na siya nagsalita nang tingnan ko ay tulog na. Hinaplos ko ang pisngi niya.

"Thanks for having a concern to my loving cousins."

______________________________________

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.